Boys Do Fall In Love By: chreestine wattpad



Download 87,73 Kb.
bet4/6
Sana25.06.2017
Hajmi87,73 Kb.
#14989
1   2   3   4   5   6

 

Masyado lang yata akong nasanay na kasama si Sheiska kaya nagkakaganito ako. Concerened lang ako sa kanya.



 

I gave my final statement. "Okay. As long as you don't make her cry."

 

Nagtinginan ulit silang tatlo. Parang may pinaplano.



 

"What?" I asked, suspiciously.

 

Hindi sila sumagot.



 

Maliban kay Klent na gago. "Nang dahil sa pag-ibig, sunud-sunuran ako, sa lahat ng gusto mo.."

 

 

 



 

Jiro and Sheiska.

After Date.

Sa isang overpass.

 

 



 

Ewan ko. Hindi ko alam. Basta nakatunganga lang kami ni Jiro sa mga nagdadaanang sasakyan sa ilalim ng overpass.

We had fun. Iba't-ibang activities ang ginawa namin. Nag-mall, kumain, nanuod ng sine, kumain ng Kwek-kwek at ngayon nakatambay sa overpass.

 

Ako ang bumasag sa katahimikan.



"Kung kasama natin si Zander, sus, kanina pa umiyak 'yon. Takot 'yon sa heights eh."

Jiro smiled. "Talaga?"

"Oo kaya. Ang ipinagtataka ko. Meron bang unggoy na takot sa heights? Eh palambi-lambitin nga sila. Kakaibang unggoy talaga 'yon si Zander, 'no? Teka. tingin mo, nasaan na kaya, 'yon?"

"Si Zander?"

"Oo."

Itinuro niya ang noo ko. "Diyan." at saka tinuro ang tapat ng puso ko. "Saka diyan."



 

Natawa ako. "Joke ba 'yon, Jiro? Ang corny. Mana ka kay Klent."

"You don't like me."

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sumagot ako. "Adik ka ba? Siyempre gusto kita."



He smiled. "As a friend, maybe. But you don't like me as much as you like Zander."

Natawa ako. Pero parang tawa ng elyen.

Hindi ko alam kung sa sinasabi ba ni Jiro ako natawa o sa sarili kong reaksyon.

 

Cause my heart's beating wildly. Maltakin mong sinabi lang ni Jiro ang matagal ko ng pinag-iisipan.



At na-confirm na rin pala.

 

"I like him, yes. Mabait siya at sira-ulo. Kasi tingnan mo, tinulungan niya pa akong mapalapit sa'yo, Jiro." sagot ko nalang kahit feeling ko may mas malalim pang dahilan.



"You like him. It's a given. Ang tanong lang naman dito, do you love him?"

 

Di na naman ako nakasagot.



 

"Sheiska, I like you too. Anyone could easily fall for you if they wanted too. Pero ang sa akin, wala akong balak gustuhin ang babaeng may gustong iba. At ang bestfriend ko pa."

"Jiro---"

"Isa pa, meron naman din akong ibang gusto. Kaya no hard feelings."

 

I stared at Jiro. This guy. Akalain mong inakala ko rin na siya pala ang gusto ko?



Pero hindi pala.

Dahil si Jiro, oo, gusto ko. Pero hindi ko man lang siya naiisip ng dalawang beses sa isang araw.

Pero si Zander, ang monkeydoodle, na-stuck sa utak ko.

 

"Miss ko na siya, Jiro."



"Naman. Ngayon, may sagot ka na ba sa tanong ko?"

 

Two months. Ganoon ko lang katagal nakasama si Zander but i felt I've known him forever.



Zander cheered me up, made me feel special, made me laugh and all.

And three days without him is such a bum.

 

Ni wala nga akong ganang magliwaliw kung wala rin naman siya. Kasi pakiramdam ko may kulang sa akin.



 

Zander's smiling face came across my mind.

 

And then it hit me. Big time.



I love Zander.

Hindi ko alam kung kelan at paano pero mahal ko na siya.

I loved him all along.

 

"Jiro, I love Zander!" sigaw ko.



"Very good. Ngayon, ano ng gagawin mo?"

"Alam mo ba kung saan siya puwedeng mahagilap?" nabubuhayang-tanong ko.

 

Aamin na ako kay Zander. Kahit anong mangyari. Walang makakapigil sa akin! O yeah!



 

Sumagot si Jiro, "Sheiska, bukod sa kagubatan, makikita mo si Zander sa bahay nila. Goodluck sa pakiki-kalabaw mo!"

"Pakiki-kalabaw?" takang tanong ko kay Jiro.

"Sawa na ako sa pakikibaka. Sige, bye."

 

 

 



 

 

 



Sheiska

 

 



 

Hinatid ako ni Jiro sa bahay nila Zander.

As expected, mayaman sila.

Nasa tapat kami ng kanilang bonggang garden.

 

Buong gabi kong prinactice ang sasabihin ko. Pero kung kelan naman nandito na ako, saka ako biglang naduwag.



 

Shemay. Parang may butterflies, daga at buong kingdom animalia sa loob ng tiyan ko! Wuuuu!

 

Inakbayan ako ni Jiro. "Go, Sheiska. Kaya mo 'yan!"



"Kaya ko 'to!"

"Aja?" nagtataka man ako kung bakit alam ni Jiro ang ganoong expression, sumagot ako.

"AJA!"

 

Sa wakas lumabas si Zander. Ewan ko kung sinabihan ba siya ni Jiro o nagkataon lang na lumabas talaga siya.



 

"Jiro, walk out na ako. Hindi ko pala kaya! Wag ngayon!" bulong ko. Kinakabahan talaga ako na ewan.

Nae-elyen na rin ako sa sarili ko.

 

Aalis na dapat ako pero pinigilan ako ni Jiro. "Call him."



Hingang malalim. "Za---"

Naputol yung pagtawag ko kasi may babaeng--- magandang babaeng lumabas sa pintuan nila.

 

"Mich, ano? Ayaw mo talagang maki-pagdate sa akin? You know how much I like you." sabi ni Zander.



"Thanks, I like myself too." nakangiting sagot ng babae.

"Seryoso sa guwapo kong ito?"

"Ikaw guwapo? Sinong may sabi?"

Inakbayan ni Zander si Mich. "I just love you, you know?"

"Alam ko."

"Why are you that adorable?"

"Nasa genes, Zander."

"I agree. Tara, date na tayo!"

 

Okay lang ako. Positive thinking! Malay ko ba kung sira-ulo lang si Zander at kinakausap ng ganyan ang ate, pinsan o kung kaano-ano man niya.



 

Pero ang hindi ko kinaya,

 

Zander hugged Mich. He never hugged me like that. Then he kissed her temple.



Wala na. Kinain na ako ng selos.

 

At heto na naman ako. My heart was like being stabbed by a knife.



 

"Sheiska---"

Ngumiti ako. "No, Jiro. Ako ang may kasalanan nito. I told him to fall inlove so he did."

Tumingala ako. "Ano ba 'yan! Nak ng tokwa! Ba't ba ako naiiyak?"

 

"We should call him---"



"Don't. He's happy."

 

 



Naglakad na ako palayo. At gaya ng inaasahan niyo, umiiyak ako.

 

I told him to fall inlove, yes. But why so soon?



 

Bakit ang bilis?

 

Hindi man lang niya ako hinintay.



 

 

At ang pinaka-nakakainis.



 

Wala rin naman akong karapatan na pigilan siya.

 

Kasi, ako, kaibigan lang niya.



 

At bakit ba ako nag-iinarte? Kasalanan ko naman ang lahat.

 

Happy ending 'no?



 

 

 



 

Sobrang happy.

 

 

 



 

 

 



Zander

 

 



 

 

"Mich, last na tanong. Ayaw mo talagang makipag-date sa akin? Guwapo ako. Mabait ka. Bagay tayo. Di ba?"



Binatukan niya ako. "Mabait lang ako, hindi ako maganda? Kapal mo!"

"O sige na nga. Maganda ka na rin."

She grinned.

 

Mich. Siya ang kinakapatid at kababata ko. She's my bestfriend forever. Naisipan niya lang daw bumisita sa bahay namin para tingnan kung buhay pa ako.



 

"Ayoko sa'yo, Aleczander. Babaero ka eh. Isa pa, gaya nga ng sinabi mo kanina, may problemang Rated P ka. Pampuso, only."

"Nag joke ka, Mich?"

"Hindi."


 

Nasabi ko sa kanya ang problema ko. That there's a girl I've always wanted but I couldn't have.

Sino pa. Eh di si Sheiska.

 

Sometimes I call myself an idiot. Palagi akong nag de-deny pero all along, gusto ko na si Sheiska. Even the first time I laid my eyes on her.



 

I was just too pre-occupied with my belief. That boys don't fall inlove.

 

Wait, did I just say love?



 

"Ang tanong ko sa'yo, like mo ba si Sheiska, o love?"

 

Now that's a question I've been thinking for three days now.



 

I miss Sheiska. I miss her all. Parang may kulang sa akin kapag wala siya. And I need her with me.

Tama na bang rason 'yon para mapatunayan ko na mahal ko si Sheiska?

 

Ang sagot.... ewan ko.



 

 I really don't know. I've never fallen inlove before.

 

"Zander."



Nagtaka ako kung anong ginagawa ni Jiro sa bahay. Ginawa namin ang famous shake hand ng aming grupo.

"Jiro, anong ginagawa mo dito?"

 

"Wala. Dumalaw lang ako para ipaalam na..."



Binitin niya yung salita niya kaya kinabahan ako. "What, bro?"

"Ipaalam sa'yo na kami na ni Sheiska."

 

"Shit." iyon ang lumabas sa bibig ko. Kahit nasa tabi ko lang si Mich.



Tumawa si Jiro. "Kabado ka. Joke lang. Hindi pa kami. Pero, nililigawan ko na siya. Salamat bro, ha? Ibinigay mo sa akin si Sheiska. She's one in a million. Sige. Exit na ako. Bye."

 

 



Now I'm packing damned.

 BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Sheiska’s Dilemma)

 

Sheiska

 

 

"Nak! Sheiska! Lumabas ka na nga diyan sa kuwarto mo!"



"Ate! Lumabas ka na! May bisita ka! Si... ano bang pangalan no'n 'Nay?"

"Ian Somerholder."

"Oo, ate! Si Ian Somerholder nandito sa sala natin. Labasin mo naman. Kakahiya naman, eh."

 

Inalis ko ang nakatakip na unan sa mukha ko. Malamang lang na mag-alala ang mga ito sa akin.



Simula noong naghiwalay ang landas namin ni... I can't even say his name.

Nagkaganito na ako.

DIstracted.

Stressed.

At laging nakamukmok sa kuwarto.

 

Hindi ko kasi matanggap na nag-iinarte ako ng ganito dahil sa kanya.



Ni hindi nga kami, for Juan's sake!

Ano bang problema ko?

 

Bakit ba hindi nalang ako maging masaya para kay Zander?



Lumalabas tuloy na wala akong utang na loob. Utang na labas.

Kasi si Zander nga, todo effort ang ginawa para lang maka-date ko si Jiro.

 

Tapos ako... eeehhhh! I hate myself!



 

 

Walang suklay-suklay, binuksan ko ang pinto.



"AAAAAAHHHHHHH!" sabay na sigaw nung nanay at kapatid ko.

Daig pa nila ang horror movie kung makapag-react sa hitsura ko.

"Oo na! Mukha na akong aswang!" asar na sabi ko.

 

 



"Buti alam mo ate---aray naman 'nay! Joke lang pala, ate. Maganda ka pa din. At sexy!"

Tinuktukan ko ang noo ni Rhode.

"Doon tayo sa sala. Kanina pa nandoon si Ian Somerholder." sabi ni Nanay.

"Wala akong kilalang ganoon." sabi ko.

"Yung bida sa Vampire Diaries! Grabe. guwapo kaya no'n!"

"Ian Somerhalder, 'Nay."

 

Nagkatinginan si Rhode at Nanay. Natawa tuloy ako bigla.



"Nay ayokong lumabas. Dito na lang ako sa kwarto. Nakakatamad kumilos."

Pagpasok ko sa kwarto at pagka upo sa kama, sumunod sila.

 

"Si Zander ba?" biglang sabi ni Nanay.



Natahimik ako.

"Hindi ah! Ano namang gagawin sa akin ng sira-ulong 'yon?"

"Ginawa ka rin niyang sira-ulo."

 

"Nayy..." reklamo ko. Teary-eyed. "Ang sakit eh."



"Gaano kasakit?"

"Kagat ng langgam. Ng gigantic na langgam sa puso."

Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako. Hindi ko kasi talaga kayang ipakita sa iba na mahina ako. Kay Nanay lang at kay Rhode.

"Ate! Nasaan si Kuya Zander! Gusto mo, banatan ko siya? Sa ganda mong iyan, ipagpapalit ka lang niya? Ilabas mo siya, ate! ilabas mo!"

"Bruho ka, Rhode. Paano niyang ilalabas eh hindi niya nga alam kung nasaan."

"Sorry 'Nay, na-carried away lang."

"Hindi rin ni Zander ipinagpalit si Sheiska. Hindi naman sila eh."

"Ay, hindi rin ba? Pero kahit na 'Nay! Ilang araw ng ganito si ate eh! Nag-aalala na ako. Ngayon lang nag-iiyak si ate ng ganito. Dahil sa lalaking 'yon! Banned na siya sa bahay! Pramis! Walang puwedeng manakit kay ate. Ako lang! Ako lang!---araaaaay!"

Nagtakip na ako ng palad sa mukha saka ngumawa.

I just love my brother. And my mom. I love them both.

 

Niyakap ako ni Nanay. "Mahal mo?"



"Mahal ko."sagot ko sabay singhot.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Kasi may mahal siyang iba...?" hindi ko rin siguradong tanong.

Nakatikim pa ako ng tuktok kay Nanay. "Eng-eng ka rin, eh no? Paano kung nag joke lang siya na may mahal siyang iba?"

"Nakita ko sila." naiyak ako lalo nung naalala ko yung scene nila ni Mich.

 

"Dapat sinabi mo pa rin. Para hindi ka nagkakaganyan ngayon. At least alam niya. Then kung sinabi niyang wala talaga, saka ka tumalon sa bangin. Sasamahan ka pa namin ni Rhode."



"Naayyy.."

"Ano?"


"Ang sakit-sakit. I love Zander, you know? It's just that... he loves somebody else and I am the one who urged him to fall inlove."

"Sinong tanga?"

"Siya. Hindi niya ako naisip mahalin eh."

"Paano niyang iisiping ikaw ang dapat niyang mahalin kung wala ka namang ipinapakita sa kanyang dahilan para mahalin ka?"

 

Natahimik na naman ako.



 

"Pero palagi naman kaming magkasama, ah. Hindi man lang ba sumagi sa isip niya na, gusto niya ako?"

"Aba malay ko? Dapat tinanong mo."

"Ayoko nga. Mamaya niyan masaktan pa ako."

 

"Kasama 'yan sa paglaki. Ngayon, kung hindi ka masasaktan kahit minsan sa buhay mo, elyen ka. Hindi ka tao. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Walang nasasaktan na hindi nagmamahal. Kuha mo?"



"Nuuuxxx, Nay! Words of wisdom." kantiyaw ni Rhode.

"Of course. I'm wise. Been there, done that."

 

Should I just let go? Wala naman akong mapapala kung ipagpapatuloy ko ang pagsintang pururot ko kay Zander. Lalo na at wala akong balak sa One Sided love.



 

"Anong dapat kong gawin, 'Nay?"

"Think about everything. Try talking to him. At alamin mo kung wala talaga siyang nararamdaman para sa'yo. At kung napatunayan mong wala talaga, let go. Pero kung sinabi niya wala, at feeling mo meron talaga, pektusan mo. Para matauhan. Pagkatapos, lumabas ka na riyan at kumain ng hapunan."

Lumabas na si Nanay.

 

 

 



Hmm. Good idea.

 

 



"At ate, may dapat ka pa palang gawin! Ikaw naman maghugas ng pinggan natin. Isang linggo na akong nakatoka doon eh. Baka mag reklamo girlfriends ko kung bakit ang kamay ko amoy dishwashing liquid."

 

Nilingon ko si Rhode. "Hindi ka lang mag a-amoy dishwashing liquid, ipapakain ko pa 'yon sa'yo. inuutusan mo ako? Ha?"



"Kelan mo pa kinain ang liquid? Bleh! Bye ate!"

 

"Rhooooooooooooooodeeeeeeeeee!"



 

 

Nilingon ko 'yung Polar Bear na Stuffed Stoy. Kinuha ko saka pinangigilan.



"Bango. Amoy Zander, beybeh!"

 

 



Teka, ang gulo ko? Ano baaaaaaa? Tatanungin ko ba si Zander?

Sayang naman kasi ang pagsinta ko sa kanya.

 

 

Sige. Tatanungin ko na lang.



BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Boys are just Boys)



BODOFAIL BOYS MINUS ZANDER*

Jiro

 

 



 

"Gago rin si Zander isa't-kalahati eh, no?"

"Buuin mo na, Klent."

"O sige. Gago siya, isang buo. Isama mo na ang VAT doon."

"So anong plano natin, bro?" tanong ni Marx.

 

 



Wala pa si Zander. Late siguro. Nakapalibot kami sa iisang drafting table.

Inabutan ako ni Marx ng yellow pad at ballpen.

 

Nag-drawing ako ng stick na tao. "Nakita niyo 'to, mga bugoy?"



"Oo."

"Good. Hindi kayo bulag kung ganoon."

Binatukan nila ako pareho.

 

Sinulat ko ang pangalan ni Zander. Drinowingan ko ng puso saka arrow.



"Yan ang estado ng kapatid nating si Zander ngayon."

"Tinamaan siya ng arrow?"

"Oo. Magpanggap ka pang engot, Ken Laurence, papanain kita at ipapakiss kay Tin."

"Pakyu."


"Okay. Makinig kasi kayo. Pota naman."

 

Sinulat ko ang pangalan ni Sheiska. Tapos binulugan ang pangalan niya.



"Si Zander, inlove siya kay Sheiska, idene-deny niya lang kasi nga, gago siya. Ngayon, kahit abnormal at walang kwenta si Zander sa akin, kaibigan ko pa rin siya at alam kong kailangan niya ang tulong nating tatlo."

Tumango silang dalawa.

Ngayon lang namin nakitang nagka-problemang pam-puso si Zander kaya alam naming seryoso at tunay ang nararamdaman niya para kay Sheiska.

Wala ng problema sa kanilang dalawa, kung tutuusin. Ayaw lang nilang dalawang umamin sa isa't-isa. Ewan ko kung bakit pinahihirapan pa nila ang buhay nila pareho.

At kapag pinalampas pa namin na walang mangyayari doon sa dalawa, makakawala pa si Sheiska.  Hindi man namin sinasabi, botong-boto kami kay Sheiska para kay Zander.

 

"Sinabi ko kay Zander na nililigawan ko si Sheiska."



"OMGEEEEEE!"

 

Hinampas ko ng nirolyong yellow pad si Marx. "Ano ba? Bakit kung maka-react ka, OA?"



"Para naman may effects."

 

"Kayong dalawa, magpapanggap kayo na alam niyong nililigawan ko si Sheiska. At magpapanggap rin kayong boto kayo sa love team namin. Tapos, tulungan niyo akong paaminin si Zander. Maliwanag ba?"



"Paaminin si Zander? Sus. Iyon lang ba? Kadali naman."

"Akala ko rin nung una, bro. Pero matigas ang ulo ng isang iyon. Pagdating sa pagiging inlove, nagta-tanga-tangahan." sagot ko. "Hindi lang niya matanggap na na-inlove siya. Siyempre wala pa sa ating apat ang na-inlove na."

Nagkaroon ng violent reaction si Klent. "Excemption ka, Jiro. Ibig sabihin, ginago mo lang kapatid ko dati?"

"Wag mo nga akong ilagay sa hot seat, Klent! At hindi ko kilala si Keziah!"

"Kakasabi mo lang ng pangalan niya."

"Shut up!"

 

Sumisipol-sipol lang si Marx. Nakangisi si Klent. Matagal ng issue ang tungkol sa amin ng kapatid niya. At bakit ba ako nagku-kuwento sa inyo? Hindi ko story ito.



 

 

"Naiiyak ako, Jiro. Pahinging tissue." sabi ni Marx.



"Bakit?" salubong na kilay na tanong ko.

"Kasi ang isa sa atin, pumasok na sa larangan ng Love Struck."

"Okay lang 'yan. Para naman may sumalo ng ka-abnormalan ni Zander."

"Kunsabagay, si Sheiska, mabait 'yon at maganda. Nabulagan lang kay Zander."

 

Nakita naming palapit na si Zander.



Nilingon ko silang dalawa. "You guys, are in?"

"Kanina pa ako nasa loob."

"Corny mo, Klent. Pakamatay ka na nga!"

"Pagtapos mo, Renjiro. Pagtapos mo.

 

Zander

 

Nakita kong nagkukumpulan ang tatlo kaya alam kong may happening.



Pero bago pa ako makalapit, narinig ko na ang usapan nila.

"Kumusta date niyo kahapon ni Sheiska, Jiro?" tanong ni Klent. Ang lakas pa nga ng boses niya eh.

Yumuko ako. Nag date na naman pala sila kahapon.

Sasagutin ba ni Sheiska si Jiro?

Sana wag. Wag muna.

 

"Siyempre masaya. Alam niyo bro, ngayon lang ako tinamaan ng ganito katindi after Klent's Alien Sister."



"So tinamaan ka na rin ng matindi sa kapatid ko?"

"Hindi siya ang pinag-uusapan natin, DI BA?"

"Ah, oo! Si Sheiska! Tama. Basta bro, kami oks na oks sa kanya. Di ba, Marx?"

"Oo, Klent. Pero akala ko dati si Sheiska at si Zander ang magkakatuluyan. Bagay sila."

 

Napangiti ako. Kami ba, Marx? Sabi na nga ba mas bagay kami ni Sheiska. Huh! In yo face, Jiro!



 

Napalakas lalo ang boses ni Jiro. "Dati 'yon, Marx! Kita mong kami ni Sheiska ang love team eh. Hayaan niyo nga si Zander. Mukhang inlove naman siya sa ibang babae. Mich yata ang pangalan no'n. Ni hindi man lang nga ipakilala sa atin."

 

Gusto ko ng maki-epal sa usapan nila.Bakit ba nila ako pinag tsi-tsismisan? Mga bwisit na lalaking ito!



Hindi ako inlove kay Mich! She's my bestfriend! At paano ninyo siya makikilala eh kauuwi lang niya galing Canada? Baliw ba kayo? At anong love team, Jiro?

Dati parang aayaw-ayaw ka kay Sheiska at sa kahit kaninong babae, ngayon naman nili-link mo ang sarili mo kay Sheiska?

Suntukin kaya kita?

 

 



"Maganda ba yung Mich?"

"Oo. Saka bagay naman sila ni Zander. Mukhang wala akong magiging problema kay Zander. He's not inlove with Sheiska. Kaya, Sheiska is all mine. Wala namang balak sa inyong tumalo pa sa Sheiska ko, di ba?"

"Wala na, Jiro. pramis." sabi ni Klent.

"Second the motion, Klent." sabi naman ni Marx.

 

"Wont you guys congratulate me? Malapit ko ng maging girlfriend si Sheiska---"



"I love Sheiska you idiots!" Fuck. That came out on my mouth before I could stop it.

 

Ngayon kumpirmado ko na. I love Sheiska. Hindi ko lang siya like, love ko pa siya. Kaya pala ako nagkakaganito kasi ayokong mawala si Sheiska sa akin.



I need her because i love her.

 

Nagulat ang mga kaklase ko sa biglaang deklarasyon ko ng pag-ibig.Nakakaasar naman kasi sila Jiro! Mga gago talaga! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong isigaw ang gusto kong sabihin.



Wala na. Nalaman na ng lahat ang pinagdadaanan ko. Public Announcement.

I fucking hate this three idiots!

 

"Inlove na ang babaero? Bakit? May uwak na bang puti?" singit ng kaklase namin.



"Meron na yata, Toffe." sagot ni Jiro, nakangisi.

 

SHIT! THIS WAS A SET-UP ALL ALONG!



PINAAMIN LANG NILA AKO SA SARILI KO AT SA KANILA!

 

 



"Paano ba 'yan, Zander. Ikaw ang unang tumiwalag sa paniniwala natin." kantiyaw ni Marx.

"Shut up! Paano niyo nagawang paaminin ako?" asar na sabi ko.

"Kasi nga mga henyo kami."

 

 



Inakbayan ako ni Jiro. "Wala akong balak taluhin si Sheiska. Paano kong tataluhin iyon eh patay na patay ka doon."

"Hindi mo siya gusto?"

"Gusto. Pero hanggang kaibigan lang."

Nakahinga ako ng maluwag. "Hindi ko girlfriend si Mich. She's my bestfriend."

 

Ginulo ni Klent ang buhok ko. "Naaaaaaks! Inlove ang bata namin!"



"Tigilan niyo nga ako!"

"Yieeeeeee!"

 

Pikon na talaga ako. Oo inlove ako, pero wag naman nilang i-public announce pa. Nakakahiya.



"Good choice, bro. Sheiska's the best woman we could ever ask for you to have."

Their really my best friends. Kahit abnormal sila at sira-ulo, mahal nila ako.

 

Yes. I am a 100 percent macho guy and I'm proud to say I love my bestfriends. They are the best.



 

"Hala! Nag ba-blush si Zander!"

"The fuck bro! You're blushing!"

 

"Suntukan nalang! Ano ba? Sinabi ng tigilan niyo ako!"



 

But I am smiling from ear to ear. Ganito pala kasarap ang aminin sa sarili mo na inlove ka na nga.

 

Nagsalita ulit si Jiro. "Nakita nga pala kayo ni Sheiska na magkasama ni Mich. She's with me nung nilapitan ko kayo. Umalis siya kasi ang akala niya may girlfriend ka na nga."



 

Now that's a problem i'll have to deal with.

 

Tulungan niyo naman ako oh. Sana mutual ang feelings namin ni Sheiska.



Sheiska

 

 


Download 87,73 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish