"Miss Monte Allegre, pinapatawag ka ni Mrs. Mendiola." ani ng guro ni Dianne na si Mr. Ventura



Download 117,93 Kb.
bet3/7
Sana25.06.2017
Hajmi117,93 Kb.
#14991
1   2   3   4   5   6   7

“Okay ka lang Dianne?” that was Claudia. Classmate na niya ito this year.

“Oo naman bakit naman hindi?”

“Alam mo naman na ang balita di ba?” anito. Alam ko ang sinasabi ni Claudia. James and Shaina together. Sinabi sa akin iyon ni Rence. I cried that night, masyado akong umasa sa binitawang nito na gagawin nito ang lahat para maibalik nito ang dating status nila.Tumango ako. Iniwan ko na din sila Claudia at umuwi ng mag-isa. There is still the pain after na maging sila ni Shaina. I was ruined again but this time even more.

Few months later, nagkikibuan na sila Dianne and James. Unti-unting natatanggap ni Dianne na hanggang kaibigan lang talaga sila ni James. Which she told him ng makipaghiwalay siya. Pero nasasaktan pa rin siya kapag nakikita niya sila Shaina and James na magkasama. Grumaduate sila na medyo nagkaayos na.

Chapter Five

8 years later…
Dalawang taon ng nakakaraan ng makatapos si Dianne sa kolehiyo sa kurso niyang Secondary Education Major in English sa University of the Philippines kung saan nagtopnotcher din siya sa Licensure Exam upang maging ganap na guro. Pero ilang buwan palang ang nakakalipas pagakatapos niyang pumasa ay sinubukan niya ang bagong yugto sa kanyang buhay, ang maging pansamantalang singer sa isang bar ng dati niyang kaklase noong high school, mag-iisang taon na siyang singer sa The Jallenica Bar and Restaurant kung saan ang mag-asawang Topher at Angel ang may-ari niyon na ipapangalan ng mga ito sa magiging kambal nitong anak.

“Dianne!” tawag sa kanya ng isa sa kabanda niya sa The Bratinella, ang napili nilang ipangalan sa itinatag nilang banda dahil pulos mga spoiled brat sila noong kabataan hanggang ngayon. Lalo na sa usaping musika ay halos magkamatayan kapag hindi nakabili o nakapanood ng mga paborito nilang bandang nagkoconcert sa bansa.

“Oh, bakit Adele may problema ba?” pagbabalik tanong nito sa kanya.

“Magstart na daw ang rehearsal. Hinahanap ka na ni Mr. know-it-all.” Wika nito na tinutukoy ang manager ng banda nila.

Mr.Know-It-All ang tawag nila sa manager nila sapagkat ay tila kung umasta ito ay alam na ang lahat ng bagay-bagay. At iyon ang kinaiinisan niya rito. Kayabangan lang kasi ang alam nito lalo na kapag nais nitong magpasikat sa ibang babaeng napapagawi sa The Jallenica.

Minsan na rin siyang tinangkang ligawan nito pero binasted niya agad ito dahil alam niyang palikero ito. May itsura rin naman ang manager nila pero sa sobrang kayabangan ay nawawala ang pogi points nito.

“Maaga pa ah. Ano bang nakain na naman niyang lalaking iyan at pinaaga ang rehearsal? Wala pa nga sina Meryl at Tanya. Ang alam ng dalawa ay alas singko ang start e mag-aalas kwatro pa lang ng hapon.” Angal niya rito.

“ Hala! Wag ka sa akin umangal dun sa lalaking iyon! Binasted ata ng nililigawan niya kaya tayo ang pinagbubuntutan ng galit nun.”

“Hay naku, paano ba mang hindi babastedin ay puro kalokohan ang alam. Daig pa ang nagpapalit ng damit kung sinu-sino lagi ang dinadala rito sa bar tuwing may gig tayo.”patuloy na paghihimutok niya.

