"Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola." ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura



Download 117,93 Kb.
bet4/7
Sana25.06.2017
Hajmi117,93 Kb.
#14991
1   2   3   4   5   6   7

“Ang dami mo pang sinabi ano bang balak mong pagse-celebrate?”

“Let’s drink!”

“Drink again? Di ka naman siguro lasenggo James. Mahina din ako uminom.”pagtatanggi niya.

“Bloody Mary na lang inumin mo. Tutal di naman masyado nakakalasing iyon.C’mon!” anito saka hinatak siya patungo sa mesa nito.

Ito na rin ang umorder para sa kanya. Hindi daw nito maaatim na ang babae ang magbayad sa treat niya.

Gentledog din pala itong lalaking ito. Bakit di niya nagawa sa akin ito noong magjowa pa kame? Ayy! Oo nga pala, ayokong gawin niya iyon. Hay naku Dianne! Ang arte mo kasi kaya ngayon hinahanap hanap mo! Pakikipagtalo niya sa isipan niya.

“May problema ba?” tanong ni James sa kanya. Napansin marahil nito ang kanina niya pang pagtitig ng palihim rito.

“Huh? Wala, naninibago lang ako.”

“Naninibago ka dahil…”

“Dahil sa ginagawa mo. You didn’t do this noong may relasyon tayo.”

“Hindi ba’t ayaw mong ipagawa sa akin ang mga bagay na ito noon?”



Oo na! Ako na ang mali! sigaw niya sa kanyang isipan.

“Yup, hindi lang ako sanay na may nag-aalalaga sa akin, I used to be an independent woman. I have my own decision to make when I was young, lalo na ngayon.”

“So you are telling me na sagabal ako sa iyo noong tayo pa?”

“I didn’t say you were!”

“Pero parang ganoon na din iyon!”

Napalakas marahil ang pag-uusap nila kaya napalingon sa kanila ang ilang natitirang customer ng bar.

“Kung mag-aaway lang tayo sa pagtatagpo natin. You or I should better leave.” aniya saka tumayo.

Ayaw niyang magmukhang tanga at isisi ang nakaraan dahil dito. Ayaw niya ng maalala ang pagtataksil na ginawa nito sa kanya. Ang lihim na pagkagusto nito sa kaklase nilang si Shaina. She don’t want to act like a villain sa love story ng mga ito kaya nagpasya siya na kalimutan ang lahat kahit masakit.

Napigilan na naman siya nito ng umalis siya sa kinauupuan niya.

“Dianne, I’m sorry… I didn’t meant to shout and argue with you. Please stay.”pagsusumamo nito.

Batid niya sa mga mata nito paghingi ng tawad at pagsuyo. Gusto lamang naman nito ang makausap siya. Kaya pinagbigyan niya muli ito.

Ito na ang nagsimula ng usapan. He did most of the time the talking, nakikinig lamang siya sa kwento nito kung paano ito nagtagumpay. Mahilo-hilo na din siya dahil marami na ang naiinom niyang bloody mary. Napadami ang inom niya hindi dahil nabore siyang kausap ito kundi marahil naiinis siya dahil sa nadadama niya ang muling pag-usbong ng pag-ibig niya para kay James.

“Dianne, tama na iyan. Lasing ka na.”awat nito sa kanya.

“No! kaya ko pa. Tara inom pa James, let’s enjoy the night.”

“Stop it Dianne. Hindi na dapat pala kita inayang uminom. Ihahatid na kita sa inyo. Doon pa rin ba kayo nakatira?”

Umiling siya bilang pagsagot. Tama ito lasing na siya. Umiikot na ang paningin niya dahil sa sobrang bloody mary na nainom niya.

“Hey! Huwag kang matulog diyan. Tara na nga at ihahatid na kita sa inyo. Hoy! Saan pala kayo nakatira?” tanong nito habang inuuga siya.

Tinuro lamang niya ang kaliwang bahagi ng bar at napasadsad siya sa lamesa.


HINDI alam ni James kung saan ihahatid si Dianne. Wala na rin ang mga kasama nito sa banda. Hindi rin alam ng guard kung saan ito nakatira dahil bagong salta lamang ito. Sinubukan niyang gisingin ito pero tulog na tulog na ito. No choice siya kaya ipinangko niya ito papunta sa kotse niya.

Naman Dianne! Bakit kasi naglasing ka pa? Look hindi ko alam kung saan kita ihahatid. Anito habang binubuhat si Dianne papasok sa kotse.

Dinala niya si Dianne sa town house niya sa Ayala. Sa kama niya ito pinahiga dahil on renovation pa ang kanyang town house at hindi pa tapos ang masters bedroom. Nagtimpla siya ng kape para mahimasmasan ito.

“Dianne, wake up sweetie. Inumin mo muna itong kape ng mawala kalasingan mo.” aniya saka ginising ito.

Buti naman at nagising ito mula sa pagyugyog niya rito.

“Nasaan ako?” tanong nito sa kanya.
“Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam bahay mo. Nang tanungin kita itinuro mo lang ang kaliwang bahagi ng bar saka na lang sumadsad sa lamesa. Sinubukan kong ipagtanong sa mga empleyado ng bar pero hindi nila alam dahil masyado daw mahigpit ang seguridad tungkol sa impormasyon ng empleyado ng bar. Wala na rin si Topher at mga kabanda mo kaya no choice ako kundi ang iuwi ka sa town house ko.” Pagpapaliwanag niya.

“G-ganoon ba? Sige uuwi na ako.”

Sinubukan nitong tumayo pero bumagsak lamang ito sa mga bisig niya, at sumuka.
HINDI na napigilan ni Dianne ang pagbaliktad ng sikmura niya. Bigla na lamang kasi umikot ang paligid niya at napasandal siya sa bisig ni James, at iyon na nga nasukahan niya ang mamahaling tuxedo nito.

“Dianne!”bulalas nito sa kanya.

Patuloy pa din ang pagsuka niya. Hindi niya nakayanan ang maraming bloody mary na nainom niya.

“I’m sorry…” aniya saka nagblock-out lahat ng paningin niya.

“DIANNE!” sigaw nito. It was the last word she heard before her system went out.

Chapter Six


NANLALAGKIT ang pakiramdam ni James after na masukahan ni Dianne. Dali dali niyang inalis ang suka nito bago mangamoy suka ang kwarto niya. Naligo na din siya agad pagkatapos maglinis. Hindi niya mapigilan ang mapamangha sa kagandahang taglay ni Dianne lalo na ng mapadikit ito sa kanya. So close that he can smell the feminine scent of her.

Tulog na tulog pa rin si Dianne ng pasukin ni James ang kwarto niya.

Hindi niya magagamit ang sofa sa sala dahil puro alikabok iyon dulot nga ng renovation na nagaganap sa town house niya. Ang carpeted floor ng kwarto niya ipapalinis niya sa uupahan niyang chambermaid para malinis iyon ng mabuti. Ayaw man niya pero magkatabi silang matutulog ni Dianne.

Dinalhan niya ito ng pamalit dahil may suka na din ang suot nito. He tried to call his maid pero naka-on-leave pala ito dahil namatay ang ina nitong may sakit. Wala din ang kaibigan niyang si Cheche para tulungan siyang palitan ang damit nito.



I’m sorry for what I’m going to do.

Dianne wore a short black leather skirt and a tank top with a leather blazer. Sinubukan niyang tanggalin ang blazer nito dahil marahil ay naiinitan na ito. Kinumutan niya ito dahil naka-expose ang mala-porselanang hita nito at naaakit siya na baka kung ano ang magawa niya rito.



God Dianne! How come you turned yourself into this beautiful goddess? anang isipin niya.

Maayos niyang napalitan ng damit si Dianne. He closed his eyes while removing her top. Kung anu-ano ang dumadaloy sa isip niya ng magkatabi sila ni Dianne.

“James…” ungol nito.

Napigilan siya sa paggalaw ng yumakap ito sa kanya. Sinubukan niyang tanggalin ang braso at binti nitong nakadantay sa kanya. Natanggal naman niya pero yumakap ulit ito sa kanya.



Hay! Ang gulo mo palang matulog!

Paulit-ulit niyang inaalis ang braso nito at hitang dumadantay sa kanya.

“James…” mahinang wika nito.

“What?” mahinang sagot niya na may halong pagkairita.

Nagulat siya ng dumilat ito at bigla siyang hinalikan nito. Naging mapusok ang paghalik nito at bumaba ang depensa niya. He responds to the kisses Dianne giving to him.

Shit! Mali ito! She was drunk! tutol ng isipan niya.

Sinubukan niyang hindi tumugon dito pero narinig niya ang pakiusap nito. Tuluyan ng nawala siya sa katinuan. The night passed by, it was a restless night for both of them.

NAGISING si James ng tumunog ang cellphone niya. It was his mom.

“Good Morning ‘Ma.” Bati niya sa ginang.

“It’s already to late for your greeting James. Magtatanghali na at wala ka pa sa airport! Today ang flight niyong magkapatid for a big event in New York! Huwag mo sabihing nakalimutan mo iyon. Pumunta ka na dito sa bahay at hinihintay ka na ng kapatid mo.” wika nito sabay putol sa linya.

Mabilis siyang bumangon. Hindi na niya inabalang gisingin si Dianne dahil mukhang masarap ang pagtulog nito.

Inihabilin na lamang niya ito sa guard na nasa ibaba kung hahanapin siya nito pagkagising.
MASAKIT ang ibabang bahagi ni Dianne ng magising siya. She was nude ng makita niya ang ayos nito. Huling pagkakatanda niya ay nasukahan niya si James ng subukan niyang tumayo para magpaalam.

Oh my! M-may nangyari sa amin? Paano nangyari…

Naguguluhan siya sa mga nangyayari sa kanya. She wanted to ask him kung paanong may nangyari sa kanila. She dress up first bago niya harapin si James.

Hindi niya nakita ito sa buong town house nito. She don’t know how to contact that man. Kailangan niyang makausap ito. Tumunog ang cellphone niya ng balakin niyang maghalughog ng impormasyon ukol dito. It was her manager, pinapabalik na siya nito sa bar upang mag-ensayo.

“Yes sir, pupunta na po ako diyan.”



Bahala na nga! Pero kailangan kitang makausap James!

Nag-iwan siya ng sulat para rito. She needed to talk about the thing happened to them last night.


NAKATULALA si Dianne ng magkaroon ng 30minutes break ang pagrerehearse nila.

“Hoy!” panggugulat ng mga kabanda niya.

“Bakit ba kayo nanggugulat?” mataray na wika niya.

“E’ kanina pa kami dakdak ng dakdak dito di ka man lang magbigay ng kumento. Hoy! Akala mo ba di namin napapansin na palagi kang nakatulala after mong pumunta sa park noong sabado? Ano ba nangyari na-rape ka ba? Lagi ka na lang walang imik.”wika ni Meryl

“Na-rape ka diyan! Gaga may iniisip lang ako!”

“Ano naman niyang iniisip mo, mga utang mo? Sagutin mo na kasi yung mayamang manliligaw mo para di ka na mahirapan sa pagbayad ng utang!”biro nito.

“Naku Meryl! Feel ko hindi ano ang dapat na tanong sa tingin ko sino ang dapat!” pang-aasar ni Adele.

“Tumigil nga kayo sa pang-uusisa ng buhay ko. Magcompose na lang kayo ng kanta o kaya mag-isip kayo ng magandang concept for tonights event.”

Buang ka man talaga ‘day! Kanina pa nga kami nag-iisip dito ng concepts hinihintay na lang namin ang suggestions and approval mo! Nakakastress ang beauty mo ‘day!

Hindi na talaga niya maiwasan ang pag-iisip na kung bakit na lamang biglang naglaho si James after na may nangyari sa kanila. It was like they just have a one night stand and then forget everything na ulit.



James Lizalde! Nasaan ka na bang impakto ka.

Tatayo sana siya ng parang biglang bumaliktad ang sikmura niya. Tila matutumba siya anumang oras. Buti na lamang at naalalayan siya ni Adele.

“Hey! Okay ka lang ba Dianne? You seemed pale. Kumain ka ba ng agahan bago ka umalis.” Nag-aalalang tanong nito.

“Yes I’m fine. Nahihilo lang ako at parang nasusuka. Ano ba iyang kinakain mo Tanya, ang baho ng amoy?”naiiritang wika nito.

“Mabaho ka diyan favorite fish steak mo itong nakahain ngayon ‘no! Daig mo pa ang naglilihi, nahihilo ka at sabi mo nasusuka ka pa. Kulang na lang ay humingi ka sa amin ng manggang hilaw at bagoong perfect act na ang paglilihi mo ‘teh!”anito saka iwinasiwas ang tinidor nitong may isda.

Lalo siyang namutla sa sinabi nito. Hindi kaya tama ito. She start counting the day after na magkadalaw siya. She was two weeks delayed, never in her entire life na nadelay ang pagdating ng period niya.

“Dianne? Are you sure you’re okay? Namumutla ka na naman. Maybe you should better go home now, si Joan muna ang papalit sa iyo. Magpahinga ka na lang muna sa apartment mo.” puno ng pag-aalalang wika ni Adele.

“Sige.”pag-sang-ayon niya.

Dumaan muna siya sa isang obstetrician bago maisipang umuwi. Gusto niya munang masiguro kung tama ang hinala niya.

“Good Afternoon po Doktora Agatha.”bati niya rito.

“Oh Dianne napadalaw ka? Kumusta na ang mama at ate mo? Balita ko ay nasa America na sila, with the help of your Ate Kyla.”

Doctora Agatha was their family obstetrician ito ang nagpaanak sa ate niya ng ipagbuntis nito ang kambal niyang pamangking sina Mikaela at Mickel.

“Okay naman po sila doctora. Nagmigrate na sila mama sa America dahil na rin walang mag-aasikaso sa kambal ni ate kapag nasa trabaho ito ayaw kasi niyang ipaiwan ito sa day care center doon.”

“Tama lang ginawa ng ate mo hindi kasi lubusang mapagkakatiwalaan ang mga kano pagdating sa mga bata. Teka bakit ka napadalaw may sakit ka ba?”

“I just want to confirm if I’m…”

“Pregnant? Who’s the lucky guy my dear Dianne. Nagpakasal ka na pala.”

“Yes doc, last month lang po. Sikreto ko po muna iyon. I just want to get the result if I’m pregnany or not.”

She decided na magpanggap na kasal upang hindi na lumaki ang usapan. Agad namang kumuha ng isang pregnancy test kit ang doctora. Inalalayan siya nito patungo sa c.r.

Laking gulat niya ng mag doble ang linya sa pregnancy test. She was pregnant for God’s sake! Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa mga magulang at kapatid niya.

“Congratulation hija! You are two weeks pregnant base na rin iyon sa ginawa nating test kanina bukod sa paggamit mo ng pregnancy test kit.” pag-aanunsyo nito.

Kamuntikan na siyang matumba dahil sa narinig. There is still a shock that was happening to her that very moment.

God! I am not preferred yet in this kind of situation. Paano ko ipapaliwanag ito kina mama. They will be here next week!

Gulung-gulo na ang isipan niya. Wala din siyang maihaharap na lalaki kung nagkataon sa mga ito.

“Salamat doctora. I better go now. I need to tell this to my husband, I’m sure he will be glad.” Pagsisinungaling niya.

There are no tears flowing in her face. She needs to leave the country and come back until she gave birth to her child.



Kung ayaw mo magpakita sa akin James. Huwag ka ng umasa makikita mo at malalaman mong may magiging anak ka.

She started the engine of her car and went back to her apartment. Sasabihin niya sa pamilya niya ang kalagayan niya. She knows that they will help and support her.

Gabi na ng makarating si Dianne sa kanyang apartment. She was shocked ng makita niya ang mga magulang niya at kapatid niya roon. She knew that next week pa ang balik nito sa bansa. Tears went down to her face. Hindi na niya napigilan ang pag-iyak at lumapit na siya sa mga ito.

“Oh, bakit umiiyak ka? Did something happened?” tanong ng mama niya.

Pinaupo niya muna ang mga ito bago siya magsimulang magkwento. Patuloy pa din ang pagpapatahan sa kanya ng ate niya. Nagulat din ang mga ito ng sabihin niyang buntis siya.

“What! Sino ang ama ng batang iyan?” galit na tanong ng papa niya,

“Si… J-James po papa.”

“James Lizalde? Iyong boyfriend mo noong high school ka?” tanong ng ate niya.

“Yes ate. We met last week ng magpa-set ito ng event sa pinagtatrabahuan kong bar. We talked and we get drunk. Dinala niya ako sa town house niya dahil nakatulog daw ako habang nasa bar, nagising naman ako sa town house niya pero nakatulog ulit dahil sa sumama pakiramdam ko. Sabi nung gwardiya ng town house ay umalis na ito at mukhang may importanteng lakad. I left a message in her town house para makipagkita sa akin kinagabihan sa park para kausapin ang tungkol sa nangyari sa amin, but…”

“Pero hindi siya nagpakita? Of course hindi na siya magpapakita sa’yo Dianne! Didn’t you learned your lesson after he left you with other girl?”

“Pero ate…”

“It seems you didn’t learned your lesson very well my dear sister. So, ano na ang balak mo sa magiging anak mo?”

“I planned to keep my child. Palalakihin ko ito na hindi nalalaman ni James na may anak siya. Hindi ako hihingi ng tulong sa kanya. He decided to leave me for the second time at hindi ko na papayagan na maulit iyon. Mama, Papa, Ate, Ron, sorry sa nagawa kong kasalanan. Kung pwede po sana ay doon na rin po ako sa Canada tumira. Gusto ko na din na makasama kayo.”

“Hay naku Ate Dianne, Okay lang sa akin iyon. The more the merrier nga di ba? Masaya kapag sama-sama tayo doon.” wika ng kapatid niyang si Ron.

“Salamat Ron. Ma? Pa?”

“Ano pa ba magagawa ko? Blessing na din sa atin ni Lord iyan. Tumahan ka na at baka pumangit pa ang magiging apo ko.”wika ng mama niya.

“Salamat mama. Pa?”

“Sige sige tama na ang drama. Umuwi kami dito para maging masaya at magkasama-sama tayo. Tara na at kumain na tayo sa labas. Saan niyo ba gusto?” aya ng papa niya.

“I’m craving for Max’s Chicken Papa.”mabilis na sagot niya.

“Naku. Naglilihi na si Dianne natin. Halika na.” biro ng ate niya,

“Haha. Salamat ate.” Nag-group hug muna sila bago sila kumain sa labas.

NAGPASYA si Dianne na tumigil na sa pagkanta sa bar nila Topher at Angel. Dinahilan niya na sasama na siya sa mga magulang niya pabalik sa Amerika. She don’t want to tell her bandmates about her situation. Hindi naman sa natatakot siyang sabihan ng masama ng mga ito, ayaw niya lang may makaalam na iba at baka hanapin siya ni James kung malaman ng mga ito ang kalagayan niya. She just want to not to tell anyone about her condition.

“Mamimiss ka naming Dianne. Walang kalimutan ha? Pepektusan kita kapag kinalimutan mo kami. Pasalubong na din pag bumalik ka sa bansa.” Pamamaalam ni Meryl sa kanya.

Sumama kasi ang mga ito sa paghatid sa kanya sa airport. Hindi siya sumabay sa pamilya pabalik sa Amerika dahil hindi pa tapos ang visa at ilang papeles para makapag-migrate siya sa Amerika.

“Opo di ko kayo kakalimutan. Lalo ka na Adele. Hoy wag ka ngang umiyak hindi bagay sa’yo ang umiiyak.” Pambubuska niya kay Adele.

“Ikaw kasi e! Bigla ka na lamang aalis sa banda. Wala na kong makakakulitan.”

“Nandiyan pa naman sina Meryl at Tanya ah. Sige na at kailangan ko pang mag-check-in. May facebook and ym pa naman ‘no, kaya wag ka na magdrama kahit araw-araw pa tayo magchikahan gorabels lang ang lola niyo.” Pagbibiro niya.

Tinuring niya na kasi ang mga ito bilang kapatid. She was the oldest in her group pero para siya ang bunso.

“Promise iyan Dianne.”

“Oo promise, sige na at nakakahiya sa mga tao oh, pinagtitinginan na tayo.”

“Si Adele lang ‘no.” wika ni Tanya.

“Ewan ko sa inyo. Sige na bye girls! Tawagan ko kayo kapag nasa America na ako.” Pamamaalam niya.

Nag-group hug muna sila bago siya pumasok ng NAIA.
Chapter Seven

5 years later…


“Mommy! Mommy! Mommy!” iyak ni Chriziah Allanice, ang anak ni Dianne.

“Oh? Why is my baby crying?”pagpapatahan niya rito.

“Nathan gets my toy, then hide it somewhere.” Pagsusumbong nito sa kanya.

It was almost five years ago ng umalis siya sa Pilipinas. She gave birth to her daughter Chriziah Allanice. Apat na taong gulang na ito at nasa kindergarten. She still taught her daughter Filipino cultures. Manang mana nito ang features niya, porselanang kutis, makulit, matangos ang ilong, maitim na mata at magandang boses. At the age of three, nakakitaan niya ng talento ito sa pagkanta at pagtugtog ng piano. Chriziah Allanice ang pinangalan niya rito, alinsunod sa mga pangalan ng mga anak-anakan niya noong high school.

“Nathan!” tawag niya sa pinsan nito.

“Yes auntie Dianne?”

“Nathan, dear, where’s Chriziah’s toy?”

“I don’t know tita.” Pagsisinungaling nito.

“Hmm. You’re lying again Nathan. Give it back to Chriziah or else no PSP.”

Agad itong tumakbo sa kusina. Pagbalik nito ay dala dala na nito ang doll ng anak niya.

“Here tita.” Wika nito saka inabot ang laruan sa kanya.

“Say sorry to Chriziah.” Utos niya rito.

“Sorry Chriziah…” anito saka bumalik sa paglalaro ng PSP.

“Thanks mommy.” Wika ng anak niya saka dinampian siya ng halik sa pisngi.

“Your welcome. Sige na at maglaro ka na diyan. Be a good girl, okay?” paalala niya rito.

Tumango ito bilang pagsang-ayon.

She became a pre-school teacher near their house in Canada five months after she gave birth to her daughter. Buti na lamang at hindi siya tinutulan ng mama at papa niya na magtrabaho. Tinutulungan niya din ang ate niya sa pag-aalaga sa anak nito kapag wala siyang klase.

“Hija, baka naman pinapagod mo na ang sarili mo sa pagtatrabaho.” Paalala ng mama niya.

“Ma, I’m fine, kaya nga ito ang kinuha kong course di ba? I can handle myself, para na rin sa ikabubuhay namin ng anak ko. Nakakahiya na kina ate at sa asawa niya.”

“Pinapaalalahanan ka lang namin anak, hindi sa di ka namin pinapagbawalan. Ni hindi ka man lang lumalabas para makipagsocialite o kaya makipagdate man lang.”

“Mama naman, Socializing isn’t my forte. Saka ayoko makipagdate, sagabal lang yan.” Depensa niya.

“Sigurado ka diyan anak? Twenty seven ka na, sino mag-aalaga sa iyo kapag nawala na kami ng papa mo. Maganda pa din ang may nag-aalaga sa’yo.”

“Mama naman, malakas pa kayo sa kalabaw. Saka kung makikipagdate man ako, iyong tanggap niya ang anak ko at hindi init lang ng katawan kaya niya ako liligawan at pakakasalan. Sa panahon ngayon mama, kailangan pa ding maging mautak sa larangan ng pag-ibig.” Aniya.

“Bahala ka na nga. Pero paalala ko sa’yo Dianne, na kailangan din ng anak mo na malaman ang katotohanan sa kanyang ama. Magandang sabihin mo sa kanya habang bata pa siya kaysa sa dalaga na siya, baka magrebelde iyan, ikaw rin.” Pagpapaalala nito.

“Yes ma. Darating din tayo sa panahon iyan.”aniya saka iniligpit na ang gamit niya.

Over my dead body,hindi ko ipapakilala sa anak ko ang walang pusong ama niya. After niyang iwanan ako. Ha! Bahala siya.

“’Nak, paano kung bigla na lamang magpakita sa iyo si James?” banat ulit ng nanay niya.

“Si mama talaga! Bigla bigla ka na lamang nagsasalita diyan. Hindi ko din alam mama. Basta hindi niya makikilala ang anak ko.” Wika niya saka lumapit sa anak niya para punasan ng pawis.

Wala talaga siyang balak ipakilala si Chriziah kay James, iniwan siya nito kaya panindigan nitong wala siyang habol sa kung anuman ang kahinatnatan niya. Kahit magsinungaling siya sa anak niya at magalit ito sa kanya paglaki nito ay wala na siyang pakialam basta alam niyang nasa tamang panig siya.

“Hindi pwedeng wala anak!”

“Ma! For the last time, I will tell you na wala akong balak ipaalam kay James ang tungkol sa anak ko. Umalis siya ng walang sinasabing dahilan. Bakit siya maghahabol? He did this, for old time sake! Kaya wag na siyang magtaka kung ilalayo o hindi ko ipapakilala sa kanya si Chriziah, my decision is final!” aniya saka binuhat ang anak niya at pumunta sa kusina.

Masama na ang araw niya dahil sa pangungulit ng nanay niya tungkol sa pagsabi kay James tungkol sa naging anak nila.

Siya ang umalis hindi ako!

“Mommy, bakit kunot noo mo?” tanong ng anak niya.

“Kasi makulit kayo ni Nathan, kaya kunot noo ni mommy.” Tugon niya saka pinisil ang pisngi nito.

Pinaupo na muna niya ito sa feeding chair nito saka inihanda ang hapunan nito. Hindi niya maalis-alis ang ngiti sa kanyang mukha kapag kaharap ang anak niya. It’s like an angel sent from above to fade her sadness and stress away. Mahal na mahal niya ang anak niya, kailanman ay hindi niya ito pinadapuan ng lamok o kahit anong uri ng insekto.

Naalis ang konsentrasyon niya sa pagpapakain sa anak niya ng tinawag siya ng mama niya.

“Po? Bakit Ma?” tanong niya habang bitbit ang anak.

“Your dad…”

“Oh? Ano nangyari kay Papa?” natatarantang wika niya.

“He was…”

“dead? Caught by policemen? On drugs? Hoy ma! Ano nangyari kay Papa?” naghuhuramentadong wika niya.

“Diana! Ang papa mo! Napromote!” masayang wika ng Mama niya. Napanganga na lamang siya sa sinabi nito. Akala niya ay kung anon a ang nagyari sa papa niya. Napromote lang pala ito mula sa pinagtatrabahuan nitong firm.

“Mama naman ‘e! Akala ko naman kung ano na ang nangyari kay papa. Anong klaseng promotion ba iyan Ma?” pang-uusisa niya.

“Tinaas daw ang pwesto niya bilang assistant ng head architect nila patungo sa pagiging head architect. Ngayon daw ay binigyan siya ng malaking proyekto, kaya lang…”

“Ayan na naman kayo. Wag niyo kasi bitinin yung kwento mama.”


Download 117,93 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6   7




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish