Boys Do Fall In Love By: chreestine wattpad



Download 87,73 Kb.
bet2/6
Sana25.06.2017
Hajmi87,73 Kb.
#14989
1   2   3   4   5   6


"Bakit?"

"Kasi ikaw ang nagustuhan niya. Ano kayang nangyari do'n? Tsk tsk. Hindi mo naman ba kinulam ang kaibigan ko?"

 

Kahit kailan talaga, oo.



 

"Unfortunately, hindi. Nagseselos ka ba?"

"Oo. Nagseselos ako---"

"Pasensiya na ha, pero ako ang gusto ni Jiro."

 

Asar na hinila niya ako.



Nag panic agad ako. "Teka, monkeydoodle, saan mo ako dadalhin?"

"Sa malapit na bangin."

 

Mukhang nabadtrip talaga siya sa pang-aagaw ko kay Jiro. Ang sama-sama ng mukha niya eh.



Pero bat ganun? Siya yata kahit nakasimangot guwapo pa rin.

 

"Walang bangin dito, Alec." sabi ko na lang.



"Wag ka ngang maingay!"

 

Saan ba ako dadalhin nito?



 

Sinubukan kong pakiramdaman kung may spark ba akong nararamdaman habang hawak niya ang kamay ko. Pero wala.

Yeheeeeeey!

 

 



 

Zander

 

 



Pinasakay ko si Sheiska sa kotse ko.

At in all fairness, hindi siya pumalag.

I really like her name. Sheiska. Weird and cute just like the owner---- at nababaliw na ako dahil kung ano-ano na naman ang sinasabi ko tungkol sa kanya.

 

Nung nagsimula na akong mag drive, doon ulit siya nangulit.



 

"Alec, saan tayo patungo?" Itinutok niya yung mukha niya sa aircon ng kotse ko.

Dinivert ko ang usapan. "Why Alec?"

"Ayoko ng Zander. Pangalan 'yon ng namatay kong pinsan."

I was dumbfounded at the moment, and then she laughed her ass off.

"Totoo?" curious na tanong ko.

"HAHAHAHA!"

"Sheiska---"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!"

"Okay na?"

"Okay na." she said, her cheeks a bit flushed. "De joke! Zander, pangalan 'yon ng kapitbahay naming isa palang Badingski. As in gay! As in friendly."

Magaling mang asar ang isang ito. "Shey, Alec it is. Alec ang itatawag mo sa akin. Malinaw ba?"

"Crystal clear. Pero anong Shey? Shumi-Shey ka na ngayon?"

I grinned. "Para maiba naman."

She smiled, sabay iling "Ayoko. Sheiska ang gusto ko."

"Tabs kaya? Short for taba?"

Inirapan niya ako. "Bwisit ka, unggoy."

Ako naman ang tumawa. "Yaaaaan! balik sa dati. Unggoy at Taba. Perfect."

 

 Natahimik kami pareho kaya nag isip na ako ng itatanong sa kanya.



"Gusto mo ba talaga si Renjiro?"

Nag-isip siya saglit. "Eh ano naman sa'yo?"

Lalo akong napasimangot.

Why does Jiro get all the attention?

Hindi naman sa wala akong atensiyon na nakukuha sa mga babae. In fact, sobra-sobra pa nga.

Pero naasar talaga ako kay Jiro sa hindi alam na kadahilanan.

 

At wala akong balak alamin kung bakit nga ba asar na asar ako sa mokong na 'yon ngayon.



 

"I'm concerned." baluktot kong katwiran.

"Concerned?" tumawa si Sheiska bago magpatuloy. "Ayaw mo bang magkaroon ng masayang love life ang best friend mo?"

"Gusto." sagot ko.

"Eh di hayaan mo na siya sa kamay ko. Mabait naman ako ah! My name is Sheiska Legazpi. 20 years old. Graduating. Course BS Tourism."

"Tourism ka?"

Ngumuso siya. "Oo na. Hindi na ako kagandahan, pero may height ako. Qualified pa rin."

"Maganda ka naman, naiwanan lang sa kusina."

"Compliment ba yon o Ano?"

I smiled. "Ano."

 

Ngising-aso naman ang ibinigay niya sa akin. But then she got serious. "Alec, tulungan mo naman ako kay Jiro."



Hindi ko in-e-expect na hihingi siya ng tulong sa akin. At mas lalong hindi ko ine-expect na gusto ko siyang tanggihan.

"Bakit ako?"

"Ikaw ang nakakaalam kung ano ang magagandang katangian ng babae ang dapat kong i-achieve. O katangian ng babaeng gugustuhin ni Jiro."

Hinigpitan ko ang hawak sa manibela. Bakit ako? Bakit ako pa?

I didn't want to sound as pissed as I am pero iyon pa rin ang lumabas. "Ano namang pala ko? Bakit hindi ikaw ang kumilos para magka love story kayo ng Jiro mo."

"Galit ka ba?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Wag kang sumigaw. Wala lang. Pero sige, okay lang. Gagawin ko ang lahat para mapansin ako ni Jiro. Magpapa-sexy ako, mag papaganda, lahaaaaat!"

 

Hindi ko ma-imagine kung ano ang meron kay Jiro at gusto niyang baguhin ang sarili niya.



But I ended up saying, "Sheiska, You know what? I think I can help you."

 

 



 

BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Operation London Bridge)

SHEISKA

OPERATION LONDON BRIDGE AGREEMENT CONTRACT:


     OPERATION LONDON BRIDGE WILL TAKE UP TO THREE MONTHS. NO MORE, NO LESS AND IS DUE TO SHEIKA LEGAZPI'S CRAZY LITTLE AFFECTION FOR RENJIRO SILVESTRE.  THIS LEGALLY ALLOWS ALECZANDER KURT RIVERA TO BE SHEISKA'S COACH/GYM INSTRUCTOR/FASHION CONSULTANT AND ADVISER.

DEMANDS OF ALECZANDER:

* AKO ANG BAHALA SA KAHIT ANONG DATE NI SHEISKA AT JIRO.

* MWF ANG PUNTA SA GYM, SATURDAY, SUNDAY ANG JOGGING SA CCP.

* PAPAYAG SI SHEISKA SA LAHAT NG PAGBABAGONG GUSTO KONG IPAGAWA SA KANYA.

* AKO ANG MAGSASABI KUNG KAILAN SASAGUTIN NI SHEISKA SI JIRO.

* LABAS AKO KUNG HINDI MAG WORK OUT ANG OPERATION LONDON BRIDGE.

 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung matatawa ba o maasar, pero pinili ko ang huli.



"Aleczander, may agreement contract ba na ikaw lang yata ang a-agree? Paano naman ang demands ko?"

Ngumisi si Alec habang nag pe-pen spinning. "Ano ba gusto mo?"

Nag-isip ako. Kunsabagay, wala na naman dapat akong i-request at wala rin naman akong maisip.

Kaya kinuha ko ang ball pen sa kamay niya at pumirma.

He gave me a satisfied smile.

 

"So, ano na?" tanong ko.



Matagal-tagal pang oras ang papatayin ko dahil 3 hours ang vacant namin, nag kita lang talaga kami ni Alec dahil nga raw may importante kaming tatalakayin--- oo, mahilig mag tagalog ng malalim ang lolo mo.

"Picture taking." saad ni Alec.

"Hindi ba dapat shake hands muna?"

"Luma na 'yon."

Bago pa ako maka-sagot ulit, kinabig na niya ako palapit sa kanya at FLASH na lang ang namalayan ko.

He was laughing his ass off kaya sigurado akong nakapikit ako sa picture.

 

Imipit na napatili ako. "Patingin!"



"Ayoko nga."

"Alec!"


"What?"

"What-what-in ko mukha mo riyan eh! Pahiram ng Iphone mo!"

Unti-unting umangat ang gild ng labi niya. Alam ko na 'to. May naisip na namang kalokohan ang unggoy.

"Kiss mo muna ako." He pointed his left cheek. "Dito, oh."

 

Tiningnan ko muna ang mata niya, bago tumingin sa lips niya.



Alec. this mokeydoodle was my very first kiss. First kiss na hindi napaghandaan, first kiss na ninakaw, first kiss na walang karoma-romantic. FIrst kiss na head spinning, heart stopping, at mind boggling. Siya lahat ang may gawa no'n.

Paano kung dayain na naman ako nito? What if he kissed me again? Will I take the risk?

 

NO.


"Wag na 'no. Maganda pa rin naman ako." Kinuha ko na ang backpack ko bago mag lakad palayo.

 

"Sheiska." tawag niya.



"Ano na naman, Alec?"

"Ipapakita ko 'to kay Jiro kapag hindi ka bumalik."

"The picture?" Eh di ipakita niya yung picture. Ano namang paki ko?

But he answered. "No. The contract."

 

NAMAAAAAN! Ang galing mang black mail ng isang 'to!



Asar na bumalik ako sa kanya bago siya kagatin sa braso. "Bwisit ka talaga, unggoy!"

"Masakit! May sa-aso ka ba?" hinihimas-himas niya ang nasaktang braso.


Nag-peace sign ako bago siya kuhanan ng picture gamit naman ang cellphone ko.

Dahil may flash rin, siya naman ang napapikit at na-face warp sa gulat.

 

"Quits na tayo monkeydoodle." Ngiting-ngiti ako dahil naisahan ko siya.



"Text na lang kita monkey. Para sa jogging bukas, okay?"

Hindi siya sumagot sa akin.

"Alec?"

Still, he kept on looking at me.



"Monkeydoodle? Alec?"

Parang nanaginip na ewan yata si Alec kaya tinapik ko ang pisngi niyang makinis at malambot--ay! Behave, Sheiska. Behaaaave!

"Ba't mo ko sinampal?" nakangusong reklamo niya.

"Mukha ka kasing engot diyan. Saka anong sampal? Tapik ang tawag do'n. Tapik."

Bumalik na naman ang mouth-watering crooked smile niya. "Halika nga dito. Tatapikin rin kita."

 

Tumatawang tumakbo na ako palayo.



 

Oh my gulay. Did we just had a bonding?

 

ALECZANDER

 

 



"Wala kang maloloko dito, Zander."

"Operation London Bridge mo mukha mo."

Isa-isang binatukan ko si Klent at Marx. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa usapan namin ni Sheiska. At iyon nga ang naging reaksyon ng mga kolokoy.

"Basta ang usapan, hindi ito malalaman ni Jiro. Maliwanag?"

"Oo na." napipilitang sagot ng dalawa.

Ang paliwanag ko sa kanila, tutulong lang ako para bumalik na sa sibilisasyon si Jiro. Para bumalik na ang dating Jiro.

At sa palagay ko, si Sheiska ang makagagawa no'n para sa aming kaibigan.

Naalala ko ang 'tapik' na ginawa sa akin ni Sheiska. Kaya lang naman ako natameme at nag mukhang engot, dahil first time ko yata siyang makitang ngumiti ng ganoon sa akin.

"Ay, pare, ano 'yan?" tanong ni Marx.

Tumikhim ako at umayos. "Anong, ano?"

"Pang music video ang datingan natin. Nakangiti at nakatingin sa malayo habang hawak ang pisngi. Waring may naalala kang magandang pangitain---"

"Shut up, Klent." saway ko.

Tumawa ang dalawa at nag high five.

"Pinagkakaisahan niyo ba ako?"

"Di ah. May iniisip lang kami." sagot ni Marx.

As if I didn't knew this two. Iniisip nilang may gusto ako kay Sheiska.

"I don't like Sheiska." sabi ko.

"Oh yeah."

"Sabi mo eh."

"Ang sarap niyong murahin."

"At least kami, hindi ginagamit si Jiro para lang mapalapit sa isang babae."

"Pakyu." asar na sabi ko kay Klent.

"Thank you, Zander. Pakyu rin."

 

HINDI KO GUSTO SI SHEISKA. TUTULONG LANG AKO SA KANILA NI JIRO. TUTULONG LANG AKO. HINDI KO SIYA GUSTO. OKAY? OKAY?



BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera

(Patatim)

 

SAT. 5 am. Fontalla's Residence

 

Zander's POV

 

Bumaba ako ng kotse pagka-park ng sasakyan ko sa tapat ng bahay nila Sheiska. Simple lang yung bahay nila kung titingnan mo sa labas. May dalawang floor, kulay white at blue lang ang makikita.



Sumandal ako sa gate nila habang hinihintay siyang lumabas. Nag text na kasi siya na pababa na raw siya. Humawak ako sa railing nung gate na kasing-height ko pala at sinubukang sumilip.

"Sheisk---" hindi ko na natuloy ang pag tawag ko dahil biglang bumukas ang gate.

The heeeeeck! I was out of balanced!

Pero mukhang love talaga ako ni Lord. Imbes na matumba at mapahalik ako sa lupa, napahalik ako kay Sheiska. My lips fell exactly at her lips. Pak na Pak. Siya pala ang nagbukas ng gate.

Wahehehe! 3 points!

Her eyes were zoomed just like mine. She went momentarily immobilized while I was trying to figure out why I couldn't move away.

 

"Jusmiyooo! Mahabagin!" ang sigaw na nagpagising sa amin.



Si Sheiska ang unang nakabawi. "Naaaayy!"

So. It was her mom.

"Anong naaaaaayyy?" her mother mimicked her voice. "Akala ko ba mag dya-jogging kayo ng bago mong kaibigan? So ang pag dya-jogging ngayon gamit na ang labi?"

Napakamot sa ulo si Sheiska. "Nay naman ehh. Aksidente iyon."

Inayos ng nanay niya ang hawak nitong walis tingting. "Nabangga ka ng labi niya? Mabuti hindi ka na hit and run? Sige. Naiintindihan ko, anak."

 

I grinned. I guess Sheiska's humor runs in the blood.



 

"Hoy ikaw, Zander ba? o Alec?" tanong ng nanay niya.

Inilahad ko ang kamay tanda ng shake hands. "Zander nalang ho. Si Sheiska lang ang makulit na tumatawag ng Alec sa akin."

Instead of shake hands, nakipag-high five ang nanay niya sa akin. "Tita Elena."

Nagpaliwanag ako sa nanay niya. "Okay, Tita Elena. Aksidente lang po talaga ang nangyari kanina. Nakasandal ho ako sa gate----"

Ngumiti si Tita Elena. "Sige na. Huwag ka ng mag paliwanag. Mabuti nga 'yon ng makaranas naman ng God's gift to women ang dalaga ko."

Natawa kami pareho.

Si Sheiska lang ang may violent reaction. "Naaay! Kung hindi kita nanay kanina pa kita binatukan diyan. Kasi naman!"

Mukhang ang sinusukuan lang ni Sheiska ay ang makulit niyang nanay.

Sumagot si Tita Elena. "Oo na. At least totoo ang sinabi mong guwapo nga si Aleczander."

Bago pa maka-react ulit si Sheiska, nagsalita na ang nanay niya. "O sige na. Mag jogging na kayo. Yung gamit yung paa ha? Bye guys! World peace!"

Nag-rock sign ang nanay niya bago pumasok sa bahay nila.

 

Hindi ko maintindihan ang hitsura ni Sheiska. Nakakunot-noo na nakangiti. Asar na natatawa. Anyway, ayos lang. Maganda pa rin siya.



 

"Pagpasensiyahan mo na nanay ko. May sayad 'yon eh." sabi niya.

I smiled. "I think she's cool."

"Mana sa akin. Ay oo nga pala! Wag kang maniwala na sinabi ko sa kanyang guwapo ka!"

I bit my lip and gave her a suppresed smile. "Okay. No need to shout."

"Hindi ka naniniwala sa akin, ano?"

"Hindi. Tara na. Sisikat na ang araw o. Magtutunaw ka pa ng taba, di ba?"

"Heh!"


 

Sheiska

CCP 6 AM

 

 



Pinanunuod ko lang mag stretching si Aleczander. Hindi kasi ako makapag simula sa pag stretching. Bangag pa ako sa mga pangyayari kanina.

Bat naman kasi sasandal-sandal pa ang unggoy na 'to sa gate namin?

The first time we saw each other we kissed--- he kissed me pala. Tapos ngayon, hinalikan na naman niya ako.

Ay mali! Erase,Bura,Backspace! Hindi pala niya ako hinalikan ngayon. Nahalikan lang. Ambisyosa naman ako masyado.

Teka, may pagkakaiba ba 'yon?

At saka bakit ba hindi ko na lang kalimutan 'yon!?

 

"Sheiska."



"Ano?!" napalakas ang boses ko.

Aleczander looked so cute. Nasa aktong nag i-stretching siya at inaabot niya ang kanang paa niya habang nakasilip sa akin.

"Sexy ka naman pala eh."

"Batukan kaya kita?"

"May shape naman 'yang katawan mo. Chubby ka lang."

Sa hindi alam na kadahilanan, nag-init ang pisngi ko. "Wala akong barya."

He grinned. "Puwede ang buo."

"Mabalian ka sana!"

Nag stretching nalang ako kaysa patulan ang pambwibwisit ni Alec.

 

Habang nag stretching ako, napansin ko na ngayon ko lang nakitang naka-fitted shirt si Alec. In fairness, ang macho----ooopps behave! Behave, Sheiska.



Pero maganda talaga ang katawan niyaaa.. Nabanggit ko ba na nakatingin sa kanya ang mga kababaihan dito?

Mabait naman ako. Share-share tayo sa biyaya ng Diyos.

"Sheiska." tawag na naman niya. I always liked his voice. Malambing----- sige, isang hirit pa Sheiska, babatukan mo na ang sarili mo.

And look at that butt----

"Wag mo naman akong gawing almusal."

Napaayos ako bigla. Daeeefffff! He saw me!

"Ang kapal mo, monkeydoodle!" defensive kong sigaw.

"Nagsasabi lang ng totoo."

Pikon ako. Kasi totoo ang sinabi niya. Kulang na lang ng sinangag, siya na ang ulam.

 

Nagsimula na akong tumakbo. Mamaya niyan, mapahiya na naman ako.



 

"Hindi ganyan ang pag dya-jogging. Para kang kasali sa marathon niyan eh."

Nasa tabi ko na si Aleczander. Halaa. Ambango.

"Oo na." binagalan ko ng onti ang pagtakbo.

"Maganda pala legs mo."

Siniko ko siya. "Manyak."

"Compliment 'yon ah!"

I grinned. "Alam ko. Bakit mahilig kayo sa legs?"

"Kami?"

"Kayong mga lalaki."



"Hindi ko alam sa kanila. Basta ako, gusto ko ang legs mo."

Nag blush na ako I swear.

"Bakit naman?"

He leaned closer to my ears. "Para kasing pata. Crispy pata. Patatim."

He stuck his tounge out and then ran.

"Letse ka, Aleczander! Madapa ka sana!"

 

KAGIGILLLLLLL! BAT BA AKO NAGPAPANIWALA SA UNGGOY NA 'TO?



 

MONDAY

SHEISKA

 

"Sigurado ka?" tanong sa akin ni Aleczander.



"Hmm-mm." alangang sagot ko.

"Okay, in three, two...one---"

"Aaaahhhh! Alec!Alec!"

"Shh! hinaan mo, baka may makarinig sa atin!"

"Sige lang, sige lang! faster! Aaaaaahhh!"

"Okay, okay. Cool ka lang."

"Teka, hinihingal na ako."

"Then let's do it slowly..."

"Hmm... Yan.. I like it. Much better----"

 

"Yo, guys, you don't have to sound like that."



"Sound like what?" inosenteng tanong namin sa isang gym instructor.

"Para kayong may ginagawang milagro." he answered, laughing.

Alec laughed. I smiled. He asked me to try the treadmill so I did. Eh iyon talaga ang mga katagang lumabas sa bibig namin.

"Sorry, pare. First timer kasi itong---"

"Magandang girlfriend mo?" sabi ng instructor.

Nilingon ko si Alec. He shrugged. "Magandang girl friend ko."

Binagalan ko lalo ang speed ng treadmill. Ngumisi ang instructor at umalis na.

Hinampas ko sa braso si Alec. "Girlfriend ka diyan."

"Girl friend ang sabi ko. Girl---friend. A girl that is a friend. Magka-iba 'yon."

Lumabi ako saka ipinagpatuloy ang pagtakbo.

"Zander,bro."

My gulay, petchay, malunggay! Si Jiro bebe yooonnn!

Lingon agad ako. Nakalimutan ko na tumatakbo nga pala ako sa threadmill.

 Before I fell into the ground, someone caught my back.

 

"Sheiska. You, okay?"



"Jiroooo!" eeeeeeeehhhh! sinalo ako ni Jiro! Grabeeee! Winner!

Umayos ako ng pagkakatayo saka nagpunas ng pawis. Hindi siya nakangiti. The usual Jiro. Pero talagang sobrang cute niya ang sarap niyang yakapin. Napangiti ako. "Jiro bebe..."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Bebe..?"

Napasinghap ako. Hala ka, Sheiska. Bruha ka! Ang ingay mong babae ka..

Bawi agad ako. "Bebe..nta kaya itong threadmill ng gym instructor? Parang maganda kasing bilhin. Gusto ko yung kulay saka parang magical---"

Tinakpan ni Alec ang bibig ko. "Bro, Jiro, nandito ka rin pala."

Tumango si Jiro. "Hmm. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Sheiska ah---"

"Hala! Hindi Jiro! Hindi kaya!"

"Okay, sweet. No need to shout."

 

Nag-usap sila ni Alec. Wala na akong masyadong naiintindihan. Sweet... sweet.. sweet. Yon lang ang naiintindihan ko. He called me Sweet! Wala nga lang heart. Pero puwede na.



 

"Sheiska."

Ngiting-ngiti ako habang nasa lala land. "Hmm.."

"Tumakbo ka na. Hindi yung nag iilusyon ka na naman diyan."

SInupalpal ni Alec sa mukha ko ang tuwalyang hawak niya.

 

"Alec, narinig mo 'yon?" sabi ko sa kanya.



"Ano?"

"Tinawag niya akong sweet."

"So?"

Ay. Mainit ang ulo ng lolo mo. "Selos ka 'no?" natatawang biro ko.



Binigyan niya ako ng ngising aso. "Selos? Mas asar siguro. Nakakaasar yang ngiti mong ganyan."

"Bakit ba pati ngiti ko pinapakialaaman mo?"

"Pangit mong ngumiti."

"Pangit ka rin---" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil may babaeng biglang tumabig sa akin.

"Zanndeeerrr!" sigaw nung babae sabay yakap kay Alec.

Tiningnan ko ang babae. Naka- work out clothes din siya. Maganda. Sexy. Mga type ni Aleczander Rivera.

Gulat na sumagot si Alec sa babae. "Keziah? You're here."

"Siyempre I'm not there."

"Pektus, gusto mo? Kelan ka pa dumating?"

Tumawa ang babae. "Kararating ko lang kahapon. And no-- hindi pa alam nila kuya."

 "Kelan mo balak mang surprise?"

"Di na surprise. Nakita mo na ako eh."

"Sino bang biglang yumakap diyan?"

"Sabi ko nga, ako---" noon lang ako nakita ng babae. "Ay, marunong ka na palang manligaw ngayon Zander. Hi miss! Ako si Keziah Young. K-E-Z-I-A-H Young."

Base sa usapan nila ni Alec, hindi niya babae si Keziah. Kaya nginitian ko na siya. "Sheiska."

"Hmmm. Kelan pa naging kayo ni Zander?"

"Nooo. Hindi kami." sagot ko. Iling ng ten times.

Ngumiti lang siya ng makahulugan bago magpaalam. "Bye guys, nakita ko ang kulugo kong ex boyfriend eh. Chakabells na ang atmosphere." Nawala na siya in a snap.

"So, sino ulit 'yong babaeng 'yon?" tanong ko kay Alec.

"Si Keziah? No other than, Klent's alien sister."

 

 

 BOYS DO FALL IN LOVE - Aleczander Rivera



(Bittersweet)

 

BITTERSWEET COFFEE SHOP



Zander

"Penge naman ako niyan."

"Ayoko nga. Bumili ka."

"Jiro akin 'yan!"

"Walangya. Wala na. Kinain na."

"Ang tatakaw ninyo!"

"Si Renjiro lang. May lahing matsing yan eh."

"Nagsalita ang anak ni Kingkong."

"HAHAHAHA!"

Busy kami sa aming usapang kape. Coffee talk. Nag-uusap, nag mi-meeting habang nag ka-kape.

At pag sinabi mong kape o pastries, sa Bittersweet ang aming venue.

Coffeeshop ito na pag ma-may-ari ng pamilya ng Koreanong hilaw na si Klent.

"Kumusta naman, Klent?" tanong ko habang sinisimsim ang straw ng aking moccha frappe.

"May tatlo na akong asawa saka sampung anak."

"Ba't di mo ako ginawang ninong sa bunso mo?" pakikisakay ko sa kalokohan niya.

"Wala kang pera eh."

Binigyan ko siya ng dirty finger bago lingunin si Jiro. "O, ikaw, pogi. Kumusta?"

"Gutom. Gutom ako kaya akin na lang 'yang cake mo."

Bago pa ako makapag-react, kinain na niya ang slice ng cake ko.

Iling-iling na tinapik ko si Marx. "Bro, ikaw?"

"Buntis ako ngayon. Tatlong buwan na."

"HAAAAAAAA? Sinong ina? Sino? Sabihin mo!"

"Si Chalie. Ayaw akong panagutan----AWWW!"

Si Chalie ang bumatok kay Marx. Andiyan na naman siya at ang kanyang beloved bull cap.

"Buntis pala, ah. Bat di ko alam yan. Sana sinabi mo. Nabutas ba ang condoms na ginamit ko?"

Laftrip na naman kaming lahat kay Marx na binatukan ni Andrea.

"Chalie, my baby. That's a joke."

Tumayo si Klent bago lumapit sa counter.

Kanya-kanya na naman kami. Si Jiro nakatatlong slice na ng cake, at ngayon kumakain ng pang-apat, si Marx nakikipag debate kay Andy, at ako, tine-text ko si Sheiska at tinatanong kung libre ba siya.

Ewan ko. Lumipas kasi ngayon ang araw na hindi man lang kami nagkita. And somehow, SOMEHOW lang ah, hinahanap siya ng aking paningin.

She said she's out with her bestest abnormal friend.

"Nakita mo ng kausap ko ang crew na ito, sisingit ka at sasabihin mong bigyan ka niya ng kape? Bakit hindi ka pumila sa likod?" napalingon kami sa babaeng---teka, magandang babaeng nagtaas ng boses. Si Klent ang sinisigawan niya.

"It's because---"

"Heh! Wag ka ng magpaliwanag! Dun ka sa likod! Tagal-tagal na naming nakapila dito. Pantay-pantay lang tayo. Guwapo ka, oo. Pero maganda rin ako kaya.. teka, anong connect non? Anyway, painom sa kape mo. Naubusan ako ng laway doon ah."

Bago pa makapag-react si Klent, ininom na ng babae--- ng magandang babae ang kapeng hawak niya. Napangisi ako. Klent found his match.

Nagtanong ang babae sa crew. "Miss, nabasa kong hiring kayo. Puwedeng mag-apply? Sino ba ang puwedeng makausap? Nasaan ang branch manager o ang may-ari nito?"

Seems like the girl was applying for a job. At ang nakakatawa, clueless siya.


Download 87,73 Kb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   2   3   4   5   6




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish