"Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola." ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura



Download 117,93 Kb.
bet6/7
Sana25.06.2017
Hajmi117,93 Kb.
#14991
1   2   3   4   5   6   7

“K-kung… Kung ayaw mo akong seryosohin then the deal is off!” wika niya saka binalak na pumanhik.

“You can’t just make the deal off. Paano na ang anak natin? Sabi ng mama mo na nagsisimula ng maghanap ng daddy si Chriziah dahil papasok na ito sa preschool next school year. Would you take away your pride for once at ng mapasaya mo si Chriziah.”

Napaharap siya at lumapit rito. Napaupo ito ng duruin niya ito sa noo.

“Wala kang karapatan na pagsabihan ako. Wala ka ding karapatan na magreklamo kung paano ko papalakihin ang anak ko. For your information, na sa akin siya ng limang taon, limang taon na kung saan wala ka. Walang James Lizalde na hinanap kami at sinubukang maging tunay na lalaki. Ngayon, kung balak mo pang insultuhin ako kung paano ko pinalaki si Chriziah, lumayas ka na sa pamamahay ko.” Paglilitanya niya saka iminuwestra ang pinto para makaalis si James. Pero natinag ito, hindi ito kumilos sa kinauupuan niya bagkus tumayo pa ito para lumapit sa kanya at isinara ang pinto.

“Hindi pa man tayo kasal ina-under mo na ako.” Wika nito saka ikinawit nito ang mga braso nito sa kanyang bewang. Sinubukan niyang pumiglas pero hindi siya makaalis dahil sa malakas ito. Iyon ang eksenang nadatnan ng Mama Marina niya. Hindi pa rin siya niton

“Ayy! Pasensya na sa abala. Hinahanap ka na Dianne ng anak mo. Pwede mo ng isama din si James sa playroom ng maibalita mo na rin sa anak mo ang balak niyong pagpapakasal.” Wika ng mama niya saka tumuloy sa kusina.

Binitawan na din siya sa wakas ni James saka tumakbo patungo sa playroom ng anak niya. Napatingin siya sa doorknob ng humawak doon si James. Sumunod din pala ito sa kanya ng bitawan siya nito.

“Hindi mo ba narinig sinabi ni mama?” nakangiting wika nito.

“Mama? Hah! Ang kapal talaga ng mukha mo ‘no? Hindi ka nga sigurado na ikakasal tayo e, ‘mama’ na agad tawa mo sa nanay ko?” aniya saka humalukipkip na sumandal sa pinto.

“ Bilib na talaga ako sa powers mong magpaikot ng isip ng tao. Pati nanay ko nauuto mo. You are the one! Wooh!” pambubuska niya.

“Mag-aaway ba na naman tayo? Hinihintay na tayo ng anak natin. Kaya pumasok na tayo…” anito sabay bubuksan ang pinto. Parehas silang nabuwal sa sahig dahil hindi pa man nito na bubuksan ay bumukas na iyon dahil binuksan ng yaya ni Chriziah.

“Ayy! Ma’am Dianne, Sir James… sorry po. Akala ko po walang tao. Pasensya na po talaga.” hinging-paumanhin ng yaya.

Tumayo agad si James at binigyan ng matalim na tingin ang yaya. Halatang takot na takot ito dahil sa tinging ipinukaw ni James.

“Will you please stop scaring the maids? Hindi ikaw ang nag-hire sa kanila.” Paalala niya.

“It’s okay Yaya Melba. Hindi naman po ako nasaktan masyado, iwan niyo na lang po muna kami. Nasaan po si Chriziah?”

“N-Nandoon po sa books area ma’am. Sorry po ulit Ma’am Dianne.” Paumanhin muli nito, napatingin ito kay James kaya sa sobrang takot ay lumabas agad ito ng playroom.

“Gawin mo pang muli iyang pananakot na iyan walang bride kang makikita sa kasal.” Pagbabanta niya.

“So… Pumapayag ka ng magpakasal?”

“I didn’t say yes. Ipinapaalala ko lang sa iyo na wala pa akong sinasabing pumayag na ako para umastang seniorito ng bahay na ito. Maliwanag ba iyon?”

“Yes ma’am” anito sabay saludo.

Napailing na lang siya sa ginawa nitong kalokohan. Pero lihim siyang napangiti dahil sa ginawa nito. Nadatnan nilang nagbabasa si Chriziah ng Cinderella. Tumingin ito sa kanila ng mapansin ang pagdating nila. Hinubad niya ang kanyang tsinelas saka naupo sa tabi nito.

“I thought next school year pa iyan mag-aaral bakit marunong na magbasa?” nagtatakang tanong ni James.

“I taught her. Graduate ako ng Education at teacher ako sa isang kindergarten sa Canada, ipapaalala ko lang sa’yo.” Pagmamalaki niya.

“What a lucky child.” Anito. Nabanaad niya ang lungkot sa mga mata nito.

“Yeah I know. Gifted ang parents eh.” wika niya.

Nakipaglaro muna sila kay Chriziah. Binasahan nila ito ng children’s book, nagfingerpainting, at naghabulan. Nakatulog si James habang binabasahan niya si Chriziah ng Rapunzel.

“Hey baby, you want to paint again?” aniya saka binulangan ito.

Kinuha nila yung natirang paint ginamit nila kanina. Pininturahan nila ang mukha ni James. Nilagyan nila ng pintura ang palad nito saka kiniliti ang tenga nito kaya napahawak ito sa tenga at napahiran ng pintura ang kaliwang mukha nito. Humagalpak sila ng tawang mag-ina.

“Anong nakakatawa?” inaantok na tanong nito.

“You!” sabay na wika nila ni Chriziah.

“Ako? Bakit?” tanong nito saka iniabot ang salamin ng compact powder niya. Nanlaki ang mga mata nito at pilit na tinatanggal ang pinturang nilagay nila.

“Kayo! Lagot kayo sa akin!” anito saka dinapot ang paint brush saka hinabol sila. Napuno ng halakhak ang buong playroom, nagkapintura din sila ng ma-corner sila nito. They ended up covered with paint in their faces. Napahiga sila sa alphabet carpet ng kwarto. Hindi maalis sa mukha ni Chriziah ang ngiti at kasiyahan sa mukha nito.

“Mommy, tabi kayo ni tito James.” Utos ni Chriziah.

“Ha? Bakit ‘nak?”

“Sige na mommy please…”

Hindi pa naman siya pumayag ay lumapit na si James sa kanya at hinapit ang bewang niya. Naramdaman niya ang munting halik na iginawad nito sa bumbunan niya.

“Yehey! Tito James, pwede ikaw na muna daddy ko?”

Sabay na nagkatinginan sila ni James.

“About that baby, may gusto kami sabihin sa iyo ng tito James mo.” Pagpapaliguy-ligoy niya. Nabatid niyang nawala ang saya sa mukha ng anak niya ng marinig ang sinabi niya.

“Me and your mommy going to get married Chriziah.” Mabilis na bawi ni James. Bumalik ang saya sa mukha ni Chriziah ng marinig ang sinabi ni James. Nilapitan sila nito at pinugpog ng halik sa magkabilang pisngi.

“Yehey! Yehey! I have a complete family! Yehey!” patalun-talon na pagsasaya ni Chriziah.

“Stop jumping na Chriziah baka matumba ka sa pag tatalun-talon mo.” Sita niya. Pero patuloy pa rin itong tumatalon. Inaya pa sila nitong makitalon. Napilitan siyang makisabay sa kasiyahang nadarama nito.



If you just only knew baby… I want to be happy too just like you...

Chapter Nine


“Happy Birthday Chriziah!” salubong niya sa anak niya habang nakahiga pa ito sa kama. Dala-dala niya ang chocolate cake na handa nito.

“Happy birthday to you… happy…birthday… to… you… Happy birthday baby. Make a wish na.” aniya saka pinahipan ang candles.

“Thank you mommy!” anito saka bumangon mula sa pagkakahiga at sinugod siya upang pugpugin ng halik.

“Slow down baby, may party ka pa mamaya. Take a bath na and I’ll dress you up like a princess. C’mon.” aniya saka tumayo. Pinaliguan niya ang kanyang anak at binihisan ng isang knee-length red dress. Nilagyan niya rin ng tiara ito para magmukhang prinsesa na theme ng party nito.

“Hayan! Maganda ka na baby.”

“Of course mommy, kaw po ang nagdress-up sa akin. Mommy where’s Tito James?” paghahanap nito. Napagkasunduan nila na tawagin niya muna itong tito habang hindi pa sila kasal.

“He’s going to be late baby.” Nakita niya na lumungkot ang mukha ng anak niya ng marinig na mahuhuli ng dating si James. May gagawin pa kasi raw ito kaya male-late ng dating.

Geez, James! Kung anuman ’yang ginagawa mo ngayon please ihinto mo muna iyan at pumunta ka na rito.

“Don’t be sad baby, sige ka, papangit ka. Be happy darating na daw si Tito James mo.”

Bumalik ang kasiyahan nito. Niyakap ito ng mahigpit sa kanya at hinalikan sa pisngi. “You really are the best mom! I love you mommy.”

“I love you too baby, let’s go down na. Nandiyan na mga visitors mo.” Inalalayan niya na ito at tumungo na sa garden.

“Ma’am nandito na po iyong clown na maghohost ng party.” Wika ni Yaya Melba.

Ikinagulat niya ang sinabi ni Yaya Melba. “Clown? Wala akong ni-rent na clown.” Wala siyang nirentahan na clown dahil baka may batang matakot kapag nakakita ng clown.

“Sabi po niya meron daw po nagrent.”

“Pero—”


“Dianne, magsisimula na ang party. Naiinip na ang mga bata. Nandiyan na din ‘yong clown na maghohost.” Sambit ng mama niya saka hinila siya papunta sa ppwesto ng anak niya.

“Hinahanap ka na ng anak mo. Bakit wala pa ang daddy niya.” Paghahanap ng Mama niya kay James.

“Male-late daw po ng dating Mama. May inaasikaso pa daw po siya sa negosyo.”pagpapaliwanag niya.

Nagtaas ng kilay ang Mama niya sa narinig. “Negosyo? Hindi niya ba alam na kaarawan ng anak niya? Tawagan mo na nga at papuntahin mo na rito.” Utos nito. Napatango na lamang siya at sinimulang i-dial ang numero nito. Natatawa sa ginagawa ng kasama ng host ng clown. She reminded of Rence, ang best friend ni James, dahil sa kilos na ginagawa nito para magpatawa. Just like a Mr.Bean character.

Hindi pa rin sinasagot ni James ang tawag niya. Maaring nasa meeting pa ito. Pinutol na niya ang pagtawag at nanuod na lang sa mga nagpeperform na clown.

“Hey children! Do you want to see who’s behind Mr. Felix the Clown?” tanong ng clown na nagpakilalang Bolbie the clown.

Sabay sabay na nagwika ng “Yes!’ bilang pagsang-ayon kay Bolbie the Clown.

Ipinuwesto nito si Chriziah katabi ni Felix the clown. “Can we call on the birthday celebrant? Chriziah Allanice? Come here pretty princess. You will be the one who will remove Felix the Clown’s make-up. Just wipe his face with this ‘magic cloth’, ready?” tumango ang kanyang anak. Lumuhod sa harap nito si Felix the clown para mapunasan ni Chriziah ang mukha ni Felix the clown.

Inumpisahan nito burahin ang make-up ni Felix the clown. Laking gulat nilang mag-ina na makita kung sino ang nasa likod ng makapal na make up ni Felix the clown.

“Surprise!” masayang sambit ni James. “Sorry kung late baby, nagmake-up pa si Tito James ng sobrang kapal.” Paliwanag nito. Niyakap ng mahigpit ni Chriziah ito, ginantihan din naman nito ang yakap ng anak niya.

Tumingin ang dalawa sa kinaroroonan niya. Lumapit sa kanya si Chriziah upang isama siya sa mini ‘reunion’ nila.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nabanggit na lamang niya ang pangalan nito. “J-James...”

Lumingon ito sa kanya saka nagsalita. “Hmm… Sorry if I’m late. Gusto ko lang masorpresa kayong mag-ina. Obviously, nasorpresa nga kayo. Glad to be successful.”

“Y-yes, Nasorpresa nga kami.” Bakit ba ako nauutal?

“Thanks. Nagustuhan mo ba performance namin Chriziah?” baling nito sa anak niya. Tumango naman ang anak niya, tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Inakay na nito ang bata papunta sa mga bisita nito. Huminto ang mga ito at lumingon sa kinaroroonan niya.

Lumapit si Chriziah sa kanya. “Tara na mommy” aya nito sa kanya. Nagpahila na lamang siya rito papunta sa mga batang bisita nito.

Gabi na ng matapos ang party ni Chriziah. Masayang nagsi-uwian ang mga batang inimbita nila. Pinabaunan pa nila ang mga ito ng ilang handa nto. Buhat-buhat ni James ang kanyang anak patungo sa silid nito.

Natahimik sila ng makalabas ng kwarto nito. “Salamat.” Usal niya.

Lumingon ito sa kanya at nginitian siya. “It’s nothing. Kahit sino naman sigurong magulang nais ang kasiyahan para sa anak nila, hindi ba?” napatango siya sa tinanong nito.

“I gotta go. Gabi na din, unless na gusto mo ako mag-stay.” Wika nito na may ngiting-asong kasama.

“I-It’s okay may isa pang kwartong vacant for visitors. Iyon na lang ang gamitin mo. Ipapalinis ko na lang sa mga katulong.” Aniya sabay talikod upang bumaba. Pinigilan siya nito sa braso niya.

Napatingin siya sa kamay na nakahawak sa braso niya. “Sorry.” Saka siya binitawan nito. “Sige doon muna ako sa baba tutulong lang ako sa pagliligpit, samahan mo muna si Chriziah baka magising at baka hanapin ako. May buzzer naman sa kwarto niya. Pindutin mo lang iyon tapos makakarating na iyon sa kusina.” Aniya saka tuluyang bumaba.

Hinawakan nitong muli ang braso niya kaya naging dahilan ito na mapasubsob siya sa matipunong dibdib nito. “Ano ba James! Nakakarami ka na ha? Masakit na braso ko kakapigil mo diyan.” Naiiritang wika niya.

Binitiwan nitong muli ang braso niya saka inayos mula sa pagkakatayo. “Sorry.” Hinging paumanhin nitong muli. Tumango siya bilang pag-sang-ayon


NAGING abala sila Dianne sa pag-aasikaso sa mala-engrandeng kasal nila ni James. Isang linggo na lamang ang hihintayin bago sila maikasal. Sa simbahan ng San Agustin magaganap ang seremonya, sa isang resort naman sa Los Banos, Monte Nevoso ang reception.

“Anak, hindi pa ba pupunta si James para tingnan ang plano para sa kasal niyo.” Tanong ng Mama Marina niya.

“Nasa business trip pa po siya Mama, bukas na din po ang balik niya galling Hong Kong. Siguro po ay nandito na siya by tomorrow.” Papaliwanag niya.

Nagtaas ng kilay ang Mama niya sa narinig na paliwanag niya. “Siguro? Teka nga, bakit hindi mo alam kung kalian babalik ang mapapangasawa mo? Naku, Diana, binigyan namin siya ng papa mo ng isang pang pagkakataon dahil balak niyang pakasalan ka. Tapos ganito? Aba’t baka puro na lang trabaho iyon at hindi na kayo asikasuhin ng anak niyo kapag tumira ka na sa kanila.” Panenermon nito saka bumalik sa pag-aasikaso ng iba pang kailangan para sa kasal nila ni James.

Nagring ang cellphone niya habang sinusukatan siya ng wedding gown niya. Isang unregistered caller ang rumehistro sa screen ng cellphone.

“Hello?”


“Hindi kayo magiging masaya tandaan mo iyan! Papatayin kita! Paptayin ko kayo ng anak mo!” pagbabanta nito.

Tumungo muna siya sa CR para kausapin ang caller niya. “Hello! Hello! Kung sino ka man, huwag ka puro salita, ituloy mo iyang pagbabanta mo at hindi ako natatakot sa’yo! Huwag mo lang madamay-damay anak ko kundi malilintikan ka sa akin! COWARD!” punung-puno ng galit na ibinaba ang cellphone niya. Napasanda siya sa lababo dahil nanggigigil siya sa prank caller niya. Hindi siya natatakot sa pagbabanta nito para sa kanya. Pero sa banta nito sa anak niya, doon siya natatakot.

“Ma’am? Okay lang po ba kayo? Itutuloy pa po ba namin ang pagsusukat ng gown sa’yo?” tanong ng modista niya. Tumango siya saka tumayong muli. She agreed to follow the tradition of white wedding gown. Nais sana niyang gawing itim ang gown pero hindi sumang-ayon ang mga magulang niya, baka raw mapagkamalan na burol ang dadaluhan at hindi kasal.

“Mama? Nasaan po si Chriziah?” nag-aalalang tinig ang narinig niyang sinambit niya. Hindi niya kasi mahanap ang presensya ng anak niya mula ng matapos ang pagsusukat sa kanya.

“Kasama niya si Yaya Melba sa likod-bahay. Bakit hija?”

Hindi na niya sinagot ang tanong nito saka pinuntahan ang anak niya. “Chriziah! God you’re fine!” aniya saka niyakap ng mahigpit ang anak niya.

“Dianne? May problema ba? Ano ba sinabi sa’yo no’ng tumawag sa’yo?” nag-aaalalang tanong nito sa kanya.

“Wala po iyon Mama. Wrong number lang po.” Pagdadahilan niya.

“Sigurado ka hija?” Ulit nito. Tumango siya at hindi na umalis sa tabi ng anak niya.

Tumunog ulit ang cellphone niya, sa pagkakataong iyon, si James na ang tumatawag. “Hello?” pormal na wika niya. Sa katunayan ay sabik na sabik siyang marinig ang boses nito, kahit araw-araw itong tumatawag para kamustahin ang kasal nila at ang anak nila.

“Hi… Kumusta ang preparasyon para sa kasal?” pagtatanong nito.

Huwag ka ngang mag-assume Dianne na ikaw ang kakamustahin niyan.

“Okay naman. Ikaw na lang ang hinihintay ng modista para sukatan ka para sa susuotin mo. Hinahanap ka na din pala nila Mama, kailan daw ba ang balik mo?”

“Turn around.”utos nito. Lumingon siya at nakita niya ito karga karga si Chriziah. “Surprise!” anito saka lumapit sa kanya.

“Si mommy namumula pisngi Tito James.” Humahagikgik na wika Chriziah. Tumalikod agad siya at hinawakan ang pisngi niya.

Iniharap siya nito, pero nakayuko siyang humarap dito. “Wala ako diyan sa damuhan.” Namimilosopong wika nito. Hinampas niya ito sa braso para mapigilan ang pamumula ng pisngi niya.

Ibinaba nito si Chriziah para masangga ang mga palo na ginagawa niya. “Dianne, stop it… Aray! Masakit na ahh.” Anito para tumigil siya sa panghahampas. Tumatawa pa rin si Chriziah dahil ginagawa nila.

“Ikaw kasi!”aniya saka hinahampas ulit si James.

“Wala naman akong… Aray! ginagawa sa iyo.”

“Dianne! James! Hala at dito pa kayo nag-gaganyanan sa harap ng bata. Di na kayo nahiya? Halika na Chriziah at parental guidance ang ginagawa ng magulang mo.” untag ng Mama niya saka iginayak sa loob ng bahay si Chriziah.

Napamaang siya sa sinabi ng nanay niya. “Kita mo yun! Akala tuloy ni mama nag---“ di niya naituloy ang sasabihin dahil pagkaharap niya ay kinabig siya nito sa bewang at inilapit nito ang mukha niya sa mukha nito.

“You’re still bubbly as what you are before.”

“J-James…” nauutal na wika niya. Papababa ng pababa ang mukha nito sa mukha niya. Alam na niya kung ano ang maaaring sumunod na mangyayari. He would kiss her!

“Dianne, you still smell nice.”

“Smell nice ka diyan. Kanina pa kami naglalaro ng anak mo, amoy pawis na nga ako.” Hindi siya makatingin ng diretso sa binata kaya nagpupumiglas siya na makawala sa bisig nito.

Nagsalubong ang kilay nito dahil sa ginagawa niya. “What are you doing?”

“Hindi ba obvious? Syempre kumakawala sa’yo? Pakawalan mo na kasi ako.” Aniya saka pilit na kumawala pa din.

“And why do you want to get out of my arms?” may ngiting-asong sumilay sa mukha nito.

“Dahil… Dahil mainit! Naiiniitan na ako sa pwesto ko!” pagdadahilan niya.

“Geez, you are still not good at lying. Gusto mo ba talagang makawala?”

Nagtaas siya ng kilay sa narinig niya mula rito. “Yes.”

“Okay then, kiss me.”

“Ha?”


“I said kiss me.” Anito saka pumikit.

Tinampal niya ito sa pisngi kaya ito nagmulat at napahawak sa pisngi. “Belat!” aniya saka kumaripas ng takbo papasok ng bahay. Hinabol din siya nito, kaya napapatili siya tuwing malapit na ito.

“Mama!” sigaw niya.

“Geez, stop screaming Dianne---” natahimik ang mama niya ng makita ang pwesto nila ni James. Nakapaibabaw ito sa kanya.

Juice ko ‘day! Doon nga kayo sa kwarto niyo mag-ganyanan hindi na kayo nahiya. Hindi ba kayo makapaghintay sa honeymoon niyo. Ano ‘to, kailangan may audience?” Panenermon ng mama niya saka pumanhik muli.

Nagkatinginan sila ni James, buti at umalis na ito sa ibabaw niya. Nagsalubong ang kilay niya pagkatapos ang panenermon ng mama niya. “Mauna na ako sa itaas. Kung dito ka ulit matutulog, pinalilinis ni Mama araw-araw iyong silid na ginamit mo dati, kaya wala ka nang dapat alalahanin pa.” aniya saka pumasok sa kwarto.

HINDI makatulog si Dianne isang araw bago ang kasal nila James. Nag-final fitting siya ng wedding gown at dinouble check ang mga pagkain para sa mga bisita.

Napatigil siya sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto.Sa hotel na siya nagpahinga para hindi na magahol sa oras pagpunta sa hotel kapag kinabukasan pa siya pumunta. Si Chriziah ang niluwal ng pintuan.

“Hi there baby, what are you doing here? Akala ko doon ka muna kina lola mo muna at bukas ka na dito pupunta?”

“Si lola kasi umiiyak sa bahay. Hindi na daw kasi tayo doon titira pagkatapos ng wedding mo Mommy.”

“Si Mama talaga. Dapat binantayan mo si Lola, baka magkasakit iyon.”

“Nandoon na naman po sina Tita Kyla at Tito Ronald pati din si Nathan nandoon na din pos a bahay, kaya ikaw naman sasamahan ko po.”

Pinisil niya ang ilong nito, na namana nito mula kay James. “Okay, okay, sleep na tayo, need pa mag-beauty rest ni Mommy.” Aniya saka iginayak ito sa kama.

Kinantahan niya ito ng favorite lullaby nito para makatulog agad.

“Rock-a-bye baby, on the tree top… Na na na na na na…”

Isang sulat ang napansin niyang pumasok sa silid niya. Binuklat niya iyon. Muntik na siyang mapatili ng makita ang picture ng isang patay na babae na nakawedding gown. Sa likod ng larawan ay may nakasulat, ginamitan at iyon ng pulang jobos para mag mukhang dugo talaga. Artistic ang mamamatay-tao ko.



Monte Allegre! Humanda na kayo ng anak mo at magkikta na kayo sa impyerno! Hindi ka nakinig sa mga babala kong iwanan si Lizalde! Ngayon mo makikita kung paano ako magalit! Humanda ka! I’ll kill Lizalde’s happiness! CURSE YOU!

Aishan.mollcrew

Napatawa siya sa alyas na ginamit ng killer niya. May pagka-comedian pala ang murderer ko.

Bumalik na siya sa higaan niya at natulog ng mga himbing.


“Mommy! Wake up! You’ll going to be late! Mommy!” ani Chriziah habang tumatalon sa kama.

“Baby, stop jumping you might fall.” Paalala niya.


“Then wake up!” pangungulit nito.

“What time is it then?”

“Seven! And the make-up artist will be here in thirty minutes.” Patuloy pa din sa pagtatalon.

“Okay, okay! I’m up.” Aniya saka naupo bago bumangon.

“Have you eaten your breakfast?” tanong niya sa anak niya.

Tumango ito saka lumabas ng kwarto niya. Narinig na kasi nito ang boses ng Mama niya. Pumasok ito sa kwarto niya na may ngiti sa mukha.

“Dianne! Why aren’t you ready? Parating na ang mag-aayos sa iyo. Go and take a bath. Nasa kabilang kwarto lang kami ng anak mo.” Anito saka tinungo ang pinto.

Tumayo na siya at nagsimulang maglinis ng katawan. Saktong seven-thirty ay dumating ang make-up artist niya. Pinaglaruan ng anak niya ang make-up ng nag-aayos sa kaniya. Natawa lang ito marahil ay na-cute-an sa anak niya. Dalawa’t kalahating oras natapos siyang ayusan. Isang oras na lamang ang nalalabi bago masimula ang seremonya. Tumawag na ang ate niya para sabihing dumating na ang groom niya. Bigla siyang kinabahan ng palabas na sila ng hotel, ilang saglit na lamang at nasa harap na siya ng altar at ikinakasal na sila ni James, isa na siyang Mrs. James Lizalde any moment now.

Sampung minuto bago magsimula ang seremonya ay narrating na nila ang simbahan. Sinenyasan na sila ng coordinator na magsisimula na ang paglalakad sa aisle. Syempre flower girl ang kanyang anak, ring bearer ang pamangkin niyang si Nathan. Lavender and white ang motif ng church wedding nila. Balak sana ni Dianne nag awing itim ang motif pero maraming tumutol dahil baka daw mapagkamalang libing ang aattend-an imbes na kasal.

Nagsimula na siyang maglakad kasama ang mga magulang niya. Naging emosyonal ang mama niya, ang papa naman niya ay halatang pinipigilang umiyak. Naunang humagulgol sa iyak ang ate niya tila ito ang ikakasal. Tinitigan niya ito para matigil sa paghagulgol. Iniabot na nang Papa niya ang kanyang kamay kay James.

“Thanks po Tito.”anito.

“Call me papa from now on. You’ll be my son any time soon.” Wika nito saka nginitian ng pagkatamis. Hindi na napigilan ng papa niya ang mapaiyak. Niyakap muna siya nito bago ibigay kay James.

“You look lovely today.” Pamumuri nito.

“Today lang? Never pa ako naging maganda sa paningin mo kahit once?”

“Huwag ka ng makipagtalo sa akin saka hinaan mo ang boses mo nasa simbahan tayo at ikakasal.”

“Mahina naman ang boses ko ah!” napalakas ang boses niya sa pagkakasabi n’on. Napatingin sa kanya ang lahat ng madinig siya. Narinig din niya ang ilang bulung-bulungan mula sa mga ito.

“I told you to minimize the tune of your voice.” Anito habang may pilit na ngiti sa mukha.

“Mahina lang naman---” natigil siya ng halikan siya nito bigla.

“Ah, mga anak, itutuloy pa ba natin ang kasal o magha-honeymoon na kayo agad?” wika ng pari sa kanila.

“Sorry po father na sabik lang po ako sa bride ko.” He said as he chuckled.

Pinamulahanan siya ng pisngi sa sinabi nito. Kinurot niya ito sa palad ng alalayan siya patungong altar. Ginantihan naman siya nito, binigyan siya nito ng babala sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya ng matalim.

Bandang ala una natapos ang seremonya ng kanilang kasal. Picture taking sa bagong kasal ang naganap bago sila tumungo sa reception sa Los Banos, Monte Nevoso, Laguna. Tatlong oras ang naging biyahe mula Manila patungong Laguna. Sabado kaya hindi masyadong traffic ang SLEX. Hindi sila nagkibuang mag-asawa habang nakasakay sa Wedding Limo nila.


Download 117,93 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6   7




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish