Calvin Klein Go



Download 3,73 Mb.
bet12/35
Sana25.06.2017
Hajmi3,73 Mb.
#14996
1   ...   8   9   10   11   12   13   14   15   ...   35
Ang ingay. Pagtingin ko.. Si Cassandra pala. Hmm, siguro dahil sa pinakita niya talaga na nagsisisi na siya at ready na siya magbago.. Okay na ako sakanya. Magaan na din ang loob ko sakanya. "Bakit ang aga aga nakaubob ka diyan? Balita ko nagkasakit ka ah. May sakit ka pa din?" Tapos hinawakan niya yung noo ko. "Wala na. Okay na ako. Ewan ko. Masama lang talaga ang gising ko. Badtrip ako sa di malamang dahilan." "ASTIG yun! O___O Badtrip pero hindi mo alam kung bakit. Sige. Ayos yun." "Baliw. Ang aga aga ginugulo mo ako. Lumayo ka nga sa akin." "Ouch. Tinataboy mo na naman ako. Lagi na lang." Tapos nagacting siya na nasasaktan. Ang baliw ng babaeng to! Haha :) Natatawa tuloy ako sakanya. Ayun, usap usap lang kami. Unang beses ata namin magusap ng matinong bagay. Na hindi naman talaga matino pero matino ang paguusap. SORRY ang gulo ko. Epekto yan ng gamot! Tawa lang kami ng tawa hanggang sa.. *BLAAAG* "O bhes, para kang nalugi ng isang bangkang isda dahil sa red tide. Bakit magkasalubong ang kilay mo?" "Nagdadate sila wag mong pakialaman." "SUNGIT NATIN AH! Merun ka noh?" "Baliw. Next week pa. Ikaw ba? Merun ka na ba? Diba una ka sa akin ng one week?" "Oo. Second day ko ngayon." HELLO?! LALAKI AKO! Bakit nila pinaguusapan yan sa harapan ko?! Tss. Ano ba naman tong dalawang to. Paguntugin ko sila ee. Tumingin sakin si Courtney at.. *ROLL EYES* Huh?! Anong ginawa ko sakanya?! Bakit naman niya ako sinusungitan? Payback time?! Maya maya umalis na siya. "Ano kaya problema nun?" "Ewan ko din." "Try mo kayang sundan! Baka nagpapakmatay na pala yun." "BALIW!" "I know. I know. Sige na go!" Tapos sinundan ko naman si Courtney sa may labas ng room. Siyempre. Baka nga naman may kasalanan na naman ako sakanya. E DI MAGSOSORRY ako! Kasi naman.. Nasungitan ko siya kanina. Ewan ko. Badtrip ako ee. Pero okay na naman. Thanks Cass. (Naks. Hindi na Cassandra. Umaasenso ka Kean!) "COURT--ney." :| B-Bakit? Bakit sila magkasama? Bakit siya tumatawa? B-bakit? ** CHANEL'S POV Ano bang problema ni Kean?! Bakit ba ang sungit niya?! Kanina pa siya! Grrr. May naririnig akong tumatawag sa akin! Lingon lingon.. Si Jacob pala! Nilapitan niya ako. Si Kean naman nagtuloy tuloy lang ng lakad papunta sa room at sa chair niya. Grr. Bakit hindi man lang niya pinansin na katabi ko si Jacob. "Oh. Bakit ganan ka? Sungit natin ah!" "Sorry. BV kasi." "Bakit naman?! Aba at nakiki BV ka na ngayon?!" "Baliw ka talaga! Wala. Naaasar lang ako sa aso ko. Ang.. Sungit kasi." "Talaga? May aso na ngayon na masungit??" "Oo merun." Wala na talagang kwenta ang sinasabi at sinasagot ko kay Jacob. Ewan ko. Nakakabagot. NAHAHAWA AKO NG MOOD SWINGS NI KEAN! GRRR. I HATE THAT GUY! NASAN NA BA YUNG MASUNGIT NA YUN?! O____O Tingnan mo!! Katawanan lang niya si Cass! Kelan pa sila naging close?! Tska.. Tingnan mo yung lalaking yun. Tawa pa siya ng tawa! Pagkatapos niya sirain ang mood ko! Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya akong mahalin?? Pagkatapos niya ako halikan.. Pagka--Eeh! Ano bang sinasabi ko?! Yuck. Madiri ka nga Chanel! Nakakaasar na talaga! Siguro nga nagdedeliryo lang siya kagabi kasi sobrang taas ng lagnat niya! Bahala siya. *Blaaag* Ibinagsak ko lang ang bag ko. Oh no! Yung phone ko! Yung perfume ko! Yung makeup kit ko! Baka.. Aish! Bahala na. Galit nga ako ee db?! Galit ako! Galit! Kinausap naman ako ni Cass pero wala talaga ako sa mood. Ayan. Nasungitan ko pa siya! Kelangan ko ng hangin! At space! Kelangan ko maginhale exhale inhale exhale! Yoga!! Kelangan ko magrelax at ialis sa isip ko ang salitang Kean! "NAKAKAASAAAAAAR!!!" May napulot akong papel na nakabilog. Siguro scratch. Tapos binato ko sa likod ko! Pampaalis lang ng stress! Haaay. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Ayaaaan. Whooo! Salamat naman. Kumakalma na ako. Haaay. Ang sarap ng hangin. "Ouch. Miss. Magdahan dahan ka naman sa pagbato. Ansakit. Natamaan yung ulo ko." Huh?! Shet. Oh no. O____O ayokong gumalaw. Lamunin na po sana ako ng lupa! Lamunin na please. Ayoko.. Ayoko.. "Hoy miss. Papel mo." Tapos hinawakan niya yung balikat ko at iniharap sakanya. Mukhang nagulat din siya. "Cha-Chanel??" "Ay hindi ako si Chanel. Sa totoo lang ako talaga si Princess Diana." Huh?! Ano daw sinabi ko?! Nahahawa na kasi ako kay Kean na idol na idol si Vice Ganda ee. Ayan. Nabara ko pa tuloy si Gian! "Ah. Hi. ;) Um.. Sorry. Careless. Sige balik na ako." Tumalikod na ako kaso nagsalita siya.. "Wait lang naman Chanel." O___O Wait daw? Bakit kaya? "Ah. B-bakit?" "Itatanung ko lang kung.." Kung? "..idol mo si Vice Ganda?" NapaToinks ang ulo ko. AKALA ko naman kung ano na! Natatawa ako. Ano ba naman tong si Gian! Pinigilan pa ako para lang itanong yun. Noong tumawa ako, tumawa na din siya. Ai? May nakakatawa ba?! So nagtawanan lang kami doon. "Hmm, okay. Ayoko na tumawa. Ansakit sa tiyan!" "Alangan namang ilong mo ang sumakit?" "VICE?! Haha. So idol mo na din siya?" TAWA na naman. Astig talaga si VICE :D "Haay. Mas okay na to nuh?" Huh? Ang alin daw ang okay? Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Okay yung ganito. Nagtatawanan. Kesa naman sa umiiwas ka. Umiiwas ako. Nakakapagod din pala. Isa pa, bata pa lang tayo, kaibigan na kita. Kaya.. Kaya.. Masaya yung ganito." Ito na naman. Binabalik na naman ang past. Nakakailang pala magkaroon ng EX! Lalo na yung mahal mo pa! MANHID mo GIAN! Ayoko na ngang balikan. Gusto na kitang kalimutan. "Alam mo Gian. Gusto na kitang--" "Kalimutan? Iwasan? Alam ko. Gusto ko ding gawin yun. Sana kaya ko. Kaso, hindi ka madaling kalimutan. Kasi naging parte ka ng buhay ko.. *afgasjdkhasfb*" ANO DAW?! Ano daw yung huli niyang sinabi? Feeling ko may connection kay Anika. FEELING KO LANG NAMAN! Pero.. Totoo naman. Mahirap kalimutan ang aming pinagsamahan. Through thick or thin palagi kami magkasama. How I wish I could go back in time. Pero.. Kahit naman hindi na ako bumalik db? Kahit hindi ko na i-undo lahat. Db? Kasi.. Kasi.. Na kay Gian ang desisyon. Pwede siyang bumalik sakin, pwede niyang ulitin ang past. SIYA LANG. NASA KANYA ANG KEY. Db? Alam ko lahat kayo gusto si Kean para sakin. Fiancee ko siya db? Pero masisisi niyo ba ako kung.. Mahal ko pa din si Gian? Minsan kasi sa pagmamahal. Kahit alam mong nagmumukha ka ng tanga sa kahahabol at kaasa hindi ka pa rin tumitigil. Kasi.. Mahal mo at wala ng ibang rason. Kaya sorry tanga, nagmamahal lang. "So sana, makapgsimula ulit tayo. As friends." Siguro nga, para makalimutan agad siya. Mas okay kung magiging friends kami. Para marealize ko na.. HINDI na kami yung Chanel and Gian before na hindi mapaghiwalay. Hindi na kami katulad ng dati, dahil may Anika Bea Rocafort na siya. GHAD! I hate that Bea girl! "Sure. :) Friends." Ewan. Pero at least nakakagaan sa pakiramdam na hindi ko na kailangang iwasan si Gian. Db? Haha. At least. May improvement sa amin. Umalis na siya. Pupunta daw siya sa canteen. Matakaw pa din! Same old Gian. Walang nagbago except sa.. Sa aming dalawa. Pagtalikod ko.. "Kean?" ** Kean's POV "Alam mo Gian, gusto na kitang--" "Kalimutan? Iwasan? Alam ko. Gusto ko din yun. Sana kaya ko. Kasi, naging parte ka ng buhay ko." Naguusap si Courtney at si Gian pagkatapos nila magtawanan. Parang tanga lang ako.. Nandito. Nakatingin. Nakikinig sa usapan nila. Sige lang. Magbalik lang kayo sa nakaraan niyo. Amp! "..at hanggang ngayon, sa tingin ko.. Sayo pa rin umiikot ang buhay ko." O____O Tangina. Ano namang ibig niyang sabihin doon? Na mahal pa niya si Courtney. E sira ulo pala talaga tong si Gian e. May sayad ata to. Pagkatapos niyang iwanan si Courtney babalikan na naman niya? G*go. Si Courtney naman itinaas ang kilay. Hindi nagreact. Tingin ko hindi niya narinig yung sinabi ni Gian. Buti na lang. Anong buti na lang?? Buti na lang di niya narinig dahil kung narinig niya e masasaktan lang siya kasi may Anika pa si Gian. O, buti na lang di niya narinig dahil kung narinig niya may pagasang magkabalikan sila? Sira ulo! Ano ba naman tong iniisip ko?! Magagaya pa ko sa topak nung si Gian. Nyemas. "So sana makapgsimula ulit tayo as friends." May friends bang mahal pa yung ex? Friends. Tss. Lokohin mo lelang mo! "Sure, friends." Isa pa naman to. Nakakaasar. Talaga bang mahid silang dalawa o nagtatanga tangahan lang?! Hindi ba nila napapansin na.. Mahal pa nila isa't isa?! Tss. Tangina. Anong ginagawa nila sa amin ni Anika? Panakip butas? Potek. Nagpapadala naman ako. Umalis na si Gian. Ngumiti magisa si Courtney. So masaya talaga siya dahil nagusap sila? Psh. So Low. Tumalikod siya at mukhang nagulat siya at nandito ako. Tapos? Ngumiti? ^________________________^ Sobrang laking ngiti. "Patrick!" Lumapit siya sa akin. Sobrang saya. Ngayon na lang siya ulit ngumiti ng ganito. Malamang dahil na naman kay Gian. Psh. HAHA. Ano ka ba naman Kean. Siyempre. Wala namang tumtakbo sa isip niyang babaeng yan kung hindi si Gian. Bakit nga ba ako nagagalit pa? Ano nga bang papel ko? Ano nga bang karapatan ko? Fiancee? Psh. Lokohan lang yun. Trip lang ng Papa at Mama. Alam namin ni Courtney yun. Pero kapag itinigil namin ito, mawawalan na naman ako ng pamilya. Magiging busy na naman ang Papa. Kaya lang naman siya nagstastay dito ay dahil natutulungan siya ni Mama eh. Kapag sinabi namin na ayaw na namin, malamang.. hindi na ganito. Hindi na kami magsasama ng ganito. Hindi na sila magsasama ng ganito. "Kean? You're idling." "Huh? Ah. Pabayaan mo na lang." "OKAY ^___^ Anyway, nakita mo ba yun? Nagusap kami. *blahblahblahblah*" Wala na siyang ibang sinabi kung hindi Gian. Friends. Usap. Psh. Pakealam ko naman doon? -__- Wala din akong karapatang mabadtrip. Hirap naman. Di ako sanay sa ganito e. Bahala na nga siya. NABABADTRIP TALAGA AKO! "KEAN! Nakikinig ka ba? Sabi ko.. ANG SAYA SAYA." "Kita ko. Di naman ako bulag." "Sungit mo na naman. Kanina ka pa ah! Tapos kay Cassandra tumatawa ka." "Ayos lang yan. Natawa ka din naman kay Gian. Quits lang. Sige alis lang." "Saan ka pupunta? E magkaklase na." "Cut." "Ha? Sama!" "Gusto mo ma D.O? Diyan ka lang at wag mo akong susundan." Lumakad na ako. Guguluhin lang niya ako eh. Ayokong mabadtrip. Dahil lang sa kanya at sa Gian na yun? Di na lang. Dota na lang ako. Makapunta ngang computer shop. GG lang to. Palabas na sana ako ng school ng madaanan ko yung malaking puno na parang may nakatirang kapre na! Anak ng. Kung ano ano na naiisip ko. Psh. "*huk* *huk* *huk*" Ano ba yun. Iiyak na lang patigil tigil pa. "*huk* Haish! Pesteng pag-ibig!" Wew. Astig. Parang ako lang. Sino ba tong iyak ng iyak na to? Malamang babae to. Kasi kung lalaki to. Natural.. Bumigay na. Hehe. "Hoi Miss. Iiyak ka na lang ang lakas pa. Nagtago ka pa sa puno!" "Ano? *Hahahahaha*" Biglang tumawa! Shet. Sino ba ito at nababaliw na ata?! Nasa likod kasi siya ng puno e ako nasa kabilang side ng puno. Sino ba ito? Tumayo yung babae. Huminga ng malalim. At.. Nagpunas ata ng luha. Aba ewan ko! Nakatalikod kaya. Psh. "Ang weird mo Kuya.. Nakakata--Eeeeeh?!" O______O --siya. O______O --ako. "Anika?! / Kean?!" "Anong ginagawa mo dito?!" sabay naming sinabi. Tumalikod siya. At nagpunas na talaga ng luha. "Narinig ko na yung weird mong iyak. Wag mo na itago." Humarap siya sa akin. Eh ano pang gagawin ko dito? Makaalis na nga. "Kean! Saan ka pupunta?" "Dota." "Hindi mo ba ako sasamahan dito? Naiyak kaya ako!" "Eh ano ngayon? Tuloy mo lang yan. Geh." Lumakad na ako papalayo. Hinihintay ako ng computer shop nuh! Pampaalis ng toyo sa utak! Psh. Courtney and Gian. Whatever! -__-" "Hoi wait! Damayan mo kaya ako! Nakita mo na din lang ako umiiyak. Nilapitan mo na din lang ako. Damayan mo na ako!" Ano bang problema ng babaeng to? Teka. Damayan ko kaya.. Para malaman ko ang problema at masagot ang tanong ko. Psh. Waste of time. "It's none of my business." Lumakad na ako papalayo. Pero hinabol ako nitong si Anika at hinila ako. Ugh. Palagi na lang ako hinihila. Si Courtney kaya? Kelan ako hihilahin papalapit sakanya?! Nakanang! Bumanat! "Sige na. Kelangan ko lang talaga ng shoulder to lean on." -__- Haay naku. Yun na naman ang papel ko! Laging shoulder to lean on. Pati kay Courtney ganoon din ee. Mukha ba akong balikat?! Psh. "Okay." Ngumiti naman siya. Anlaki ng ngiti. Abot tenga. Kulang na lang umabot sa mata niya! Okay lang naman sagot ko. - __- Girls! Ugh! "So.. Bakit ka nagcucutting? Atsaka nasan si Chanel? Atska bakit ka nagpunta dito? I mean san ka dapat pupunta?" "Kelangan ko ba sagutin yun? -__-" "Hahahaha! Nakakatawa ka." "Ah.. Nagjoke ba ako? -__-??" At lalo pa siyang tumawa. Kanina lang iyak ng iyak. Hmmm, ang babaeng type ni Gian.. Weirdo! Si Courtney weirdo din! "Eh bakit ba ako tinatanung mo? Sino ba naiyak?" Ayun. Tumahimik din. Tapos.. Naku naman! Umiyak na naman siya. Pero wala ng tunog. "So--Sorry. Kasi.. Ewan. Nasasaktan na din ako ee." Nasasaktan? -___-?!? E bakit naman? Masaya na nga sila ni Gian db? Si Courtney pa kamo ang nasasaktan. "Alam ko iniisip mo na masaya kami ni Gian at hindi ako dapat nagkakaganito. Dapat nga si Chanel pa. Pero kasi.. Kean.. Hindi naman talaga ako mahal ni Gian." Ano daw?! Hindi siya mahal ni Gian?? Bakit?! "..at hanggang ngayon.. Sa tingin ko.. Sayo parin umiikot ang buhay ko." Naalala ko na naman yung sinabi ni Gian kanina. Bakit ganoon? Anong ibig sabihin nito? Umiiyak si Anika dahil hindi daw siya mahal ni Gian. Tapos.. Si Gian. May ibinulong kanina tungkol kay Courtney. Anong.. "May dahilan kaya kami magkasama ngayon, at hindi LOVE yun. Kaso.. Natalo ako. Natalo ako. Kasi.. Nahulog ako! I fell for Gian. Nainlove na ako sakanya! Alam kong hindi dapat kasi kahit sabihin niyang hindi na niya mahal si Chanel.. Ramdam ko, na si Chanel pa din!" "Bakit.. Bakit kayo magkasama ngayon?" "Kasi.. Kasi.." "Ano?" "Kasi.. Kami ni Gian.. Arranged." O___O Psh. Gaya gaya! Hehe. Joke. Wait. Ulit. O___O ANO?!? Arranged?! Ibig sabihin.. "Nagkaroon ng mild stroke ang papa niya, madaming branch ng kumpanya nila ang bumagsak.. Ang kumpanya lang namin ang makakasave sakanila. At ang Papa ko, gusto na niya si Gian dati pa. Noong bata pa kami. Gusto na niya si Gian for me. Pero.. Hindi pumayag ang papa ni Gian dahil kay Chanel. Alam mo naman yung Dad niya, botong boto kay Chanel. Yung Mom naman niya hindi alam na arranged kami. Nagtatampo siya kay Gian dahil iniwan niya si Chanel. Hindi ako tanggap ng family niya. Pero kahit hindi niya ako gusto.. Pinagtanggol niya pa din ako sa family niya. Kaya.. Nainlove ako! Kaya, ayan. Nasasaktan ako. Kasi.. Lalo na ngayon, kapag nasa klase.. Hindi ko mapigilang hindi masaktan lalo na kapag, tinitingnan ni Gian si Chanel. Alam mong malungkot siya, pero ngingiti pa din siya dahil kay Chanel.. *huk* Hindi ko siya mapangiti ng ganoon, kahit anong gawin ko. Haay. Sorry Kean ah. Sinabi ko pa sayo. Sana hindi masira ang relasyon niyo ni Chanel. I really need someone na pwedeng kausapin." Hindi ko alam ang sasabihin. Isa lang kasi ang natakbo sa isip ko ngayon.. Mahal pa nila ang isa't isa. Parehas kaming arranged. Panira lang kami ni Anika sa relasyon nila. Sooner or later, baka.. Bumalik sila sa isa't isa. Tangina. Bakit ako nasasaktan?! Bakit ako naiinis na malaman na arranged lang sila?! Bakit ako nalulungkot?! *Booog* "Kean! Bakit mo sinuntok ang puno?! Okay ka lang ba?! Kean.. Your scary!" "Hindi ko alam.. Anika. Naiinis ako. Nagagalit ako. Hindi kay Gian, hindi sayo, hindi kay Courtney. Naiinis ako sa sarili ko!" "Ba-bakit?" "Kasi.. Haay. Anika. Yung pagiging mag fiancee namin, trip lang ng Papa ko at Mama niya. Magbestfriend kasi sila. For short, arranged din kami. Psh. At naiinis ako ngayon sa sarili ko, dahil.. Naasar ako sa nalaman ko. Anika.. Sooner or later magkakabalikan sila. At naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako sa nalaman ko! Dapat hindi ako apektado dahil wala namang kinalaman sa akin si Courtney." "*Blink blink* *Stare* *Blink blink* Oh my gosh. *Blink* *Umiyak na* E.. Di.. Aish! Bakit kasi ako natalo! Alam kong arranged pero NAINLOVE AKO! *huk huk* Kean.." Haay. Nasasaktan din ako.. Konting oras na lang siguro ang ipagsasama namin ni Courtney. Kung magkabalikan man sila.. Siyempre hindi na ako lalapit kasi.. Mababadtrip lang ako. "Kean.. Can I.. Hug you?" Hug? Haay. Ano pa ba magagawa ko? Ayoko nakakakita ng umiiyak na babae. Ayoko ng ganoon. Nagnod na lang ako tapos yumakap siya, tapos umiyak. Haay. Taena si GIAN. Andami na niyang babaeng napaiyak. Buti pa ako! Ha! Ang yabang ko! "Maitanong ko lang.. Db noong nasa california kayo, db nakita kayo ni Courtney na nagkikiss ni Gian?" "Ah. Yun? Yung.. Anniversary nila. Lasing si Gian noon. Akala niya ako si Chanel. Kaya nasampal ko din si Chanel noon kasi.. Si Gian noong nalasing.. Sinsigaw ang pangalan ni Chanel. Ewan ko. Masakit ee." Umalis siya sa pagkakayakap at nagpunas ng luha. Ang puti niya talaga. -___- hehe. "Kean.. Ikaw ba? Natalo ka na din ba sa laro?" "Ah. Minsan natatalo din. Si GIAN kasi magaling magdota. Naknang! Hirap laba--" *Pak* Aray! Pinalo daw ba ako?! "Ano ka ba! Hindi yun! Natalo.. Meaning.. In love ka na din ba kay Chanel?" O_______O Inlove?! Ako?! Aba.. Ewan ko! -________-?? "Haha. Hindi ka ata makasagot? Isa lang ibig sabihin niya. In love ka na nga kay Chanel." In love na nga ba ako? Kay Courtney? "B-baka nga." Ngumiti siya. Sinuntok yung balikat ko. "Inlove ka na!" "Oo na! In love na ako!.." "..in love na ako kay Chanel Courtney Clemente Chua." Namumula ako noon. Aish. Pano ba yan. In love na nga ako! Potek. Mahirap to. "Haaay. Pano ba yan? Malakas ang kalaban nating dalawa.. Natalo tayo. Nahulog tayo sakanila." "Haay. Ewan ko nga ee. Baka nga. Talo na naman ako kay Gian." "Ako din talo sa kanya." "Baliw. Talo kay Courtney at sa dota!" "Hindi mo na talaga maalis yang dota sa isip mo ha!" "Hindi na." Natahimik kami bigla. Nakaupo na kasi kami ngayon sa may puno. Di na tuloy ang pagdodota ko. "Haay. Paano pag nakita natin sila? Itutuloy ba natin to? Magpapatalo na lang tayo? Ipagpapatuloy natin?" "Ano ba dapat?" "Sa tingin ko kasi.. Dapat pigilan natin ang sarili natin na mainlove at mafall pa lalo sakanila. Kasi.. Sa huli tayo lang ang masasaktan. Kaso mahirap." *Silence* "Alam mo puti. May kwenta ka pala kausap." Nanlaki mata niya at tinaasan ako ng kilay. Aba! Bigla akong pinagpapalo! Problema nito?! "Aray! Itigil mo yan." "Anong puti?! Ano ako aso?! Tska.. Siyempre may kwenta ako kausap!" Tapos pinagpapalo niya ako! Tawa lang ako ng tawa. Siya din tawa ng tawa. Biruin mong.. Parehas pala kami ng sitwasyon.. Biruin mong mapapalagay ang loob ko sakanya e noong una badtrip ako sakanya.. At biruin niyong.. In love na pala ako kay Courtney? <3 "Kean?" "Bea?" Napatingin naman kami sa tumawag sa amin. Bea? Sinong Bea? Baka si Anika! Pagtingin namin.. "Gian?" "Courtney?" Watdapak. Nagsisimula na ba ang ikinatatakot ko?? Ang magkabalikan sila?? At ang iwanan ako ni Courtney? CHAPTER 36 CHANEL'S POV Umalis si Kean. Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin?! Kanina pa siyang umaga. Ai naku! Magcucutting pa siya! Iiwan pa niya ako! Arg! Iiwanan niya ako?! Ako?! "Oh Cha. Bakit naman ang aga aga nakakunot yang noo mo?" "Paanong hindi?! Iniwan ako ni Kean ee. Di pa ako sinama sa cutting. Alam naman na mahina ako sa trigo! Asar talaga yun! Isa pa. INIWAN NIYA AKO!" Mukhang naguluhan siya kung bakit galit na galit ako dahil iniwan ako pero tinaasan ko na lang siya ng kilay. "Woah! Okay. Chill. Osiya. Halika na! Cutting tayo? Ako sasama sayo. ;)" Nagsmile siya! Nakanang! Ang gwapo talagaaa! Haaay. Crush ko na talaga to! Bakit ang cute cute niya?! Pero.. Mas cute si Kean! Pero cute din si Gian! Andameee! "San kayo pupunta?" Napalingon naman kasi sa likod. O__O Gian? Ah. Pare! Wala. Magcucutting! Sama ka?" "Ano ba subject?" "Wag mo na itanong, favorite niyan ang trigo kaya sasama yan sa atin!" Tumawa naman kami ni Gian. Si Jacob mukhang hindi naman nagets. I'm being sarcastic.. Kung may pinagkaprehas kami ni Gian yun ay ang.. BULOK KAMI SA TRIGONOMETRY! Naglakad siya, sumunod kami ni Gian. Ahm. Kakapanibago. Kapag kasi katabi ko siya.. Palagi gusto niya malapit siya sa akin. Baka daw may makanakaw sa akin. Fck! Bakit ba bumabalik ang memories?! Naasar ako! "Bakit ang tahimik niyo namang dalawa? " "Huh? Tahimik naman talaga ako! " "Ano Panget pakiulit nga?.. *napatingin ako sakanya* I mean.. Chanel. " .*nagsmile na lang ako* Kapal mo! Tahimik talaga ako! Ha!. .Pwede ba?! Pasko na! Bawal magsinungaling!. Pinalo ko siya! Anlakas mangasar ee. Nagpapaluan lang kami doon. Haha baliw din kasi si Gian! Si Jacob naman.. Tinawag bigla nina Jerome.. Ahem! Umalis siya at ahem.. Kaming dalawa na lang ni Gian. Nagkatinginan kami. Talk about awkward! "So.. How's life?" "Ahm. Nothing extraordinary." Now playing : Like We used to by A Rocket to the moon. Ang tahimik. Nakakabingi. Ayoko ng ganito.. Bumabalik sa akin ang alaala noong.. Sinabi niyang.. -Break na kami.- Ayoko ng ganito. Maya maya.. Tumigil siya sa paglalakad. Tumingin sa akin. Seryoso. Kinakabahan ako. Ano na naman? May sasabihin na naman ba siya? Ano na naman?! Masasaktan na naman ba ako?! "Ah.. Chanel. Gusto ko lang.. Mag..sorry. For everything. Sa lahat ng luhang nasayang mo dahil t*rantado ako. Maniwala ka, hindi ko ginusto iyon. Sorry. For the broken promises. For.. Leaving you." Naiiyak ako. Naglakad na ulit kami. Nauna na kasi ako. Di ko kayang tumingin sakanya. Tahimik lang ako. Halatang may mali talaga sa aming dalawa. Haay. Naiiyak ako. Kasi.. Nasasaktan ako. Pero.. Natutuwa ako kasi.. Kasama ko siya. Haaay. Bakit ba kasi ganito. Bakit ba kasi.. Kelangan pa niya akong iwan. Ang hirap kaya! Hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay namin.. "Gian." "Panget. Pahawak muna. I miss you. Yung presence mo. Nakikita nga kita pero wala naman yung presence mo. I'm sorry. I'm a jerk I know." Ano bang ginagawa niya?! Ano bang sinasabi niya?! How can I move on kung ganito siya?! Paano ako makakalimot kung ayaw niya akong malimutan siya?! Bakit ngayon pa?! Nagdecide na ako na magmove on. Kaya ko na siyang kalimutan.. Pipiliin ko na si Kean. Bakit pinapagulo niya ang utak ko?! "Gian. This is wrong. You're making it hard for me to move on and to forget you." "I.. I.. Don't want you to forget about me.. To forget about us. Don't." Oh my gosh! This is fcking wrong! This is.. Annoying! After kung masaktan?! He's gonna tell me that I shouldn't move on?! My ghad! "No. It's wrong. You left me. At hindi madali yun. You weren't there nung sobrang nasaktan ako! You were the one pa nga who caused all the pain." Tumungo lang siya. Siguro nasaktan ko siya. Grabe. Nagaalala pa din ako! E nasaktan din naman niya ako. "Gian.. I'm sorry. Hindi ko sinasa--" "No. I'm sorry. Hindi.. Hindi ko dapat sinabi yun. Sensya na. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.. Pero.. Wala. Kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko. Friends na tayo. Friends na lang tayo." Naglakad na siya. Ako naiwan dito. Tama bang.. Sinabi ko yun? Diba ang gusto ko naman ay ang ibalik ang dating merun samin ni Gian. Nagpaparamdam na siya pero kinontra ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! "Chanel!" Napatingin na lang ako sa kanya. Nakangiti siya. At nakapeace sign sa akin. "Hi. I'm Gian Kirby Mercado. 19 years old. Classmate mo sa halos lahat ng subject. Nagiging kababata mo? At.. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko special ka sakin.. Ikaw? Who are you?" Inabot niya sa akin ang kamay niya, nakangiti siya. Andami talaga pakulo ni Gian. For sure.. Ginagawa niya ito para mapanatag ang loob ko. Super kilala na talaga niya ako. At siguro.. Hindi lang talaga siya ang destiny ko.. Or.. Hindi lang talaga ito ang time. Kinuha ko ang kamay niya. Nagshake hands kami. ;) Parehas kami nakatawa. Masaya. "I'm Chanel Courtney Chua. 18 years old. Amm.. Maganda mong classmate sa halos lahat ng subject. Nice meeting you Gian. Special? Baka nagagandahan ka lang sa akin. Hindi kita masisisi niyan." At ayun. Tawa kami ng tawa. Fresh start. New beginning. At least.. Pwede ng kalimutan na ang nakaraan. ;D First step sa pagmove on. Acceptance. Naglakad lakad lang kami.. Ang kulit nga ni Gian.. Nakatingin sa akin at naglalakad palikod. Dami na nga niya nabangga pero wala siyang pakialam! Ako pa tuloy ang nagsosorry! "Ms. Chua.. Kung magiging superhero ka sino ka?" "Kamusta naman Gian ang tanong?!" "Daliii. Sagutan mo na! *pout*" Ang kulit ng lalaking to! Napakamot tuloy ako ng ulo. "Si.. Catwoman! Para.. Sexy! Rawr!" "Sexy daw.. *pinisil niya yung tiyan ko* YAN OH FATS!" Napaatras ako at napasigaw ng.. "Giaaaan!" Napatingin naman sa amin ang mga tao. Nagblush naman ako! Tapos yung isang guy kumindat pa sa akin. Napa O...O naman ako! Bigla namang.. "KINDAT KA PA! Kita ng kasama ko to. The hell pare?! Alam mong may kasama.. Back off dude!" "Sorry. Your girl is hot! Pare. Can't stop!" "Taena.. Bastos ka ah!" Susugudin na sana ni Gian ang lalaki.. Sayang cute pa naman! Kaso.. Pinigilan ko siya. Nilapitan ko ang lalaki at.. "Hot? Ako?" *BOOOOOG* "Aray." "Sorry. Naginit ako ee. :) I'm so hot! Tara na nga at baka.. Manghiram ang lalaking to ng mukha sa aso!" Umalis kami ni Gian. Tawa lang siya ng tawa! Yung lalaki naman sumigaw pa. "Ghad! You're completely my typeee. You're so hot babe!" Ang kuliiiiiit! Aish. Napatingin naman ako kay Gian.. Nanlisik na nga mata ko ee. Tawa ba naman ng tawa! Amp! Tinaasan ko nga ng kilay sabay sabi ng., "What?! Gusto mong mapagaya sa lalaking yun?!" "Kaya mong gawin sa akin yun?!" "~___^+++" "Sungit ah! Natutuwa lang ako. Ngayon na lang ulit kita nakita na makipagbugbugan! Ghad! I miss Chanel's action packed drama." "Drama your face. Hmph!" Pinisil niya cheeks ko! Aw. Aw. Masakit! Amp! "Hahahaha. Namiss talaga kita bebe gurl!" BEBE GURL?! E GANUN ANG TAWAGAN NG MGA KAKLASE KO SA MGA BARKADA NILA EE. BAKLEY NA BA SI GIAN?! KAYA.. HND NIYA AKO KAYA BALIKAN?! Tama naaaa. Keri na eeeeee. :D Happy na kami ng ganito. "Ms. Chua." "Yes? Mr. Mercado?!" "Balik tayo sa usapan natin.. Catwoman!" "Baliw! Ayoko kay wonderwoman. Dami ko kaagaw ee. E ikaw ba Mr. Mercado?! Anong gusto mong superhero?" "Hmm.. Mahirap yan. Kasi.. Kasing gwapo ko na si Superman.. Kasing macho ko na si Batman, kasi bi--" "Gian! Yung tunay!" "Well.. Kung magiging superhero... Ayoko kay SUPERMAN, hnd rin si BATMAN, hindi rin si SPIDERMAN.. Pero.. I'm gonna be YOURMAN. Kailanman!" Ako naman.. O_____O tapos nagsimula na akong tumawa ng tumawaaaa. Ano kaya yun?! Talk about cheesy! Hahaahhahahaha. "Anong tinatawa tawa mo dyan?!" "Cheesy mo panget! Hahaha :D Nakakaloka kaaaa. :D" "Kulit mo. Namiss kita. Payakap nga!" Namula naman ako.. Bigla naman niya akong niyakap sa gitna ng daan. Nanlaki na naman ang mata ko. Pero mga 3 seconds lang ata yun. At inalis na niya. "Namiss ko yun. :)" Ngumiti na lang ako. Haaay. Naguguluhan ako.. Namiss ko din yun kaso.. Si Kean.. Pag nalaman niya to. Mgagalit yun. Magtatampururot na naman yun! :( Ay ewan! Bahala na nga siya! Iniwan niya ako! Amp! "So, Ms. Chua. Saan mo gusto magpunta?" "Well Mr. Mercado, gusto kong magpunta sa.. Canteen! Gutom na ako!" "Kahit kailan ka talaga! Ang takaw mo!" At nagtawanan na naman kami. See. Masaya pa pala ang ganito. Mas okay pa nga ata ang ganito. So.. Ayun. dumeretso na kami sa may canteen. Kaso on the way, O______O Totoo ba ito?! O___O?? Kean and Anika? Nagtatawanan? Nagpapaluan?! Sa ilalim ng malaking puno? Bakit!? "Kean?" "Bea?" "Gian?" "Courtney?" ASTIG! Exchange ng partners.. At.. Kelangan talaga, lahat ng pangalan ng girls yung mga second names nila?! Anika BEA at Chanel COURTNEY. Ano ba naman ito. "Kean? Bakit magkasama kayo ni Anika?" "Siguro same reason kung bakit magkasama kayo ni Gian -___-" Oh my ghad! Sobrang cold. That.. stare. It's so.. cold. Nakaka..takot. Sana sumigaw na lang siya. Sana hilahin niya ako paalis dito.. Wag lang yung tingin na ganoon. "Anika. Let's go." "Where to?" "Anywhere.. Just.. Not here." Tapos lumakad siya. WHEW! Akala ko kasi hahawakan niya si Anika. Pero.. knowing Kean.. Hindi siya basta basta, nagiging CLOSE. Pero kahit na.. What's with them? Noong isang araw lang naman ay ang init pa ng dugo ni Kean kay Anika. Ito na ba yung tinatawag nating "the more you hate, the more you love?" EEH! WAG NAMAN! >___< "Chanel? Okay ka lang? Bakit.. Are you. Jealous?" "Jealous? Sa kanila. NO WAY JOSE! Hahah :D Atsaka, wala naman silang ginagawang masama ee. :) anyways, let's eat na lang. NAUBOS ENERGY ko sa kanila!" So pumunta kami ni Gian sa Canteen. HEHE! Naiinlove na naman ako sakanya. Sabagay. Kelan nga ba ako natigil mainlove sakanya?! Sa small canteen kami nagpunta. Ito yung parang mga stalls lang ang tinda. And! EH NAMAN! Ang laki talaga ng University na to! Sa sobrang laki.. Nagkasalubong na naman kami nina Kean at Anika. Si Anika hindi pinapansin si Gian. Si Gian.. parang walang pakialam. SIGURO nag L.Q! Kaya ako ang takbuhan ni Gian. Ouch! So ganun na lang yun?! Panakip butas lang kapag LQ sila! "Dito na lang/Dito na." Napatingin naman ako sa nagsabi.. si KEAN! Ansama na naman ng tingin niya sa akin. PROBLEMA NIYA?! Naglilihi ba siya sa akin?! Kanina pang umaga yan ha! Ano bang ginawa ko sakanya?! T___T KAPAG sineswerte ka nga naman oh! Andaming tao sa canteen and guess what. Ito na lang ang table. Three Chairs nga lang. Sino ang mawawalan?! "Pwede makishare?! *sarcastic*" ARG! KEAN! I want to punch you! Why are you so cold?! Itabi mo nga ako sayo.. Coz I'm hot! haha. NAKANANG! Bumanat :D So ayun, magkakatabi kami sa upuan. Si Kean humingi pa ng upuan sa isang table para.. MAKAUPO SI ANIKA! Pinalo naman siya ni Anika. Bakit kelangan may palo?! Ano bang ginawa.?! "Chanel?" "Huh?" Haay naku! Kanina pa pala ako kinakausap ni Gian! Ano ba yan. Kasi naman tong si Kean eh! "I was just saying na bibili ba tayo ng food?" "Oo nga. Sorry! Badtrip kasi tong si Kean eh!" "Selos ka kasi kasama si Bea?" "Nyeee. Asa pa! Kasi naman. Ginugulo yung date.. I mean, yung pag cucutting natin. Di ko tuloy naeenjoy! Stupid Kean!" "Alam mo, nagdadate tayo.. I mean yung kilay mo! Nakakunot ka na naman diyan!" Kinilig naman ako doon sa nagdadate kami.. Ay yung kilay ko pala! Haha. :P Gian never fails to make me smile. :) "Gian. Ayoko na sa small canteen. Mainit. Alis na tayo." "Osige." Bumalik kami sa table. Kinuha ang mga bags namin si Kean naman tawa pa din ng tawa katabi si Anika. Arg. Like.. Hello?! Andito ako! Umalis na nga kami doon at pumunta sa isa pang canteen. Humanap na kami ng store, wala namang prob kasi sanay na kami ni Gian kung saan kami bibili ng food. Doon kami sa store ni Ate Mikmik. Masarap kasi yung spag niya ee. ;) Tapos masarap pa yung Milk Shake niya! "Isa nga pong spa--" "Halaaa!! Kayo na ulit?! Haaay. :) Buti naman nandito na ulit kayo! Isang spag at isang carbonara with mango and strawberry shake?" Nagkatinginan na lang kami ni Gian. Tapos tumawa! Kasi naman si Ate Mikmik ee. Nagwala na! Joke. Kilala na niya kami kasi dito nga kami palagi nabili ng food before. Tapos crush daw niya si Gian! Haha. Si Ate kasi ay mga.. 25 pa lang! Yung canteen na ito kasi namin hindi siya yung parang small canteen na puro stalls. It's like a big gym na sa loob ay puro small restaurants. Ayun! Bukod sa masarap ang food ay puro pink. Tapos hindi siya basta table kasi.. May mga cushion sa loob tapos pwedeng sa floor ka umupo. I can't describe ee. May hawig nga to doon sa ice cream parlor ni Sir Marco kasi pink din yun eh! "Bakit kayo natagalan dito?! Bakit hindi pa kayo bumbalik?! Siguro.. Pinagpalit niyo na ang store ko nuh?? Haay. Araw araw hinihintay ko kayo dito!" Haha! Ang cute niya ha! Para siyang ate na ayaw payagan ng mom niya na magpakasal! "Haay naku! Bakit nga ba hindi na kayo nagpupunta dito?" *Silence* "Eh kasi po nagbreak kami. :)"
Download 3,73 Mb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   ...   8   9   10   11   12   13   14   15   ...   35




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish