"Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola." ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura



Download 117,93 Kb.
bet7/7
Sana25.06.2017
Hajmi117,93 Kb.
#14991
1   2   3   4   5   6   7

“H-Hey! Bakit ba di mo ako kinikibo! Napapanisan na ako ng laway dito! Almost two hours na tayong nagbibiyahe hindi mo pa din ako kinakausap! May problema ba?” sunud-sunod na tanong niya.

“That’s it! That’s why I’m not talking maingay ka masyado! You’re too bubbly to be with!”

“And you’re too boring to be with! Kaya ako napapanisan ng laway dito e!” aniya saka bumaling na lang sa tanawin sa labas ng bintana.

“Dianne…”

Hindi niya ito kinikibo. Patuloy pa rin siya sa pagtingin sa labas ng bintana.

“Dianne… C’mon please kausapin mo na ako. I’m sorry kung nasigawan kita.”

“Ngayon magsosorry ka! Ayos ka rin ‘no! After mo akong sigawan at sabihing bubbly ganyan ang iniinarte mo! Bahala ka diyan! Manuyo ka hanggang mamaya.”

“Will you please stop being childish?”


“And will you please stop talking to me!” pambabara niya.

Narating nila ang reception na hindi nag-iimikan. Napansin din ng Mama niya ang malamig na pakikitungo nilang dalawa sa isa’t isa kaya nilapitan sila nito.

“Kung anuman iyang pinag-awayan niyo, pwede bang magbati muna kayo kakakasal niyo pa lang nagtatampuhan na agad kayo. Nakakahiya din sa bisita niyo. Hala, at magsisimula na ang program para sa inyo.” Anito saka iminuwestra sila nito sa table nila.

Isang mini film ang pinakita sa kanila. A film of both of them form their childhood, high school days at hanggang sa magkita silang muli. Hindi napigilan ni Dianne ang mapaluha sa part ng high school days, ang part na kung saan naganap ang lahat sa kanya.

“Bakit ka umiiyak?” bulong ni James sa kanya.

“Ha? Hindi ako umiiyak talsik lang ng laway mo iyon. Aray!” kinurot siya nito dahil sa pang-aalaska niya.

“Bakit ka ba nangungurot! Lagot ka sa akin mamaya James!”

“Pwedeng hinaan ang boses. Magkalapit lang tayo oh.”

Natameme siya ayaw niyang sayangin ang laway niya sa walang kwentang nilalang na iyon. Mamaya magtutuos tayong tungaw ka!
Dumulog na sa dalampasigan ang ilang bisita niya. Nagtampisaw din sa tubig ang anak nila dahil sa sobrang linaw ng tubig at mapuputi ang buhangin. Parang copycat ng Boracay at White beach sa Palawan. Nakikipaglaro si James kay Chriziah sa may tubig habang siya ay pinapanood ang mag-ama sa may buhangin. Lumapit sa kanya ang isang batang lalaking gusgusin na may dala-dalang plate na may stainless cover.

Nginitian niya ang bata at inabot ang plato, “Kanino ito galling?” tanong niya pero tumakbo palayo ang bata. Napatili at napabalikwas siya ng tanggalin niya ang takip. Isang jar na may maliliit na bubwit na may kasamang larawan nilang mag-ina. Nilapitan agad siya ni James at ng magulang niya.

“What happen—Oh my! Sino nagbigay nito sa iyo anak?” tanong ng Mama niya. Napayakap siya rito ng pagkahigpit dahil sa takot na nadarama niya.

“Babe, sino ang nagbigay sa iyo nito.”

“A young kid… Tumakbo siya agad ng tanungin ko kung kanino galling, I thought na pagkain ang laman kaya binuksan ko agad. Then, iyan na pala laman niyan. It scared the hell out of me.”sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

“James, dalhin mo na sa suite niyo si Dianne. Alam mo namang takot iyan sa mga bubwit. Kami na bahala kay Chriziah, doon muna siya sa suite namin.”

Hindi pa din siya mapakalma kahit anong pakiusap sa kanya. No choice na si James kundi ang buhatin siya papuntang suite nila. Sumubsob ito sa dibdib niya habang humihikbi.

“Shh. Don’t cry now babe. Wala na ang mga bubwit na kinatatakutan mo.” Pagpapatahan nito.

Humihikbi pa din ito habang papalapit na sa suite nila. Dinala niya ito sa kwarto nila. Sumubsob ito sa unan tila batang inagawan ng lollipop. Hindi pa ring nagagawang tumigil.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang papalapit kay Dianne.

“Babe, tahan na. Wala na iyon.”

“I-I’m not scared because of the mice… I’m scared of what my blackmailer can do…” nauutal na wika nito.

Ikinagulat niya ang sinabi nito. “Blackmailer? Who? Kailan pa nagsimulang may magblackmail sa iyo?”

“Nung umuwi ka from your business trip. Natigil iyon ng isang linggo, hanggang sa makatanggap ulit ako kahapon sa may hotel. Isang picture ko at ni Chriziah na binutas-butas.” naiiyak pa din ito habang isinasalaysay ito.

“Why didn’t you tell me? Sana nai-report natin ito sa police.”

Umupo ito sa kama. “Sino naman ang irereport natin? Yung mga pictures na pinapadala. The hell I know obsessed ang babaing iyon sa iyo.”

“Babae? So kilala mo?”

“Hindi ka ba nakikinig? Hindi ko nga kilala! Malay ko ba kung sino sa mga d-in-ate mo ang obsessed sa iyo pati kami ni Chriziah ay dinadamay.”

“Nagseselos ka ba?”

“The heck! James! What are you talking about? Hindi ako nagseselos! Don’t point out to me that word! Dahil never akong nagselos.” Galit na wika nito at bumalik sa pagkakasubsob sa unan. This time, nagtalukbong na si Dianne.

“Babe… I’m sorry. Okay, sige magpahinga ka na.” aniya saka iniwan siya.
Chapter Ten
Hindi mapakali si Dianne habang mag-isa sa kwarto ng suite nila ni James. She kept on thinking what may happen kung magpatuloy pa rin ang pambablackmail sa kanya. Baka hindi lang bubwit ang susunod na makita niyang laman ng jar, kahon o kahit anong lalagyan baka minsan bomba na laman niyon.

Ilang oras ang nakakaraan pumasok si James sa kwarto nila na nakatapi lang ang tuwalya halatang bagong paligo lang ito. Napatulala lang siya rito. Nakahambad sa kanya ang anim na monay nito, kahit hindi naman ito ganoon ka macho. He’s a lean type body. Never pa siyang na-attract sa katawan nito.

“Dianne…” anito. Napatulala kasi siya ng makita niya ang abs nito.

Mouthwatering lang! Jusmiyo! Mamatay ako sa nakalantad na monay nito.

“Y-Yes?” nauutal na wika niya.

“Oh, bakit ka nauutal?” anito tila ba nanunukso. Palapit ito sa kanya, naupo ito sa gilid ng kama malapit sa kanya. Napaatras siya ng bahagya dahil dito. Nangangatog siya sa sobrang lamig na din na nararamdaman niya. Paano ba naman gabing gabi na at malakas ang hangin sa labas tapos bukas pa ang aircon kaya nakapulupot sa kanya ang kumot.

“Eh maginaw eh! Kailangan pa ba talagang mag-aircon? Eh ang lakas na ng hangin sa labas nitong suite natin eh. Nangangatog na ako sa lamig.”

“Sus. Iyon lang pala may best solution diyan.” Kinindatan pa siya nito at unti-unting lumalapit sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likuran niya. Isang mahigpit na yakap ang nagpainit agad sa nadarama niya.

Little kisses were damped into her shoulders. Naging malikot ang mga kamay nito sa sumunod na eksena. Hindi siya makapalag. Aaminin niya na nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Gusto ng isip niyang pumiglas pero hindi naman niya maigalaw ang kanyang katawan tila sabik din ito.

“Ohh…J-James…” sambit ni Dianne habang inihiga siya ni James sa kama.

“You want to do this?” tumango siya upang sagutin ito.

Well, the rest is history. They had the greatest night of their lives.
Nagising si Dianne na masakit ang ibabang bahagi niya. Although nagawa na nila iyon dati pero para sa kanya hindi na alintana iyon dahil sa pagmulat niya ngayon ay katabi niya pa rin si James at asawa na niya ito hindi katulad noon na one night stand lang ang naganap sa kanila.

“Good morning…” mahinang wika ni James na may ngiti sa mukha. Nakayakap pa rin ito sa kanya. Nakabihis na ito di tulad niya. Dinampian siya nito ng mumunting halik sa pisngi niya.

“Good morning din… Tumigil ka nga James nakikiliti ako eh. Hihi” aniya.

“Ang bango mo kasi…”

“Ewan ko sa iyo!” Akmang tatayo siya para kunin ang mga damit niya sa sahig ng hilahin siya nito at pabalikin sa kama.

“Aray ko naman! Makahila parang hindi masakit. Magbibihis pa ako.”

“Nagprepare ako ng breakfast in bed for you. Baka di ka makatayo eh.”

“Paano ko makakatayo eh hinila mo ulit ako!” asik niya.

“Shh… Huwag na mainit ulo. Kain ka na.”

“Ang dami naman nito. May balak ka bang patabain ako?” aniya habang hinihiwa ang steak.

“Para sa iyo talaga iyan. Baka nagutom ka after na---” sinubuan niya ito ng malaking hiwa ng steak. Pinamumulahan na kasi siya dahil sa sinasabi nito.

“Pss! Kainin mo na lang iyan.” Tinawanan siya nito. Pinagpapapalo naman niya ito ng kutsara niya.

“Eh! Tigil na! Alam ko na ang nangyari!” aniya habang nag-iinit ang pisngi niya. Tumayo na siya habang nakatapi sa kanya ang kumot pumunta na siya sa banyo.

“Tss! Makapagsabi ng ganun! Di na nahiya! ARGH!!!” naiinis na wika nila habang nagsa-shower.


Natatawa si James sa inakto ni Dianne ng ipaalala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Well, nakalimutan nila saglit ang problema nila ng gabing iyon. Peaceful and magical.

“Pss! Kainin mo na lang iyan.” Tinawanan niya ito. Pinagpapapalo naman siya nito ng kutsara.

“Eh! Tigil na! Alam ko na ang nangyari!” anito. Namumula na ang pisngi nito sa sobrang kahihiyan saka ito tumayo para pumasok sa CR.

Hindi niya mapigilang ang mapangiti habang hinihintay itong matapos. Gusto niya itong i-tour around Monte Nevoso kasama si Chriziah. Nawala ang ngiti niya sa labi ng magring ang cellphone niya.

“Hello?” malamig na sagot niya.

“Mr. Lizalde… Minsan mo na akong sinaktan at muli kang nagpakita ng motibo sa akin tapos bigla ka na lamang magpapakasal?! Ha! Isa kang hangal! Wala ka ng magagawa Lizalde mawawala sa iyo ang pinakamamahal mo sa buhay.” Sabi sa kabilang linya. Halatang may ghost voice itong nakasalagay sa cellphone nito para hindi makilala ang nasa likod ng nagbabanta.

“Kung sino ka man! Hindi ako natatakot sa iyo!” galit pero mahinang wika niya. “Subukan mong saktan ang sinumang mahalaga sa buhay ko, magtago ka na!” aniya saka binaba ang cellphone. Sakto naman at lumabas na si Dianne sa banyo.

“James? Sino iyong kausap mo?” tanong nito sa kanya.

“A-ah? Yung officemate ko may pinapaalala lang sa akin tungkol sa foreign clients namin.” Sorry babe, ayoko ng mag-alala ka pa.

“Ganun ba?” anito habang nagpapatuyo ng buhok.

“Oo yun nga. Babe?” aniya.

“Yes?” anito di pa rin alintana ang paglapit niya. Patuloy pa din sa pagpapatuyo ng buhok.

“Saan mo balak pumunta habang nandito tayo sa Monte Nevoso?”

Saglit itong napatigil sa ginagawa halatang nag-iisip ng isasagot sa kanya.

“Gusto ko tayong tatlo nila Chriziah sabay sabay na mamasyal sa beach. Saka kumain sa restaurant dun sa bayan. Masarap daw ang Spaghetti and Fried Chicken nila dun e.

“Yun lang?”

“Oo okay na ako dun basta magkakasama tayong tatlo.” Anito saka nagpatuloy ulit sa ginagawa. Niyakap niya ito mula sa likuran.

“Babe…”

“Hmm?”


“Did I already told you why do I want to marry you?” seryosong wika niya.
Napatigil si Dianne sa kanyang ginagawa dahil sa winika ni James. Seryosong seryoso ito sa pagkakatanong niya.

“Dianne… do you know why?” ulit nito.

“Ahm… Meron pa bang iba bukod sa pagpapalagay ng surname mo kay Chriziah.”

“Hindi mo pa rin alam? Pinaramdam ko na sa iyo yun kagabi.”

“WHAT?! Gusto mo lang akong ikama!”

“Not that! I mean… The love… we shared last night… I love you Dianne. I’m sorry kung naging masama ako sa iyo kung minsan masungit ako…”



Ano ba ito! Confession time na ba ito? Ang aga pa para dito.

“James… Bakit mo sinasabi ngayon ito? Okay ka lang ba?” aniya saka kinapa ang noo nito.

“Wala ka namang lagnat ah. Okay ka lang ba talaga?”

Hindi ito sumagot sa halip ay binigyan siya nito ng nag-aalab na halik. Natigil lang sila ng may kumatok sa pinto. Bumulaga sa kanila si Chriziah at ang mama niya.

“Mommy! Daddy! Good morning!” masiglang wika nito saka bingyan sila ng tig-isang halik.

“Good morning too baby.” Sabay na wika nila James saka hinalikan din sa magkabilang pisngi.

“Daddy saan tayo pupunta? I wanna stroll po dun sa playground. Nakita po namin iyon nila Tita Kyla nung pumunta tayo kahapon dito.” anito.

“Sige doon na lang tayo babes and then we’ll go sa sinasabi mong restau.”

Gumayak na sila at saka tinungo ang park kung saan nakita nila Chriziah ang playground. Masaya silang tatlo dahil ngayon lang sila nakapag-bonding ng ganito. Laro sa may swing, sa slide, sa monkey bars at kung anu-ano pa. Basta enjoy nila ang paglalaro sa playground. Pasado alas dose sila umalis sa park para kumain sa restaurant na sinasabi ni Dianne.

“Dianne, what do you want to eat?”

“Spaghetti and Fried Chicken!” masiglang sabi nito.

“Yun lang? Bakit pambata naman yung pagkain mo?” kontra nito.

“Eh?! Bakit ba? Gusto ko yun saka favorite ko kaya yun. Pati favorite food ko nakalimutan mo na.” sabay pout.

“Wag ka na magtampo. Akala ko nagbago na eh. Sorry na.”

“Tss. Forgiven na. Doon muna kami ni Chriziah.” Aniya sabay turo sa pang apatan na lamesa. Naglalaro si Chriziah ng Angry Birds sa bagong iPad nito.



Tsk. Ang anak ko nga naman. Sobrang techy. May pinagmanahan talaga.

Naupo na si James sa harapan nilang mag-ina. Hinihintay pa nila ‘yong order nila. Nakipaglaro din si James sa anak niya habang naghihintay. Napapansin din niya ang lihim na sulyap nito sa kanya. Just like the old days. Sumagi sa utak niya yung recognition day nila noong second year high school sila.

“Baka matunaw naman ako niyan kakatitig mo sa akin James.” Aniya sabay dating ng order nila.

“Ilusyon mo na lang iyan. Gutom ka na.” kumukulo na kasi ang sikmura niya. Nagblush siya sa sinabi nito.

Masaya nilang pinagsaluhan ang tanghalian. Bumalik na agad sila sa resort pagkatapos nilang kumain.

“Babe, pansin mo ba na may sumusunod sa atin?” tanong ni James kay Dianne. Sumilip naman si Dianne sa rearview mirror ng sasakyan ni James.

Tumango siya. “Yung Black Jazz kanina pa tayo sinusundan. Kanina pa nang umalis tayo sa resort.”

Binilisan ni James ang pagpapatakbo sa kotse. “Daddy please slow down I’m getting scared.” Ani Chriziah saka nagsimulang humagulgol.

“Baby, hush now… Nagmamadali lang si daddy na makabalik sa resort.” Pagpapatahan niya rito.

“James, slow down! Natatakot na si Chriziah sa sobrang bilis ng sasakyan.”

“I can’t paano kung murderer yung sumusunod sa atin. Mapapahamak pa ang anak natin kapag binagalan ko.” Asik niya habang patuloy pa din sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Narating nila ang resort na humahangos. Nagkatinginan ang parents nila ng dumating sila sa cottage nila.

“Anak bakit hinihingal kayo?” nag-aalalang tanong ng mommy ni James.

“May sumusunod po kasi sa amin eh.” Patuloy niya.

“Ha? Sino? Alam niyo ba ang plate number?” tanong naman ng daddy niya.

“Y-Yes… T-that is the car!” aniya sabay turo sa green na Jazz car. Sabay-sabay na napalingon sila sa tinuturo ni Dianne. Nagtago naman sa likod niya si Chriziah.

Bumaba ang driver ng sasakyan. It was a girl. No. Not just a girl it was Shaina Buenaobra.

“Hi newly-weds! Sorry if I’m late. Kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa kasal niyo kahapon lang din kasi ako umuwi from New York. Who’s that kid behind you Dianne?” pagbati nito. Hindi pa rin nag-sisink-in sa utak niya ang pagsulpot bigla ni Shaina.

“Oops. I’m so rude talaga. Don’t you remember me? Shaina. Shaina Buenaobra, your classmate nung third year high school tayo sa CNHS.” Anito saka nilahad ang palad. Inilahad naman ni James ang palad nito para makipagkamay.

“She’s Chriziah Allanice, our daughter.” Tipid na sagot nito.

“Daughter? How did that happen? Kababalik mo lang ng Philippines last month… Oh, hindi mo siya totoong anak?” mahinang usal nito.

Hinila ito ni James palayo sa kanila. Naikuyom na niya ang kanyang kamao at akmang isusuntok kay Shaina ay nailayo na ito ni James.

“Anak, pasok ka muna sa loob. Mom pakisamahan po si Chriziah.” Aniya.

Sinundan niya sina James. Naroon ang mga ito sa tapat ng kotse ni Shaina.

“What the heck do you want from me?” galit na wika ni James. Nasa di kalayuan lang siya at nakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

“Well, to tell you honestly, I want to get you back. Tutal at huli na ako dahil kasal na kayo makikigulo na lang ako sa---“ hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil na isampal na lang bigla ni Dianne ang mukha nito. Napatulala si James sa ginawa ng kanyang asawa.

“How dare you?!” naiiritang wika ni Shaina.

“How dare you yourself! Ang kapal din ng mukha mong sabihin sa harapan ng asawa ko na makigulo sa buhay namin. Hindi pa ba sapat ang pang-aagaw na ginawa mo no’ng high school tayo?” pinipigilan na siya ni James dahil lumilingon sa kanila ang mga dayo na napapadaan sa gawi nila.

“Stop it James. Tama na! Now choose! Me or her?”

“Dianne…”

“I need your answer for god damn sake! What?!”

“He’ll choose me. Ako pa rin ang mahal niya. Pinakasalan ka lang niya dahil gusto niyang bigyan ng apelyido ang anak mo. Hindi mo ba alam na may anak na kami ni James. Sa States ako nanganak kaya hindi alam ng mga kaibigan natin na may anak ako at si James ang ama.” Sinampal niyang muli ito. Tama ang hinala niya noong nakita niya ang mga ito sa restaurant sa US. Umalis na agad siya sa harap ng mga ito. Tears start to fall in her face. Nakisabay pa ang ulan sa kanyang pag-iyak.

“Dianne!” nilingon niya ito pero lalong nanikip ang dibdib niya. Seeing James kissing Shaina.

“Talagang tinawag mo pa akong Tungaw ka! You’ll regret this!”

“WHAT THE HECK IS YOUR PROBLEM SHAINA?! WHY DID YOU LIED? HINDI TOTOONG ANAK KO IYONG KASAMA MO SA MALL! LOOK ON WHAT HAVE YOU DONE!” galit na aniya kay Shaina.

“DIANNE!” tinangka niyang sundan ang asawa pero hinatak siya ni Shaina at sinalubong ang isang halik.

“Hmm.. I missed your kiss Honey.”

“Pweh! You’re insane Shaina. You’re impossible. Maganda ka pero tanga ka sa pag-ibig.” Pagkasabi niyon ay hinabol na niya si Dianne.

Babe, I’m sorry…

Chapter Eleven


Nagmamadaling mag-empake si Dianne. Ayaw niyang maabutan siya ni James sa cottage nila.

“Anak, saan ka pupunta?” tanong ng Mama niya.

“Sa malayo po Mama. Kayo po muna bahala kay Chriziah. Sige Ma, mauna na ako sa inyo.”

“Anak, may problema ba kayo ni James? Sino ba iyong babaeng sumulpot kanina?” usisa nito.

Napahinto siya dahil inawat siya nito. “Wala Mama, sige po mauna na ako.”

“Mommy… Sama ako! Ayaw ko kay daddy inaaway ka niya… Mommy…” sabi ni Chriziah sa gitna ng pag-iiyak nito.

“No baby, Mommy will be back promise. Kay Mamu ka muna okay? Sige na una na si Mommy okay? Be a good girl baby. I love you.” Aniya. Ayaw niyang makita siya ng kanyang anak na mahina at umiiyak.

“Ma. Si Chriziah po paki kuha na. Pasok niyo nap o at baka magkasakit ito. Ingatan niyo siya Mama ha. I love you po.” Aniya saka binigyan ng isang mahigpit na yakap ang anak at Mama niya,

“Mommy! Mommy! Sama ako! Mommy!” paghahagulgol ni Chriziah. Labag sa kanya ang lumayo pansamantala. She needed to think about this things happening to her.

“Dianne! Where do you think are you going?” that was James. Nadatnan siya nito pasakay sa kotse ng Mama niya. Hindi niya pinansin ito at patuloy lang sa pagpasok sa sasakyan.

“Dianne! Come here! We’ll talk.” Anito saka hinila siya. Inapakan niya ito kaya nabitawan siya nito. Pinaandar na niya ang sasakyan at umalis sa Monte Nevoso.
“Ma! Saan po pupunta si Dianne?” tanong ni James ng makabalik na sa cottage. Naabutan niya na umiiyak si Chriziah sa lola nito.

“I hate you daddy! Mommy left because of you! I hate you daddy! I hate you!” pagsisigaw nito habang umiiyak pa din.

“Ma?”

“Hindi ko alam kung bakit hijo, pero sa tingin ko ay dahil doon sa babae kanina. Sino ba iyon hijo?”



“Si S-Shaina po Mama.”

Halatang nagulat ang Mama ni Dianne ng sabihin ang pangalang Shaina.

“Ang kapal din ng pagmumukha no’n para magpakita sa anak ko! Hindi niya ba alam kung gaano nasaktan si Dianne nang ipagpalit mo siya sa Shainang iyon? More than a year pa bago siya nakalimot. Sa tingin mo ba, hindi masasaktan si Dianne sa pagsulpot ng babaeng iyon James? Ang babae iyon ang dahilan kung bakit di nakayanan ni Dianne na limutin ka. Hanggang sa iluwal niya si Chriziah sa mundong ito tuwing gabi naririnig namin ang pag-iyak niya. Yung sakit na tila ang hirap tanggalin. Ngayon anong balak mong gawin James? Ang tumunganga at balikan ang Shainang iyon? O ang sundan si Dianne at buoin ang pamilyang meron ka. Wag mong sabihing naanakan mo si Shaina at—”

“Hindi po Mama. Hindi ko po naanakan si Shaina. Si Chriziah lang po ang anak ko. M-mahal kop o si Dianne, Mama. Ayoko ng maghiwalay kami.”

“Iyon naman pala eh! Alam mo namang may pagkatanga si Dianne sa larangan ng pag-ibig. Pero matalinong babae si Dianne, James. Hala’t sundan mo na siya.”

“Opo Mama. Salamat po!” aniya saka niyakap ito bilang pasasalamat.

“Baby, I’ll be back. Pagbalik ko kasama ko na mommy mo okay? I’m sorry baby.” Aniya Chriziah.

“Promise that daddy.”

“I promise. Sige po Ma. Kayo na po bahala kay Chriziah. Salamat po ulit.”

“Sige na at baka hindi mo na masundan iyon.”


Kalahating oras ng nagmamaneho si Dianne sa gitna ng expressway. Hindi niya pa alam kung saan tutungo. Nakaka-ilang tawag na din si James pero hindi niya binalak na sagutin iyon. Napansin niyang may pamilyar na sasakyan na sumusunod sa kanya. Nagulat na lamang siya ng mag-overtake ito sa kanya kaya nagkamali siya ng bwelo at bumanga sa isang pader sa gilid ng expressway.

Naaninag niyang bumaba ang nagmamaneho ng kotseng nag-overtake sa kanya.

“What a piece of cake. Di ko na pala magagamit ang ibang threats ko sa iyo. I’ll see you in hell soon, Dianne.” Anito saka humalakhak ng pagak.

James…I love you…
Maingay… Magulo… All she just heard someone’s calling her name and telling her how much she was loved by that person.

“Dianne…Please… Don’t leave me… Don’t leave us… We love you. I love you…” sweet to be heard, those are the last words she heard bago maging madilim ang paligid niya.


“Mama, ako na po magbabantay kay Dianne. Umuwi na po muna kayo tatawagan ko na lang po kayo kung may nangyari.” Ani James.

“Okay lang ako hijo. Gusto kong nasa tabi ako ng anak ko kapag nagising siya. Sabi ng doctor niya. Possible na gumising na siya mamaya. Ikaw na ang magpahinga isang linggo ka ng di umuuwi sa inyo. Kumain ka din, baka magalit si Dianne sa amin kapag nakitang pumayat ka.”

“Okay lang din po ako Ma. Kumain na po ako kanina. Hindi pa daw po kayo kumakain sabi ni Papa. Ako naman po ang mapapagalitan ni Dianne kapag nagkasakit kayo Ma. Ako na po muna dito. Kumain po muna kayo.”

“Okay sige. Just call me kung may nangyari.”

“Yes Ma.”
Yes. Mahigit isang linggo ng comatose si Dianne. Muntik na ngang bawian ng buhay ang taong pinakamamahal ko buti na lang at matatag siya.

“ Dianne. Gisng ka na babe. Miss na kita. Saka hinahanap ka na ni Chriziah. Gusto na daw niya ng kapatid. Ha-ha. Babe, gising ka na ha. Di ba sabi mo sa anak mo na babalik ka. Eto nga’t nakabalik ka na. Kaya gising na babe… I love you… Gising ka na ha.” Yes. I’m crying. I just love this woman. Ayoko ng mawala siya. Ikamamatay ko kung nawala siya.

I’m hearing things. Is that James? Mahal daw niya ako. Hinahanap na din ako ng anak ko. Dianne, c’mon gumising ka na. Bakit ayaw mong gumising? Ayan na nga at mahal ka ni James. Ikaw ang pinili kaysa kay Shaina.
“Babe? Gising na. Madaming naghihintay sa iyo oh. C’mon wake up!” napatigil si James sa pag-iyak ng maramdaman niyang gumalaw ang daliri ni Dianne.

“Babe?” pinindot niya agad ang button na magko-connect sa station ng nurse. Lumabas na siya para tawagin ang mga nurse at doctor.

“Gising na siya doc! Gising na asawa ko!” masayang pagbabalita niya sa mga ito. Agad namang kumilos ang mga hospital staff para asikasuhin si Dianne. Dumating na din ang Mama ni Dianne, tinawagan agad ni James ang mga ito.

“Mama! Gising si Dianne! Gising ang asawa ko!” salubong niya sa mga ito.

“Salamat sa Diyos! Tara na Pa!” puamasok na sila sa kwarto ni Dianne ng lumabas na ang mga nurse.

“Okay na po asawa niyo mister. Although kailangan pa din niyang magpahinga. Hinahanap na po niya kayo. Sige po.”

“Salamat po Doc.”
“Anak!” bungad ng mama niya.

Ngitian niya ito. Niyakap siya agad nito ng kay higpit tila isang dekada siyang nakaratay.

“Ma? Ano po nangyari? Ang natatandaan ko po ay umalis ako sa Monte Nevoso tapos nabangga po ako sa pader. Si S-Shaina po ang dahilan kung bakit ako nandito.”

“We know hija. Nakita sa CCTV camera ang aksidente, nagtatago na ang babae. Hindi naming alam kung nasaan siya ngayon. Pinahahanap na naming siya sa mga pulis—”

“Ma, ayoko po siyang kasuhan.”

“Ha? Bakit ayaw mo siyang kasuhan? Siya ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon anak?” pagpapaalala ng mama niya.

“Alam ko po iyon mama. Kaso nagmahal lang naman si Shaina eh. Saka may anak po siya. Ayoko pong lumaki ng walang kinagigisnang ina yung anak nila.”

“Paano mo nalaman may anak si Shaina?”

“I saw you both na nag-uusap sa America, over a year ago. That’s why umalis ako sa Monte Nevoso dahil akala ko anak mo talaga yung kasamang baby ni Shaina.” Pag-aamin niya. Niyakap na lamang siya bigla ni James after niyang sabihin ag totoo.

“Silly you… Si Chriziah lang anak ko. Gusto ko ikaw lang magiging ina ng magiging anak ko.”

“Hey! What do you mean by that?”

“Mommy! I’m glad you’re awake!” bungad sa kanya ni Chriziah. Hindi na nasagot ang tanong niya.

“Thanks baby.”

“Mommy! I’m so scared when I saw you covered with blood. Buti na lang sinundan ka ni Daddy. And Mommy gusto ko pag magaling ka na may baby brother or sister na ako ah! Si Kuya Nathan kasi may baby sister. Tita Kyla gave birth to little Sofia. Gusto ko din ng baby sister mommy!” nagulat siya sa winika ng anak niya. Tumawa na lamang ang mga magulang niya sa sinabi nito.

“Pagalingin mo muna Mommy mo baby.” Sabat naman ni James. Hinampas naman niya ito ng unan.

“Ma, magaling na si Chriziah pwede na siguro.” As he said it with a grin on his face.

“Letse!”

Napuno ng tawa ang kwarto niya. Glad how she missed to see this persons who made her life wonderful.

Epilogue

Nakita na din si Shaina. Oo siya ang salarin. Tuluyan ng inurong ang kaso, dahil alam kong magagalit si Dianne kapag gumawa ako ng hindi maganda. Ayaw niyang may nasasangkot at lugi pa ang kabilang panig. Kaya ko nga minahal itong babaeng ito dahil kahit ginawan na siya ng masama ay gusto niyang sumaya ang taong nanakit sa kanya. Natauhan na din si Shaina sa wakas na hindi ko na siya mahal. Ipina-rehab pa naming siya para tuluyang gumaling. After nitong marehab ay bumalik na ito sa America. Inaapi pala ito ng asawa niya pero nagbago na daw ang asawa nito ng malaman ang nangyari.

“Baaaaaaaaaabe!” tili ni Dianne.

“What?”


“MANGANGANAK NA ATA AKO! Ang sakit na ng tiyan ko! Dalian mo diyan! Ano pa ang itinatayo-tayo mo diyan! Yung kotse! Waaaaaaaaaaah!” pagsisigaw nito.

Agad namang binuhat siya ni James at isinakay sa kotse. Pinahatid na lang niya sa kapatid niya ang mga gamit na kakailanganin.

“MA! MANGANGANAK NA DAW PO SI DIANNE! HINDI PO KITA SINISIGAWAN MAMA. OPO! KINAKABAHAN AKO! EH WALA NAMAN PO AKO SA TABI NIYAN NG MANGANGAK SIYA SA PANGANAY NAMIN. OPO! OPO! Sa St.Lukes po! Opo! Sige po!” nagpapanic na siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

“Malapit na tayo babe. Pasensya naman. Hindi ko alam ang gagawin eh wala ako noong manganak ka kay Chriziah.”

“Kasi naman! Gagawa ng gagawa ng anak eh akala mo madali lang! Hoohoo! Waaaaaaah! Dalian mo James Kevin Lizalde! Pumutok na ang waterbag ko! Kapag nanganak ako sa kambal na ito dito sa kotse papatayin kita!”

“Eto na nga at nagpapanic na! Easy lang. Wag ka munang iire babe. Ayan na nandito na tayo.” Aniya saka inihinto ang kotse sa ER.

“Tulong misis ko manganganak na!” nataranta din ang mga hospital staff ng sumigaw siya.

“Pwede po kayong pumasok sa loob para i-coach ang misis niyo sa pag-ire.”

“HA?” napa-ha na lang siya. Wala talaga siyang kaalam-alam na may ganoon palang magaganap. Pinasuotan na siya ng hospital suit at pumasok sa ER.

“Babe… Ayoko na pagkatapos ng KAMBAL NA ITO!!! LAGOT KA TALAGA SA AKIN LIZALDE!”

“Oo na babe. Wag mo naman akong sigawan nakakahiya sa kanila.” Tumawa ang mga nurse at ang attending midwifery sa kanila.

“Grabe po kayo ma’am. Takot po pala sa inyo ang mister niyo.”ani ng isang nurse.

“Safe naman po ang kambal niyo. Nasa tamang posisyon po ang baby para makalabas.” Pagpapaliwanag ng doctor.

“Sige misis. Ire lang po.”

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!”

5 years later.


“Breetanny! Breeanna! Come over here. You two are going to be late. This will be your first day of school. Hinihintay na din kayo ng Ate Chriziah niyo!”

“Babe naman, wag mong sigawan ang bata.”

“Gusto mo ikaw sigawan ko—” natigil siya sa pagbubunganga ng halikan siya ni James.

“There to keep you calm. Twins let’s go. Ihahatid ko na kayo. Magagalit sa inyo si Teacher Emmie.”

“Bye Mommy!” sabay na pamamaalam ng kambal.

“Okay, study well okay? Chriziah. Come down now! Aalis na kayo!”

Dalaginding na si Chriziah. She was now graduating in a International School.

“Bye mom! We have recital tomorrow mom. Make sure you and dad will come okay? Love you!” anito habang naglalakad palabas.

“Okay!”

“Babe! Ingat sa pagdrive! I love you!” aniya.



“I love you too.” Saka binigyan siya ng smack.

“Mom! Dad! Kiss!” sabay na wika ng kambal.

“Take care you two. Love you.”

“Love you too mommy!” anito saka pinaandar na ang sasakyan.


Well naging magulo man ang story ko noong umpisa. I’m still thankful na ang taong minahal ko noon ang nakatuluyan ko. Surely first love never dies…
Download 117,93 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6   7




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish