"Ay ma'am-----"
"Ako. Ako ang may-ari nito. Kaya puwede kong utusan ang empleyado ko anumang oras ko gustuhin." putol ni Klent. May binabalak si Klent, sigurado ako. Minsan lang siya maging barbero, pero matindi.
The girl was shocked. "Weeeeh?" Nilingon nito si Klent. "Ikaw?"
"Yes. I'm the owner of Bittersweet. And of course, I don't feel like hiring you. At saka, puwede ko na bang kunin ang kape ko?"
Napanganga ang babae. Ngiti sabay kamot sa ulo. "Eh, ser, joke lang 'yon. 'To naman di mabiro."
"Okay." tumalikod na si Klent at naglakad pabalik sa amin.
Sumunod ang babae sa kanya.
"Hi, sir. Ahm, ah. my name is Kristine Corpuz. Tin for short. Here's my resume."
Ipinatong nito ang folder sa table.
"Makulit ka rin ano?" sabi ni Klent.
"Yes sir."
"Bakit naman kita iha-hire?"
"Kasi kailangan ko ng trabaho."
"And...?"
"I have pleasing personality. I'm beautiful, I'm smart. Saka may experience na ako."
"Your single?"
"Hindi pa ako kasal, sa pagkakaalam ko."
"May boyfriend ka?"
"Teka, ikaw lang ang manager na nagtanong ng ganyan---"
"I'm asking you."
"Wala. Wala akong boyfriend."
"Then you're hired."
"Thank you, sir. And, I have to say that you guys are darn good looking." nakangiti siya habang isa-isa kaming tinitingnan.
Ngumiti ako sa kanya. "Uy, salamat, Tin. Maganda ka rin."
Tumango lang si Jiro.
"Hoy Tin! Lukaret ka! Iniwan mo ako sa labas! Kaibigan ba talaga kita?" I knew that voice. It was Sheiska.
"Sheiska, say hi to my boss and his friends."
"Zander?!" tili ni Sheiska.
"Sheiska." sagot ko sabay ngisi.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Shhh! Quiet. Bawal maingay sa coffee shop ko." Si Keziah iyon. Mukhang ito na ang surprise niya.
"Kuyaaaaaaalabssss" yakap agad si Keziah sa kuya niya.
"Keziah? Kelan ka pa dumating?"
"Kahapon ng kahapon. Na traffic yung eroplano eh. Homaygas! Kuya Marx, hello!" napatingin siya kay Jiro. "Ay, may pangit kayong kasama. Yung cake nga palang kinain mo, Jiro, ako nag bake kaya may lason. Paki-hintay na lang ang pagbula ng bibig mo. bye."
Keziah walked out. Jiro followed her. Marx and Cha went out. Sheiska, again surprised about Jiro and Keziah.
Niyaya ko si Sheiska na lumabas na rin. But she waited for her friend Tin who was now holding her folder.
"Teka lang, ha. Naguluhan ako. Hindi ikaw ang may-ari nito?"
"Hindi. And that means you're not really hired."
Gigil na tiningnan ni Tin si Klent. "Badtrip ka! Niloko mo ako! At ngayon lang ako naloko ng ganito!"
Ngumisi si Klent. "Nagpaloko ka eh. Sige. Bye."
"Maging daga ka sana!"
Tinapik ni Sheiska ang balikat ni Tin. "Tintoinks, wag kang nagpapa-goyo sa mga unggoy na mga ito. Yes. Yung apat na lalaking nakita mo."
"Yung apat na pogi?"
"Yung tatlong pogi lang. Exception siya." sabi ni Sheiska at lingon sa akin.
Ngiting-ngiti ako. "Tama. Mabait ako kaya exception ako, Tin."
"Mabait ka diyan. Exception ka kasi hindi ka pogi, shunga."
Tumawa si Tin, sumimangot ako. "Ang taba,taba,taba,taba,taba mo, Sheiska."
Hinila niya si Tin palayo bago sumagot.
"Who cares? I'm a diyosa anyway. Tara, Tin! Nakaka-alien na dito sa Bittersweet."
I smiled. A diyosa anyway? Couldn't agree more.
BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera
(Surpraaaays)
SHEISKA
"Happy Birth---"
"Wag na. Ayoko sabing binabati ako kapag birthday ko eh."
"Abnormal ka talaga, ate."
"Mana lang ako sa'yo, Rodolfo Junior."
"Rhode! Rhode sabi ate!"
"Whatever."
Kinuha ko ang tuwalya at naglakad papunta sa banyo. Birthday ko ngayon. 20 years old na pala akong nabubuhay sa mundo at walang boyfriend.
Wala akong klase ngayon kaya alam kong hindi ako makakatakas sa celebration. Hindi lang ako ganoon kahilig talaga sa mga ganito. Lalo na kung para sa akin.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos, si Nanay naman ang nangulit. Dalawa lang kami ni Rhode na magkapatid. Si Tatay, two years na mula nung pumanaw.
"Twenty ka na, Sheiska!" sabi ni Nanay.
"Correction. Twenteen. bata pa ako 'no."
"Gurang ka na, ate." pambwibwisit ni Rhode.
"Maganda naman---"
"Pumapayat ka yata, ate?"
Tingin naman ako sa sarili ko. "Pansin mo rin, Rhode?"
"Binigyan kita ng compliment. Iyon na regalo ko. Pero ate, no joke. Pumapayat ka."
Pansin ko rin naman ang sinabi ni Rhode. I lost weight.
"So, paano ang celebration natin, Nak?" tumaas-baba pa ang kilay ni Nanay.
"Walaa! Aalis ako. Lalakwatsa ako mag-isa."
"Ang arte mo."
Ngising-aso ang ibinigay ko. "Happy birthday sa akin! Bye!"
Maka gala nga mag-isa.
Zander
"Paano ba 'yan, naka-uno na naman ako sa plate?" nagyayabang na sabi ni Marx sa amin. Katatapos lang ng klase namin sa design kaya sabay-sabay kaming nag lunch.
"Ikaw na. Pero walang makakatalo kay Renjiro, laging nauuubos ang laman ng plate." banat ni Klent sabay halakhak.
"Joke mo 'yon, Klent? Ang corny. Akin na lang 'yang sinigang mo para may silbi ka sa akin." sagot ni Jiro.
Laftrip na naman kaming tatlo.
"Birthday ni Sheiska ah." pukaw ni Klent sa atensyon ko.
"Birthday? Paano mo nalaman?"
"Eh di sa magaling kong utusan na si Tin."
Ngumisi ako. "Utusan? Hindi ba't si Keziah ang boss no'n?"
"Long story. At tinatamad akong mag kuwento. So, boys, anong plano? Birthday ng crush ni Zander. Bigyan nga natin ng surprise."
Nasamid ako kay Klent. "Crush? Ulul! Ano ako, bale?"
"Ay mali ba ako? O eh di love mo na lang. Birthday ng love ni Zander na si Sheiska---"
"I don't like her. Ilang beses ko ba kalangang sabihin? I don't like her and I wouldn't like her or any girl for that matter!"
Tumawa si Marx. Tumawa si Klent. Tinapik ako ni Renjiro.
"So sinong gusto mo, Zander? Ako?" pang-aasar pa ni Klent.
"Gusto kitang patayin, Ken Laurence Lee."
"Wag. Sayang ang genes ko. Wala akong malalahian---fuck! Ano ba?"
"Tigilan mo ako, Klent. Si Renjiro ang gusto ni Sheiska."
It came out in my mouth before I could stop it.
Katahimikan ang sumunod.
Renjiro's looking at me, intently. "Gusto ako ni Sheiska?"
"Oo. May problema ba?" salubong na kilay na tanong ko.
Unti-unting ngumiti si Jiro. "Sa akin, wala. Baka kasi sa'yo, meron. Marx, Klent, sumama kayo sa akin. Let's gave Sheiska a surprise."
Asar na napapukpok ako sa la mesa nung umalis sila. "What about me, Jiro? Hindi niyo ba ako isasali sa surprise ninyo? I'm Sheiska's friend!"
Tumayo ako para habulin sila, but the waiter stopped me. "Sir, hindi pa po kayo nagbabayad ng bill ng mga kinain ninyo. Hindi po kayo puwedeng umalis."
Shit. They are really my bestest friends.
BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera
(Surprays na Talaga)
Sheiska
Pagdating ko sa bahay, normal naman ang lahat. Si Nanay nagluluto ng hapunan, si Rhode nanunuod ng TV. Kaya pumasok na ako sa kuwarto ko at inilapag ang mga bagay na binili ko.
Paglabas ko ulit ng kuwarto nagulat ako dahil nawala na sila Nanay.
Kabadong lumabas ako ng bahay, at saktong pag labas ko,sa gate namin,
Biglang Yehey, sabog confetti!
Nandoon sila. Mga kapit-bahay,kaklase,kaibigan,kapamilya,kapuso,kapatid, at ang kolokoy na Apat. Aleczander,Marx,Klent and... Jiro! Waaaaaa! Nandito si Jiro!
May naka-ayos ng mga mesa, upuan at kung anu-ano pa.
Si Aleczander and nag lead. "One, two, three! Happy birthday to you! Happy birthday to you! Like a monkey and a donkey, the gorilla is you!"
"Yeheeeey!"
Hindi ko alam kung matatawa o maaasar. Pero ngumiti ako.
"Ano 'to? Sabi ko ayoko ng ganito eh. Sinong may pakana nito? Ikaw ba, Aleczander?"
Umiling siya. Tinuro niya si Jiro.
Hindi ako naka-react agad. Jiro surprised me for my birthday.
"Ooops, mamaya ka na umiyak. Heto, hipan mo muna ang birthday cake mo---"
"San ka nakakita ng cake na hinipan, Klent?"
"Anong sabi mo, Tin?"
"Sir Klent, I mean. Hindi cake ang hinihipan. Yung kandila."
Laftrip ang mga tao. Bumawi si Klent.
"Hindi kandila ang hinihipan. Yung apoy sa kandila."
Kinuha ni Jiro ang cake sa kamay ni Klent at lumapit sa akin. "Happy birthday, Sheiska."
"Thank you, Jiro. Ikaw naman, sasabihin mo kapag mang su-surprise ka para hindi ako nagugulat. Salamat ulit."
He grinned. Why so guwapo?
Palakpakan sila at inabot sa akin ang mic.
"Ba 'yan. Salamat talaga. Hindi ko alam na may ganito pala. As we all know, I'm Twenteen years old. Okay lang. Teen pa rin, di ba? Pero wala pa rin akong boyfriend. Kaya yung mga walang regalo diyan, pahingi na lang na lalaki. Salamat!"
Tawanan at palakpakan.
Si Nanay ang lumapit sa akin. "Sheiska, sino 'tong si Jiro?"
"Crush ko 'yan, Nay. Guwapo 'no? Mabait pa. Kinontsaba nila kayo? Grabeee."
"Crush mo? Akala ko si Zander... nevermind. Happy birthday nak! Happy Twenteenth Birthday!"
Si Tin naman ang lumapit. "Bruha, suwerte mo. Mababait sa'yo ang mga pogito. Happy birthday!"
Tumawa ako. "Mababait naman 'yan. Minsan nga lang. Teka, Sir ang itinawag mo kay Klent ah. Bakit? Anong meron?"
Sumimangot siya. "Wala. May dracula na akong boss ngayon. Sir Klent! Hintayin mo me!"
Wait, where's Aleczander?
Natigilan ako ng makarinig ng music.
♪♪♪♫♫
Oppa gangnam style
Gangnam style, op,op,op,oppa gangnam style,
ehhh, sexy lady, op,op,op!
Nanlaki ang mata ko, the four boys are dancing like freaks! They're dancing Gangnam style!
Akalain mong, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAAA!
Gaya ko, tumatawa na rin ang lahat.
Ewan ko, pero imbes na kay Jiro ako tumingin, kay Zander ako nakatitig. He seems to be enjoying the dance.
Sabay-sabay silang nagbow pagkatapos ng kanilang performance.
"Happy birthday, Sheiska!" bati ni Klent sabay halik sa pisngi ko.
"Happy birthday, ganda!" sabi naman ni Marx, beso rin sa akin.
"Happy birthday." bati na naman ni Jiro, kaya lang walang kiss.
"Happy birthday---aw!" hinarangan ko kasi ang nakangusong si Zander.
Wait. Tinawag ko na siyang Zander?
"Okay na, Zander." nakangiting sabi ko.
"Zander? Tinawag mo akong Zander?"
"Sawa na ako sa Alec. Isa pa, naawa na ako sa'yo eh. Kaya, oo. Kaibigan na ang turing ko sa'yo. Apir! Apir tayo!"
"Bakit sila Klent may libreng kiss?" nagtatampong tanong niya.
"Okay lang 'yan. Regalo ko?"
"Wala. Wala akong kiss eh."
"Kalandiang taglay, Zander? Nakaka-elyen. Zander, Zander,Zander. Maganda naman pala ang pangalan mo. Kasing ganda ko."
Pinitik niya ang ilong ko. "Heh."
"Walk--- teka, Dance out na ako." ginawa ni Marx ang sexy lady step ng Gangnam style bago umalis.
"Kaderi. May naglalambingan dito. Nasaan na ang alipin ko? Tin! Kristin Corpuz! Bakit ba tinatakasan mo ako lagi?" sabi naman ni Klent.
"Klent, wait. You're alien sister Keziah texted me. Nasiraan daw siya ng bait---kotse pala. Sunduin mo nga 'yon. Baka raw ma-rape siya. Luka-luka talaga."
Halatang nag-aalala si Jiro kay Keziah.Ano bang meron sa dalawang 'yon?
"Sunduin mo na si Keziah, Renjiro. Baka ma-rape nga." natatawang sabi ni Zander.
"Keziah being raped isn't funny,Zander." seryosong sagot ni Jiro.
"Oo na. Sunduin mo na."
Nagmamadaling umalis si Jiro. Umakbay sa akin si Zander. Weird, i like calling him by his name.
"Zander, anong meron kay Jiro at Keziah?" tanong ko.
He answered. "They're lovers. Back then. Pero ngayon, bitter na silang mag-ex."
Naku paano ba 'yan. Mukhang wala na akong pag-asa kay Jiro.
Pero ba't okay lang ako? Dapat akong malungkot 'di ba?
Nilingon ko si Zander. He's smiling. "Amusement park tomorrow?"
"Sige! Yeheeeey!"
Ah, alam ko na. Dahil iyon sa elyen na katabi ko.
BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera
(Happy Amusement Day)
Amusement Park
Sheiska
"No freakin way. I am not riding that."
"Ang duwaaaag!"
"Takot ako sa heights."
"Dali naaaaa!"
"Ayoko talaga. Ferris wheel will be the death of me."
Napatunganga ako kay Zander. Kanina pa kami naghihilahan sa tapat ng ferris wheel.
Siya ang nagsabing magsasaya daw kami ngayong gabi, pero siya naman itong KJ.
"Nakakahiya o. Nandito na tayo sa tapat. Sayang ang ticket."
"Noooo."
Asar na hinampas ko siya. "Bala ka diyan. Di na kita bati. Forever." humalukipkip pa ako.
Tiningnan ko siya all over. Grabeee. Ang guwapo niya lalo. Naka-checkered polo siya at saka jeans.
"Zander, bakit blooming ka? Anong secret mo?" bigla kong natanong.
"Genes."
"Talaga? Ang corny, ang corny, corny, corny mo!"
Napakamot siya sa batok. "Sheiska, huwag na tayong mag ferris wheel. Please?"
Nakaisip ako ng kalokohan.
"Okaaayyy. Sabi mo eh."
Saktong paghinga niya ng maluwag tinulak ko siya sa upuan. Sumakay ako at ni-lock agad ang aming seat.
"Kuya, paki-andar! Daliiiiii!"
--------------------
"Ano ka ba, Zander! Dumilat ka kaya. Ang ganda dito sa tuktok."
Todo pikit ang lolo mo. Kung makahawak sa railings, parang iyon ang buhay niya.
"Marami pa akong pangarap, Sheiska! Baba na tayooo!"
HAHAHAHAHAHA! Tinakot ko pa siya lalo.
"Hala,Zander. Bat hindi na umaandar? Na-stuck tayo sa tuktok."
Kumapit siya sa akin. "Di bale. Kung mamamatay na ako ngayon, kasama naman kita. Sigurado akong may magpapalibing sa akin."
Tinuktukan ko siya. "Sira. Umayos ka nga. Para kang ewan diyan. Oo na, sige. Pagbibigyan ko ang panananatsing mo. Yumakap ka na at dumilat.'
Pagkayakap niya sa akin. Dumilat na siya.
"Heights pa ang kinatakutan mo sa lahat ng bagay? Abnormal ka talaga eh, no?"
At ease na kami ni Zander sa isa't-isa. Him hugging me seems natural.
His warm body close to me, feels like... heaven?
I don't know. Ang alam ko lang. Gusto ko si Zander na palaging nandito. Nandito sa tabi ko.
Patlang.
Wala siyang sinasabi, wala rin akong sinasabi. Nakatingin lang ako sa view.
"Sheiska, if Jiro ask you out on a date, would you go?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. Pero sumagot ako. "Bakit hindi?"
Natahimik na naman siya. He really amused me tonight,
"Uuuy, selos." asar ko. But I'm hoping he'd say yes. Cause if he did----
"Paano kung oo?"
Ako naman ang hindi nakasagot. Bakit pa kasi namin pinag-usapan ang ganitooo? kaka-ilang.
Pero kung kelan naman sasagot na ako, sinabi niya. "Uuuuy, joke lang yon."
Nginisian ko siya ng peke.
What if he is really jealous of Jiro? Ano nga ba ang gagawin ko?
"Yes! Tapos na rin. Tara baba na tayo."
Nga naman. Ang dapat kong gawin, bumaba na.
-------------------------------
"Thank you, fans!"
Sira-ulo talaga to si Zander. Pinapalakpakan siya at tinitilian dahil sa galing niya sa target shooting,
Ang prize na nakuha niya, isang gigantic na polar bear stuffed toy.
"Kuya pogi, akin na lang 'yan."
"Oo nga. Cute ka naman eh."
Tumawa si Zander. "Sorry. Para ito sa aking pinakamamahal na Sheiska." sabay supalpal sa akin ng GPBST.
"Teka. Ang bigat niya---"
Kinuha niya agad sa akin ang stuffed toy. "Okay. Alam mo namang ayokong nahihirapan ka eh."
Naglakad-lakad kami. I couldn't help but smile because he looked darn cute when he's holding a stuffed toy. I took a picture of him.
"Hilig mang-stolen." nakangusong sabi niya.
"Cute ka dito, wag ka ng mag-inarte diyan."
He pulled me closer to him. Inagaw niya ang cellphone ko. "Say sex! One, two, three, sex!"
Tiningnan ko ang picture. OMGEEEE. We looked cute. Together.
"Have you ever fallen inlove, Zander? Wag kang ma-windang sa tanong ko. Sinusubukan ko lang gumawa ng conversation."
"Ewan."
"Bakit ewan?"
"I've have had girlfriends before. I like them, yes. Pero hindi ko masasabing lahat sila minahal ko. Alam mo 'yun? Parang hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang definition ng inlove na 'yan.'"
Tumango-tango ako. "So... you haven't fallen inlove?"
"Boys don't fall inlove."
"Boys do. Like my dad loved my mom, and like your dad---"
"He left my mom. For another woman. Kasi nga, hindi naman niya talaga mahal si Mommy. Hindi siya ang tipo ng taong kayang magmahal. And I hated him for that."
He's opening for me. Tininingnan ko siya. He's cuddling the stuffed toy and looking far.
"I'm sorry, Zander."
"Okay lang. Kami kasing mga lalaki, dapat macho. Hindi bagay sa aming maging love struck monkeys---"
"Isa kang monkey."
He grinned. "But not a love struck monkey."
"Zander!" babae ang lumapit sa amin. Magandang babae. Oras na kumapit siya kay Zander, yari siya sa akin.
Kung kailan naman kasi hindi namin kailangan ng istorbo. Tsssss.
"Yssa. Hi."
Napatingin si Yssa sa akin. "Girlfriend mo?"
3 seconds passed before Zander answered. "Hindi ah."
Oo. Aaminin ko. Hindi ko alam kung bakit tumanggi siyang girlfriend niya ako. Oo, hindi totoo. Pero sanay akong ipinapakilala niya ako bilang girlfriend niya sabay dugtong ng "a girl that is a friend."
At bakit ba ako disappointed masyado?
Do I like him?
"Sheiska, let's stop this." sabi niya pagkaalis ni Yssa.
"Stop what?"
"Operation London Bridge."
Parang tinusok-tusok na ewan ang puso ko. Bakit baaaa? Ano bang nangyayari sa akin?
"Hindi mo kailangang magbago para kay Jiro. O para kahit kanino. You're beautiful the way you are. Just please don't change. One day, may lalaki ring tatanggapin ang lahat ng sa'yo. Mamahalin ka dahil ikaw si Sheiska Fontalla."
"Ibig sabihin ba no'n hindi na tayo masyadong magkikita?"
"I guess. Siyempre may kanya-kanya rin tayong buhay. Masyado na tayong attached sa isa't-isa at ayoko lang dumating ang panahon na hanap-hanapin ko yung ganito."
Ramdam ko ang sakit ng acupuncture sa puso ko. Hindi ko yata gusto ang mga pangyayari ngayon.
"Pero, magkikita pa rin naman tayo ah!" napalakas ang boses ko. I freakin don't want him to say that he we wont be seeing each other anymore.
"Pupunta ako sa Batangas for a week. Then I'll become very busy with OJT works. Draftsman na ako sa isang firm."
EEEEEHHHHHH! AYAW MO NA BA AKONG KASAMA?
Nagsalita ulit siya. "Ako ang bahala kay Jiro. He'll date you, I promise."
Gusto kong magreklamo. Mag protesta. Pero kapag ginawa ko iyon magtatanong siya kung bakit, at wala rin naman akong tamang sagot doon.
Ngumiti siya. Pero hindi iyon umabot sa mata niya. "Be happy, Sheiska."
Ang sakit ng lalamunan ko. Para kasing gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.
I don't want to let him see me cry. But I'm really hurting and I don't know why.
"Ikaw rin, Zander. Fall inlove. Sige ka, malungkot buhay mo niyan. And thanks for everything. Sa two months na nakadikit ka sa akin kahit wala kang pala. I'll miss you, mokeydoodle."
I was about to kiss him on the cheek. Pero lumingon siya so it landed on his lips.
Hindi ako lumayo. Instead, I hugged and kissed him too.
He answered my kisses.
"Bye, Sheiska. See you soon."
-----------------------------
Sheiska's room
Naloloka na ako kakaisip kung bakit ba ako naloloka.
May tatlong posibleng dahilan.
* Hindi na kami masyadong magkikita ni Zander.
* Hinalikan ko si Zander
* Tapos na ang OLB.
Lintekk! Lahat puro tungkol kay Zander.
Oo, I like Jiro. But...
But...?
What?
Do I Like Zander more?
Well yeah. I guess. I do like Zander more than anyone else.
And... what now? We won't be seeing each other anymore.
So much for my happy ending. Tsk tsk.
Wala na. Hay. So sad...
Zander
"I did it my way..."
Binato ko ng lata ng beer si Klent para tumigil na sa kangangawa. Pero nakailag ang sira-ulo sabay "POGI" sign.
Saturday night. Usual naming get together kahit lagi naman kaming magkakasama.
Bahay ko ang venue ngayon. At kapag ganito, karaoke night ang uso dahil sa soundproof kong kwarto.
"Bakit naniniwala ka na mamamatay ako sa pagkanta ng My Way ni Frank Sinatra?"
"Dati oo, pero ngayon hindi na. Ako ang papatay sa'yo, Ken Laurence Young. Kahit makulong pa ako sa Korea." sagot ko.
Laftrip si Marx at Klent.
"Marx, 2410 mo na lang nga. Love song tayo. Para naman kay Zander." gatong pa ni Klent.
"Pakyu! Walang inlab dito!" sigaw ko.
"Sabi mo eehhh. Sige na. Makinig na lang kayo sa akin. Bibirit na ako."
Si Jiro ang nag react "Masakit sa tenga ang boses mo, Klent. Utang na loob. Nagmamakaawa ako Please? Wag ka ng kumata, puwede?"
"Golden Voice ang tawag dito! Golden!"
Inubos ko ang laman ng pang-apat kong canned beer. Sunog lapay katumbas ng tanggal problema. Pero hindi ako ganoon kahilig sa pag-inom kaya malamang sa malamang, hindi naman masusunog ang lapay ko.
Still, I can't get Sheiska out of my head.
Her smile, her eyes, her face, her everything.
I swear I'm going crazy.
"Ano bang problema mo, Aleczander?"
"Ikaw, Jiro. Date Sheiska. She deserves a good guy."
"Bad ako eh."
"Jiro." banta ko.
"Okay, I'll date her. On one condition."
"Ano?"
Nagtinginan ang tatlo. Saka sumagot si Jiro. "Hindi mo na puwedeng pakialaman kami ni Sheiska. So If I decide to court her, wala kang paki doon."
Naki-ayon sila Marx at Klent.
"Naks, Renjiro! Mukhang balik sibilisasyon ka ngayon ah."
"Pag naging kayo na ni Sheiska, wala lang. E di kayo na."
Napaisip akong mabuti. Hindi ba't iyon naman ang gusto kong mangyari? Na maging masaya si Sheiska lalo na kung magkakatuluyan sila ni Jiro?
Sa umpisa.
Pero ngayon, pati balum-balunan ko, parang gustong tumutol.
Do'stlaringiz bilan baham: |