Boys Do Fall In Love By: chreestine wattpad



Download 87,73 Kb.
bet1/6
Sana25.06.2017
Hajmi87,73 Kb.
#14989
  1   2   3   4   5   6
wattpad

Boys Do Fall In Love

By: chreestine wattpad

© ALL RIGHTS RESERVE No part of this book or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials.

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=1

BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Aleczander Rivera)

Zander’s POV

"Utot mo blue, Zander!"

"Tange. Pink ang kulay ng utot ko."

"Ogag, colorless dapat."

"Ahh... pero mabango ang sa akin."

"Lul!"

"Bakit may utot? Sinong nagsabi na utot dapat ang tawag sa utot?"



"Ha? Ano pre?"

"Kamukha mo ingrown ko."

"Hahahahahaha!”

Walang kwenta.

Yan ang usapan namin.

Siyempre kelangan rin naming makawala sa mabagsik na mundo ng kolehiyo. Pero siyempre joke lang yon. Masaya sa college. Depende sa'yo. Depende sa paraan ng kunsumisyon mo.


Kami. Ako, si Marx, si Klent at Jiro. I-isa lang ang layunin namin. Ang maging Architect. Nag click na lang basta ang mga ugali namin, tapos kami na ang nagsama-sama.

Fourth year na rin pala kami sa Arki. Masarap maging Archi student. Nakaka-stress, nakaka-puyat, nakaka-payat pero marami kaming magagandang classmate kaya oks lang..

Walang tawag sa grupo namin. Korni eh.Halimabawa: Tropang Pogi, Guwapito Boys. Para hindi jologs, nagdesisyon kami na walang bansagan ng pangalan. Basta kami ang magkakaibigan.

Si Marx ang parang leader, ako ang pinaka guwapo at pinaka habulin, Si Klent, siya ang mayabang na long lost twin borther ko pero henyo. Si Jiro, hindi mo naman maramdaman, pero nararamdaman siya ng mga kababaihan.

Pangarap ko talagang maging Doktor. Pero tinamad akong mag-aral ng maraming taon kaya nag Archi ako. So far, nagustuhan ko naman. Pangalawa ako sa magkakapatid. Mom ko dating professor sa university, si dad naman dentist.

Pero hiwalay sila. Kay mommy ako nakatira kasama yung mga kapatid ko.

Babaero tatay ko. Kaya hinayaan ko na siya tutal pareho kami. Birds on the same feather, flocks together. Isa pa, wala na naman akong paki sa kanya.

Masayado na siyang sakit sa ulo ng mommy ko. Masaya na kami nila mommy na kami-kami lang.

Siyempre bukod sa barkada, merong chicks. Hindi iisa, hindi dadalawa kundi M2M. Many 2 Mention. At kapag nag mention, yari tayo.

"Tae ka, Marx." sabi ko kay Marx. Natanaw ko kasing dumaan ang muse ng aming barkada, si Charlene. Si Cha. Tomboy-tomboyan. Feeling lalaki at trying hard magpaka-macho. Eh ang ganda-ganda naman. Sexy pa. Nakakaasar tuloy.

Bestfriend siya ni Marx mula pa noong panahon na bago matuli ito. Kaya talaga namang close na close sila. Hindi nga lang halata.

Nilingon ako ni Marx. "Bakit?"

"Wala ka kasing kwenta."

"Bakit?"

Kasi matagal na niyang kasama si Cha, wala pa din. Friendzoned ang lolo mo. Nakanang, kala mo naman may alam ako sa mga gano'n.

"Wala. Palapit na si Misster."

Minsan iniisip ko kung hindi ba talaga siya nagmana sa kagalingan ko. Lahat ng babae dito, ngitian ko lang mai-inlove na.

Samantalang itong si Klent, kasama na araw-araw si Cha, wala pa ring nangyayari.

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=2Ang totoo crush ko kasi si Cha dati pa. Ang problema, marami pa akong ibang crush na puwedeng ligawan kaya sila ang inuna ko. Isa pa, yari ako kay Marx. Wala akong balak taluhin ang mga may bakod na.

Hindi sa makapal ang mukha ko, pero marami naman talagang nagkakandarapa sa akin.

Pero ako, may taglay na kasalbahe-han kaya dun lang ako sa mga babaeng 36-24-36 namamansin. Basta maganda, long haired at sexy ka, puwede ka. Iyon ang patakaran ko. Kung hindi ka gano'n, depende pa rin kung magugustuhan kita.

Sense of Humor kasi ang una kong hinahanap dahil hindi naman ako kasing manyak ng iniisip mo. Hehehe. Mata rin ng babae ang paborito kong titigan at hindi kung anu-ano.

Siyempre ang lalaki dapat may standards rin.

Naaalala kong tanungin ang aking long lost brother na si Klent. Ang koreanese na hilaw kong best friend. Siya ang pinaka close sa akin dahil swak na swak ang ugali namin. Wala akong halong kung anong lahi peo may pagka singkit ako. Lalo na si Klent. Korean tatay niya eh.

"Klent, sasama ka ba sa party ni—"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang tamaan ako ng pesteng soccer ball na hindi ko alam kung saan nagmula.

Pinulot ko yung bolang nalaglag sa lupa pagkatapos targetin ang ulo ko, at saka nilibot ng tingin ang paligid para hanapin ang salarin.

"Hala. Sorry po. Sorry talaga."

Tumingala ako. Hmm. Babae. Naka-PE uniform. Maganda. Kaya lang chubby.

Hindi siya ganoon kataba. Chubby. Lumampas ng onti sa aking standards ang vital statistics niya.

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=2Pero, maganda talaga siya. Maputi saka mahaba ang buhok. Tiningnan ko yung mata. Maganda rin ang mata niya. Kulay tsokolate na hula ko, paborito niyang tirahin kaya siya lumobo.

"Ikaw ba ang sumipa nito?" tanong ko. Sila Marx nakatingin lang kay binibining huggable.

"Eh... oo."

Nginitian ko siya. Yung ngiting nakakakilig daw sabi ng mga babae. Ngumiti rin siya. At maganda rin ang ngiti niya.

"Next time wag mo ng tatargetin ang ulo ko ha?" nakangiti ko pa ring sabi sa kanya.

"Ay oo naman. Sayang ang face." Inagaw na niya yung bola sa kamay ko saka tumalikod.

Hinarap ko ang mga bugoy. "36-27-38." nakangising sabi ko kayla Marx.

"Loko ka marinig ka niyan." natatawang sabi ni Klent.

"Maganda ba?" sabi ko ulit.

"Aba oo! Kahit medyo malaman, maganda naman. Takte! Rhyme yon!" sabi naman ni Marx.

Nilingon ko si Jiro na out of the world na naman. "Jiro, type mo? Ayoko kasi ng mga chubby eh."

Pero sa halip na sagutin ako ni Jiro, lumampas sa akin ang tingin niya.

"Miss, libre batok." sabi ni Jiro na agad namang ipinagtaka ko.

Automatic na lumingon ako. Naku yari. Narinig pala ako ni binibining huggable. Kanina pa pala siya nakatayo sa likod ko pero hindi nagsasalita ang mga bugoy.

"Sabi mo kanina huwag ko ng gawing target ang ulo mo di ba?" nakangiting tanong niya. Ngiti ng isang taong halatang asar at handa na akong dagukan ano mang oras.

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=2"Oo." sagot ko na nakatitig pa rin sa maganda niyang mukha.

And speaking of mukha, ang sabi niya: "Di bale, mukha mo ang tatargetin ko ngayon."



http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=2

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=1

BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Banatan 101)

ZANDER

 

BOOM. BUUGG. O BLAAG?



Hindi ko alam kung ano ang tamang sound effect sa pagsapak niya sa akin.Siyempre nakakagulat.

Hindi lang medyo masakit kundi masakit na masakit talaga.

Napahawak ako sa panga, inayos ang pagkakatayo pero hindi pa rin nagsasalita.

 

"Bastos ka rin ano? Wala ka bang nanay o kapatid na babae? Gusto mong hambalusin ko pa yung pagmumukha mo ng t-square na nasa tabi mo?"



Uuuyyyy. Palaban. Type! Mukha nga siyang sexy pag nagagalit eh.

"Totoo naman ang sinabi ko eh. Bakit, tingin mo sexy ka?" tumayo ako para pantayan siya.

Tumingala siya sa akin. Nakipagsukatan ng tingin.

 

"Zander, bro, babae yan." saway ni Marx.



"Tuturuan ko lang ng leksiyon. Nakikinig sa usapan ng may usapan eh. Eh ang dapat nga na gawin niya, magtunaw ng taba sa paglalaro ng football."

Gigil na gigil sa akin si ganda. Wow. Ganda na pala ang tawag ko sa kanya.

"Anong sinabi mo? Bawiin mo 'yon! Bawiin mo!"

Ngumisi ako. Nae-enjoy ko itong babaeng ito ah. "Ayoko nga. Tabaaa!"

"Unggoy ka naman!"

"At least hindi mataba."

 

Mukhang may masamang binabalak na naman to ah. Itinaas niya yung kamay niya.



Siyempre mabilis ang reflexes ko kaya hinawakan ko yung kamay niya na malambot at hindi pasmado. Hehehe. One point!

 

"Bitiwan mo nga ako!" sigaw niya.



"Pa-kiss muna." Kusang lumabas iyon sa bibig ko. Hindi ko inisip at hindi ko rin maisip kung bakit ko sinabi.

Bakit nga ba? Maybe I just love how she managed to get angry and look so beautiful at the same time.

"Isa!” sabi niya.

"Dalawa." nang-aasar na sagot ko.

Her flushy cheeks made me more... enjoyed? Ewan. Grabe. Ang saya-saya namang asarin ito.

 "Tatlo!" she caught my left arm. Tapos pinilipit niya.

Iba talaga ang lakas ng babaeng ito. Nakangiwi ako, at saka narinig ang tawanan ng mga unggoy kong kaibigan.

 "Oy mga ogag! Tulungan niyo ako dito." sabi ko habang pilit na kumakawala sa babaeng 'to.

Siyempre kaya ko namang makatakas sa kanya. Gusto ko lang manantsing. Ang labas kasi ay parang nakayakap siya sa akin.  

"Mag sorry ka." utos niya.

Wow, bango naman niya. With pawis and all. "Sige ba. Anong klaseng sorry ba ang gusto mo?"

"Yung sincere, ano pa ba?"

"Ahhh.. Sige. Bitawan mo muna ako."

Nag dalawang-isip siya. "Wala kang gagawing masama?"

"Oh come on! Mabait ako, miss. Itanong mo pa sa mommy ko."

Binitawan niya rin ako at pinakawalan. Pasensiya na lang siya kasi may iba akong balak.

 

Hinila ko rin yung kamay niya para mapalapit siya sa akin. I gave her a devilish smile.



"Anong binabalak mo?" sabi niya.

"Eto." I said before giving her the kiss every girl begged for.

 I smiled while kissing her sweet sweet lips.

 

 



 

Sheiska's POV

 

Kulang ang salitang Shock para sa akin. Pero wala na akong maisip at wala akong dalang Thesaurus kaya mag se-settle nalang ako sa salitang Shock.



I mean, well, congratulations to me i finally had my very first kiss.

Pero bakit sa bwisit na unggoy na lalaking ito pa? At sa harap ng maraming taong nakanganga lang sa pagka-shock na hindi naman dapat nanunuod sa eksena ng may eksena.

 

Sarap magmura!



 Ang dapat na ginagawa ko ngayon ay sinasapak, tinatadyakan at ipinapa-pulis ang mokong na ito.

Pero anong ginawa ko. Nakipagtitigan pa ako sa kanya.

 

Saka isa pa, nakangiti pa siya habang hinahalikan ako. Paano niya kaya nagagawa 'yon?



Kunsabagay, paano ako makakapalag, eh nanghihina nga ako. Kala ko pa naman exxagerated lang ang mga pocket books. Totoo pala.

Susubukan ko ang the best I can na mag-illustrate. First kiss. Para akong lalagnatin na hihimatayin na ewan. mposible namang hindi ko mapansin ang features ng guwapo...ng mukha niya pala. Makapal yung kilay niya, pero bagay naman sa kanya. Nasisingkit rin siya kapag ngumingiti. Matangos yung ilong, saka... oo na sige na. Guwapo nga ang kumag.

Guwapo at mapanlait na uri ng nilalang. 

 

Lumayo siya at ngumiti sa akin. There goes he's chinky eyes once again. Sabi na nga ba, hindi ako dapat nagtitiwala sa mga singkit.



"Sorry sa pagtawag ko sa'yo ng mataba."

Hindi pa ako makasagot. Pero pinilit ko dahil ayokong mapahiya. "Anong.. Bakit..Buwisit ka!"

Sana man lang nakisama ang boses ko, ano? Mahina na nga, nag blabber pa. Nakngtokwangbuhaynganaman.

"Ako si Aleczander. Ipa-pulis mo na lang ako bukas. May date pa kasi ako eh. Pero kung ako sa'yo, angkinin mo na ako bago ka pa maunahan ng China."

Walangya. Yan siya.

"Alam mo, para kang surot." sabi ko sa kanya.

"Bakit? Nagsusumiksik ba ako sa isip mo? Pasensiya na pero—"

"Masarap kang tirisin."

Applause.

Tutal ipinahiya niya ako kanina, bumabawi lang ako. Siguradong uulanin ako ng tukso, paninira o kahit ano pa mamaya. Hindi na siya nag-react.

"Para ka ring araw." hirit ko pa.

"Bakit?"


"Pasikat ka na nga, masakit ka pa sa mata."

 

Ngumiti lang ako habang nakikita ang nakangiti ring mukha ni… Alec? Oo, Alec  pala. Tinalikuran ko na siya habang kipkip ang bola na may kasalanan ng lahat.



 

Pero heto ang hindi ko inasahan. Nagsalita uli siya.

"Alam mo ba kanina, kahit hindi mo pa ako binabato..."

 Asar na sumagot ako ng pasigaw "Ano? Ano na naman?"

 "Tinamaan na ako sa'yo."

 

Tiningnan ko lang siya gamit ang aking KILLER EYE. Nambubuwisit talaga ang isang ito, ano?



 

"Taba ka yata ng baboy eh." sabi pa niya, hindi yata nakuha sa tingin.

Hindi kona siya sinagot. Nakakaasar na kasi talaga!

Kumamot siya sa batok ala shy type na school boy. "Kasi, kumakapit ka sa puso ko."

 

What the--- Ayoko na. Hindi ko na Keribels.



Nag walk out na ako. Feeling mixed emotions.

Tiningnan ko ang hawak kong bola. "Kasalanan mo 'tong lahat eh."

 

 

Ano bang parte ang totoo sa sinabi niya? Na taba ako ng baboy, o na kumapit ako sa puso niya?



 

 

 



 

http://ads.buzzcity.net/show.php?partnerid=9492&bn=1

BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Tom and Jerry)

Zander

 

 



"Blooming ka ngayon, Leila."

"Thank you, Zander. Ikaw talagaaa."

"Ako lang ba, o gumaganda rin si Kara?"

"Bolero! I hate ya, Zander!"

"Hi Diyosa! Este, Jenna pala."

"Eeeehhhh!"

 

 

Napangiti ako. Girls.



They looked so vulnerable, gentle and fragile but their the most dangerous creature on earth.

Tama naman ako. Ang mga babae kasi kaunting bola at lambing mo lang, ang dami na agad iniisip.

 Hindi ba puwedeng walang commitments?

Hindi porke nakikipag-harutan kami, may gusto kami sa inyo.

Mahirap bang intindihin iyon?

 

Men wanted variety. Trust me. Nakakasawa ang isa lang. Kaya nga maraming relationship ang hindi nagtatagal.



Tulad ng sa tatay kong babaero, at sa kawawang napakabuti kong mommy.

 

"Zander..." tawag sa akin ni Jenna. Sila ang madalas na lumapit sa akin pero never kong pinatulan.



"Yes, sweety?"

"Totoo ba yung narinig namin na may babae ka daw na hinalikan noong nakaraang araw?"

 

Hmm. Oo nga pala. Si ganda. Nasaaan na kaya siya ngayon? Nagtago yata sa akin. Baka nasindak sa sinabi ko nung nakaraan.



"Oo." I answered with a smile.

"Are you inlove with her?"

"Kahit kelan ba may narinig kang balita na na-inlove ako? Jenna, maghintay kang magka-solar ecclipse. Baka sakali…"

"Sus! Ikaw lang ang may ayaw ng commitment."

"Guilty as charged—" natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na mukha, papalapit sa gawi namin. Siya ‘yung babae noong nakaraang araw. Si Ganda.

Oo. Yung matabang maganda na binigyan ko ng kiss.

Nagkatinginan kami. Nginitian ko siya. Siya naman, binigyan ako ng ngising-aso bago tumalikod at maglakad papunta sa ibang direksyon.

Ewan. Hindi ko alam. Pero may nagtulak sa akin para sundan siya.

Bago ko pa ma-realize, naglakad na ang paa ko papunta sa kanya. "Hi taba!"

"Hi langya!"

Natawa ako. Langya raw. Mukhang matindi ang init ng ulo ni ganda. Ganda talaga ang gusto kong itawag sa kanya. Nang-aasar lang ako kaya tinatawag ko siyang Taba.

I asked some of her friends kaya nalaman ko na ang pangalan niya pala ay Sheiska. Weird but cute. Just like the owner.

"Bagalan mo namang maglakad. Natatakot ka yata sa akin eh."

"Oo. Natatakot akong mahawa sa sira ng tuktok mo. Puwede bang lumayo ka?"

"Ouch, beybeh! That hurts."

"Alam mo, Alec, Alec di ba? Mabuti akong tao. Kaya lumayo ka na talaga bago pa ako maging masama."

Alec. Yon ang tawag ng mommy at mga kapatid ko sa akin. Zander ang tawag naman ng mga kaibigan ko. Hanggat maari kasi, gusto kong pamilya ko lang ang tumatawag  ng Alec sa akin.

But then, hearing Sheiska calling me 'Alec' seems okay—well, not only okay. I liked it.

I grinned. "Allergic ka sa akin?"

"Puwede rin."

"Ano bang pangalan mo?"

"Epifania."

I grinned. "You look good today, Sheiska."

"Paano mo nalaman...? Di bale na nga. Bakit ba ako nag titiyagang makipag-usap sa sira-ulong kagaya mo?"

"Kasi crush mo ako."

"May dala akong bola ngayon, try kaya natin sa'yo?"

"Wag na. Salamat."

Nakakatuwa talaga si Sheiska. Una dahil cute ang pangalan niya, at pangalawa, sarkastiko siya.

Nagtanong-tanong lang ako tungkol sa kanya kaya nalaman ko ang pangalan niya.

"Sheiska, may nickname ka ba?"

"Wala."

"Anong course mo?"



"Course you."

Natawa na naman ako sa kanya. I think I am starting to like this woman.

"Ilang taon ka ng nabubuhay sa mundo?"

"Taun-taon."

"May boyfriend ka ba?"

"Depende sa mood ko."

"Baka nasa mood ka ngayon?"

"Wala. Nasa school ako at nakikipag-usap sa isang nagsasalitang unggoy."

"Hindi kaya si Boots iyon ng Dora?"

"Hindi. Boots ng Doraemon."

Inakbayan ko siya. Tapos tinitigan ulit sa mukha. "Para kang yung mommy ko."

Nagsalubong ang kilay niya. "Mukha akong nanay, ganon?"

"Hindi! I mean---"

"Ano yang kamay mo? Bakit nasa balikat ko?"

Pasimple kong tinanggal ang kamay kong naka-akbay sa kanya. Pahiya onti.

"Come on, Sheiska. Gusto ko lang makipag-kaibigan—"

"Tama ba ang narinig namin?"

Kilala ko na ang mga asungot. Sila Klent 'yon. Talagang pa-epal ang mga 'to kahit kailan.

"Gusto mong makipag-ibigan kay miss beautiful?" Si Marx.

"Naku, patay tayo riyan." Si Klent.

"Onga, Klent. Yari si miss beautiful diyan." Si Marx.

"Hoy , bat nandito kayo? Panira kayo ng moment eh." reklamo ko.

"Narito kami ni Marx para ipagtanggol si miss beautiful sa mga taong mananakit sa kanya."

"Bilang nakatatanda, sinasabihan na kitang umayos-ayos ka, Zander."

 

Minsan gusto kong isipin na si Jiro lang talaga ang matino sa aming apat. Nakatingin lang siya sa amin na para ba kaming nawawala sa katinuan.



Hindi katulad ni Klent at Marx.

"Lol, Marx. Matanda ka lang ng ilang buwan sa amin." sabi ko sa kanya.

"Gano'n na rin yon, bugoy."

Sumali na sa usapan si Sheiska. "Mawalang galang na, ano? Pero wala akong paki kung ano man ang nararamdaman ninyo kaya puwede ba, puwede bang umalis na ako?"

"Treat na lang kita ng lunch. Tapos nood tayo ng sine. Masaya akong kasama. Pramis!" Yaya ni Klent. Isa pang babaero. Loko to ah. Aagawan pa yata ako.

Teka nga. Ano bang pinagsasasabi ko?

Tinaasan niya ng kilay si Klent. "Pupunta ako ng library, salamat na lang."

"Pupunta ka rin ba? Sabay na tayo, okay lang ba?" Lahat kami natameme kay Jiro. First time niya kasing nagyaya sa babae.

Inanticipate ko ang sagot ni Sheiska. "Bakit hindi? Mukhang ikaw lang ang matino sa mga kaibigan mong 'yan eh. Lika na."

 

 



Parang nangangati yung kamao ko para suntukin si Jiro. Pero bakit nga ba?

"Nagseselos ka 'no?" sabi ni Marx.

Lalong sumama ang mukha ko. "Sapak, gusto mo?"

Inakbayan ako ni Klent. "Alam mo, brother. Hindi yan mortal sin. Ayos lang na magselos paminsan-minsan. Kung ako nga sa'yo, magpipilit akong sumama kay Sheiska kaysa payagan na diskartehan siya ni Jiro."

 

Defensive na sumagot ako. "Sino bang maysabi na gusto ko si Sheiska?"



 

"Yang badtrip na itsura mo."

 

 

 



 Sheiska*

 

 



Tall, Fair and Handsome. Just.. perfect.

Mala x-ray vision kung makatitig ako kay Renjiro. Renjiro daw ang pangalan niya.

Cute no? Reeenjiiiroooo!

Siya naman, sige basa lang ng kung ano mang libro yang hawak niya.

 

"May problema ba, Sheiska?"



"Ah, wala. Wala. Continue reading."

Pero isinara niya yung libro. "Well, everybody thinks I'm weird."

Ngumiti ako. "Bakit daw?"

"Tahimik ako masyado."

"Lahat naman ng tao may ka-weirduhan sa katawan. Okay lang 'yan. Pero siyempre, mas maa-appreciate ko kung kakausapin mo ako. Masyado kasi akong madaldal."

"Eh di bagay kayo niyan ni Zander."

"Sino 'yon?" sabi ko. 

He smiled, I died. "Hindi ko rin alam kung paano ako napasama sa mga 'yon eh."

"Oo nga. Ikaw lang yata ang matino sa kanila." Ikaw rin ang pinaka- guwapo. Hihihi.

 

Jiro's hair was jet black, he had  thick brows, upturned nose... pero hindi talaga ako magaling sa pag de-describe ng mga hitsura kaya, 'yon. Hayaan na natin ang ka-guwapuhan ni Jiro ko.



Naks! Jiro ko. May pag-angkin?

 

"Pero bakit nga ba tahimik ka? Problem?"



He's still smiling but he did not answered.

Nangulit pa rin ako. "Broken hearted?"

Nawala na yung ngiti niya. Tumayo na siya. "See you around Sheiska."

 

"Teka Jiro, wait lang—" but he disappeared.



 

'Ba 'yan! Kaasar! Hindi pa nga ako nakaka-score! Well, did he got his heart broken? Kanino naman?

 Pero sigurado ako sa isang bagay, na willing akong pagalingin ang puso niya.

 BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Encounter no.2)

Sheiska

 

 



@$#$%^&(*&(*&)(*)&&%^(*&. Lahat na ng bad words gusto kong isigaw.

Si Alec. Kanina pa niya ako sinusundan.

Lakad-takbo na nga ako dahil nakakabuwisit na siya.

 Pero ayoko namang forever na umiwas sa kanya.

 

Kaya lang marami talagang nagrereklamo. Sabi nila, bakit ako raw ang nagustuhan ni Zander. Eh buti sana kung gusto nga ako ni unggoy. Eh hindi. At never na magiging oo.



Nakakapagod lang na umiling sa mga sinasabi at tanong nila sa akin.

 Tulad ng:



"Sheiska, nililigawan ka ni Zander no?"

"Sheiska, paano mo siya nakilala? Close kayo?"

"Mang-aagaw!"

"Pangit mo!"

"Pakopya sa math! Puwede?"

 

 



Mula nung in-invade ni unggoy ang buhay ko, namroblema na ako.

 

"Sheiska, beybeh. Teka! Wag mo naman akong takbuhan."



 

Hindi ko pa rin siya pinansin.

 

"Sheiska, Please? Usap lang tayo."



 

Please. Ang hina ko talaga sa salitang 'yan. Tumigil na ako at hinarap siya.

 

As usual, with that killer smile and chinky eyes of his, may festival na naman sa loob ko.



Sige, loka, purihin mo pa.

 

 



"Hi sexy." bati niya.

Ngising-aso naman ako. "Ano na naman bang trip mo sa buhay? Ha?"

"Kumusta naman ang date niyo ni Jiro kahapon?"

Date? Date? Sana nga. Sana date nalang 'yon.

 

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang. Gusto ko siya."



Nag zoom naman bigla ang mata niya. "So nag date talaga kayo?"

Ngumisi ako lalo. "Oo."

 

Natahimik siya saglit. Tapos umiling. "Kawawa naman si Jiro."


Download 87,73 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
  1   2   3   4   5   6




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish