White: Ah Yuri, ano bang ugali meron si Yerese?
Yuri: Yon? Haha...makulit yun...
Halata nga... T___T
White: Ano pa?
Yuri: Haha...Syempre maganda sya...Mabait yun sobra...Kahit ilang beses mo kagalitan yun, ngingiti lang sayo...pero alam kong kahit ganun yun...nasasaktan pa din yon... She hates being rejected by someone that she likes....At dahil dun, nakikilala ko kung anu talagang ugali meron yang kapatid kong yan...Napaka-matampuhin din nyan...Pero alam ko ang isang bagay na magpapangiti sa kanya....
Waaahhh...CHANCE NA BA TO PARA MAGKABATI KAMI???!!! Wohoo!! Hahaa...
White: Ah ano naman yun?
Yuri: SECRET.... >:P hahahaha!!!! Di ko pwedeng sabihin...
White: Please?
Yuri: Sabihin mo muna kung bakit?
White: Kelangan lang eh...
Yuri: Eh bakit nga?
White: Eh kasi....
Yuri: Kasi?
White: Eh... ahmm...kasi--
Yuri: ANO NGA!!!
White: EH KASI NGA NAG-AWAY KAMI SO KELANGAN MAGKABATI AGAD KAMI ASAP....
Yuri: ASAP ha...bakit? Minamadali mo? Haha...XD
White: Basta, please? Kelangan lang kasi talaga eh... :)) (puppy eyes)
Yuri: Weeehh...Sige na nga...mapapasaya mo sya pag kinantahan mo sya ng song na alam mong makakarelate sya...
White: Kakantahan lang?
Yuri: Yep..Mahilig kasi siyang kumanta-kanta...Maging pag naliligo yan sa shower kumakanta yan...XD
White: Ah...Haha...kaya pala last time nadinig ko syang kumakanta habang naggigitara...
I admit, ang ganda nga ng boses nya nun time na yun...kaboses nga nya ng konti si Avril...
Yuri: Yeah...Alam mo bang matagal na niyang pangarap na madinig syang kumanta nung taong gusto nya?
White: Eh?
Yuri: Yah...
White: Pero bakit naman?
Yuri: Kasi ang sabi nya sakin...Kapag nadinig daw nung taong gusto nya yung kanta nya, ibig daw sabihin nun...Dinededicate nya daw yun dun sa taong yun...Kaya pag nadinig mo syang kumakantang mag-isa...Senti masyado...Wag ka na magdalawang isip na lumapit sa kanya at damayan sya...Dahil minsan lang syang magmahal...Malay mo kinabukasan...mawala na lang sya bigla...
O________O
Hanudaw? Mawala na lang sya bigla.??? Pero bakit? Meron ba syang malubhang karamdaman? may sakit ba sya sa puso na kelangan pa ng heart transplant kaya may posebilidad din ang makasurvive sya sa operation?Kukuhain na ba sya ni Daddy ko (God)?
White: Ha?! Ah...oo sige...salamat ulit ha...Labas lang ako...Thanks talaga...
Yuri: No Problem... XD
Tuwang-tuwa? haha xD
***
*BRIIIIIING!!!!! (bell)
Yay! Uwian na! Mauuna na kong umuwi... Ta-try kong tawagan ulit sya...Titignan ko kung sasagutin nya...
***
HOUSE
Ayan...andito na ko samin...Hinigi ko nga pala yun number ni Yerese kay Mayco...Sabi ko gagawin ko na lang yun sinabi nila para naman wala na kong pinoproblema...
...
Makalabas nga...Hina talaga ng signal ngayun oh!
Pechay!!!
OUTSIDE
Tutok si cellphone don...tutok si cellphone dito... abah! Hindi naman marunong makisama tong signal na to!!! Pwede bang iangat ko na lang yung isa bar? XD
Korni..
Waaahhh...maglalakad na nga lang ako kahit konti...Baka sa kalalakad ko eh magkaroon na din...
Tutok ulit ng cellphone don...
Tutok ulit si cellphone dito..... (O_____________________O) dito???
Nananaginip ba ko? sabihin nyo nga!!! Sabihin nyong hindi to totoo!!! NANANAGINIP LANG AKO OKAY???
Sampal here...
Sampal there...
Makakapatay ako ng tao ng wala sa oras neto!!! PIGILAN NYO KO!!! SUSUGUDIN KO YON!!!!
Leshe!!! [>____________<]
CHAPTER 13
White's POV
"Sige na...isa lang naman, Miss..."
"EH SINO KA BANG HALIMAROT KANG KALABAW NA PANOT AT KINULOT ANG MUSTACHE?!!! MR. SUAVE KA? ANG FEELING MO NAMAN!!! SINABI NG AYAW KO NGA DIBA? MAKULET KA DRE? NAKAINOM AKO, PWEDE BA?!"
Nadidinig ko ang usapan nila...Mukhang kinukulit nga sya netong panot nato...At ano daw? NAKAINOM daw sya?Nag-iinom ba to? Mukang malaki talaga ang problema neto ah...Sana hindi ako ang dahilan... T_T
"Sige na...Nakainom din naman ako eh...Kaya pede yun...Maganda ka naman eh"...
"OO alam kong maganda ako since birth! Kaya ikaw! Wag kang epal haneh?! Nagmomoment ako dito tapos bigla ka na lang susulpot ha?! At talagang tinignan mo pa ko...Hindi mo ba alam yung pakiramdam ng...SIGAWAN KA NG MAHAL MO HA?! YUNG BANG... ITABOY KA NIYA HA?! ALAM MO BA YON PANOT?! PWES KUNG HINDI, LUMAYO-LAYO KA SA PANINGIN KO...BAKA MASUNTOK KITA..."
( Hindi sya pinakinggan ng lalaki at hanggang sa...)
*BOOOKSSSSHH!!!!
"Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko ha?! o talagang bingi ka lang?Gusto mo pa talagang masuntok eh noh?!"
"Oo...malaki din ang problema ko! Kaya kung hindi mo gagawin ang gusto ko...ako na lang ang gagawa nun sayo..."
"Eh di gawin mo! No one's stopping you! Try me babe!"
Waah?Ano daw? You mean...pumayag pa talaga sya? ng lagay na yan? Hindi! Dapat pigilan ko yung lalaking panot na yun... Hala! Inilalapit na niya yung mukha niya...
"HOY PANOT!!! NADINIG MO NAMAN SIGURO YUNG SINABI NYA KANINA DI BA? AYAW KA NIYANG MAKITA!!! AYAW NYA SA MGA EPAL!!!" - ako.
"Bakit, epal ka din naman ah...bigla-bigla ka na lang sasabat dito...Who are you?"
Pa-english-english pang nalalaman?! Aba! Ayus din to ah! XD
"ANAK AKO NG DIYOS......Angal ka?" - ako.
*BOOOKKKSHHH!!!!!!!!!!
Aray naman...naunahan ako dun ah...Ang sakit kaya sa pisngi...Try mo pasuntok dito sa panot na to...May lahi ba tong nagboboxing? Dumugo tuloy labi ko...Gaganti ako...Eto, tatayo na ko...ayan na okay? Eto na...Tata----
*DUUGSSSH!
*BOOOOGSSHH!!!
*TSUGSH!!!
*PAK!
*BOMSSSH!!!!!
"HOY IKAW PANOT!!!! WAG NA WAG MONG SASAKTAN YANG EPAL NA TINATAWAG MONG YAN!!! MAS MAHALAGA PA YAN SA BUHAY MO AT BUHAY KO....ANAK YAN NG DIYOS...! MATUTO KANG RUMESPETO!!! NYETA KA AH!!! SA SUSUNOD NA MAGKITA TAYO, UMIWAS KA NA KAAGAD NG TINGIN PARA HINDI KITA MASAPAK!!! NAMU!!!!"
O____________________O
Owkay...Ginulpi lang naman nya yung lalaking yun...Galing ah...Taekwondo???! Haha...Nice...Ang hot tignan...Ngee! ano ba tong pinagsasasabi ko...Erase yun ah...
Pero an sabe naman daw ng mas mahalaga pa daw ako sa buhay nilang dalawa???
Ayus din to ah...
"ANU PANG TINATAYO-TAYO MO JAN??? ............. LAAAAAAYYAAAAAAASSSSS!!!!!!!!!"
Ngee! parang monster....
at ayun...tumakbo na nga yung lalaki....
Eh kahit pala hindi na ko nakialam sa eksena kanina makakaya nyang sapakin yung lalaking yun eh...Nasuntok pa tuloy ako... Tsk!
White: Ah Yerese....
Yerese: Sino ka?
White: Ano ka ba?
Yerese: Tao...Syempre...
White: Hindi....kasi yung kanina..
Yerese: Anung kanina?
White: Yung mga nasabe ko sayo...
Yerese: Oh...So?
White: Yerese naman eh!!!!
Yerese: Bilisan mo nga...natatae na ko dito eh!!!!
White: I'm serious...
Yerese: Ako din...
White: No...Hindi kasi...Hindi ko naman talaga sinasadya yung kanina...
Yerese: OK lang yun...Wala sa kin yun...
White: Hindi...kasi...
Yerese: Sige...babye!
*SHUUNGG!!! RUUMM!BRRRUUMM!!!!!BRUUUM!!!!!
Teka, masasagi sya ng tricycle....
*WOPSSSSHHHH!!!!!!!!
Am panget naman ng position namin dito sa kalsada...
Ako ang nasa ibabaw...Ngee!!!
"O-okay ka lang ba?Hindi ka ba nasaktan?"
"Oo...Tabi nga...uuwi na ko..." (dinanggi si White)
"Pero di ba, nakainom ka?"
"Oh...so what? Pakialam mo dun?"
An taray naman neto pag nakainom...Parang hindi siya to ah...Nakakatakot eeh!
White: Yerese naman...Please naman oh...sige na...
Yerese: Oh, gagaya ka dun sa panot na yun? May ganyang drama ka na ngayon?
White: Hindi ah!
Yerese: K...Bye...
(Aalis na dapat sya kaya lang pinigilan sya ni White at hinila sya palapit sa mukha neto..)
"I'm sorry...."
*HUG.... :))
Waaaahhh...anu yung ginawa ko...alam nyo ba?
Hala...
(*DUG!DUG!DUG!)
Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko... Bakit ba kasi nangyayari to....Ano ba kasing pumasok sa isip ko't niyakap ko sya? Simpleng pagsosorry lang tapos may yakap portion na kasunod?
*SNIFF! SNIFF!
Hala! Umiiyak ba to? Pero kasi sumisinghot siya di ba?
White: Ui, umiiyak ka ba?
Yerese: Hindi ah...
White: Eh bakit tumutulo luha mo sa mata?
Yerese: TEARS OF JOY yan...
Haayyy...di pa din nawawala sa isip nya yung joke ko sa kanya dati.... Pinipilit pa din nyang tumawa...
White: Hindi...Yung totoo...
Yerese: Eh kasi ikaw...Sabi mo layuan kita...Tapos ikaw naman tong.....Ayan...niyayakap mo ko...panu na lang ako makakatakbo palayo sa yo?
White: Kaya nga sorry na di ba?
Yerese: Para san?
White: Yun...Binabawi ko na lahat yun...
Yerese: Eh bakit naman? Di ba-----
White: kalimutan mo na lang yun...Basta ha...bati na tayo...
Yerese: Si-sige na nga...Kahit wala ka namang kasalanan...
******
HOUSE (Rese)
Oo, Hinatid ko sya...Nakakahiya naman di ba? So, eto balik na naman kami sa dati...Ang daldal na naman nya kanina habang naglalakad kami papunta sa knila...An dami nyang kwento...Di ata naubos...Pero syempre nakinig pa din ako...Kahit medyo boring ang tingin ko sa kanya, dati yon...Nakakatuwa pa nga syang kasama kanina eh..Kinuwento nya kung bakit at pano nya daw ako naging CRUSH??? haha OK sige...Ako na gwapo...Totoo naman eh...Habulin ako! Nyaks! Haha..XD At sinabi nya din sakin na......Hindi daw naman talaga nya ko ini-stalk...gusto nya lang maging updated sa buhay ko...Haha...Anong arte yon? Updated ah?! Wattpad? Haha...
Yerese: Salamat ah...
White: Wala yun...Ok ka na ba? Nakainom ka di ba? Maligo ka na para naman hindi ka malula...
Yerese: Oo sige...Salamat talaga ng marami...Hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon... :">
White: Oo na...Haha...basta ha...Pahinga ka na...Good Night! :D
Yerese: Good night! Sweet dreams....Ingat ka ah....
White: Ikaw din... Bye...
Yerese: Bye.... (bumulong ng mahina) { I *&//#*//?!.........you....}
Ha? anu daw? Nadinig nyo? "you" lang ata nadinig ko sa sinabi nya eh...Bakit pa kasi kelangan hinaan? Anu ba yun? Baka "Damn You" na yun ah...Wag naman...XD
CHAPTER 14
After 2 weeks...
White's POV
Ayan...Ang saya na naman...Ang daldal kasi ni Yerese dito eh....Pero syempre...Hindi ako sumasali sa usapan nila....
Yerese: Eh teka nga...Maiba naman ako...Nagreview na ba kayo? Baka daldal lang ako ng daldal dito eh hindi pa pala kayo nagrereview? May long test tayo...
Mayco: Nagreview na ko eh...
Chris: Ako din...
Joseph: Ako din...
Reynel: Ako pa?! Haha...Eh ikaw White?
White: Ha? Ako? Oo naman...
Yerese: Haha...Buti naman...Ah guys.... (lingon.lingon) Asan si...... Juriedde?
Mayco: Si Juriedde? Ah ang alam ko, may sinundo galing airport...
Chris: Tange!!! Yung bestfriend nya sinundo nya...
Joseph: Hindi kaya...Sumama lang sya sa pagsundo...
Reynel: Ex-girlfriend nya yun di ba?
Chris: Oo...Naging girlfriend nya sa States... Pero ang alam ko, dito nag-aral yun bestfriend nyang yun nung Gradeschool...
White: Anung pangalan?
Joseph: Ah...Yvonne ata...
Chris: Oo! Yun! Si Yvonne nga!
Reynel: Sya ba yun?
Mayco: Oo...Yvonne nga ata yung pangalan...
Yerese: Sige...Wala ako dito..Okay? Magrereview na nga lang ulit ako... Nakaka-OP naman oh!
Mayco: Ayy! Sorry!
Joseph: Ayan! Nalimutan tuloy natin si Yerese...
Yerese: So, kinakalimutan na pala ako ngayon?
Reynel: Mukha mong maganda kinakalimutan?
Yerese: Nakoww naman Reynel ah! Haha. Bolero ka na din ah!
Reynel: Hindi ah....Totoo kaya...
Yerese: Oh siya...Eh di sige...Hindi na nga... ^^,
Reynel: Hihi...
Mayco: Oh sige...Wala kami dito...Kayo na mag-usap...Magrereview na lang ulit kami! Nakaka-OP eh...
Yerese: Haha...Sorreyy.... :))
"Good Morning, Class! May announcement akong sasabihin at ito'y napaka-importante....Mayron kaming mga ililipat na students sa kabilang section...Star-section din naman sya...matatalino din ang mga students dun...Kaya lang kelangan pa kasing i-separate or i-divide mabuti ang mga students ng 3rd year...Magiging apat ang sectioning nyo...Since madame naman ang students dito, 40 kayong lahat...so, 10 ang lilipat sa kabilang section...Okay ba yun? No Violent Reactions ha!!!"
"Yes Ma'am..."
"Ang mga tatawagin ko tatayo ha?....okay..."
"Alcalde, Bernabe, Delos Reyes, Ford Keitherese, Gray, Hills, Mendoza, Ocampo, Roberts, and Wilsons"
Hala, kasama lahat ng tropa ko? Kami lang lilipat? Kasama si Yerese? Huuuuwaaat??!!!!
"Okay, Follow me....Pupunta na tayo sa magiging room nyo..." - Ms.Domingo.
Yerese: Miss! Wait lang...Eh kayo pa din po ba ang magiging teacher namin?
Ms.Domingo: Ah yes Ofcourse...kaya lang sa ibang subject...
Mayco: Ngee?! Eh di sino ang magiging teacher namin?
Ms.Domingo: Di ko lang alam kung si Mr.Usi, Mrs.Marikit or si.....Hmmm.... Ms.Tarantula...
Yerese: WHHHHAAAATT??!!!! YOU MEAN MAY POSSIBILITY NA MAGING TEACHER NAMIN YUNG SPIDER NA PUSIT NA YON? THERE'S NO WAY MISS!! KUNG MANGYARI MAN YON, PAPALIPAT ULIT AKO NG KABILANG SECTION....BASTA AYOKO SYANG MAGING TEACHER...SABIHAN MAN AKONG MAARTE NG PRINCIPAL...
White: Sasama ako sa kanya...
Yerese: Huh?
White: Ah...kasi...di ba? Sinigawan nya ko dati? Ayoko din naman sa kanya eh...
Mayco: Oo nga...Ayaw nya ng mga nagpapalusot pa...XD
White: ANO KAMO???!!!!
Mayco: Wala...Sabi ko Tara na Miss...
Chris: Excited na ko...baka may chics dun bago...haha nakakasawa na kasi mga mukha netong mga kaklase natin eh...haha joke lang...
Reynel: Kasama din pala si Juriedde noh!? Eh di masaya lalo?! haha
Ms.Domingo: Ok, that's enough...Let's go now...
ROOM
Di ko alam kung bakit ganto pakiramdam ko...Nasa loob na kami pero bakit parang gusto kong matulog? Gusto kong may kakanta sa kin habang matutulog ako....Ah alam ko na...Si Yerese....
White: Ui, Yerese! Pwedeng tabi tayo?
Yerese: Seryoso? Hindi mo pa ko inalok kahit minsan nun...Haha
White: Oo...sige na...tabi na tayo...
Ms.Domingo: Sit down...
Yerese: Okay...Pero bakit? di pa naman siguro ito yung final arrangement ng seats ah..?
White: Kahit na...Di naman nagkakalayo ang apelyido natin di ba?
Yerese: Oo nga eh...Sa susunod kasi nun baka magkadikit na yung apelyido natin sa pangalan ko...Yay! Keitherese Ford-Gray...Yiiieee...Okay...Ilusyonada ko...Pero sige...Dun tayo oh...(sabay turo sa dalawang bangko)
White: Sige...
Pagkaupo...
White: ah Yerese...
Yerese: Hmm?
White: Kanta ka naman oh...para naman makatulog ako...inaantok kasi ako eh...napuyat ako eh
Yerese: Ah...eh kasi paos ako eh...masakit pati lalamunan ko....
Oo nga halata...dakdak ka kasi ng dakdak jan kanina kaya siguro sumakit yang ngala-ngala mo...
White: Sige na please?
Yerese: ah...Alam ko na...ganto na lang... (kinuha ang earphones at Cellphone nya)
White: Anong gagawin mo?
Yerese: Oh (sinasaksak sa kanang tenga ni White ang earphone) ...at eto naman sakin (sinaksak sa tenga nya ang isa pang earphone)...Pede bang sabay tayong matulog? Napuyat din kasi ako eh...
White: Oo naman...talino mo talaga nuh?!
Yerese: Sige...Pikit ka na...
np: Hindi kita iiwan - Sam Milby
Umiiyak ka na naman mahal
Lagi na lang ika’y nasasaktan
Sabi niya
Di ka iiwanan
Ikaw ay nabigo
Kayo’y nagkalayo
Ako’y nahihirapan
Pag ika’y nasasaktan
Kung pwede lang naman
Sa akin ka nalang
Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Hinding hindi ka sasaktan
O’ akin ka nalang
Hindi kita iiwan
Lahat ay gagawain
Pag ika’y napasakin
Lahat ng utos mo ay aking susundin
Hindi ko hahayaang
Ika’y masaktan
Mahal sana
Naman sa akin ka nalang
Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Hinding hindi ka sasaktan
O’ akin ka nalang
Hindi kita iiwan
Akin ka na lang
Hindi kita iiwan
Hindi pababayan
Hinding hinda ka sasaktan
O’ aking ka na lang
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan
Hindi kita iiwan
Hindi pababayaan
Hinding hindi ka sasaktan
O’ akin ka na lang
Hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan
Then...
Naramdaman ko ngang nakakatulog na din ako...
Sumandal ako sa unan...Grabe...Lambot na unan naman neto...Yakapin ko nga...
Hmmm....
An sarap naman lalong matulog neto...Lambot talaga ng unan...Hmmm....at ang bango pa netong unan na to...Imported naman neto...May pabango pa talaga silang nilalagay dito ah...
"Ah.....White? Wag mo kong yakapin....Hindi ako makahinga eh..."
O__________________________O
Hanudaw? You mean...sya yung niyayakap ko kanina? Hala!!!! Nakakahiya naman yun....
"AAAAYYYYYYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!"
(malakas na hiyawan ng mga kaklase nila)
Eh di sige...Magsigawan kayo jan...Di ko naman sinasadyang yakapin siya eh... T__________T
White: Sorry...
Yerese: A-ayus lang... (*blush)
Waaaahhh?!!! Namumula sya...anung ibig sabihin nun?!!! Kinikilig? haha XD
Pero bakit parang ang ganda naman nung kanta...Sino bang kumanta nun? Anong pangalan ulit?
Wala akong alam eh... TT____________TT
CHAPTER 15
Yerese's POV
Ang saya ko naman ngayon...Kasi nga diba? nagkabati na kami last last week tapos eto ngayon, niyakap nya pa ko...HIHI...I'm so very happy todeehh!!! Haha...'so' na 'very' pa??! Astigin ah! Basta happy ako ngayon...
Sana talaga hindi na matapos ang araw na to...Or kaya naman...ihinto ang oras para mayakap nya ko ng matagal...Kasi biruin mo, mahal mo tapos niyakap ka...anung feeling nun? Di ba? Malamang kinikilig ka na nun! As in to the highest level eh!
Ang nakakatuwa...Sya mismo nang-alok na magtabi kami sa upuan...Yiiiiiieeeee!!!!! Nakakatuwa!!! Haha... I'm so very happy! Haha...Ayan na naman tayo sa "so-very" na yan...XD
***
*Lesson
*Lesson
*Lesson
*Snack!
Ayan, gutom na din ako...Kaso...Wala na kong pera, eh kasi nag-iipon ako....Ayokong gumastos ng marami....May bibilhin kasi akong importante para sa Christmas....Kahit na noh!!! Basta, ibibili ko si White ng Wrist Watch! Wiheyyy!!! Sosyalin noh!!! Bibilhin ko yung mahal...
Pero alam nyo bang talagang kumukulo na yung tyan ko???
Yahhh.....Ang sakit na talaga....Gutom na alaga kong Lion here!!!
TT_______________TT
Di ko na po kaya....
Nahihilo na ko sa gutom...
Kelangan ko na talagang bumili, kaso.....Panu naman ako makakaipon kung bibili ako ng meryenda? Huhu....naiiyak na ko sa gutom neto eh....
"Sandwich?....Hmm?" (inaabot yung sandwich kay Yerese)
O__________________________O
Yerese: Sigurado ka?
White: Yep...mukhang nagugutom ka na talaga eh...Kaya, ayan...kainin mo na...Busog na naman ako eh...Pakabusog ka....
Yerese: Salamat ah...Ang bait mo talaga...
White: Eh bakit ba hindi ka bumili, eh may pera ka naman ah?
Yerese: Eh kasi may pinag-iipunan ako eh...
White: Huh?! Para saan?
Yerese: Ah.... ano...Sa...Ah kasi...Ibibili ko...ah tama! Ibibili ko ng Wrist watch yung kaibigan ko....Christmas gift ko sa kanya yun...Alam mo na...Napaka-importante nya kasi sakin eh...Mahal na mahal ko yun... Haha...
White: Ah...Eh sino ba yun?
Patay....Sino nga ba yun?
Teka....
TING! Light Bulb!!!!
Yerese: Ah si...Yuri....Sino pa ba? Haha...
White: Ah...Okay...^_________^
Yerese: Pero...Salamat talaga ng marami dito ah? Hihihi...Nabusog ako...
White: Wala yun...
"Hindi naman kayo sobrang dikit jan noh?!"
"Kaya nga, anong pinag-uusapan nyo ha?!"
"Siguro, Ka-cheezyhan yon!!! Hmmm....Nilalanggam ako ha...infairness bebe"
"Yeah bebe...Sweet kasi nila eh....XD"
White: Eh!!! Magsitigil nga kayo!!! Nag-uusap lang kami dito, wala na kayong pakialam kung ano man yung pinag-uusapan namin...Mga tsismoso kasi kayo!!! Nahawa na kayo kay Chris!!!
Chris: At ako na naman??!!!
White: Yeah...why?
Chris: Oo na!!! Ako na tsismoso!!! Ako na!!!! Hmmp!
NEW ROOM
Nakabalik na ulit kami sa room...Oo, buti na lang at si Mrs.Marikit ang naging adviser namin...Nakakatuwa naman...Ang cute nya kasing magturo, Ang dami nyang kwento...Di nauubos...parang ako lang...Pero masaya syang kasama at kausap...magkakasundo kasi kami...Eh panu ba naman...Haha...Galit din siya kay Ms.Spider-na-Pusit....
Napagkamalan kasi ni Tarantula si Sir Edward (asawa ni Mrs.Marikit ) na 'single' Meaning....Gusto nyang landiin si Sir Edward...Hahaha...yuckness noh?! May boyfriend na nga sya, hindi pa nakuntento at lumandi pa sa iba...Kaderder naman sya...Halimaroot talaga...
"Ah Excuse me, Mrs.Jane Marikit....Eto po yung files na i-susubmit mamaya sa Principal's Office, pakipirmahan na lang..."
"Ow, Thank you, Ms Tarantula...Kanina pa kita inaantay kaso an tagal mong dumating eh...San ka ba galing ha?! Haha... akina (kinuha yung files) Yan...Okay na...Sige, Shupii!!! Babush! Ingat ka, baka madapa...."
"Hindi ako madadapa, malinaw pa mata ko..."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!" - malakas na tawanan sa loob ng room namin...
"Tawa kayo jan?!!!" - Sabi ni spider...
Do'stlaringiz bilan baham: |