"WHOOOOO!"
"YOU ROCK!"
"Im speakless!"
Kanya-kanya sila ng reaction. Pero wala akong paki doon. Ang hinihitay ko, ang sasabihin ni Sheiska.
"Sheiska, anong gagawin natin kay Zander?" tanong ni Jiro.
Sheiska smiled. Yes! Good sign!
"Wala. Wala tayong gagawin sa kanya. Wala rin pala akong oras sa mga duwag."
Nag walk-out siya.
Asar na napasipa ako sa hangin.
Sabagay I deserve this.
Sinundan nila Jiro si Sheiska.
Hinawakan ako ni Challie sa balikat. "Victims of love! A broken down affair!"
Naki-join si Tin. "So sad to see the debris, scattered everywhere, heeerrr!"
Sheiska
"Bakit niyo ba ako sinusundan?!" sigaw ko kay Marx,Klent at Jiro.
"Gusto mo ng group hug?" tanong ni Marx.
Napasinghot ako. Saka nagsimula ng umiyak.
Niyakap nila ako.
Mabuti pa ang mga lalaking itey! Hay nako.
"Suntukin natin si Zander, gusto mo?"
"Mamaya na. Pag alis ko."
I thanked this boys. Hindi nila hahayaang masaktan ulit ako ni Zander.
"Shieska! Huwag kang nagpapayakap sa mga 'yan!" reklamo ni Zander.
Oo. Umamin siyang inlove siya sa akin. Pero aanhin ko naman iyon kung patuloy at patuloy lang siyang mag da-doubt na baka masaktan niya ako. And vice cersa.
"I love sabi, Sheiska Fontalla! I love you! Love you! Love you! Mahal! Kita! Kita Mahal! Dont stay away, don't walk out on me. Don't let them hug you, let me love you, will you?"
Lumayo sila Jiro sa akin.
"Bahala ka diyan, Zander!"
Naglakad ulit ako palayo. Pero natatawa ako. Hmm! Mabuti nga sa unggoy na 'yan. Ma-frustrate lang siya para malaman niya kung anong feeling ng naba-basted.
Babastedin niya ko tapos ngayon aamin siya at magsasabi ng I love you? Ano 'yon!?
Pero masaya na ako. Puwede na.
ZANDER LOVES ME DAW. WAHEHEHE! Apir!
Pakipot muna ako. Nakakatamad pang umamin.
BUUUUUGGGG!
"Aaaaaww!" reklamo ko sabay pulot sa bola ng football na tumama sa likod ulo ko.
Nakita kong naka-ngisi si Zander.
"Ikaw ba ang sumipa nito?"
"Eh, oo.."
"Next time wag mo ng ta-targetin ang ulo ko ha? At bakit mo ako sinipaan ng bola?"
"Ayaw mo kasing lingunin ako. Kaya sinipa ko ang bola sa'yo. I love you kasi. Bakit ba nag-iinarte ka pa?"
Kinikilig na napa-Yiheeeeee ang audience. At marami pala kaming audience.
I crossed my arms. "Kasi duwag ka. At ayoko sa mga duwag. Nasaktan ng daddy mo ang mommy mo. Pero iba sila. Iba tayo. Oo, puwedeng masaktan mo ako, ng maraming beses. Pero tatanggapin ko 'yon. Tanggapin mo rin. Walang nagmahal ng hindi nasaktan. Isa pa pala! Bakit ba ngayon ka lang umamin? May pa-I can't - I can't ka pa! Paano kung nagpakasal ako kahapon kay Marx? o Kay Klent? O Kay Jiro? Pasalamat ka love pa rin kita kahit engot ka."
"Teka, narinig ko bang sinabi mo na mahal mo pa rin ako?" He looked happy.
"Wala akong sinabi." nakangiting pa-cute ko.
"Tatalon ako sa bangin, pramis."
"Sige! Happy Trip!"
"Sheiska I'm sorry for being a coward. Sorry kung naisip kong pakawalan ka. Basta mahal kita ah. Period. No erasure----"
I smiled and opened my arms. "Ikaw ang maarte eh. O. Lika na!"
He ran and hugged me.
"Sorry na. Ako na ang Jerk."
"At tanga."
"At tanga." ulit niya.
"At Sira-ulo."
"At sira-ulo. Pero mahal mo."
"Sira-ulo pero mahal ko." nakangiting sabi ko. "I lab yu monkey doodle!"
"Mas love kita taba kong mahal! Pero seksi na."
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Tapos hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi at sa ilong.
"Sheiska, girlfriend na kita."
"Hindi ba dapat magtanong ka muna?"
"Ayoko nga. Baka bastedin mo pa ako."
Natawa ako sabay yakap sa kanya. "Baliw ka talaga."
"Sa'yo lang."
"O sige na. Aleczander Rivera. Boyfriend na kita."
Biglang sumigaw si Zander. "It's a goal everyone!"
Mahabang YIHEEEEEE na ang narinig namin. Nilingon namin sila Klent.
Si Tin ang unang nag react. "PEE BEEE BEEE TIIIINNNSSSSS!"
Si Challie ang sumunod. "Congratulations sa love life niyo."
Nagpunas ng imaginary na luha si Klent. "I am so happy for you, guys."
Si Marx naman, nakayakap sa bola ng football. "Nikikilig ako anu beeee!"
Nakangiti lang si Jiro.
"Isa pa palang announcement. Klent, Marx, Jiro. I surrender. I've fallen inlove. And yes, I am a love struck monkey because of Sheiska."
"Kinilig naman ako doon, monkeydoodle."
"Ako rin! Char! Puwedeng pa-kiss?"
"At nagpaalam ka for the first time." natatawang sabi ko.
"Conservative yata ang girlfriend ko eh."
"Naks! So ano? Tara na! Ayoko na dito!" yaya ko.
"Tara!"
Holding hands kaming naglakad.
"Saan kayo pupunta? Zander may malapit na motel dito. Ipapa-reserve ko ba kayo?"
"Hindi kami cheap, Klent." sagot ni Zander.
"Heh! Ikaw na may love life, Sheiska!" reklamo ni Tin.
Hinarap ako ni Zander sa kanya.
"What?"
"I love you." Then he lowered his face to kiss me. A piece of heaven here on earth.
"Pwedeng magtanong?"
"Oo ba."
"Bakit ako ang minahal mo?"
"Kasi ikaw si Sheiska Fontalla." Then he kissed me again.
GRABEEEEE! I am sooooooo happy! Apir tayo!
"Bye guys!" sabay naming sabi.
Masarap ma-inlove. Masarap mabuhay! Lasang cookies and cream. Pramis!
Ganoon dapat. Handa kang masaktan.Handa kang mag-risk. Cause falling inlove is taking a risk.
A sweet risk :)
Binulungan ko ang boyfriend ko. "I've fallen for a monkey. Is that legal?"
"Legal. Pero dapat ako lang ang unggoy na iyon. I love you, Sheiska."
"I love you too, Zander."
Tinapik o ang pisngi niya. "Nag ba-blush ka Zander! Mukha kang elyen! HAHAHAHA!"
"Eh ano? Sa kinikilig ako eh! Tara na! Halikan pa kita diyan eh. Ma-reklamo pa tayo, sige ka.
BODOFAIL
Klent
"There goes our love struck best friend. Boys do'nt fall inlove pala ah." natatawang sabi ko.
I am happy for Zander ang Sheiska.
"Kainggit! Gusto ko rin ng ka-kissing scene!" sabi ni Marx tapos nilingon si Challie.
"What?" tanong ni Challie. Inaayos ang suot na bull cap.
"Gusto ko ng ka-kissing scene."
"Ah. Sige ba. Pikit ka." Pumikat si Marx.
May tinawag si Challie. Si Puffy. His real name is Rodolfo.
"Puffy, halikan mo raw si Marx."
"AAAAAAAAYYY! BET! Weytsung lang fafa! Lafang lang kami ditey!"
"Challie!" reklamo ni Marx.
Tumatawang binelatan ni Challie si Marx bago umalis.
"Kuya Marx!"
"O, Dianne, bata. Anong ginagawa mo dito?"
Kapatid ni Marx si Dianne. Mas bata sa amin ng five years.
"May manliligaw si Ate Challie! Yung varsity! Yung crush ko? Si Jaffe!"
"Huweh?"
"Di wag kang maniwala. Teka, si kuya Zander may girlfriend na?"
"Oo. Bakit ba ang chismosa mo?"
"Kasi magkaka-boyfriend na si Ate Challie. At hindi ikaw 'yon! Bleh!"
Nilingon kami ni Dianne.
"Alam mo kuya, nagiging nice lang ako sa'yo kasi pogi ang mga kaibigan mo. Pasalamat ka! hi kuya Jiro! Kuya Klent! You're so popogi Em gonna dieee! Pwede pa-kiss?"
Hinila ni Marx si Dianne. "Samahan mo ako sa Jaffe na 'yon."
"Bakit?"
"Sisiraan natin si Cha. Tara!"
"Aalis na rin ako, Klent. Bye Tin." paalam ni Jiro.
"Bye papa Jiro! Ingat you! Lab yu! Wag kang magpapa-kagat sa lamok ah, uso dengue."
"Thanks, Tin. Ikaw rin. Stay cute."
Umalis na si Jiro.
Hinampas ako ni Tin habang tumatawang bruha siya. "Stay cute daw boss. Sabi niya sa akin stay cute. Bwahahahaaha! Ang haba ng hair ko! Aray! Naapakan mo!"
"Tin, ang sabi niya, stay put."
"Stay put ba? Eh bakit parang----"
"Maglinis ka ng tenga."
"Selos ka, boss? Sayo ako loyal. Pramis! Gusto mo rin ng kissing scene?"
"Wag na kung sa'yo lang rin."
"Hala nag-rhyme tayo! We are destined!"
**********************************
© Chreestine stories ALL RIGHTS RESERVE No part of this book or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials.
Do'stlaringiz bilan baham: |