LET’s Call
The Thing OFF
Prologue
“Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola.” ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura.
“Yes Sir.” aniya saka lumabas sa classroom.
Papunta si Dianne sa kabilang section na pinagtuturuan ng adviser niya. Napukaw ang tingin niya sa isa sa mga estudyante nito. She already saw this guy, nang bumili siya ng sago’t gulaman sa labas ng school nila. Ipinagtanong na rin niya sa mga kaklase niya ang pangalan ng lalaki. James Lizalde daw ang ngalan nito. Since then, nagkacrush na siya rito. She found him cute, weakness ng hormones niya ang mga cute na lalaki.
“Dianne?”
Wait lang ma’am mamaya ka na ang cute talaga ni James.
“Dianne!” ulit nito
“Po? Bakit po ma’am?” ganting tanong niya rito.
“Kanina pa kita tinatawag at hindi ka sumasagot. Nakita mo na ba ang prince charming mo at di mo na ako naririnig ngayon? Halika rito.” biro nito.
Napakamot siya sa ulo niya ng lumapit siya rito.
“Makipag-interact ka sa president nila para sa paglalagay ng Christmas decors sa corridor. Maliwanag ba iyon?”
“Yes Ma’am.” tipid na sagot niya.
“Sige bumalik ka na sa klase mo.” utos nito sa kanya.
Ginawa niya agad ang iniutos sa kanya ng adviser niya ng magrecess. Nakipag-interact agad siya president ng 1c na kaibigan na rin naman niya.
“Sige magpapaambag na lang kami, mamayang uwian na lang tayo bumili ng pang-decorate.” ani ng president ng 1c.
“Sige sige.” tanging sagot niya.
Kinabukasan ay di niya inaasahan na kasama sa mga nagboluntaryo na magdesign ng corridor ang crush niyang si James Lizalde.
“Ahm... Kuya tabingi po yung C sa Christmas” aniya rito.
“Oh? Salamat. Ayan, okay na ba?” tanong nito sa kanya.
“Oo okay na.”
“Nice James!” hiyaw ng mga kaibigan nitong lalaki.
Ramdam niya na nag-iinit ang mga pisngi niya, kaya agad siyang tumalikod ng hindi nito makita ang makopa niyang pisngi. Tahimik na ipinagpatuloy ang pagdidisenyo. Nahuli niya rin itong pasulyap-sulyap sa kanya at isang nakakapang-akit na ngiti ang binigay nito sa kanya. Hindi na niya napigilan ang kiligin.
“Hoy Dianne! Kinikilig ka na naman diyan.” pang-aasar ni Sarah sa kanya, isa sa mga kaklase niya na nagboluntaryo rin na magdecorate ng corridor, na nakita ata ang kakaibang ngiti niya sa mukha na hindi maalis alis.
“Ewan ko sa’yo. Bata pa ako ‘no” wika niya at tinawanan niya ito.
“Baliw! Bata bata ka diyan. Hello! Fourteen ka na, ibig sabihin nene ka na.” pambubuska muli nito.
“Ewan ko sa’yo Sarah! Maggupit ka na lang diyan. Eto pa ang mga colored paper gupitin mo.” utos niya saka pumasok sa loob ng classroom nila.
“Pikon!” pahabol pa nito.
Hindi maalis ni James ang kanyang tingin kay Dianne. Hindi niya alam kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam niya nang makausap niya ito.
“James! Crush mo siya ‘no?” bulong ni Topher sa kanya.
“Ha? Ewan ko. Maissue kayo masyado.” Iwas niya rito.
“Ayiee... Pang-showbiz yang sagot mo. May balak ka bang sumali sa EDC.” Biro muli nito sa kanya.
“Yes! Lumalab layp na si James! May pa-ngiti-ngiti ka pang nalalaman diyan. Kelan ka pa natorpe?” asar din ni Marny sa kanya.
“Tigilan niyo nga ako. Papasok na ako at darating na si Ma’am Nepo.” aniya saka nga pumasok sa classroom nila.
“Torpe talaga yun. Di ba King?” baling ni Marny kay King.
“Oo na lang ako Marn. Gumawa na nga lang kayo diyan. Pher, paayos nga yung garland!” utos nito.
“Ha? E bakit naman ako?” kontra nito.
“Ayaw mo?” maangas na wika nito.
“May sinabi ba ako? Eto na nga at gagawin ko na oh”
“Iyon naman pala ‘e. Gawin mo na.”
Isang malakas na tawa ang bumalot sa buong corridor nila.
Pagkatapos ng klase nila di niya inaasahan na magkakasalubong niya si James papuntang library kasama ang kaibigan nitong si Rence.
“Hala Dianne ayan na si fafa James mo.” asar ni Sarah sa kanya.
“Fafa ka diyan, as if na type ko yan ‘no. Tumigil ka na nga Sarah!” naiiritang saway niya rito.
“Sus, nagdedeny ka pa, alam ko ang type mo mga cute. Nasabi mo na sa akin yan nung nakaraang buwan. Kaya nga tinanong mo pangalan ni James sa mga kaklase natin?”
Shit! Lagot huli na ako ni Sarah!
“Ah basta! Tumigil ka na sa pang-aasar di na nakakatuwa e.”
“Bahala ka.” Tanging sagot nito sa kanya.
“Hi Dianne.” Bungad sa kanya ni Topher.
“Topher di ba?” paninigurado niya.
“Tama ka dun.”
“May kailangan ka ba?” tanong niyang muli.
“Hindi ako ang may kailangan kundi si-“ naputol ang sinabi nito ng hilahin siya, ni JAMES!
Oh my god! Bakit ka na lang ba biglang sumusulpot na cute ka!
Sinaway niya ang kanyang sarili sa pag-iisip ng kung anu-ano ukol dito.
“Dianne!” tawag sa kanya ni Sarah.
Dali-dali siyang lumapit dito at umalis na.
Three months bago muli silang magkausap ni James ng malapitan. It was their recognition day. Pareho silang top one ng section nila, at nagkatabi pa sila ng upuan dahil nga magkasunod lang ang section nila. Hindi magkamayaw ang kabang nadarama ni Dianne sa oras na iyon.
Napansin niya ang lihim na pasulyap-sulyap sa kanya ni James, dahil yun din naman ang ginagawa niya.
Naman Lord! Bakit siya pa ang makakatabi ko ngayon, parang gusto ko ng himatayin! Ang bango bango niya Lord! Salamat sa maagang blow-out. Hehe.
Hindi niya mapigilan ang singhut-singhutin ang mahalimuyak na pabango nito. Tumino lang siguro siya ng pinapapila na sila sa gilid ng stage.
Unang tinawag ang pangalan nito. Hindi mapigilan ni Dianne na kiligin ng tumitig ito sa kanya at ngitian siya nito. Ngiting nakakapang-akit para sa kanya. Muntikan din siyang matapilok dahil nawala siya sa ulirat.
“Hoy Dianna! Mag-ingat ka nga. Nakakahiya kung madadapa ka ang daming tao rito na nakatingin sa atin.” Saway ng nanay niya.
“Sorry naman ‘Ma, kinakabahan lang ako.” Despensa niya.
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya rito pagkatapos kuhanan siya ng litrato. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa tuwing ngumingiti at tumitingin ito sa kanya na tila malalaglag ang shorts niya.
Hindi makapali si James dahil katabi niya si Dianne. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtetext sa kaibigan niyang si Rence.
Rence katabi ko si Dianne. Text niya rito.
Malamang magkasunod lang naman ang section natin sa kanila. Reply nito.
Alam ko. Kinakabahan ako sa presensya niya.
Tange! Inlove ka lang sa kanya kaya ganyan nadarama mo. Kausapin mo na lang kunin mo na din yun number niya para may souvenir ka rin.
‘Lol! nakakahiya baka pagdudahan pa ako nito. Saka na lang! Feel ko na magiging magkakaklase tayo next school year e.
Minura kita? Bahala ka na nga! Good luck na lang sa’yo. Blow out namin ha?
Letse!! Huling reply niya rito, tinawag na kasi sila para pumila sa gilid ng stage.
“James Lizalde from second year 1c” bungad sa kanya ng Emcee ng recognition.
“Salamat po.” Aniya saka kinuha ang certificate.
“Dianne Monte Allegre from second year 3c.” sunod na wika ng Emcee.
Nang marinig niya ang pangalan ni Dianne, hindi niya mapiglan ang sarili na ngitian ito. Sakto naman at nakatingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang nadarama niya sa tuwing magsasalubong sila ng tingin. Nakita niya rin na muntikan pa itong madapa nais niya sanang takbuhin ito pero kasama niya nag nanay niya, kaya wala siyang nagawa para rito buti na lamang at hindi ito tuluyang nadapa.
Alas kwatro na natapos ang programa dahil may intermission number pang ginawa ang fourth year selected students na kasali sa dance sport. Hindi na rin niya nakuha ang number ni Dianne dahil bigla na lamang ito nawala pagkatapos na pagkatapos ng program.
Hay naku James ang bagal mo talaga kahit kalian.
Chapter One
First day of class 2010-2011…
Tahimik silang lahat ng pumasok ang isang teacher sa classroom nila, ito marahil ang class adviser nila.
“Magandang umaga!” bati nito sa kanila.
“Magandang umaga rin po-“ hindi nila itinuloy dahil di pa nila ito kilala.
Mrs. Cecil Abel iyon ang isinulat nito sa pisara.
“Mrs. Abel.” Pagtatapos nila.
“Maupo na kayo.” Utos nito,
“Maraming salamat po.”
Hindi niya lubos akalain na magiging kaklase niya si James, 1b rin ito tulad niya, sabagay ay parehas lang ang average nila kung tutuusin.
Isa-isa silang nagpakilala sa harapan ang naging simula ng araw nila. Nang si James na ang magpapakilala, hindi niya mapigilan na silayan ang cute na mukha nito.
“Next?”
“Next?!” sigaw ng teacher nila.
“Hoy Dianne, Ikaw na!” ani ng katabi niya ng sabihing siya na ang susunod.
Tumayo na siya sa harapan at inumpisahan ang pagsasalita tungkol sa sarili niya, mula sa pangalan niya, saang section siya galling last school year, hobbies niya, ayaw at gusto niyang ugali sa isang tao.
“Kay aga-aga ay nangangarap ka na ng gising hija.” Wika ni Mrs. Abel.
“Sorry naman po Ma’am.” hinging paumanhin niya.
“Okay lang iyon. Sige maupo ka na.”
“Salamat po.”
Pinagawa agad sila ng isang activity ukol sa pagsulat ng pambansang awit at ang Panatang Makabayan, dahil marami daw sa mga kabataan ngayon ay hindi na kabisado ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan.
Bumilib ang lahat ng awitin ni Dianne ang pambansang awit.
“Marunong ka palang kumanta Dianne. Pagbutihin mo pa.” papuri sa kanya ni Mrs. Abel.
“Naku Ma’am, di naman po iyon maganda, pero salamat na rin po.”
Bumalik siya sa kanyang upuan ng mapansing nakatingin sa kanya si James, bumawi ito ng tingin ng makitang papalingon siya. Parang ayaw na ring bumalik ang mga mata niya sa harapan at nais na lang titigan ang mukha ni James. Natigilan siya ng kalabitin siya ni Hanna.
“Ang galling mo pong kumanta.” anito sa kanya.
“Ha? Naku hindi naman maganda boses ko e, inuubo pa nga ako. Pero salamat na rin. Hanna di ba? Transferee ka? Hindi kita kasi nakikita rito last school year e.” sunud-sunod na tanong niya rito.
Tumango na lamang ito sa kanya saka muling humarap at nakinig sa iba pang kumakanta.
“Ang hinhin mo naman ‘te” kumento niya.
Nanahimik na lamang siya sa kanyang kinauupuan dahil hindi niya pa alam kung ano ang dapat na ikilos.
Recess time ng mag-ingay silang magkakaklase. Ilan sa mga ito ay nakikipagkwentuhan sa kanya, iba naman ay kinikilala pa lang siya. Mababait ang mga ibang babaeng classmate niya lalo na sina Zhel, Lejani, Hanna, at Krizia.
“Hello, Zhel nga pala. Rezhel Martinez. Dianne di ba? Nice meeting you.” pagpapakilala nito .
“Hehe. Oo tama ka, ako nga si Dianne Monte Allegre from second year 3c last year. Maingay din pala kayo, akala ko kami lang ang nag-iingay.” Pabirong sabi niya.
“Oo naman. Natural na sa amin ang mag-ingay hindi maiwasan alam mo na call of nature ika nga.”
Hindi natapos ang unang araw nila ng walang nakikilalang bagong kaibigan.
Kinabukasan ay nagsimula na ang pagpapakilala ng mga subject teacher nila. Unang subject nila ay MAPEH at inayos ng teacher nilang si Mrs.Carrey ang kanilang seating arrangement.
“G-number thirteen dun ka sa tabi ni B-number thirteen.” utos nito.
Hindi niya inaasahan na makakatabi niya sa buong school year sa MAPEH subject nila si James.
My God! Lord ang aging pang-aasar nito. Sana hindi ko sya malapa sa sobrang bango at cute niya.
November 2010
“Class hahayaan ko kayong pumili ng nais niyong maging kamiyembro sa Lantern Making Contest ng TLE Department. Group yourselves into not less than ten members dapat makabuo kayo ng lima hanggang anim na grupo. Magkakasama ang boys at girls.” Utos ng guro nilang si Ma’am Atienza.
Agad silang nagrupu-grupo. Naging magkakagrupo sina Hanna, Lejani, Mj, Nathan, Krizia, Chris, Renz, Aj, James at Dianne. Binalak nilang pag-usapan ang paggawa ng parol sa bahay nila Nathan kinabukasan.
“Oh, ayan kina Nathan tayo bukas. Teka, anong oras pala?” tanong ni Mj.
“Mga alas diyes na siguro o kaya after lunch ano sa tingin niyo?” suhestiyon ni Aj.
“After lunch na lang may pupuntahan pa kasi kami nila mama.” Wika ni Dianne.
“O sige after lunch na lang sa may Mini Stop sa city hall.” Paalala ni Mj.
“Okay!” wika ng lahat.
Chapter Two
MASAKIT ang mata ni Dianne nang magising siya dahil sa pambubulahaw ng kaklase niyang si Hanna. Pagod kung pagod naman kasi ang sitwasyon nila. Pinagawa sila ng diksyunaro sa Social Studies ni Ma’am Abel. Buong libro ang hinalukay niya at iilang libro rin ang inisa-isa niya kagabi. At panibagong pakikibaka na naman ngayong araw.
“Dianne! Mamayang 1pm! Kaila Nathan tayo! First day natin ‘tong gagawa sa Lantern kaya dapat kumpleto tayo.” Si Hanna na tumawag sa kanya nang alas-sais ng umaga.
“Alam mo, Hanna. Akala ko dati mahinhin ka. Pero hyper ka na, eh. Ang aga-aga pa oh. Makapambulahaw lang ah.: Sabi niya sa kausap niya habang yakap ang favorite magic pillow niya. Narinig niyang humagikgik ito sa kabilang linya. “Aba. Trip mo ako ha? Naku po!” nasabi na lang niya rito.
“Hindi naman, Dianne. May pinagmanahan lang ako sa pagiging hyper.”
“Sino naman ‘yang pinagmanahan mo, aber?” sagot niya nang bahagyang nakataaas ang isang kilay.
“Ikaw.” Sagot nito na sinabayan ng isang malakas na tawa.
“Ha-ha-ha. Natawa ako, oh. Sige na. Kumain ka na ba ng breakfast? Kakain lang ako. Mamaya na tayo magdaldalan sa paggawa nung lantern.”
“Oh, sure. Pupunta ako sa inyo ah. Sabay na tayo sa Ministop para hindi boring. Okay? See you! Bye!”
“Okay, bye.” Sabay baba ng telepono. “3 minutes. ‘Yun lang.” Humiga siyang muli para umidlip nang alarm clock naman ang tumunog.
Gigil na gigil niyang pinatay ang alarm clock at saka hara-harabas na tumayo patungo sa banyo at nagpalit ng damit matapos maghilamos at mag-tooth brush. Bumaba na siya para mag-agahan.
“Ate, galit ka? Saan? Sa mundo? Sa amin?” pambubuska ni Ron. Ang nakababata niyang kapatid.
“Gusto mong masama sa kinagagalitan ko, ha?” sabi niya rito at saka pinandilatan ng mata.
“Wooo! Takot ako!” tuya pa nito. Sinabunutan na lang niya ang kapatid at hindi na sumagot. Ganyan silang magkapatid. Nagsasapakan at nag-uumbagan. That’s their way to show how much they value each other. Sa opinion kasi nila, hindi naman porque nagsasakitan ay nag-aaway. Maging unique ba. Sinasaway na sila ng mama nila pero hindi naman sila paaawat. Sanay na rin naman ang mga magulang nila nang ganoon.
“Hay naku, Ronald. Tigilan mo ‘yang ate mo. Mukhang bad trip. Kumain ka na, Dianne.”
“Yes, Ma. Naku! Nanay nga kita! I love you, Ma!” saka niya iyo inupog ng halik.
“Kain na. Hotsilog. Your favorite.”
Pagkatapos kumain ay naligo na siya at saka ipinagpatuloy ang paggawa ng AP Dictionary niya. Katulad ng inaasahan niya, may pupuntahan sila ng Mama niya. Ayos naman na ang look niya. Pair of jeans na may mga tastas at tahi at plain t-shirt. Iyon ang get-up niya.
“Naku po, Dianne. Kailan mo ba babalaking maging babae? Mukha ka na naming lalaki diyan sa hitsura mo.” Saway ng mama niya.
“Ano ba naman ‘yan, Mama. Hindi ka pa nasanay sa mukha kong ‘to. Ang pogi pogi ko nga oh.”
“Bahala ka. Magiging babae ka rin, makita mo. Gaganyan-ganyan ka ha. Naku, sana dumating na ‘yung lalaking babago sa’yo.”
“Oo na lang po ako. Walang magpapabago sa’kin, ano. Hah! Ako pa.”
“Naku. Kapag may nabalitaan kaming may lalaki kang kinababaliwan, aba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Uusisain ko ba sya o magpapadasal ako sa lahat ng simbahan sa Pilipinas.” Iiling-iling na turan nito.
“Eh! Wala nga! Halika na kasi. May Lantern Making pa kami mamaya.”
“Sus. Makikipag-date ka lang eh.” Tatawa-tawang sabi nito saka nauna nang naglakad. “Halika na. Akala ko ba may date ka pa?”
“Lantern making, ‘Ma.” Pagtatama niya.
“Oh eh di, Lantern Making. Halika na.” Iiling-iling na sumunod na lang siya. Kapag Mama na talaga niya ang nambuska, wala siyang sabat.
SAKTONG ala-una nang dumating si Hanna sa kanila. As always, grabe ang fashion statement. Hindi naman siya ganoon ka-OA pero hanga talaga siya kapag si Hanna ang nagdadala ng damit. Lahat naman kasi ay bagay dito.
“Hello po, tita!” bati nito sa Mama niya. “Sunduin ko na ho si Dianne para sa lantern making namin.” Sabi nito.
“Sige. Ingatan mo mga kasama mo ha? Nabuska kanina ni Ron ‘yan kaya bad trip ‘yan. Baka manlapa ng tao.” Sabi nito sabay tawa. Umalis na rin sila agad dahil sila na lang daw ang hinihintay sa meeting place nila kaya nagmadali na rin sila.
“AKALA ko ba kami na lang ang kulang dito?” Gulat na tanong ni Dianne
“Nandito na kami!” Masiglang wika ni Rence habang papalapit sa kanila. Napakislot na lang si Dianne nang magulat sa biglang pagdating nito.. kasama si James.
Oo nga pala. Ka-group ko pala ‘to. Help me Lord!
Wala namang masyadong nangyari sa unang tatlong araw ng paggawa nila. Ngunit habang tumatagal, mukhang nahahalata na ng iba nilang kaklase ang mga nangyayari sa pagitan nila ni James. Lagi kasi silang napapansin nito na hindi nagpapansinan. Sa lahat lahat daw ba kasi ng mga magkakaklase, silang dalawa na lang daw ang hindi nagkikibuan.
“James! Hoy! Usap na. Torpe pa eh!” Tukso ni Mj kay James at saka siya napalingon dito. Inoobserbahan niya lang ang magiging reaksiyon ni James sa tuwing tinutukso siya rito. Wala naman. Ngingiti, titingin sa kanya at saka naman magbababa ng tingin na animo’y maamong tupa.
“Hay naku po! Wala naman pala. Weak ka!” asar naman nila Chris.
“Ay! Ay! Ay! Pinagkaisahan niyo na si James ah. Kain na lang tayo!” awat ni Dianne sa mga kasamahan nila. Sakto naming dumating ang Lola ni Nathan at inaya na sila sa pagkain.
“Mga bata! Halina’t kumain muna kayo para may energy mamaya sa pagpapatuloy niya ng Lantern Making niyo!” tawag nito sa kanila.
“Opo!” Sabay sabay na tugon nila.
I love you, Lola! You are my seybyor!
HINDI sanay si Dianne na kumain sa lamesang hugis bilog. But you have to. Gutom ka na! At para mawala ang distraction mo sa lalaki sa likod mo, gaga! Oo nga. Kakain na lang siya.
“Hoy, Lizalde! Maupo ka na! Ikaw na lang ang nakatayo. Ano ba gusto ipapatayo ka pa ng rebulto?” sabi ni Aj.
“Eh wala kasi akong upuan.” Pagdadahilan ni James.
“Palusot mo, luma na! Tungaw! Ayan oh! What’s the use of that chair, Lizalde?” iiling-iling na sabat ni Mj. “Tumabi ka na kay Dianne. Nailang pa eh!” pahabol pa nito.
Hindi na lang niya binalak na sumagot. Sa halip ay ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya. Sa pagkain na lang niya ibubunton ang hiya niya. Oo, hiya. Hiyang-hiya siya kay James. Sus. Bakit ba naman kasi naisipan pa ng mga ito na tuksuhin siya dito? Psh! Kalokohan 101!
“Mommy, Daddy! Nag-aaway na naman kayo! Nasa harap tayo ng mga blessings ni Lord oh!” sabi ni Krizia na sinabayan ng bungisngis. Nagtinginan ang mga ito: sina Hanna, Lejani, Chris at si Krizia mismo. Kilala niya ang mga ito. May mga binabalak ang mga tinginan nito. At sigurado niyang hinding-hindi niya ‘yon magugustuhan.
“Oo nga! Daddy naman kasi! Will you please sit beside mommy na parang walang away sa.. sa..” biglang nautal si Lejani sa sinasabi. Aba’t may balak pa kayong bumuo ng pamilya ngayon?!
“Sa Monte-Lizalde Family!” salo ni Chris.
“Oo nga! Sa Monte-Lizalde Family! Daddy..” tinungo ni Hanna si James na nakapako na yata sa kinatatayuan. Ganoon rin naman siya. Hind niya alam ang takbo ng utak ng mga kaibigan niyang ito. “Sit beside mommy na. Please? Para sa aming nga anak niyo…” sabi ni Hanna at pinilit si James na umupo sa tabi niya. Sige lang, Dianne. Kain. Kain. Kain!
“Lizalde, sit!” utos ni Renz.
“Upo na kasi.. Tsk tsk..” iiling-iling na sambit ni Nathan.
“Hijo, maupo ka na. At nang makakain ka na rin. Maraming oras pa ang gugugulin ninyo sa paggawa ng parol.” Ani Lola ni Nathan na marahil ay hindi na nakatiis sa ingay na ginagawa nila sa dining area.
“O-opo.” Si James at nag-aalangan pang umupo sa tabi niya. Inilayo pa nito ng bahagya ang upuan sa kanya.
Hah! Ano ako?! May ketong?! Makalayo naman ‘tong mokong ito! Malay ko ba kung ikaw pala ‘yun! Hmm. AIDS?! Ani niya sa sarili niya. Inusog niya rin ang upuan niya.
“Mommy, Daddy.. Hindi niyo kami love.” Sabay-sabay na sinabi nina Hanna, Krizia, Lejani at Chris. Sabay ring umangat ang tingin ni Dianne at James mula sa kinakain nila patungo sa direksyon ng apat na ngayon ay magkakatabi na at nagbubungisngisan. Ngiting-aso lang binigay niyang ganti sa mga ito. Si James naman ay mukhang inosente pa.
“B-bakit naman?” mahinang tanong nito sa apat.
“Kasi hindi kayo nag-uusap..” sabay na naming wika ng apat. Mukhang planado na ng apat ang ginagawa. Umiling na lang siya sa naisip niya.
“A-ahh.. Kumain na nga lang kayo.” Nakangiting sabi ni James sa apat.
Ngayon lang niya ito nakitang nakangiti. Ang snob naman kasi nitong taong ‘to! Paano kaya kung maging tatay ka talaga ng magiging anak ko? Hayahay! She shook her head with the thought. Aning-aning talaga siya kahit kailan! Sandaling katahimikan ang namayani. Busy na sa pagkain ang ibang kalalakihan. Lumipat kasi ang mga ito sa sala at doon na kumain. Mukhang kinuntsaba ang mga ito ng apat. Na naging anak-anakan na niya simula ngayon. Pulos “Mommy” na kasi ang tawag nito sa kanya. At “Daddy” naman.. kay James. Silang dalawa naman ay nagsusulyapan. Ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Sabay sabay ulit na nagsalita ang apat. Magpapasalamat sana siya sa mga ito kung hindi lang niya nagustuhan ang winika ng mga ito.
“Buo na ulit ang Monte-Lizalde Family!” sigaw ng mga ito.
Chapter 3
Natapos na ang lantern making nila. They ranked as the third for the whole campus. Okay lang naman. At least worth it naman lahat. Lalo na at nakasama niya si James sa loob ng halos isang buwan. Okay na rin ‘yun. Naalala niya ang araw na nabuo ang Monte-Lizalde Family.
Simula ng araw na iyon ay naging tampulan na sila ng tukso. Hindi lang sa kanilang magkakagrupo, kundi pati na rin sa buong klase. Walang patawad ang mga ito. Pati mga student teachers nila ay kakuntsaba na ng mga ito. Naging trending sa kanila ang usapang iyon. Sila pa ang pinakapaboritong love team sa kanilang klase. Pati mga simpleng insidente lang, pinapatos na nga mga ito. Maski nagkataon lang na magkasalubong sila, pagkakataong tuwing dadaan siya sa harap nito ay ngingiti ito sa kanya at magtataas ng kamay na nakaporma ang peace sign. Laging may mga kasunod na “Ayieeeee!” ang mga kaklase niya.
“Mommy!” si Hanna. Pinanindigan na talaga ng apat. Pati nga family relationship status ng mga ito ay sila nga ang magulang ng mga ito. Nababaliw na talaga ang apat na ‘yon.
“Oh, bakit?” tugon na lang niya. Ilang beses na niya pinagalitan at sinabihan ang mga ito na tigilan na ang pagtawag sakanila ng Mommy at Daddy. Ngunit hindi naman nakinig ang mga ito at ipinagpatuloy nito ang mga nakasanayan.
“Mommy, alam mo..” sabay tingin nito sa likuran.
“Hindi ko alam.” Matabang na tugon niya. Wala siyang panahon sa usapang love life. Okay na sakanya na crush. Okay na ‘yun.
“Mommy! Mommy! Mommy!” saka naman lumapit sina Krizia at Lejani sa pwesto nila ni Hanna. Pumwesto siya sa pinakasulok ng classroom nila sa may bandang harapan. Pinakatahimik kasi iyon kumpara sa pwesto sa likod. Maingay na talaga sila kung tutuusin. Section one pa naman kung ituring. May magagawa ba sila? Eh kung sa wala naman silang teacher.. Ang yugyog ng tatlo sa balikat niya ang nagpabuhay sa diwa niya.
Do'stlaringiz bilan baham: |