Ms.Tarantula: Gaganti ako sayo Ford...Tandaan mo yan...
Yerese: May ballpen ka ba jan, Juriedde?...Para naman hindi ko malimutan ang sinasabi ni manang...
Juriedde: Haha...Tara na nga...(Hinawakan ang kamay ni Yerese) Wag na nating pag-aksayahan ng panahon yang dalawang yan...
Yerese: Owright! Let's go... XD
**
ROOM
*BRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!(bell)
Yay! Uwian na!!! Pero itong katabi ko....parang istatwa lang...Wala sya sa sarili nya...
"Ui..."
NR
"Ui....White..."
NR pa din... gaya-gaya sya?
"Ui...Galit ka ba saki----"
"OO GALIT AKO SAYO!!!! NAKAKAINIS KA NA! NANG DAHIL SAYO, NASIRA NA NAMAN ANG ARAW KO!!!"
Dahil sakin na naman? Waaahhh! Ganun na ba ko ka-salot sa paningin nya?
Naiinis na ko sa sarili ko...Mamamatay na ko ng wala sa oras neto...Galit na sya sakin...
White's POV
ROOM
Eh ano ngayon kung umiyak na naman sya? Eh totoo naman eh! Sinira nya talaga ang araw ko...Absent na nga si Yuri-labs tas nung pinagtanggol ko pa sya kay Mariz tas yung Kiss pang yun dahil sa panyo nya tapos.....yung...date pa nila ni Juriedde na mamaya na....
Ehh!!! Hindi naman ako nagseselos!!! Bakit naman ako magseselos ng dahil sa babaeng yun...? Ganun na ba sya ka-halaga sakin?Asa naman sya eh noh?!
Makaalis na nga...!
TAMBAYAN
Hayyy...Palagi na lang...Bakit ba tuwing dadaan ako dito eh ang ingay-ingay ni Chris? Lahat alam na? panu ba naman kasi...yung pinag-uusapan nila... nakakaasar eh!!!
Chris: Kawawa naman si Yerese nuh?!
Joseph: Oo nga...Napapahiya na sya gawa nung dalawa...tsk!
Mayco: eh akala ko ba kay Yuri lang yung mga yun?
Chris: Haha...Nakakatuwa ngang isipin eh noh? Pero tignan nyo naman...kanina, Sabi ni Juriedde, may date daw sila ni Yerese...Eh tas yung scene kanina...Nag-KISS sila White tsaka si Yerese...
Reynel: OO nga!!! Haha...Kinikilig nga ako dun kanina eh...Lahat ng tao sa labas kanina, napanganga...Haha..natameme silang lahat ah...Second day pa lang nu?! May ganung kaagad issue...
Chris: Eh sino bang nagkalat? Malamang si Mariz yun...Yun ang sabi sakin ni Juriedde...nakasalubong daw nilang dalawa yung magtiyahin...Grabe lang ha...Ang taray pa din ni Yerese nun time na yun...wahahaha xD
"O-OY! PALAGI NA LANG KAYONG NAGTSITSISMISAN JAN!!! ANONG KUMAKALAT NA ISSUENG YAN? ANU YAN HA?"
Chris: Ui...Interested?
White: Hindi ah...Pero anu lang yung issue? tama ba dinig ko? Si Mariz nga ang nagkalat?
Joseph: wow, pre ha?! Fishy ka na din ah!!! Anong nakain mo?
White: Masama bang malaman ang totoo?
Reynel: Hindi naman...eh kas------
"HI GUYS!!! DITO KAMI MAG-STAY NI YERESE HA? NAULAN SA LABAS EH..OR KUNG PWEDE...DITO NA LANG KAMI MAGDE-DATE NA DALAWA..HIHI ^___________^ "
Teka, anung dito? Abah!!! sobra na ah!!! kalandian naman nila buh!!!! Eh bakit ba ko naiinis???!!!! Pakeelam ko ba sa knila? Nababaliw na kong ewan...di ko na alam ang gagawin ko...
...
...
...
...
...
...
...
"Hi, White... ^____________^ "
Binati ako? Eh hindi nya ba alam na galit ako sa kanya? sinigawan ko pa nga sya kanina di ba? Di ba sya magagalit or malulungkot?
White: Baket?!
Yerese: Gusto ko lang naman mag-sorry sayo...
White: Ah...
Yerese: Sorry na nga di ba?
White: Ah...
Yerese: Awww....Please? Sorry na po... T____________T
Teka...ayan na naman sya eh..iiyak na naman sya...eh Bakit ba wala akong maisagot?
"MAGBABATI NA YAN! MAGBABATI NA YAN!!! MAGBABATI NA YAN!!!" - sabi nung lima...
Yoko nga...kahit kelan...Di kami magkakasundo nyang stalker na yan...
"AYYYYOOOOOOOOOOKKKKKKKKKKKKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Yerese: Sige...Wag na lang... Salamat sa pag-reject....
Chris: Halaaaaa!!! Lagot ka White!!!! Umiiyak na si Yerese!!! Hala kaaa!!!! Isusumbong ka nan kay Yuri...
White: So?
Juriedde: Haha...oo nga...Alam mo, dude...naiintindihan naman kita eh...Siguro kaya ka naiinis kay Yerese kasi ang tingin mo sa kanya...STALKER...pero Mabait naman sya di ba guys?
Chris, Joseph, Mayco, Reynel: OO NGA!!!
White: Kahit na...ayaw ko sa kanya...
*BLAG!!!! (malakas na pagsalpak ng pinto)
Balak nya bang sirain yung pintuan?!!! Makapag-walk out ah?! Presidente??
Chris: Oh My God!!!
Mayco: Lord, May nagawa na naman pong di kanais-nais ang anak nyo...
Joseph: Sana'y mapatawad nyo sya...
*BLAG!!! (malakas na pagsalpak ng pinto - part two)
Chris: Sinundan ni Juriedde?
Joseph: Eh nagdadasal tayo dito eh...
Mayco: Kaya nga...nakapikit din ako kanina eh... I was praying...
Reynel: anung nangyari??
*BLAG!!! (malakas na pagsalpak ng pinto - part three) [MY TURN]
Chris: Unli? Abah!!! Bayaran nyo yan!!! baka magunaw ang bar na to at mag-collapse!!! sa Dad ko pa to...
Mayco: Adik sa walk-outs eh noh?! haha xD
Reynel: Eh di sila na ang fishyng tatlo!
Joseph: mga adik!!!
***
OUTSIDE...
"Wag ka ng umiyak oh...Ssshh...Nagpapaapekto ka sa sinasabi nun??! Eh ano naman sayo diba? Kung ayaw nyang tanggapin eh di wag...Yaan mu na...okay...simula ngayon...Sasamahan na kita kahit san...para naman di ka 'Forever Alone' jan...Wag mo ng iisipin yung sinabi nya ah?" - Juriedde
(nod.nod)
(niyakap ni Juriedde si Yerese)
Waaaaaahhhh!!!! ang Sakit sa mata naman OW PUSYET!!!! XC Nakakahilam!!!!
CHAPTER 8
Yerese's POV
HOUSE
Eh di sige...Wag nyang tanggapin ang sorry ko!!! Para namang mamamatay na ko pag hindi nya ako papansin...TAMA!!! Kay Juriedde lang ako makikinig... Hindi ako mag-papaapekto sa mga sinasabi nya...
...
"HINDI MO BA ALAM NA NAKAKASAKIT KA NA AH??" (kinakausap mag-isa ang picture ni White)
...
"I HATE YOU!!!! I HATE YOU!!!!!! I HATE YOU!!!!!"
Hayyy...An sama-sama kasi ng ugali mo...Akala mo kung sinung kaga-gwapo jan... Eh totoo naman...TT__________TT GWAPO naman talaga sya eh....
Waaaaahhhh....Buti pa si Juriedde, naiintindihan ako.....Eh sya? Sya pa na ANAK NG DIYOS!!! Kaiba ang ugali nya sa Diyos...Si Lord kasi mabait....Sya, mabait din naman...kaso hindi sakin....Si Lord, maunawa....Sya...Kay Lay lang....HANUBAAA???!!!!! Leshe namang araw to oh....
*tok!tok!tok!
(di nya nadinig ang katok mula sa pinto)
"HAAAANUUUUBAAA???!!!!!! PATULUGIN MO NA KO!!!!!!! PAKSHET KA NAMAN OH!!!!!!"
(bumagsak sya sa kama nya habang hawak-hawak ang picture ni White)
OUTSIDE RESE'S ROOM...
Mama: HANUDAAW??!!! Minumura ba ko netong batang to??! aba't ako'y----
"Ma, Ang Feeler mo naman...BH yan ngayon...wag mo na munang guluhin...Malaki problema nyan sa lovelife...Yaan mo muna..." - Yuri
Mama: Hindi mo ba nadinig yung mga sinabe nya sakin kanina nung kumatok ako sa kwarto nya?MINUMURA NYA KO!!!
Yuri: WAG KANG FEELER!!! HINDI IKAW YON!!! Psh!!!
Mama: Eh!!! Basta!!! Kelangan kong malaman kung sino ba yang kinababaliwan nyang kapatid mo...Sasama ako bukas pagpasok nyo...
Yuri: Whatever ma...
.....
INSIDE RESE"S ROOM
Yerese: Waaaahhh...huhuhu....
...
*See I know you like being round chicks
Turn looking at hips, and a little outfit
What can I say
That’s what I love about you babe
Yeah don’t mess, cause I know you gon’ lie
You way too sexy, never be shy
What can I say
That’s what I love about you babe
Huh?? May tumatawag ba? (bumangon at tingnan ang cellphone nya)
Do ya thang, do ya thang,
Do ya, do ya, do ya thang
Do ya thang, do ya thang,
Do ya, do ya, do ya thang
Do ya thang, do ya thang,
Do ya, do ya, do ya thang...
Ganda ng Ring tone ko noh??!! Hahaha...kay Rihanna yan...(Sssshh! Wag ipagkalat ah?)
Okay...Eh sino naman yun?
*See I know you like being round chicks
Turn looking at hips, and a little outfit
What can I say
That’s what I love about you babe-----
Yerese: Ah hello??
Yuri: Oy, agahan natin pasok bukas...as in maaga talaga ha!!! Mga...4:30..
Yerese: Te-tek, Le...Lay? Ikaw ba yan? B-bakit ka tumawag teka?!!!
Yuri: Basta, ini-imbestigahan ka na ni Mama...Haha...Ang ingay mo kasi kanina eh...Ayan tuloy...XD
Yerese: Waaahh??! Oh sige-sige...Akala ko naman kung anu na...Yun lang pala...
Yuri: Keithe ha...Basta, Oh sya...GOODNIGHT...Love yah, sis... <3
Yerese: Ok Goodnight din...Love you mooree...
Sweet ba? Haha...Okay...Sabihin na nating nawala ang inis ko dahil Kila Lay and Juriedde...
yung kay Juriedde kasi....Haha eto oh...
FLASHBACK
HOUSE
Yerese: Uii, thank you ha...Salamat talaga ng marami...Mamamatay ako pag hindi to naayus... (pagtukoy ni Yerese sa Camera nya)
Juriedde: Wala yun...
Yerese: Pasensya na kung hindi natuloy date natin ha?
Juriedde: Haha...yon? Wala na yun...Kasi para sakin, Makasama ka lang sa gabing to at Sa bahay nyo pa...DATE na to para sa kin...
Yerese: Bakit am baet-baet mo sakin ha?!!!
Juriedde: Wala lang...Ganda mo kasi eh...
Yerese: Naks! Bolero ka din ah?
Juriedde: Nope..Seriously....
Yerese: Sige na nga...Thank you...
Juriedde: Basta ha...yung sinabi ko sayo... Wag mo syang papansinin bukas...Pag naiinis ka,...
Yerese: Pag naiinis ako.....?
Juriedde: Pag naiinis ka, TINGIN KA LANG SA KIN... *winks
Yerese: Haha...Sige sige...Salamat ha...Pinasaya mo na naman ang araw ko ngayon...
Juriedde: Basta ikaw... Sige...Alis na din ako...Salamat sa Date natin...XD
Yerese: Sira ka! Haha...sige..Babye!
Juriedde: Bye... *kiss sa cheeks
Waaahh??! Anu yon? anu yon? May ganong drama tayo, Juriedde? Sa bagay...We're friends naman eh...walang malisya yun...
END OF FLASHBACK
Oh di ba? BONGGA kay Papa Juriedde...Hahaha...may kiss pa ko sa cheeks...Kay White...Wala....
...
...
...
...
...
O________________________O
OO NGA PALA...
Waaaaaahhhhh!!!!! Sya ang First kiss ko......HUHUHUHU
TT___________________TT
KILL ME NOW!
I"M GONNA DIE!!!!!
[The next day...]
Still Yerese's POV
Okay...It's 4:30 now...We've got to go.... Ayokong abutan pa kami ng spy.... Secret agent againts lovelife...meganong drama ang nanay ko eh noh?!
...
****
CAMPUS
Okay...4:45 na...Thank God wala namang nakahuli samin sa bahay....
Yuri: Haha...Oy, Si White oh...(tinuro ang AMPON ng diyos)
oo, para sakin..., in-Ampon lang sya ni papa god...Kasi nga diba ang sama ng ugali nyang si White Gray... Ayyyt naiinis na talaga ko...
ASAN NA BA SI JURIEDDE????
...
...
"Titingin-tingin ka???"
ANG YABANG PUSYET!!!!!
"Ah Rese, punta lang akong clinic ah?" - sabi ni Lay
WAAAAHHH!!! Lay naman eh...bakit ba hindi mo din ako maintindihan ngayon? Kelangan ko ng kasama kasi naiinis na ko!!! ASAN NA BA KASI SI JURIEDDE!!!
"Good Morning, Keitherese..."
"Waaaahhhh....Buti naman at dumating ka na! Kanina pa kita inaantay eh..." - sabi ko...
Juriedde: Sorry ah...
Yerese: Ah...hihi....Okay lang...Kelangan ko kasi ng matititigan ngayon eh...
Juriedde: Sure...Eh di ako na lang...
Yerese: Buti naman at naiintindihan mo ko...NAKAKAINIS NA KASI EH...
Juriedde: Oh Haha...I get it.. Game!
So ayun...nagtitigan na kaming dalawa...
*DUGSH!!!
"Ayy Palaka ka...!!!" - napasigaw tuloy ako....
Errr!!! Anu ba kasing problema neto at bigla-bigla na lang sinipa yung bangkuan...???
"SIRA NA NAMAN ANG ARAW KO!!! MAKAALIS NGA...ANG SAMA NG HANGIN DITO!!!...MAY UMUTOT ATA!!!!" - Halaaaa???! HUMUTOT daw??? Sino naman kaya?Grabe naman to...Parang Monster...Nakakatakot po sya... TT___________TT
CHAPTER 9
White's POV
Alam mo yung Feeling ng ganon ha???Ang aga-aga nakita mo na kaagad yung pampasira ng araw mo? At talagang nakikipaglandian pa kay Juriedde...
Wala..! Naiinis na ko! Sinisira na naman nya araw ko...Buti nga at pumasok na si Yuri eh...
Waaaahhh...Masundan na nga lang...Naiinip na ko dito...! Kami lang tatlo ang nasa loob...
...
***
CLINIC
Eh bakit ko nga ba sya sinundan???
Eh syempre Worried ako na baka may mangyaring masama sa kanya...
Mahal ko yan eh...
White: Ah Yuri...
Yuri: Oh, White...
White: Anung nangyari sayo?
Yuri: Ah...Sumakit kasi ulo ko kanina...
White: Ok ka na ba?
Yuri: Oo naman...
White: Ahmmm...Natulog ka ba ng maayos sa bahay nyo?
Yuri: Oo...
White: Binigyan ka na ba ng gamot nung Nurse?
Yuri: Oo...
White: Mahal mo pa ba ko?
Yuri: Oo...
White: HA??!
"AYYT!! SHIT KA NAMAN EH!!! TABI NGA!!!" (tinabig si White)
....
...
...
...
O_______________O
Chance na ba to?
Tingin nyo?
Pero di ba sabi nya?
Kanina lang...
White: Mahal mo pa ko??!!!
Yuri: Eh!!! Tigilan mo nga ako!!!
White: Yuri, sagutin mu naman yung tanong ko oh...
Yuri: Ayoko....Forget it, White!!!
White: Pero Yuri....Sasagutin mo lang naman diba? Okay...uulitin ko....
*Inhale!
*Exhale!
White: ...Mahal mo pa ba ako?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oo..."
Sabi ko na nga eh...Mahal nya pa ko...Di pa nya ko nakakalimutan...Pero parang....Hindi sya masaya at naamin nya ulit sakin yun...May problema kaya?
White: Eh yun naman pala eh...Eh bakit---
Yuri: Ayoko White...Kalimutan mo na lang...
White: Ha? Ba..--Bakit?
Yuri: Basta...(nagsimula ng maglakad)
...
...
...
White: YURI, WAIT!!!
...
...
(hinila ni White si Yuri)
White: Bakit?
Yuri: White...May masasaktan lang ako...
White: Pero--...Sino? At bakit?
Yuri: I'm sorry...
White: Yuri...Sino sya?? Please tell me...
...
...
...
...*(A/N: Ang gulo ba ng utak ni White ko???)
...
...
...
...
"Ah Rese...Ikaw pala...Ah sige...mauuna na kong pumasok sa loob ng room..." - Yuri.
"Ok na ba pakiramdam mo, Lay?"
"Oo...Sige...Ah...san ka ba pupunta?"
"Dito sana, para sundan ka..hihi"
"Ah eh di..Tara..Sabay na tayo..."
"Ah...Sige...Tara na nga..."
At...
Nagsimula na nga silang maglakad...
Ako na lang ang naiwan dun...
Sabagay...maaga pa naman...Maggagala na muna ako...
GARDEN
Andito ako sa garden...tapat ng building ng mga seniors...Napipili ko ding mag-stay dito pag may problema ako...Bukod sa tambayan namin, eto pa ang pinakafavorite kong place...Walang tao...Tahimik....Ang peaceful...Pantanggal ng stress...Psh!!!
"Want some?"
Inabot nya sakin yung soda drink...
"Thanks.."
"So, what's up?"
"Eto, mukhang ayos naman..."
"Haha...talaga lang ha? Eh ano yung kanina?"
"Bakit? Anu bang meron kanina?"
"Haha...Bakit mo sinipa yung bangkuan kanina habang nagtititigan yung dalawa ni Juriedde at Yerese? What was that for?"
"ah...Yon? Eh kasi...Diba....Basta...Di ko ma-explain...Ewan! Di ko alam kung anu-anu na yung nararamdaman ko magmula nung...ah ewan.!"
"Haha...magmula nung?....FIRST KISS nyo?"
"Bakit naman napasama pa yan sa usapan natin ha?! At saka...anu bang paki mo Mayco? Pakialamero ka na din ah..."
"Sabihin mo White...Mahal mo pa ba si Yuri?"
Ayy Mayco...tinatanong pa ba yan? Ka-ek-ek-an!!!! Psh!!
White: OO naman...
Mayco: Eh eto...
Mayco: Anung naramdaman mo nung nahalikan ka ni Yerese...?
Teka....Naramdaman ko? Eh Kinilabutan nga ako nun eh...Feeling ko hinalikan ako ng White Lady....Basta ang alam ko, kinakabahan ako nung time na yun kasi ang bilis ng tibok ng puso ko...
White: Te-teka nga!!! Eh kasi...iba naman yung Kiss na yun...Aksidente lang na nahalikan nya ko kas----
Mayco: Malakas at Mabilis ba ang tibok ng puso mo, White?
White: Oo...Eh kasi...iba naman...para kasi akong nahalikan ng White Lady,...
Mayco: Haha...sya yung White's Lady eh noh?!
White: Ano ba?!!!
Mayco: Sabihin mo na lang kasi White!!! Hindi yung sigaw ka ng sigaw jan!! Ang sakit kaya sa tenga!!!
White: Eh kasi naman...
Mayco: Naiinis ka ba pag nakikita mong magkasama si Yerese at si Juriedde...
White: Minsan, kasi ang kire nya...arte-arte naman talaga nya...pati si Juriedde nilalandi...Concerned lang ako sa Bestfriend ko...
Mayco: Kahit pa anung reason White...Basta isa lang ang tawag jan....
White: Huh?! I don't get you, dude...
Mayco: ........nagseselos ka....
Whaaaattt??!!!!!! Are you serious?? No...Imposible...Si Yuri lang ang mahal ko...Sya at sya lang....Bakit naman ako magkaka-feelings dun sa stalker na yun...wait...Should I still call her that way? A stalker? Eh di na nga nya ako sinusundan di ba? Andun na sya sa Juriedde nya...Si Juriedde na nga yata ini-stalk nya eh...EH DI MAGSAMA SILA!!! SILA NA!!! Okay??! Bullcrap oh!!! Kapang-init lang ng ulo.....Eh!!!! Si Mayco naman kasi eh...Kung anu-ano pinagsasabi sakin...
TAMBAYAN
Mayco's POV
Gotcha White!!!Sinabi na nga ba't crush mo si Yerese eh...
Hayyy...
Ang anak ng diyos inlove na naman....Lord, sana si Yerese na ho...Mabait po kasi siya at wala syang ibang inisip kundi si White...Hindi naman po sa Obsession pero alam kong lagi nyang inaalala si White...Mas gusto ko sya kesa kay Yuri...Kasi alam ko na si Yuri...ayaw nyang mahalin sya ni White kahit mahal din nya to...Alam kong hindi nya kayang ipaglaban ang feelings nya para kay White dahil palagi nyang dinadahilan na makakasakit sya ng tao...Ang pinakamahalagang tao sa buhay nya...na kahit kelan ay hinding-hindi nya kayang saktan...Pero alam kong nahihirapan na din po sya...
Tulungan nyo na lang ang lovelife ng Kaibigan ko...ayyyt...anak nyo pala..hihi ^____________^
Do'stlaringiz bilan baham: |