“Itext na lang natin sina Meryl at Tanya ng makapunta na agad dito.” Wika nito sa kanya.

Agad-agad na tinipa ang keypad ng cellphone niya at tinext agad ang dalawa pa niyang kabanda.

Siya ang lead singer ng The Bratinella, siya ang bukod tangi kasing marunong kumanta mapamataas man ang nota o mababa. Kaya madalas din ang mga parokyano sa kanilang bar dahil sa mahusay na pagpeperform niya ng mga love songs at kung anu-ano pa ang nirerequest ng customer ng bar.

“Hoy! Tulala ka na naman diyang bruhilda ka! Tara na at nagagalit na si Mr.Know-It-All!” naiiritang wika ni Adele habang papasok sa backstage ng bar kung saan naging rehearsal studio na din nila.

“Eto na po! Masyado kang natatakot doon sa mayabang na iyon. Dapat doon ay ipinapakain sa buwaya!”

“Naku ‘te huwag! Kawawa ang mga buwaya baka iluwa lang siya dahil hindi siya masarap.” Paasik na wika nito at humalukipkip.

“Sabagay tama ka doon. Kawawa nga ang mga buwaya kung iyon ang magiging lunch break or dinner nila kung nagkataon.” Tatawa tawang huminto sa harap nito. Halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa dahil sa mga panlalait na ginagawa nila sa manager nila. Buti na lang at wala pa si Meryl kundi baka kung ano pa ang sabihin nito sa manager at kung nagkataong marinig sila nito ay baka iwan sila nito.

“Naku! Halika ka na at baka marinig pa tayo n’on. Kawawa ang ating kagandahan kung masasabon lang tayo n’on with matching wisik wisik ng laway.” Wika nito.

“Kadiri ka talaga kahit kelan Adele. Tara na at malapit na ding mag-alas singko padating na din daw ang dalawa nasa kanto na daw sila sabi sa text.”

“Totoo naman ah! Di mo ba napapansin na laging one kilometer ang layo natin sa kanya dahil sa tumatalsik ang laway niya-“

“Sino ang tumatalsik ang laway Adele!”

Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ng manager nila.

“Ha, Sir? Yung Teacher po naming noong college. Naalala ko lang po nang magkakwentuhan kami nitong si Dianne.” Mabilis na bawi nito.

“Sigurado ka ba diyan Adelaida! Kapag ako’y niloloko loko niyo habang nakatalikod sa inyo malilintikan kayo at mawawalan kayo ng manager!” pagbabanta nito.

Hindi niya mapigilan ang mapahagikgik dahil sa panggagaya ni Adele sa manager nila. Ilang beses na rin kasi sila nitong muntik na mahuli dahil sa pagtsitsismisan nila ukol rito. Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ng manager nila.

“May nakakatawa ba Dianne sa sinasabi ko?” mataray na anito.

Umiling siya bilang pagsagot rito. Baka kasi ay may masabi pa siyang hindi maganda kapag sinubukan niya pang sumagot rito.

“Mabuti kung ganoon. Tena’t kayo ay magrehearse na. May special event daw ngayon sabi ni Sir Topher na magaganap ngayon sa club.”

“Yes Sir!” sabay na wika nila at nagmartsa pa patungo sa backstage.


BANDANG alas sais ng magsimulang dumating ang ilang ka-officemate ni James mula sa pinapasukang trabaho. Nakuha kasi nila ang isa sa malaking project ng JKSL Builders kung saan siya ang naging CEO ng nasabing kumpanya. Siya man ay may mataas na posisyon ay hindi pa rin niya nakakalimutan na magpasalamat sa mga ka-officemate niyang naging malaking bahagi sa pag-approve ng project nila.

“C’mon treat ko lahat ng oorder-in niyo. I just want to thank you all sa ginawa niyong pagbabahagi ng kaalaman at kahusayan para maipasa ang project na ito. Kaya sagot ko ang lahat!” pag-aanunsyo niya sa mga ito.

Sa The Jallenica Bar and Restaurant sila nagpareserve dahil na rin sa kaibigan niya ang may-ari n’on. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting nila sa biggest client nila at sinabing nakuha nila ang deal mula sa mga Koreanong investors nila.

Lumapit sa kanya ang kaibigan niyang si Topher at ang asawa nitong si Angel na may-ari ng nasabing bar upang salubungin sila.

“JAMES! Mah men! Kumusta na ‘tol? Shit bigtime na bigtime ka na ah!” manghang mangha wika ni Topher.

“Still the same pa rin ‘tol! Gwapo pa din at walang kupas na matinik pa din sa chicks!” pagmamayabang nito.

“Grabe ‘tol congrats nga pala at nakuha niyo ang deal mula sa mga jjampong niyong investors!”

“Salamat ‘tol. Congrats din sa inyo mukhang malapit na manganak itong si Angel ah. Ilang buwan na ba tiyan ng misis mo?”

“Salamat ‘tol, pitong buwan na iyang tiyan ni misis. Atat na atat na nga ako lumabas ‘yang kambal namin e. Oo nga pala. Ninong ka!” paanyaya nito sa kanya.

“Sure ‘tol sige at pakidalhan na lang kami rito ng mga specialties mo.”

“Anak ng patis! Ginawa mo pa akong waiter dito teka at ipapakuha ko na lang mga order niyo sa waiters namin. May bonus pa ako sa inyo mamaya. Ipinaghanda ko kayo ng isang mala-concert na gabi.”

“Kakanta ka? Naku huwag na at baka bumalik rito si Ondoy at Pedring!” pambubuska niya rito.

“Gago! Hindi ako ang kakanta iyong banda ng bar.” anito saka binatukan.

“ Ang gagaling nila lalo na iyong singer. Kilala mo siya ‘tol! Hindi ko na sasabihin kung sino at baka di ka na masurprise kung sabihin ko sa iyo. O siya sabihin niyo na lang sa mga waiter namin ang mga order niyo. Enjoy the eve sa bar.”pagmamalaki nito sa kanila.

“Bahala ka! Basta kailangang masarap ang ihahanda sa lamesa namin, at baka mapahiya ako sa mga trabahador ko, ipinagyabang ko pa naman sa kanila itong bar mo.”

“Oo na, masarap ang mga luto ng mga chef namin di mo na kailangang mag-alinlangan pa.” pagmamalaki nito.

Tama naman si Topher, hindi nauubusan ng customer ang loob n’on dahil na rin siguro sa sinasabing bandang ipinagmamalaki nito sa kanya. Tila nagkaroon siya ng kuryosidad sa bandang tinutukoy nito.

The heck! Sino kaya itong sinasabi ni Topher na singer na ito? Hindi kaya si…

Ayaw na niyang mag-isip-isip ng kung anu-ano. This night ang time para makapagrelax siya mula sa pagkakastress sa dalawang linggong paghahanda para sa pakikipagdeal sa mga koreanong kliyente nila.

HINDI mapalagay si Dianne sa mga oras na iyon. Ngayon lang kasi siya kinabahan ng todo todo. Hindi kasi sila madalas magkaroon ng big event sa bar kaya ganoon na lamang ang pagkakaba niya.

“Hoy Dianne! Kanina ka pa palakad lakad diyan hilong hilo na kami ni Tanya sa iyo! Ano ba nangyayari sa iyo?”

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. First time in her life na kumanta sa isang event ng bar. Most of the times kasi ay birthdays ang nagiging event sa bar pero ngayon ay isang kaibigan daw ng may-ari ng bar ang naroroon sa labas at panunoorin silang magperform kasama ang mga katrabaho nito.

“Hay naku girl! Wag kang matense isipin mong mga estudyante iyang nasa harapan natin mamaya at tuturuan lang natin sila ng music.” Pang-aalo sa kanya ni Meryl.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tinatawag na sila ng manager nila upang sila ay magready.

Nagdasal muna sila bago tumuntong sa entablado. Nakita niya na higit sa mga dumarayong customer ang nasa harap niya ngayon. Humugot ulit siya ng malalim pang buntong- hininga saka nagsimulang magsalita.

“Good evening ladies and gentlemen, we are the The Bratinella’s and we’re here in front of you to perform one of the latest song we revived entitled what hurts the most,originally sang by Monica.” paninimula niya.

Nagsimulang magtipa sa organ niya si Dianne, at mag-gitara sina Adele at Tanya.

“Boy, It’s been a long time. Since the last time I saw you. Feels like nothin’ changed. Since we’ve been together. I must admit that I go crazy for you. And I can see it in your eyes. That there’s somethin’ you want to say to me. ‘Cause usually right now. You’ll be holdin’ on to me. But instead you tell me.”

Lahat ay nagsipagpalakpakan ng mapunta sa chorus ang kanta lahat ng kamay ay nagsitaasan at iwinawasiwas sa ere.

“And baby, what hurts the most is letting go. I just want you to know that I love you so. I know things are different now, you’ve gone and settled down. And I thought for sure you’d always wait for me… I’ll tell you what hurts the most is I should have took the chance. Boy, when you came to me and offered me your hand. Silly of me I thought I’ll always have your heart. I had the chance to have all the love oh, how I’m missing now.”

Lahat ay nagsipalakpakan ang ilan naman ay nagstanding ovation ng matapos nila ang unang kanta. Iyon din ang kauna-unahang pinarinig nila sa madla ang kanilang kinompose na awitin.

“The next song that I will sing is said to be the one of the favorite song of my boss dearest friend, Need you now by Lady Antebellum.”

Lahat ay nagsipalakpakan ng simulan niyang kantahin ang unang stanza ng kanta.

“Picture perfect memories scattered all around the floor… Reaching for the phone coz I can’t find it anymore… and I wonder if I ever cross your mind. For me it happens all the time…”

She remembered someone in her past habang kinakanta niya ang requested song ng kaibigan ng boss niya, It was James who flash in her mind. Unti unting nagbabalik sa isipan niya ang mga alaala kasama ito. Kung hindi niya lang naiisip ang mga tao sa harapan niya ay baka unti unti na ring bumaha ng luha sa stage.

“It’s a quarter after one, I’m all alone and I need you now. Said I wouldn’t call but I lost all control and I need you now. And I don’t know how I can do without. I just need you now… ooh, I just need you now...”

Alam niyang bibigay na ang mga luha niya sa gilid ng kanyang mata. Kaya sinenyasan na niya si Adele upang ito ang magpasalamat.

“Thank you once again, we’ll just take a ten minutes break. Enjoy the rest of the night.” wika nito.

Dali siyang nagtungo ng comfort room at saka ni-lock iyon. Nagdududa na marahil ang mga kabanda niya kung bakit bigla na lamang siya sumenyas para magbreak. Never in their entire performance na humingi siya ng break pagkatapos ng pangalawang kanta. Madalas ay nakakalima o anim na kanta muna sila bago magpahinga.

Nang mapakalma na niya ang sarili niya, ay agad siyang nagretouch at lumabas sa comfort room. Hindi na siya nagulat ng makita niya si Adele na nasa labas ng pintuan.

“Hoy ‘teh! Ano bang nangyari sa’yo at bigla kang nagbreak for ten minutes? Masama ba pakiramdam mo?” nag-aalalang wika nito.

“Ha? Hindi naman, okay na ako. Tara na malapit ng matapos ang ten minutes break natin.” aya niya rito.

“Okay” anito saka nagkibit-balikat.

Saktong alas siyete ng bumalik sila sa entablado at magperform. Nabaling ang atensyon niya sa grupo ng mga businessmen sa malaking espasyo na nakareserve para sa bisita ng Boss Topher niya. Ito na marahil ang mga bisita nito.

Nakakuha sa atensyon niya ang matangkad na lalaki na marahil ay six footer ito o higit pa, matikas ang katawan at halatang isang boss ito ng isang malaking kumpanya.

Hindi na niya inusisa pa itong mabuti dahil sinenyasan siya ni Tanya, ang drummer nila, na magsimula na.

Awitin nila Krissy and Erika ang kinanta nila. Napakaganda ng mensahe ng kanta kaya ito ang napili nilang awitin sa event na yaon

“Scrolling through my cellphone for the twentieth time today. Reading the text you sent me again though I memorize it anyway. It was afternoon in December when it reminded me of the day when we bumped into each other but you didn’t say hi ‘coz I looked away… And maybe that was the biggest mistake in my life… And maybe I haven’t moved on since that night…”

Lahat ay nakisabay sa awiting iyon ng mapunta sa chorus.

“B’coz its twelve fifty-one, and I thought my feelings are gone, and I’m lying on my bed thinking of you again… And the moon shines so bright, but I’ve gotta dry these tears tonight. Coz I’m moving on and I’m not that strong to hold on any longer…”

Ikinagulat niya ng mapadako ang tingin niya sa lalaking tinitingnan niya kanina. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita ng mata niya. It was James! Kaya pala parang kakaiba ang nasesense niya sa araw na iyon. Parang may mangyayaring hindi niya inaasahan.

Mautal-utal na kinakanta niya ang awitin. Muntik na siyang mapipi kung hindi lamang sinalo ni Meryl ang kanyang pagkanta.

Ang hindi niya pa lalong nagustuhan ang malagkit na tinging ipinupukol nito sa kanya. Halos mapako na siya sa kanyang kinauupuan kung hindi pa siya sinitsitan ni Adele mula sa likuran niya.

“Hoy ano bang nangyayari sa’yo ayusin mo nga ang pagkanta mo. Baka mapagalitan tayo ni Mr.Know-It-All kapag pumalpak tayo ngayon.”

Iyon nga ang ginawa niya. Kahit nadarama niya ang palagiang pagtingin ni James sa kanya ay ipinagpatuloy niya ang pagkanta. Itinuluy-tuloy na niya ang pag-awit hanggang sa huling awitig pinarerequest ng isa sa mga kasamahan ni James sa trabaho.

“The last song we’ll sing was requested by Ms. Nicca Panganiban. Entitled Moving on by Toya. I will play the acoustic version of this song.”

Inilipat ni Meryl ang gitara nito sa kanya. Umalis na din ng stage ang kabanda niya, at siya na lamang ang nandoon sa stage. Tila nagsolo concert siya sa pagkakataon iyon.

“Just getting used to waking up everyday. Not seeing your face, I just began to stop setting your place. And I stop longing for your warm embrace. And it was God that made me able. To finally sleep at night, Though you're not by my side. Finally I don't hardly cry. See right when I start letting go. Somebody wants to let me know. Can they take your place. No they can't fill your space. No…”

Napapansin pa din niya ang kakaibang pagtitig ni James sa kanya.

Dianne! Ano ka ba! Malamang kumakanta kaya ka niya tinititigan ng ganyan. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano! ani ng isipan niya saka nagfocus sa pagkanta.

“I tried to move on but you're not gone. Cuz in my heart you still live on. See now I know why. I'll never love another for the rest of my life. And why, Now that you're gone I'm holdin' on. And deep in my heart I wanna move on. And now I know why I'll never love another for the rest of my life”

Isang masigabong palakpakan ang inihandog ng mga ito sa kanya ng matapos niya ang awiting iyon. Patayo na siya ng makita niyang palapit sa kanya ang gwapong mukha ni James.

Hoy Dianne! Bakit ayaw mo pang umalis diyan sa pwesto mo! Alis na dali! utos ng isipan niya. Nais na niyang umalis doon pero ayaw mahakbang ang isa sa mga paa niya, unti-unti na ring nagririgudon ang puso niya ng palapit na ito.

“Hi!” bati nito sa kanya.

“J-James…” nauutal na aniya ng makalapit na ito.

“Thanks for making this night so special for my employees. They enjoy the night in Topher’s bar, and that’s because of your band. You still sing well. Lalo kang naging magaling at napabilib mo lalo ako.” Pasasalamat at pagpuri nito sa kanya.

“Y-your welcome!”

Argh! Bakit ka ba nauutal kang babae ka! Si James lang naman iyang kaharap mo at hindi multo! Umayos ka nga! dikta ng isipan niya.

“Hey! Okay ka lang ba? Namumutla ka na kasi ‘e.” nag-aalalang sabi nito.

Hindi na niya nasagot ang tanong nito dahil biglang pumasok si Adele.

“Dianne hinahanap ka ni---. Ayy! May bisita ka palang gwapo! Hi kuyang gwapo ano pangalan mo?” pag-eentertain nito kay James .

“James. James Lizalde. Long lost friend ni Dianne. You are?”

“ Adele. As in Adelaida Magpayo. Kaibigan ni Dianne. Single and always available for you.”

Napatawa ito sa sinabi ni Adele. Parang kung ano na lamang ang naging epekto ng tawa nito sa kanya ng marinig muli iyon.

Long Lost Friend. Not bad.

Hindi niya alam kung ikakatuwa niya iyon o ikaiinis dahil parang nakalimutan na rin nito ang nakaraan nila.



Hay naku Dianne! Huwag ka nang umasa na single pa iyang lalaking iyan sa laki ba naman ng kumpanya nito at sa sobrang sikat nito dahil sa na-feature ang Engineering Company nito sa isang magazine ay marahil marami ng umaaligid-aligid na babae rito. Selos ka naman!

Para na siyang tanga dahil kinakausap na niya ang kanyang sarili. Siguro nga ay nababaliw na siya dahil sa kakaibang presensya na dala dala ni James sa bar na iyon.

“Adele! Sino ba ang naghahanap sa akin?”

“H’wag mo ng intindihin iyon, ako na bahala roon. Asikasuhin mo na lang si kuyang pogi.” Nang-aasar na anito.

“ADELE!” sigaw nito sa pangalan ng kaibigan niya.

Hahabulin niya sana ito pero napigilan siya ni James ng hawakan nito ang kanang braso niya. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa braso niya bago nito bitawan iyon.

“Sorry” hinging paumanhin nito.

“Okay lang iyon. May kailangan ka pa ba?” pormal na tanong niya rito.

“Yes. Can we talk?” anyaya nito sa kanya.

Tumango siya bilang pagsagot sa katanungan nito. Iginaya siya nito sa isang bakanteng lamesa sa gilid ng stage.

“What do you want to drink?” tanong nito saka tinawag ang waiter.

“Anything will do for me.” Tipid na sagot niya.

“Do you drink beer?”

“Yes”


“Two beers please.” Utos nito sa waiter.

Ilang minutong katahimikan muna ang namayani bago niya maisipan na magsalita. “Ano ba pag-uusapan natin?” sa wakas ay wika niya.

“Your life.” tugon nito.

“My life? Hindi pa ba halata kung ano ako ngayon? I am a singer of this bar, Topher’s bar. Teka nga para saan ba itong pag-uusap na ito?”

“Because I want to know you again. I want us to be friends again.”

“May tamang oras sa pakikipagkaibigan James. Kung wala ka ng importanteng sasabihin marahil ay mauna na ako sa iyo. I have another set to do. My manager will get mad at me kung hindi pa ako pumunta sa backstage ngayon.”

“Papanoorin ulit kita, at kung pwede ay ihatid din kita sa inyo.”

“Hindi na kailangan James kaya ko ang sarili ko. Salamat na lang.”

“I wont take that no as your answer.” Pangungulit nito.

“Bahala ka na nga!” naiinis na sagot niya rito saka tinungga ang inorder nitong isang bote ng beer para sa kanya. Hindi pa rin ito nagbabago. Makulit pa rin ito tulad noong nasa high school sila.

HINDI lumubos na makapaniwala si James na sa bar mismo ni Topher makikita niyang muli si Dianne. Sa pagkakaalam niya ay nakatapos ito ng college at nakapasa sa licensure exam for teachers, ito kasi ang naging topnotcher ng batch 2011-2012.

Walang ginawa si James kundi ang pagmasdan si Dianne habang nagrerehearse ito kasama ang kabanda nito. For him, Dianne change a lot in physical way.

Lalo itong naging maganda nagbago ito ng fashion sense, hindi tulad noong nasa high school sila tila lalaki kung io ay manamit. Pero ngayon ay naging maayos ang pananamit nito kahit nasa banda ito. Hindi masyadong pa-girl, hindi rin masyadong boyish kung tingnan. A perfect style for her.

Nagsulat siya sa isang tissue paper nang title ng kanta na nais niyang ipakanta kay Dianne. Tinawag niya ang waiter saka inutusang ipaabot ito kay Dianne.

“Ma’am nagpaparequest po.” Wika ng waiter sabay abot ng tissue paper sa kanya.

Binuklat niya ang pinagsulatan ng request ng customer.



Missing Me? Rj Helton mahinang wika niya.

“The last song requested by our customer named Mr.Sungit? was Missing Me by Rj Helton.”

Acoustic version ang ginamit niyang accompaniment sa request na iyon.

“I love the way it feels when you touch my hand. Don't wanna let you go. I love the way you say that I am your man. Don't understand why we can't go on and go on. Don't understand why. You don't belong in my arms.Ohh…”

Napansin niyang tumayo mula sa kinauupuan si James. Nadidistract siya sa nakakalusaw na tingin nito. Konti na lang at mawawala na siya sa tono ng kanta.

Shit James! Wag ka namang tumitig ng ganyan! Lumulubog na ako dito!

No choice siya kundi ang tiisin ang pagtitig ni James sa kanya. Ipinagpatuloy niya na lang ang kanyang pagkanta.

“And even if I cried a thousand tears tonight. Would you come back to me. And even if I walked on the water. Would you come out to sea. Now I can't spend my life standing by. Cause even when I miss you. You're still not missing me...”

Binigyan siya ulit ng masigabong palakpakan at hiyawan ng matapos niya ang kanyang last set. Muli siyang nagpasalamat sa mga nagkagusto sa pag-awit niya.

Napansin niya na lumalapit sa kanya si James ng magpaalam siya sa kanilang customers.

“Dianne wait!” pigil nito sa kanya ng makalapit ito sa kanya.

“What do you want?” pagtataray niya.

“I just want to thank you…”

“For what is your thank you?”

“Sa pagkanta ng nirequest ko”

“Ikaw si Mister Sungit?”

“Yup, and we need to celebrate.” Aya nito sa kanya.

“Celebrate?”nagtatakang tanong niya rito.

“Celebrate dahil maayos mong natapos ang set mo.” Pagdadahilan nito.

“Excuse me. Matagal ng magaling ang banda ko. So, kung balak mo lang laitin ito dapat umalis ka na kanina pa.”

“That’s not what I mean. I mean is that, dahil ngayon lang ako nakapunta dito, at nasaktuhan pang kami ang special guest ngayong gabi ay hindi nagkaroon ng aberya ang pagpeperform niyo. What I really meant is that, let’s celebrate for what you accomplished tonight.”


Download 117,93 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6   7




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish