"Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola." ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura



Download 117,93 Kb.
bet5/7
Sana25.06.2017
Hajmi117,93 Kb.
#14991
1   2   3   4   5   6   7

“Kaya lang hindi dito sa Canada ang location ng project niya kundi sa…”

“Ma! Ituloy mo na kasi.”

“Paanong itutuloy ko bigla ka na lamang sumisingit diyan. Sa Pilipinas ang location ng proyekto nila. Gusto niya sanang doon muna tayo habang hindi pa niya natatapos ang project niya. Okay lang sa amin ni Ron, ang ate mo ay maiiwan dito dahil nandito trabaho niya. Ako naman, okay lang sa akin, namimiss ko na din ang magulong bansa natin. Iyong desisyon mo na lang ang hinihintay namin.”

“Tayo? Babalik ng Pilipinas? May trabaho din ako dito mama. I cant just leave my job.” Angal niya.

“Never ka namang kumuha ng leave of absence simula ng magtrabaho ka sa kindergarten school diyan. I heard na pinakukuhanan ka na din ng mga co-teachers mo ng leave. Masyado mo daw pinapagod ang sarili mo. Maybe this is the right time to take a long vacation, saka patapos na din naman ang school year dito. So it’s really a great idea to take a leave.” Pahayag nito.

“Mama naman, planadong planado ang lahat ah. As if na makakaangal ako sa inyo ni Papa baka ipadeport at ipaban pa sa Canada kapag hindi ko kayo sinunod. Kailan ba ang alis natin?”

“That’s what I like about you anak masunurin ka sa amin ng papa mo. Maybe this week or next week hinihintay niya lang yung go signal ng boss niya, pati na rin daw yung iba pang papeles na kakailanganin.”

“Medyo malapit-lapit na din pala. Magpapaalam na lang po ako sa principal. Sige mama, kayo po muna bahala kay Chriziah magpapalit lang po ako saka aalis na din.” Pagpapaalam niya.

“Saan ka pupunta?” tanong ng mama niya.

“Magpapaalam na po dun sa principal ng school para sa mahaba-habang bakasyon natin.” Aniya saka tumungo sa itaas.

PUMAYAG naman agad ang principal ng pinagtuturuan niyang eskwelahan. Mayroon kasing nag-aapply bilang assistant teacher din. Gagawin na siguro muna itong kapalit niya habang nasa bakasyon pa din siya.

“Thank you ma’am.”pagpapasalamat niya sa principal.

“It’s okay. You’re leave of absence is a great time for the other assistant teacher’s who are applying to test their skills. Don’t think that we’ll gonna replace you. Think this like it was an opportunity to them.” Pagpapaliwanag nito sa kanya.

“Yes ma’am. My mind is clear about them as an OJT. I’m glad I could help from enchancing their skills.”

“That’s good to hear. Make sure you’ll come back after the school year so you can assist Miss Jenks for the upcoming pre-schoolers.”

“Sure ma’am.”

“Okay, have a happy trip with your family.”

“Thanks Ma’am. Goodbye.” Pamamaalam niya.

Dumaan muna siya sa isang mall para bumili ng maaari nilang dalhin pabalik sa Pilipinas.
TATLONG taon ng nasa America si James dahil sa pag-aasikaso ng isang branch ng kumpanya niyang, JKSL Builders. May problema kasing dumating kaya hindi na siya nakabalik pang muli sa Pilipinas.

“Sir, the Ferb’s still on the go to beat us out. They keep on making a dirty tactics to get our clients and projects. And I think sir that…”

“That…What’s that in your mind that you want to share, Jim.” Tanong niya sa empleyado niyang lubos na pinagkakatiwalaan niya.

“I think there is a traitor in your company. We should double check their profile. From the janitors to the board of directors and even the stockholders sir. This problem can be solve if we can trace the traitor.”anito.



Jim can be right about what he said, but who the heck is that damn traitor!

Galit na galit si James sa nabubuong konklusyon sa isip niya. He will not forgive who that bullshit traitor messes their company.

“Jim! I want you to check all their profiles! No single employee of this company will be uncheck! Got it?” galit na wika niya.

“Yes sir.” Anito saka lumabas na ng opisina niya.

Hindi siya lubos na makapaniwala na sa tagal na pamamalakad ng ama niya sa kumpanya nila ay may nais pa ding sumira rito. He’d been a good president slash CEO of their company. How come na may makakaaway sila? All he did was in clean tactics no one was harmed.

Nagambala lamang siya ng tumunog ang cellphone niya. His sister was calling her. He don’t have an idea what does his sister wants.

“Kuya!” sigaw nito sa kanya sa kabilang linya. Narinig niya sa tinig nito ang excitement.

“Joyze, will you stop screaming?” saway niya.

“Sorry kuya. I’m just so excited to tell you...”

“Tell me what? Wala na kayo ng boyfriend mo?”

Hindi kasi siya boto sa half-Filipino and half-American na boyfriend ng kapatid niya. Pero hindi pa din nito pinansin ang pag-ayaw niya sa boyfriend nito.

“ Yes kuya wala na kami…”

“Really? Buti naman at natauhan ka na Joyze. Ililibre kita…”

“That’s not what I meant kuya. Wala na kong boyfriend dahil may fiancé na ako!” anito saka nagtititili sa kabilang linya. Napamaang siya sinabi nito.

“Hey! Kuya! Still there? Just come here, nasa mall ako ngayon. Be here at thirty minutes. Mom and Dad already know about this, and they’re happy for me. Ikaw lang talaga kuya ang may problema. Just come here we’re at your favorite restaurant nandito na din sila mom and dad. Bye!”anito saka pinutol ang linya.

Her sister was born for being his pain in the head. Kinukunsinti kasi ito ng lola nila when they stayed in the Philippines. Kaya wala na din nagawa ang magulang nila sa pagiging spoiled brat nito. Lumabas na siya ng kanyang opisina para puntahan ang mga ito. Magtatampo kasi ang mga ito sa kaniya kapag hindi siya sumulpot o magpakita man lang.

“Sir you still have a meeting with the IMPACT firm, this seven in the evening. Should I cancel it?” bungad ng secretary niya habang tinutungo ang elevator.

“No, I’ll be out for an hour or two. I’ll come back before seven. Call me if there is something wrong happened. Got it?”

“Yes sir.” Anito saka bumalik sa cubicle nito.

NAPADAAN si Dianne sa isang grill restaurant. Natakam kasi siya ng maamoy niya ang iniihaw na manok at baboy.



Grabe naman! Ginutom ako sa amoy makakain nga muna.

Umorder siya ng Grilled Chicken and vegetables. Nagpatake-out na di n siya para ipasalubong sa pamilya niya. Napasarap ang kain niya kaya umorder pa siya ng isang order na Grilled Chicken.

“Masisira ang diet ko dito.” Wika niya.

Napako ang tingin niya sa matangkad na lalaking nakashades na pumasok sa restaurant.



Ulala… Mas yummy pa ata ito sa inorder ko.

Nagpapantasya na naman siya. Buti na lamang at dumating na ang order niya. Nawala na ang atensyon niya sa gwapong lalaki. Umalis din siya agad pagkatapos niyang kumain, pero bago siya lumabas ay sinulyapan niyang muli ang lalaki.



Hehehe. Thank you Lord busog na busog na ako mata at tiyan!

Naglibot-libot muna siya para maghanap pa ng mga babaunin at ipapasalubong.

TODO ngiti ng kapatid niyang si Joyze ng makita siyang dumating sa restaurant. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

“Hey easy girl. Baka malukot mo ang suit ko may meeting pa ako mamaya.”

“Kuya naman. Wouldn’t you let your baby sister happy? Im engaged already to the love of my life.” Wika nito saka ginayak siya sa mesang inookupahan nila.

“Will you shut up my dear sister? Nangingilabot ako sa mga pinagsasabi mo.”

“Brother. It’s like you’ve never been in love? As if I didn’t know that you’re still in love with…”

“Shut up Joyze!”saway niya. Napatingin sa kanila ang ibang customer ng restaurant ng mapalakas ang saway niya.

“Okay. Okay, no need to yell, it’s humiliating. Baka next time ay hindi na tayo pakainin dito.” Pagsuko nito sa kanya.

“Good. Let’s just take an order--- Wait, I’ll be right back. Excuse me.”

Lumabas agad siya upang siguraduhin kung tama nga ang hinala niya. He thought he saw Shaina carrying a baby. Nilapitan niya ang babae at nakilala niya ang itsura nito. He was right it was Shaina but who is the baby she was carrying.

“Shaina!” wika niya.

“J-James? Is that you?” di makapaniwalang sambit nito.

“Yes! It’s me James Lizalde. Kumusta ka?” Aniya saka hinubad ang shades niya.

“I’m fine. How are you? It’s been a decade I guess ng huli tayong magkita.”

“I’m fine too, well sort of, but hey, you’re still beautiful, kaninong anak iyan? Sa’yo? Sino daddy niya?” sunud-sunod na tanong niya.

“This baby is mine. Can we not talk about his father James?”

“Sorry. Pwede ko bang makarga yung anak mo?”

Tumango ito para sagutin ang tanong niya. Agad naman nitong inabot sa kanya ang bata.

“Ang cute cute mo naman. What is his name?”

“Kenneth. Kenneth Aldrin Cromwell.”sagot nito.

“Well, he’s cute namana niya ata iyon sa’yo”puri niya.

“Salamat.”

Bakit parang may kulang. Wala naman akong anak. Hay bahala na. Siguro kailangan ko ng mag-asawa nga.

Inihehele ni James ang bata ng pumungay pungay ang mata nito.


IYON ang nakitang eksena ni Dianne. Hindi siya maaaring magkamali. That was James carrying a baby. Pero sino ang kasama nitong babae? Lumapit siya ng kaunti at nagtago sa isang maniking nakadisplay sa labas ng restaurant na pinasukan niya at sinubukang alamin kung sino ang kasama nitong babae.

Kaya pala hindi mo ko hinanap tungaw ka! May asawa ka na pala!

Nang lumingon ang babae, ikinagulat niya ito. It was Shaina. Si Shaina ang nakatuluyan nito. Muntik na siyang mabuwal kung hindi lang siya napasandal sa salamin ng restaurant. Hindi pa rin siya makapaniwala na naloko pa din siya ng lalaking inakala niyang hahanapin siya at pananagutan after five years. Umalis agad siya sa kanyang pwinestuhan dahil papasok ito sa restaurant na pinagtataguan niya.



Now it’s all clear to me, wala ng pag-asa na mabuo ang pamilya namin ni Chriziah.

Chapter Eight

DINALA ni Dianne ang kanyang anak sa isang park malapit sa tinitirahan nila. Nais niyang malibang ang anak niya dahil hindi pa ito nakakalabas ng bahay nila ng magkaroon ng bagyo sa bansa.

“Don’t tire yourself too much Chriziah. Huwag ka din kakausap sa mga taong di mo kilala kung may lalapit sa’yo sigaw ka lang agad kay mommy pupuntahan kita agad. Got it?” paalala niya bago iginayak ang anak niya sa paglalaro sa park.

“Yes mommy I will. Can I play now? Can I? Can I?” pagpupumilit nito.

“Okay, remember what I told you.”paalala niyang muli.

Tumakbo agad ang anak niya sa palaruan at nakipaglaro sa ibang bata. Inilatag niya ang isang table cloth sa ilalim ng puno ng Acasia at inihanda ang pagkaing pagsasaluhan nilang mag-ina. Nasa kaligitnaan siya ng pagbabasa ng isang nobela ng mapansin ang paglapit sa kanya ng anak niya at may kasasamang mama. Napabalikwas siya sa kanyang pagkakaupo ng magtanggal ng shades ang lalaki. Her mouth starts to open because of the unexpected man. Si James ang nasa harapan niya na ubod ng lapad ang pagkakangiti at hawak-hawak ang anak niya-nila.

Kinuha niya ang anak niya mula rito. Dali siyang nagligpit ng gamit pero pinigilan siya nito.

“Dianne…” tawag nito sa kanya.

Hindi niya ito pinapansin at patuloy lang sa pagliligpit. Wala siyang balak kausapin ito at bigyan-pansin.

“Dianne, can we talk?”suyo nito.

“Chriziah let’s go.” aniya saka binuhat ang anak.

Balak sana siyang tulungan nito kung hindi niya pa ito tinapunan ng masamang tingin.

“Chriziah Allanice I can’t believe you disobeyed me! What did I told you about not talking to strangers?” galit na wika niya sa kanyang anak.

“Eh mommy that handsome guy told me he knows you. Alam niya full name mo, pati sila mamu know niya. Sabi niya din siya ang daddy ko.” umiiyak na paliwanag ng anak niya.

How come did James know that he was the father of my daughter?

Muntik na siyang matalisod sa huling sinabi ng anak niya. Pinatahan niya muna ito sa kotse niya bago sila umalis. Pansin niya na may sumusunod sa kanila. Kaya binilisan niya ang pagmamaneho.

“Stop crying Chriziah. Hindi na galit si mommy. Stop it na okay? Uwi na tayo.” patuloy na pagpapatahan niya rito. Tumigil na din naman ito ng malibang sa Barbie doll na hawak nito.

Nawala ang kaba niya ng makapasok na sila sa tinutuluyan nilang village. Pero napansin niya pa rin ang kotse na kanina pa sumusunod sa kanila. Napamura siya ng di-oras ng mag-overtake ito sa kotse niya at hinarang ang dadaanan nila. Iniluwa ng kotse ang taong ayaw niyang makausap.

Lumapit ito sa kanila at kinatok ang salamin ng kotse niya.

“Mommy, look oh, yung guy doon sa park.” wika ng anak niya.

Hindi pa rin siya lumilingon kahit kanina pa ito kumakatok sa salamin niya.

Manigas ka diyan hindi kita pagbubuksan ng pinto.

“Dianne please can we talk? Please I’m begging you…”pagmamakaawa nito.



Ano ako tanga. Magdusa ka.

“Dianne… We need to talk about that kid beside you. Dianne!”



Kid? That’s our child you moron!

Hindi na niya napigilan ang inis na dumaloy sa katawan niya kaya binuksan niya ang pinto.

“We will talk but please park your car properly?” utos niya rito.

Bumalik siya sa kotse niya at pinarada ng maayos sa likod ng Honda Civic nito.

“Chriziah stay here okay? And please no more talking to strangers. Got that?” pagpapaalala niya.

Tumango ito bilang pagsagot sa kanya.

“Lock the doors and windows baby. Call mommy in the phone if you need something. This will be just for a while.”aniya saka isinarado ang pinto.

Hinarap niya agad si James at lumayo ng kaunti sa pinaradahan nila.

“What do you want to talk?” panimula niya.

“Where have you been?” pagtatanong nito sa kanya.

“Why did you ask?”

“You didn’t answer my question.”

“So do you.” mataray na sagot niya.

“I want to ask you about the kid.”

“What for?”

Anak mo siya! At hindi mo malalaman iyon!

“Is she my daughter?” prangkang tanong nito.

Hindi siya agad nakasagot sa binitawan nitong tanong.

“Dianne. Is she my daughter?” tanong nitong muli.

“No!” pagsisinungaling niya.

“I don’t believe you! I know she’s my daughter. When I asked that child how old is she, she said she was five year’s old! And it was five years ago ng may-“

“She’s not your daughter!”

“You can’t lie to me Dianne! I know that’s our daughter. Nakakatawa man pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Iyon na ata ang tinatawag na lukso ng dugo.”

Napamaang siya sa sinabi nito. Wala na siyang sapat na idadahilan sa mga paratang na ito.

“So what if, she’s your daughter? Ano ang gagawin mo?”

“I’ll take her.”

“WHAT? I will not gonna let that happen!”aniya saka sinampal ito.

“I’ll take her no matter what!”

“Kahit magfile ka pa sa korte, sa akin pa rin mapupunta si Chriziah! We’re not married. Sa akin ang custody ng bata!”aniya.

“Then marry me.”

“What? Are you proposing?”

“I guess I am.”

“Thanks but no thanks. I will not gonna marry you.”

“Why not?

“Because I-I’m engaged!” pagsisinungaling niya.

“I don’t see any ring. Stop lying babe. Hindi ka expert diyan.”

“I will still not gonna marry you!” aniya saka lumayas sa harap nito at bumalik sa pinagparadahan ng kotse nila. Hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya.

“Let go of me!” pagpupumiglas niya.

“Pwede ba huwag kang gumawa ng eksena?”

“Ang kapal din pala ng pagmumukha mo! Ako pa ang gumagawa ng eksena, samantalang ikaw itong humarang sa amin sa gitna ng daan, tapos ako pa gumagawa ng eksena? Hoy James para sabihin ko sa’yo, kahit ano ang gawin mo hindi mo makukuha ang anak ko sa akin.”

“Anak natin.” Pagtatama nito.

“Natin? Kailan nagsimulang maging atin si Chriziah? Sa akin lang siya!”galit na wika niya saka pumasok sa kotse.

“Subukan mong sumunod at ipapaban kita sa village na ito.”

“Ako ipapaban mo sa sarili kong village? Nagapapatawa ka ba?” nang-aasar na wika nito na may nakaukit na nakakaasar na ngiti.

“I hate you!” aniya saka pinaharurot ang kotse niya.

Nakatingin lang sa kanya si Chriziah habang nagmamaneho siya.

“Don’t you ever talk to that man again Chriziah! Or else hindi ka na makakalabas ng bahay and no more toys to play. Got that?” bilin niya rito.

“Yes mommy.” Mahinang sagot nito.

“It’s for our own safety baby, that’s why.” pang-aalo niya rito at hinalikan ang bumbunan nito.

HINDI pa din napawi ang saya nadarama ni James nang malaman na may anak na siya. Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Rence at iba pa niyang kaibigan upang magdiwang.

“Oh pare! Pare saan ba itong inuman ha? Nakakuha ba kayo ng bagong kliyente?” pagtatanong ni Topher.

“Hindi pre! Mas Masaya pa sa pagkakakuha ng bagong kliyente.”

“Magpapakasal ka na?” wika ni Marney.

“Hindi rin pre.”

“Sabihin mo na kasing tukmol ka ng hindi kami natetense dito.” Angal ni King.

“Sige na nga. I’m a father now!”

“Ha? Pari ka na?” wika ni Topher.

“Tanga! Sa gwapo kong ‘to magpapari ako? Daddy na ako!” pagyayabang niya.

“Weh? Sino naman ang malas na babaeng naanakan mo?” pagbibiro ni Rence.

“Iyang dila mo talaga kahit kailan Rence ang talas.” Sita niya rito.

“Eh hindi naman kasi kapani-paniwala na tatay ka na. Eh di nga namin nabalitaan na kinasal ka na. Sino naman maniniwala sa’yo na tatay ka na? Sige nga aber?” depensa ni Rence.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Rence. Tama rin naman ito. Paano niya maipapaliwanag rito na nabuntis niya si Dianne at siya ang ama ng anak nito.

“Ngayon ko lang din nalaman na tatay na ako.”

“Ano?” sabay-sabay na wika ng mga ito.

“Oo, well, kaninang umaga lang. I’m looking for this girl more than a year ngayon ko lang siya nahanap at tama ang hinala ko anak nga namin si-”

“Sino ba iyang babae na iyan pare? Si Shaina ba?” sabat ni Marney.

“No it’s not her. Saka hindi ko muna sasabihin kung sino ang ina ng anak ko. Makikilala niyo din siya. Malapit na.”aniya saka tinungga ang champagne na nasa harap nila.

Hindi na nang-usisa ang kaibigan niya. Nagsipag-inuman na lang sila.
“MAMA!” pagsisigaw ni Dianne, nang hindi niya mahanap ang mama niya sa buong kabahayan.

“Yaya Melba, nasaan po sina mama?” pagtatanong niya sa mayordama nila.

“Umalis po ang mama niyo. May pinuntahan pong party kasama mga amiga niya.”anito

“Salamat. Dumating na ba si Ron?”

“Opo, pero umalis din po may meeting daw po kasi ang mga head ng kompanyang pinagtatrabahuan niya.”

“Ganoon po ba? Sige po. Oo nga pala yaya, kapag may naghahanap sa akin na nag-ngangalang Jamez Lizalde sabihin niyo po na wala ako o kaya’y tulog. Maliwanag po ba iyon?”bilin niya.

“Yes ma’am. Ano po gusto niyong kainin?”

“Busog pa ako yaya. Papakainin ko na lang po si Chriziah mamaya. Salamat po ulit.” aniya saka pumanhik.

Nakipaglaro muna siya sa kanyang anak bago naisipan mag-shower. Sumagi sa isip niya ang katagang binitiwan ni James.

“So what if, she’s your daughter? Ano ang gagawin mo?”

“I’ll take her.”sagot nito.

“WHAT? I will not gonna let that happen!”

“I’ll take her no matter what!”

“Kahit magfile ka pa sa korte, sa akin pa rin mapupunta si Chriziah! We’re not married. Sa akin ang custody ng bata!”aniya.

“Then marry me.”

“What? Are you proposing?”

“I guess I am.”

Napabalikwas siya ng marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto.

“Mommy? May hanap po sa iyo.” Ani Chriziah.

“Sino daw baby?” sagot niya saka binuksan ang pinto ng banyo. Nagulat siya ng mabungaran niya si James na nasa harapan niya.

“W-what are you doing here?”

“Visiting you. And my daugh-“

“Huwag mo nang balaking ituloy ang sasabihin mo, at sino ang nagsabi sa’yong pumasok ka sa pamamahay namin, at dito ka talaga nagtungo.” Aniya habang tinutulungan magligpit ng kalat ang anak niya.

Tumulong din si James sa pagliligpit ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.

“Oh… How sweet of you three, para kayong mag-asawa na nakikipaglaro sa anak niyo. Pero nagliligpit kayo ng laruan. Well, buti naman at nagkakasundo kayong dalawa.”ani ng mama niya.

“Ma! That’s not what you think it is, hindi kami…”

“Oo nga po tita, buti na lang hindi na gaano nagagalit sa akin si Dianne. In fact, nag-agree nap o siyang pakakasalan niya ako.”

“What?!” sabay na wika nilang mag-ina.

“Totoo ba iyon? That’s great to hear! Sa wakas at mabubuo na ang pamilya niyo!” excited na wika ng Mama Marina niya.

“Pero ma, hindi pa po ako pumapayag sa proposal niya at---”

“Balak mo pa bang ilihim sa amin ito Dianne? I just want you to know na hindi kami tutol ng papa mo sa magiging desisyon mo lalo na kung si Chriziah ang involve. We just want you two to be happy and complete.” Anito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo.

“Don’t worry tita wala na kayong dapat alalahanin sa gastos, ako na po bahala sa---”

“No! No! No! There’s no wedding going to happen! Ma! Ayokong magpakasal sa kanya!” aniya saka kinarga ang anak niya at umalis.

Hindi niya alam kung saan sila mapapadpad but all she wants is to be far away with James. Ayaw niya sa proposal nito at kailanman ay hindi siya papayag na matali dito.

“Mama, why are you crying? Magkakadaddy na po ba ako?” wika ng anak niya.

“It’s nothing baby. No you will still not going to have a daddy.”

“But mommy, I’m going to school next school year and my classmates will have their daddy and mommy with them. Tapos ako walang daddy, mommy lang meron ako.” Anito saka nagsimulang umiyak. Nakadama siya ng awa dito. Kung siya buo ang pamilya ng isilang sa mundo, ayaw niya naman na ipagkait sa anak niya ang pagiging miserable sa pagiging hindi buo ang pamilya.

Agad niyang minaniobra ang kanyang sasakyan pabalik sa village nila. Naabutan niyang nakikipagkwentuhan ang pamilya niya kay James sa sala. Napatingin ang lahat ng dumating silang mag-ina. Tinawag niya ang yaya ni Chriziah para ipanhik ito dahil nakatulog kakaiiyak kanina.

“Yaya, ikaw na muna bahala kay Chriziah may pag-uusapan lang kami nila mama.” Aniya.

“Yes ma’am”

Huminto siya sa pagitan ng silyang kinauupuan ng magulang niya at James para magsimulang makipag-usap.

“I’ll accept your proposal.”

“That’s a very good decision Dianne.” Wika nito.

“But… There’s a condition to be discuss. Ma, Pa… Pwedeng maiwan po muna ninyo kami? James and I need to talk about some things.”

Wala nang angal siyang narinig sa mga ito kaya tumayo at umalis na rin ang mga ito. Naupo siya sa pwestong inalisan ng magulang niya at humarap kay James. Isang nakangiting James ang bumungad sa kanya ng humarap siya rito.

“Dianne…”anito saka umupo sa tabi niya. Nandoon pa din ang kakaibang pakiramdam na nadama niya ilang taon ng nakakaraan. Ilang milimetro na lang ang distansya ng kanilang mukha. Napansin niya na nakatitig ito sa mga labi niya kaya umiwas na siya.

“J-James, hindi ito ang panahon para sa kalokohan mo at hindi ako ang taong dapat na pinag-aaksayahan mo ng pana—”paglilitanya niya pero sinakop ng labi nito ang labi niya. Napapikit siya sa ginawa nito. How she missed that sweet red lips of his. Naramdaman niyang tumigil ito sa paghalik ng makarinig ng yabag mula sa itaas.

“You are still mesmerized when I kissed you.” wika nito.

Nag-init ang pisngi niya sa mga sinabi nito. Kaya umiwas siya ng tingin dito. Nang makabalik sa normal ang tibok ng puso niya at ng makapag-isip na siya ng matino. Pero ng humarap siya rito nagrigodon na naman ang puso niya dahil sa seryosong mukha nito.

“Pwede bang itigil mo ang pagtitig mo sa akin ng ganyan?” naiiritang wika niya rito.

Nawiwindang na ako James, ano ba ang ginagawa mo at nagugulo ang takbo ng isipan ko!

“Bakit? Bawal na bang tumingin sa iyo?” pamimilosopo nito, habang nilalapit muli ang mukha nito sa kanya. Napatayo siya bigla ng magkadikit ang mga noo nila.


Download 117,93 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6   7




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish