Calvin Klein Go



Download 3,73 Mb.
bet34/35
Sana25.06.2017
Hajmi3,73 Mb.
#14996
1   ...   27   28   29   30   31   32   33   34   35
<3>KHUNTORIA LANG! Noong nagpunta sila sa Thailand! Aaaah. Nichkhun (2PM) and Victoria F(X) Forever! Kpop idols sila! ;"> Kainis. Kinikilig ako. "Oh bakit ka ngumingiti magisa diyan?! Iniisip mo ako noh?!" "Asa ka naman!" "Kelan ka ba sasagot ng.. 'Oo naman. Hindi ka naman nawawala sa isip ko' Ha?!" "Bukas na lang. Promise." "=____=+" "Pikon ka talaga! Oh subo." Tapos sumubo siya. Cute lang. Pakain lang ako ng pakain habang drive siya ng drive. "Yah. Kean. Yah." "Oh? Ingay mo." "Kapag ako namatay--" "Susunod ako." Anubeee. Hindi pa tapos ang sinasabi ko eh! Nakakainis to! Kinikilig tuloy ako dito. "Hindi yun. Aish nako. Wag na nga." "Pag ikaw namatay. Sisiguradihun kung una ako!" "Aba. At iiwan mo akong luhaan dito sa lupa??!" "Tiyanak ka talaga! Hindi naman yun!" "Eh ano pala?" "Siyempre dapat mauna ako sayo sa heaven kasi.. Baka maunahan pa ako ng iba. Baka maunahan ako ni Gian. Ni Jacob. Pati ni Calvin." "So papatayin mo na rin sila ganun?!" "=___= Sa lahat ng engot ikaw ang Pinaka." "ANO??" "Pinakamahal ko! Ikaw naman!" "Ah. Buti naman!" "Pero balik sa sinasabi ko. Ako dapat mauna sa heaven kasi sayo maraming nakapila. Eh ako.. Alam ko naman. Kahit sa kabilang buhay ikaw pa rin ang pipiliin ko!" KYAAAAAAAAAAH! O////O ANG CHEESY! "Oo na. Sige na. Lagi mo kong pinagbibintangan ng madami lalaki. Eh mas madami kang babae!" "Sino?!" "Cassandra. Dara.. Si.. Si.." "Ano?! Sino?!" "YUNG LAHAT NG CLASSMATE NATING GIRLS MAY GUSTO SAYO!!!" "Wala na tayong magagawa diyan.. Well.. Pogi eh." *Pak* Kainis. Ang yabang! "SWEET MO! NAKU! PASALAMAT KA MAHAL KITA KUNG HINDI!" "Kung hindi ano?" "Baka naligawan na kita!" ;"> Kahit medyo walang connect yun kinilig pa rin ako! Kainis! "Andito na tayo." Napa WOW ako. Shet. Ano to?! Bakit andito kami?! "Inupahan mo itong yatch?" "Oo. :) Teka diyan ka lang ah? May kakausapin lang ako sa loob." Nandito lang ako sa may labas. Woooooah! Ang ganda. Ang laki. Waaaaah. Sana akin na lang to! Ang sarap ng hangin sa dagat. Malamig nga lang pero ayos lang.. Hanggang sa may marinig ako.. "Maaamaaaaaa. Mamaaaaaaa. Huhuhuhu. Mamaaaaaa. Mamaaaaaaa!" May isang batang lalaki. Iyak ng iyak. Paikot ikot. Sigaw ng sigaw ng mama. "Mamaaaaa. Bumalik ka naaaa." Ang sakit lang. "Oo! Chanel. Maawa ka sa akin please. Kailngan ko ang anak ko." "Bakit po kailangan ko pang lumayo?! Bakit kailangan ko pa siyang iwan?! Hindi ko naman po siya ipagdadamot sa inyo!" "Dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Dara. Dahil dahil sakanila, naging maganda ang buhay ko. Sila rin ang tumulong sa akin sa pagpapagamot ko. Pero. Malala na. May taning na ang buhay ko. MAMAMATAY NA AKO CHANEL. Kailangan kong makasama ang anak ko. Hihiramin ko lang naman siya eh. Pag namatay ako sayo na ulit siya." "Tita. Wag ka namang magsalita ng ganan." "Chanel. Please. Isa pa.. Matutulungan ko ang Mama mo at si Ken sa problema nila sa kumpanya. Ako ang tutulong sa kanila. Please. Give me back my son." **End of flashback. Yung batang umiiyak. Yung batang yun. Yun ang sign ni Papa. Ramdam ko. Yun. "Courtney!" Nakita ko siya. Kumakaway sa akin. Nagflying kiss pa. Bumaba siya para sunduin ako. Umakyat kami sa yacht. May set up sa taas. Ang romantic. "Courtney! Maganda ba?" "Huh? Ah. Oo." "May problema ba??" "Huh--Wala. Pagod lang." "Ganun." Tapos nagsignal siya sa mga player ng piano na tumugtog. Ang ganda. Ang galing. Kiss the rain ni Yiruma ang tinutugtog. Tapos pinaupo niya ako sa table. Binigyan niya ako ng isang bouquet ng pink na roses. Ang ganda. Napangiti ako. Nakita ko ngumiti din siya. Nagserve na ng pagkain yung waiter. Nagsimula na kami kumain. Sinimulan ko na ring sabihin ang dapat kong sabihin. "Kean.. Diba mas okay kung.. Sasama ka na sa Mama mo?" Natigilan siya. Muntik na niya matapon ang wine. Tumingin siya sa akin. Halatang gulat. "Ano bang sinasabi mo diyan Courts. Gutom lang yan. Oh. Kain na. Madami talaga yan. Lam kong matakaw ka." "Sumama ka na lang sakanya. Sa California. Mas okay yun." Noong narinig niya iyon. Napahinto siya.. Tapos pasalin salin lang siya ng wine tapos inaayos yung kandila na ayos naman. Halata namang.. Wala siya sa focus habang ginagawa niya yun. Hindi ko na mapigilan.. Pumatak yung luha ko. "Kean. Mahal na mahal mo ang Mama mo db? Sumama ka na sakanya. Kailangan ka niya. Isa pa.. Makakatulong to sa business nina Mama at Papa.. Yung business ng Mom mo.. Makakatulong kina Mama at Papa. E di, lahat ng problema maayos na. Lahat magiging masaya na." Pumatak ang luha ko nun. "Kean. Makinig ka naman sa akin. Seryoso ako. Kean. Sumama ka na sakanya." Si Kean naman inilagay yung hawak hawak na wine sa table. "Ano ba Courtney. Tigilan mo nga ako. Kumain ka na lang. Masarap yan." "Kean kasi.. Seryoso ako.." Pero hindi niya ako tinitingnan. Hiwa siya ng hiwa ng meat. "KEAN PATRICK!!! SUMAMA KA NA SA MAMA MO PLEASE!" Tapos natigilan siya. Nakita ko, nagkaroon ng pain sa mukha niya. Sh*t ang sakit. Bakit ko ba to ginagawa? "ANO BA! ANO BANG PROBLEMA COURTNEY?!" Sumigaw siya. "Bakit ba?" Tapos naging soft yung boses. Yung tipong naiiyak na gusto itanong kung anong nangyayari. "Bakit ganito? Ayaw mo na ba sa akin? Courtney? Am I not enough? Sobrang nakakasakal na ba ako? Courtney.. Ano!? Ano bang problema? Anong problema sa atin? Sabihin mo. Gagawan ko naman ng paraan eh. Courtney." Pinunasan ko luha ko. Kailangan kong maging matibay. Kailangan kong ipakita na hindi ako affected. "Please. Sumama ka na lang sa Mama mo. Yun lang. Yun na lang gawin mo." "BAKIT MO BA AKO TINATABOY KAY MAMA?! BAKIT BA NGAYON.. PINIPILIT MO AKO NA SUMAMA SAKANYA! Courtney. Kapag sumama ako sakanya.. Ipapakasal niya ako! Ilalayo niya ako! Ilalayo niya ako sayo!" "Yung pagpapakasal na yan.. E di wag kang pumayag. Kaya mo naman hindi-an yan db? Basta.. Sumama ka na lang sa Mama mo. Kailangan ka niya." Ang pagsasalita ko, emotionless. Patuloy na pumapatak ang luha ko. Tapos nakatitig lang ako sa kawalan. 'Kean.. Masakit. Alam mong hindi ko to gusto. Pero.. Kailangan ka ng Mama mo. May sakit siya. May cancer siya! Alam kong mahal na mahal mo siya. At kapag pinagdamot kita alam kong kasusuklaman mo ako. Dahil sa.. Hindi ko sinabi sayo. Ayokong.. Magalit ka sa akin kapag nawala si Tita.. Ayokong, kapag namatay siya sisihin mo ako at hindi kita ni let go.' Gusto kong sabihin sakanya lahat. Pero sabi ni Tita wag ko daw sabihin.. Kasi.. Ayaw niya malungkot ang anak niya sa nalalabing oras niya. "Isa pa.. Tinanggap ko na yung inaalok samin ni CK na pagmomodel. Makakatulong yun para mabawi ni Papa at Mama ang nawala sa negosyo nila." Pumapatak ang luha ko pero nakangiti ako kay Kean. Hindi ko na alam.. Ano bang sinasabi ko?! Bakit.. Aish. Sorry Kean. Please. Nasasaktan rin ako. Please. Wag ka namang iiyak. Tanggapin mo lang to ng maluwag. Para hindi ako mahirapan. "COURTNEY! BAKIT BA PURO NEGOSYO ANG NASA ISIP MO?! KAYA KITANG BUHAYIN. HINTAYIN MO LANG NA MAKAGRADUATE AKO. LAHAT NG TRABAHO PAPASUKAN KO. PANGAKO. MISKI BASURERO. TAKATAK BOY. KAHIT ANO! BAKIT PURO NEGOSYO?! BAKIT KA PUMAYAG?! Ano bang problema? May problema ka ba?" "Kean! Andaming problema! Sobrang daming problema! Kean.. Hnd mo ba ako maintindihan?! KEAN NAMAN! INTINDIHIN MO AKO!" "Wala! Wala naman kasing problema! Ayos tayo! Ayos pa tayo! PANO KITA MAIINTINDIHAN?! HND KO ALAM KUNG BAKIT MO GINAGAWA ITO. BAKIT COURTNEY?!" "Tayo ayos! Pero yung mga tao sa paligid natin hindi! Kean.. ayokong maging madamot! Kean. Ayokong masaktan sila kasi iisipin ko lang ang sarili ko! Alam ko din na gusto mo ng makasama ang mama mo. Gawin mo na.. Habang hindi pa huli ang lahat. Kailangan ka ng mama mo!!" "BAKIT MO BA AKO TINATABOY!? Bakit ba?!" Hindi ako sumagot. Bakit kita tinataboy? Sa tingin mo ba gusto ko yun?! Hindi!!! Masakit! Masakit rin para sa akin! "Osige. Osige. Pupuntahan ko si Mama. Babalik ako sakanya. Gagawin ko ang gusto mo. Palagi ko namang ginagawa ang gusto mo diba? Pero.. Pero.. Sasama ka sa akin! Sasama ka sa akin." "Hindi nga pwede. Alam mong ayaw sakin ng Mama mo. Isa pa.. Natanggap ko ang trabahong inalok sa amin ni CK. Alam mong pangarap kong maging model. Db? Magiging masaya ako doon. Magiging masaya ako pag natupad ang pangarap ko!" Tumayo siya sa table. At biglang.. Lumuhod si Kean sa harapan ko. Ako naman.. Nakaupo pa din, tulo lang ng tulo ang luha ko. Masakit. Yun. Ang nararamdaman ko. Lahat ng sinasabi ko, salungat sa nararamdaman ko. Pero.. Lahat maaayos sa gagawin kong ito.. Lahat. Ang negosyo. Si Tita. Lahat.. Magiging masaya lahat. Kami lang ni Kean ang magsasakripisyo. Tiis lang Kean please. Tiwala lang. "SABI MO DI MO AKO IIWAN KAHIT KAILAN! SABI MO LALABAN TAYO?! T*NGINA COURTNEY. BAKIT MO AKO TINATABOY?! SABIHIN MO LANG KUNG HINDI MO NA AKO MAHAL! WAG MO LANG AKONG ITABOY! ANG SAKIT KASI." Dahil sa sinabi niya, bumigay na talaga ang luha ko! Paano niya nagagawang sabihin na hindi ko siya mahal?! PAANO?! Eh lahat ng ito ginagawa ko para sakanya! Dahil mahal ko siya! Dahil ayaw kong magtanim siya ng galit sa akin! 'Mahal kita. Mahal na mahal. Ano ka ba. Don't doubt my love for you, sa lahat ng mga bagay na sinasabi at nararamdaman ko, yung pagmamahal ko na lang sayo ang sigurado ako.' Gusto kong sabihin, pero wala akong lakas ng loob. Baka magulo lang ang lahat. Baka malaman niyan nagsisinungaling lang ako. Lumuhod siya.. Hinawakan ang dalawang braso ko.. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Masakit. Pero sige.. Ayos lang.. Ang lamig na nararamdaman ko ngayon.. Parang, may parte ng buhay ko ang mawawala. "Wag namang ganito Courtney. Wag ka namang umalis. Sabay na lang natin harapin ang Mama. Para maayos ang lahat." Hindi pwede. Napagkasunduan namin ng Mama mo, na aayusin niya lahat ng problema ng pamilya natin.. Kung iiwanan kita. Kung lalayo ako sayo. Para sumama ka na sakanya. "Hindi pwede. Gusto ko ngang.. Magmodel. Pangarap ko yun Kean!" "T*NGINA NAMAN! IPAGPAPALIT MO AKO SA PAGMOMODEL?! COURTNEY NAMAN! COURTNEY! Kaya naman kita tulungan doon! HINDI AKO MAGSESELOS! Promise! Kahit na ilantad mo yung buong katawan mo sa mundo ayos lang, kahit na marami kang fans na lalaki ayos lang, kahit na kumiss at maghug kayo sa harapan ko ayos lang. Kaya kitang suportahan! Gagawin ko lahat yun! PANGAKO! WAG MO LANG AKO IIWAN! Wag naman Courtney. Wag naman please." Inaalog alog niya ako. Pero.. Nakasmile pa din ako sakanya. Pero lumuluha ako. Weird huh? Siya naman.. Nagumpisa na siyang umiyak. Nakaluhod siya. Binitawan niya ang hawak niya sa braso ko. Yung ulo niya nasa may tuhod ko.. Ang kamay niya nakahawak na sa kamay ko. "P*ta naman Courtney. Wag kang ngumiti. Please. Wag mo namang ipakita sa akin na masaya ka pang pakawalan ako. Utang na loob." Sa sinabi niyang yun, sobrang sumakit yung dibdib ko. 'Paano? Paano ako magiging masaya sa ganito? Paano? Ang sakit. Ang sakit sakit makita kang umiiyak. Nakaluhod. Ako dapat nagpapasaya sayo. Pero, ito ako, nagbibigay ng sakit at sama ng loob sayo.' Habang nakaluhod, ramdam ko yung luha niya sa may tuhod ko, dahil yung ulo niya nasa may tuhod ko. Tapos yung paghawak niya sa kamay ko, hindi mahigpit. Yung hawak na.. Wag kang mawawala sa akin kasi kaya naman kitang protektahan. "Courtney. Wag naman.. Wag mo naman akong iiwan ngayon. Ngayon pa? Andami na natin napagdaanan. Please. Please naman.. Wag mo muna akong iiwan. Please naman. Mahal na mahal kita eh" Lalo na kung umiyak. Ang sakit. Tama ba ang desisyon kong ito? Siguro naman maiintindihan niyo ako diba? Kailangan ng tulong ng Mama at Papa. First time ko lang makita ang Mama ng naiyak. Ang Papa.. Kahit di nagsasabi, alam ko sa kabila ng pagpapatawa niya nahihirapan na siya. Pinaghirapan nila ang mga kumpanyang yun. Si Mama.. Ang company namin ay ang nagiisang alaala ng Papa ko sakanya. Si Papa ni Kean.. Andami na niya nagawa sa company, di ba hindi niya nasubaybayan ang paglaki ni Kean dahil doon. Kaya sila nagkagalit dahil sa company?! Ayokong.. Mamiss ang opportunity na ito dahil sa pagiging selfish ko. Si Tita.. She is dying. Cancer. Kaya siguro nagawa niya ang mga bagay na yun. Kaya naging masama ang ugali niya. Kailangan niya ang anak niya. Ayokong.. Kapag namatay si Tita *sana naman po hindi* at nalaman ni Kean na may cancer siya at hindi niya napuntahan ng mga oras na kailangan siya ni Tita ay magalit siya sa akin dahil ipinagdamot ko siya. Ayokong.. Masumbatan ni Kean. Dahil ngayon.. May choice ako.. And I'm choosing to let go. At magparaya. Naiintindihan niyo naman ako db? Isa pa.. Nakaya ko na naman maiwan dati db? Nakaya ko ng magisa.. Pero ngayon.. Wala ng Kean na pwedeng yumakap sa akin pagkatapos nito.. Wala ng Kean na kasama ko magcelebrate ng birthday ko. Wala ng Kean na mambabara sa akin ng mga jokes ni Vice Ganda. Wala ng Kean na manggugulo ng buhay ko. Wala ng Kean na sasalo sa lahat ng kapalpakan ko.. Kasi.. Si Kean na mismo ang iiwan ko. Pero.. Aalis lang naman ako db? Hihiramin lang naman siya ni Tita diba? Magiintay ako kay Kean. Magbabalik naman ako para sakanya diba? Kung makasurvive naman si Tita.. Ibabalik niya sa akin si Kean db? Tutupad naman siya sa deal db? Diba? "Courtney.. Alam mo namang.. Natatakot akong maiwan na naman.. Alam mo namang, ayokong iiwanan ako ng mga mahal ko db?! Bakit mo ginagawa sa akin to. May kulang ba ako? Palagi ba kitang inaasar? Swear.. Titigil na ako.. Kulang pa ba ang pagiging sweet? Promise next time araw araw may ihahanda akong surprise para sayo.. Sasalubungin kita ng rose. Gusto mo yun db? Ipagluluto kita. Pra breakfast in bed ka palagi. Gagawin ko yun.. Wag mo lang akong iwan please. Wag kang umalis." Tumingin siya sa akin.. Umiiyak siya. Kitang kita mo yung sakit. Kean.. Sorry. Palagi na lang kita pinapaiyak. Wala na akong naidulot na maganda sayo. Sorry. :'( Hindi ko to gusto. Ayokong iwan ka. Pero kailangan ee. "Alam mong.. Di ko kaya. Courtney. Di ko kayang mawala ka." Noong sinabi niya yun. Parang.. Gusto ng mamatay ng puso ko. Alam mong di ko din kayang mawala ka.. Pero wala na akong magagawa. Para sa ikabubuti ng lahat ito. Para sayo din to. Para sa mama mo. I know.. Papasalamatan mo din ako sa gagawin ko. Tumayo na ako. Hindi ko na kaya to. Sobrang masakit na. Kulang na ang pagiyak. Kulang na kulang. Hindi ko na kaya ang sakit. Kean.. The thought of leaving you kills me.. Paano pa kaya kapag wala ka na sa tabi ko. Baka hindi ko kayanin. Kean. Pagtayo ko.. Niyakap niya ako from behind. "Wag. Wag. Wag kang tatalikod sa akin. Wag.. Wag kang umalis. Please. Wag mo akong iwan. Courtney. Diba.. Kaninang umaga lang.. Sabi mo excited ka para sa date natin. Masaya ka pa ah. Sabi mo mahal mo ako. Mahal mo pa ako kanina ah! Tapos noong dinalaw natin puntod ng papa mo masaya pa tayo ah! Sa kotse ang sweet natin ah! Bakit ganito na?! Hindi ako tanga.. Alam kong mahal mo pa ako.. Bakit ganito.. Bakit iiwan mo ako?! Bakit mo ako tinataboy kay Mama?!" Bumigay na ako. Hindi ko na kayang ngumiti. Lalong masakit. Sobrang.. Ayokong gawin to. Bakit ba.. Kelangan maging ganito kagulo ang lahat?! Hindi ba't parang noong isang araw lang, natapunan ko pa ng juice ang masungit na nilalang na ito. Tapos sabi pa niya 'matutuyo ba ako ng sorry mo'.. Ngayon bakit ganito na?! Hindi ko na kaya.. "Kean. Mahal kita. Pero kailangan lang natin na maghiwalay. Hindi lang siguro tama na magsama tayo ngayon.. Hindi to yung oras natin.. Bumalik ka sa Mama mo. Magmomodel ako. Diba nga sabi mo sa akin dati.. If two people are meant to be no matter what happen sila pa din. At naniniwala ako.. Sayo. Magiintay ako. Magiintay ako sayo." "Bakit kailangan mo pa magintay?! E di.. Wag mo na lang ako iwan. Bakit ba kayong mga babae ang hilig niyo gawing kumplikado ang mga bagay." "Basta." Di ko pwedeng sabihin sayo. Dahil gumawa ako ng promise. Haaay. Pero.. Bakit parang.. Gusto ko ng magbago ng iniisip. Pwede naman siguro magback out sa deal db? Sasabihin ko kay Kean ang lahat.. Gagawa kami ng Paraan para maayos ang lahat. Baka pwede yun. Siguro mas okay yun. "Ke--" "Sasaya ka ba talaga sa pagmomodel mo?" Nagulat ako sa tanong niya. Umalis siya sa pagkakayap niya sa akin. Nakatalikod ako sakanya. Mukhang.. Tanggap na niya ang lahat ng sinabi ko sakanya.. Mukhang ayos na sakanya.. Bakit ko pa babawiin. Lalo lang gugulo diba? Maghihintay na lang. Hihintayin ko na lang siya. Pinunasan ko ang luha ko. Ngumiti ako. Ngumiti muna ako bago humarap sakanya. "Oo. ^____^" Tumingin lang siya sa akin. At nakita kong.. May pumatak. Kasi.. Kuminang dahil sa ilaw. Luha. Masakit bang makita na masya ako? Ang kaligayan ko ba ay pain niya? Sabagay.. Hindi naman ako masaya. Pilit lang ang tawa ko. Magaling ako umarte. At lahat to.. Arte lang. "Courtney.. Ang sakit." Tumalikod na naman ako. T*ngina. Di ko na napigilan ang luha ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Ang sakit na makita at marinig sakanya na nasasaktan siya. Si Kean ang tipo ng tao na.. Itatago ang nararamdaman. Kahit nahihirapan siya. Papalabasin niya na okay siya. Parang ang Papa niya. Pero.. Ngayon. Sinabi niya na 'Masakit'. At alam ko nasasaktan talaga siya. Bawat patak ng luha niya.. Mahalaga. At hindi niya dapat sinasayang sa akin yun. Ako ba ang tanga?! Ako ba ang dapat sisihin? O ang pagkakataon ang dapat sisihin?! Pagkakataong to.. Mali. Lahat mali. Ayos naman kami ah. Ayos naman kami. Bakit.. Ngayong araw na ito. Nagulo lahat. Ang tagal namin nilabanan ang tadhana. Ang tagal naming lumaban.. Ngayong araw.. Sumuko ako. Sumuko ako. :'( "Courtney.. Mahal kita sobra sobra." Humarap ako sakanya. Napuno na ang mukha niya ng luha.. Kumirot ang puso ko. Sino bang hindi? Masakit makita siyang ganito. Dahil hindi naman siya ganito. Oo masungit siya at palaging nakakunot ang noo niya at palaging magkasalubong ang kilay niya. Ganun. Ganun si KEAN PATRICK PADUA. HINDI BASTA BASTA UMIIYAK. Pero heto siya ngayon. Sa harapan ko, umiiyak. Kasalanan ko ito. "Bakit mo ako iiwan?! Bakit mo ako itataboy sa nanay ko?! Hindi mo na ba ako kayang ipaglaban?! Pagod ka na ba??! Sabihin mo lang naman ee. Tutulungan kita. Alam kong may dahilan ka.. Kilala kita. Pero.. Bakit ba ayaw mong sabihin. Ano ba yang dahilan na yan na pati sa akin tinatago mo." Bakit ba kilalang kilala na ako ni Kean?! Bakit ba.. Palagi niya ako nabubuko?! Kahit kailan hindi ako mapapagod sakanya. Kahit kailan.. Hindi ako mapapagod lumaban basta kasama siya. Kean! Kailangan kong gawin to. Kean.. "Hahaha." Nagpeke naman siya ng tawa pinunasan ang luha niya. "T*ngina. Ang sakit. Ang sakit! Ang sakit talgaaaa!" Lumapit siya sa isa railings sa tabi ng yacht. Bigla siyang sumigaw. "T*NGINAAAAAAAA! IIWAAAAAAN LANG NAMAN AKO NG BABAENG MAHAL NA MAHAL KOOOOOO! ANAAAAK NG INA NAMAN OH! MINSAN NA NGA LANG MAGMAHAL MAWAWALA PAAAA! IIWAN KA PA! BAKIT BA PALAGI AKONG INIIWAN?! MASAMA BA AKO?! DI NA NGA AKO NAGPAPAIYAK NG BABAE EH! SIGE SA SUSUNOD LAHAT NG BABAE PAPAIYAKIN KO NAAA! SUMPA YAN! P*TAAAA! ANG SAKIT! PLEASE LORD! ALISIN NIYO TONG SAKIT! GAWIN NIYO AKONG MANHID! MASAKIT!" Tapos, tumigil siya. Napansin ko nagpahid na lang siya ng luha. My ghad! Nagkakaganito si Kean dahil sa akin. Napaluhod na lang ako. Nanghihina na ako. Kulang na ang lumuha sa sobrang sakit. "CHANEL COURTNEY CHUA!! MAHAL KITA!! BAKIT MO AKO IIWAN?! MASAKIT! UTANG NA LOOB! MASAKIT! PATAYIN NIYO NA AKO! PATAYIN NIYO NA AKO!!!" Hanggang sa narealize ko na, tatalon siya sa dagat!!! Tumakbo agad ako para pigilan siya. Siyempre naman! "SIRA ULO KA BA TALAGA?! SIRA ULO! BAKIT KA TATALON DIYAN?!" "IIWAN MO NA AKO! ANO PANG SILBI NG MABUHAY!!!" Umiyak ako. Maghihiwalay na nga kami. Nagagawa pa niya magpakilig. Anak ng ano naman oh! Yinakap ko na lang siya. Mahigpit. Huli na ito. Huli na. "Kean. Three words. Eight letters. That's what i feel for you." "Bakit mo ako iiwan? Mahal mo pala ako bakit mo ako iiwan?!" Mahal nga kita, bakit nga ba kita iiwan?! Hindi kita gustong iwan. Please. Intindihin mo ako. Wag ganito. "Mali. Iiwanan kita kasi Mahal kita." Mukha namang nalabuan siya. Siyempre. Hindi niya alam ang dahilan. Pero kapag nalaman niya ito.. Siguro huli na ang lahat. :( Parehas lang kami natahimik, nakayakap ako sakanya. Siya naman ganoon rin. Ang higpit. Yung tipong ayaw mong umalis sa yakap. Yung tipong nanaisin mong ihinto ang oras. Ayokong gawin ito. Pero iba ang GUSTO sa KAILANGAN. Kailangan ko itong gawin. Dahil sa yakap naramdaman ko na medyo kumalma siya. "Magiging.. Masaya ka ba talaga dito." 'Ako? Sasaya? Ng wala ka? Umasa ka pa! Hindi ko kaya ng wala ka Kean. Hihintayin kita. Kasi.. Walang silbi ang buhay kapag wala ka.' "Oo. Sasaya ako dito." Umalis siya sa pagkakayakap. *Pling* Nagsnap siya ng fingers. Namatay lahat ng ilaw. "Courtney.. This day, i thought.. You'd be mine forever. I never expect na ang day na akala ko ganoon will be the day I'm gonna lose you." (Now Playing : Dang Sin-eun Naneun Baboimnida) Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Pero.. Napatingin na lang ako sa langit. O______O What the Ef?! Hindi ko napigilan ang luha ko. May jet sa ulap.. Kahit gabi na. At kahit madili mkkita mo pa rin na nagform siya sa langit ng.. "Will you Marry Me Courtney?" Hindi ko na napigilan. Umiyak na ako. May tunog. Ang lakas ng iyak ko. Napaluhod ako sa sakit. Ngayong araw pala. Kaya pala naghanda siya. Kaya pala ganito. Kaya pala ang formal, kaya kelangan ko magayos at magsuot ng dress.. Dahil sa magpropropose siya sa akin. Yun ang pinakamasakit sa lahat. Yung parte na ito. Sobrang lakas talaga ng iyak ko. Pati yung mga waiter sa gilid kita ko naiyak na. Nakalimutan kong may tao nga pala. "Hahahaha. Maganda ba Courtney? Natuwa ka ba babe? Kasi.. Gusto kong makita ang stars.. At gusto ko ang 'CLOUD' ang magtatanong sayo kung pwede kita pakasalan." Nagpepeke siya ng tawa pero, kita ko tulo ng tulo ang luha niya. At ang higpit ng kapit niya sa railings na parang gusto niya durugin ang railings.. "Mahal yan. Parang yung nararamdaman ko sayo. Mahal kita. Hahaha. Corny. Pero.. Courtney.. Nagipon talaga ako para dito." "*malakas na iyak*" "Lahat ng savings ko.. Dito ko ginamit. Ayaw naman ipagalaw nina Papa dahil plano namin to. HAHAHA. Hindi ko alam na papalpak." Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong bawiin ang lahat. Gusto kong sabihin na 'Yes Kean. I want to marry you.' Dahil yun naman talaga ang matagal ko ng gusto. Yun naman talaga ang hinhintay ko dati pa. Kung nagsimula kami sa pretend.. At least naging totoo.. "Ngayon.. Akala ko magiging akin ka na.. 'Forever'. Pero.. Ngayon pala matatapos ang inaakala kong 'Forever'." Ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa buong paligid. Pati ang ulap.. Ang mga bituin. Ang buwan. Pakiramdam ko.. Pati sila nalulungkot. Dahil sa nasasaksihan nila. "Pero.. Mahalaga sa akin ang happiness mo. Ang kaligayahan mo, kaligayahan ko din. At kahit masakit.. Tatanggapin ko. Kakayanin ko lang maibigay lang ang kaligayahan mo.. Kahit na.. mamatay na ako sa sakit. Kahit na.. Mamatay na ako sa lungkot.. Gagawin ko, mapaligaya ka lang Courtney." Humarap siya sa akin.. Itinayo niya ako. Pinunasan niya ang mga luha ko. Nakangiti siya.. Pero napatak pa din ang luha niya. "Kahit na sira sira na ang make up mo ikaw pa din ang pinakamagandang babae sa paningin ko. Maswerte ako at minahal ako ng isang tulad mo. Pero.. Ngayon.. Isusuko na kita. I will let go.. Remember yung sinabi ko sayo dati.. When I know things are not meant for me.. I learn to let go." Pinupunasan niya ang luha ko, tapos hinawakan ang pisngi ko. At tinitigan ako. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. "Kahit masakit.. I should accept.. That the best thing that ever happened to me, is not meant for me. I will.. Let you go." Pinunasan ko ang luha niya. Tapos ngumiti siya. Aakalain mo hindi pilit, pero hindi naman maikukubli ng mata niya ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman. Hinawakan niya ang pisngi ko. Unti unti siyang lumapit. At ang aming mga labi ay naglapat. Last Kiss. Our last kiss. We were kissing while tears are falling. Masakit.. Ayokong ilet go niya ako. Pero ako naman ang humihiling nito diba? Ako naman diba? Maya maya, tumigil na kami. Nakatingin sa mata ng isa't isa. Kinuha ni Kean ang kamay ko. At inilagay niya ang isang PINK na box. Binuksan ko.. O_____O Tears start to fall.. Again. Box. Laman niya ang Engagement ring dapat. "Para sayo naman talaga yan. Ayokong itapon. Dahil parang tinapon kita.. Hindi ko kaya yun. Kaya ito. Sana ingatan mo. Pwede mong itapon.. Bahala ka na. Yan naman ay Alaala ko man lang sayo. Lahat yan pinagipunan ko. Astig ba? Ayos naman diba? Ha! Astig ako. Gwapo pa. " Sa pagbibiro niya lalo naman ako napaiyak. Mamimiss ko yung ganang ugali ni Kean! Lord please tell me I'm dreaming. And tomorrow when I wake up.. Kean is beside me. Lord please tell me a lie. :( To ease my pain. "Three words. Eight letters. Thanks for accepting those words. Thank you for accepting my feelings and giving three words and eight letters in return. But.. I'll let you go. If that would make you happy. I will let go." Unti unti siyang lumayo sa akin. Pinunasan niya ang luha ko. "Ayokong nagpapaiyak ng babae. Lalo ka na. Kaya wag kang iiyak sa akin. Don't shed a tear for me.. They are precious." Pagkatapos niyang alisin ang luha ko. "Smile. Yun ang gusto kong makita bago tayo maghiwalay. I want to see you happy. Kaya kita ilelet go ay para makita kang masaya.. So smile." Ngumiti ako. Ngumiti din siya.. Although as I said.. Hindi namin maitatago ang pain. Unti unti siyang lumayo sa akin. Tumalikod.. At naglakad papalayo. "I love you.. I'll guard you.. I'll protect you.. And that I promise. Maghihiwalay lang tayo physically, pero ang puso ko.. Dadalhin mo sa pagalis mo." Naglakad na siya papalayo. Hindi ko na naman napigilan ang luha ko. At napaupo na naman ako.. Sobrang hinang hina na ako. Lalo na at nakikita kong aalis na si Kean. Unti unti na siyang nawawala sa harapan ko.. Sa paningin ko.. "I love you Chanel. I love you Babe. I love you Baby. I love you wifey.. I love you.. Courtney." Unti unting nawawala sa paningin ko.. Hawak hawak ko lang ang box na may lamang singsing. Tumingin ako sa langit.. Ang langit na naging saksi ng aming mapait na paghihiwalay.. Pero naging saksi din ng pagmamahal sa akin ni Kean. "Will You Marry Me Courtney" Ang mga katagang naisulat sa langit. Mga katagang dapat ay nagpapaiyak sa akin sa ligaya.. Pero siyang dumurog sa puso ko dahil sa panghihinayang.. "Three words, Eight letters, That's what I feel for you. Don't you ever forget. I know.. Sometime.. Our lives will meet again. And that time.. Siguro.. Handa na tayong mahalin ang isa't isa." Iyak lang ako ng iyak. Yakap yakap ko ang box. Si Kean.. Nasa may stairs na.. Bababa na siya. "Bye Courtney. I love you. Forever." Nawala na siya. Umalis na siya. Di ko na siya makita. Ang lalaking.. Minahal.. Minamahal at alam kong kahit wala na ay mamahalin ko pa din.. "KEAAAAAAAN!" CHAPTER 59 CHANEL'S POV "CC! Are you ready?! You're so slow!" "Dui bu qi." Haaaay. Ngayon ang araw na aalis ako para sa pagmomodel namin ni CK. Iiwan niya muna ang ICL Koala. Pero susunod din sila pagkatapos nila ilabas ang album nila dito sa bansa. Mas malaki kasi ang opportunity ni CK sa pagmomodel eh. Pero susunod naman ang banda kaya makakasama ulit siya. "Handa ka na ba talaga? Ito ba talaga ang gusto mo?" "Oo. This is better for all of us." "KASALI AKO?" Sabay turo sa sarili niya at may pagpout pa na nalalaman! KULIT LANG! XD Inayos na namin ang bags. 3 hours before kailangan nasa airport na kami. 5 ang flight namin eh. Maya maya dumating na si JM. .Chanel, CK ready na ba kayo?: .AI AI MANAGER!. Samantalang ako nakatitig pa rin sa kawalan. Kaya kaya niya akong hinatayin? Kaya akong hintayin ni Kean? Sa pagbabalik ko? Kasi ako, hihintayin ko talaga siya. .Chanel? Gwaenchanayo?. Ako: Ano yun?. .Dapat nagaaral na ng Korean ah! Sabagay. Korean naman si CK. Matutulungan ka niya.. .Ako bahala sayo CC! ^_^V. Pagkatapos noon, nagkulitan na lang yung dalawa. Nakatitig lang ako sa phone ko. Naghihintay na baka may himalang dumating na tawag. Na baka bigla niya akong maalala ngayon. At tumawag. Kaso hindi niya alam na ngayon ang alis ko eh. Mga girls lang ang may alam na aalis ako eh. :( Katulad nina Calvin. Maghohome school na rin lang ako. Papasukin ko na ang mundo nila. Wala na sigurong atrasan ito? "Chanel! Hurry up! We're going." Nagsmile lang ako sakanya. Lahat ng ginagawa ko ngayon, puro weak actions. Simula noong, noong nagpropose si Kean. Hindi ko na kayang maging active. Tulad ng dati. Para bang may kulang na sa akin. Parang hindi na ako sasaya. Parang ako ang naghukay ng sarili kong libingan. Makalipas ang isang oras ng byahe. Nakatitig lang ako sa kawalan. SI Calvin kumakain. SI Manager nagdridrive. Opo. GENTLEMAN SI CK! Nakarating na kami sa may airport. Ang lamig. Nanaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Gagawin ko ba talaga ito? Dahil kapag pinasok ko ang mundong ginagalawan nila, mahirap ng lumabas. Pangarap ko naman yun, kaya okay lang siguro. Nag CR muna ako. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. PAPA! Bigyan mo naman ako ng sign oh. Tapos maya maya nagring yung phone ko. **GIAN CALLING Oh bakit naman kaya natawag si Gian sa akin ngayon? Hindi naman niya alam na paalis ako eh. Hmmm. "Hello? Gian? Why are you call--" "Chanel. Where are you?" "Amm, why? Medyo busy ako eh. May pupuntahan kasi ako eh." "So wala ka dito sa simbahan?" "Simbahan? Ano namang gagawin ko sa simbahan?!" "Huh? Hindi mo alam? Asa simbahan kaming lahat. NGAYON ANG KASAL NI KEAN!" Kasal? GIAN'S POV After ng lahat ng sacrifices ko to make Chanel happy with Kean malalaman ko na ikakasal si Kean kay Dara Koleen!? Ayokong magalit. Gusto ko lang isipin ang mararamdaman ni Chanel. Alam kong nasasaktan siya ngayon. At kung may tao na handang dumamay sa kanya ako yun. "Hello? Gian? Why are you call--" "Chanel. Where are you?" "Amm, why? Medyo busy ako eh. May pupuntahan kasi ako eh." "So wala ka dito sa simbahan?" "Simbahan? Ano namang gagawin ko sa simbahan?!" Hindi ba niya alam? "Huh? Hindi mo alam? Asa simbahan kaming lahat. NGAYON ANG KASAL NI KEAN!" Nanahimik ang kabilang linya, tapos biglang may narinig ako na boog, nabagsak ata ang phone niya kasi nagend yung linya. Sira kaya yung phone niya? Tsss. Tinawagan ko ulit. After ilang calls sinagot niya. "GIAN! I'M SORRY! Nasira yung phone ko, nagloloko siya eh. Sabihin mo agad please." "Andito kami sa church, ngayon ang kasal ni Dara and Kean. Where are you ba?" "I'm, here.. sa airport. :(" "Airport what are--WHERE ARE YOU GOING?! ARE YOU RUNNING AWAY?!" Hindi siya pwedeng umalis. Kung hindi niya kayang makita ang dalawa. Wag siyang umalis. "No. I'm going to Korea, I'm pursuing my modelling career." Model? Bata pa lang kami pangarap na niyang maging model eh. Pero.. Narinig ko yung kampana, nagsisimula na ang kasal. "CHANEL! Hindi mo ba pipigilan si KEAN?! Nagsisimula na ang kasal! punta ka dito." "Hello. Saanghwdoackl." "WHAT?" "I said sang chudjqkaskfx" "Hindi ko mainitindihan putol putol yun--" At naputol na nga yung linya. Tsk. Si Kean nasa may unahan. Hindi ako ang bestman kaya paano ko ito ssbhn sakanya?! Malamng hindi niya alam na paalis si Chanel. Teka. Sino ba ang bestman?! Teka. Wala?! Walang bestman?! Ano bang kasal to. Tiningnan ko si Kean. Parang bangag. Parang nakainom? Ewan ko. Ganun ang tingin ko. Tapos hindi man lang siya ngumingiti. Baka naman hindi niya rin gusto tong nangyayari. Ano bang nangyari sa dalawang ito. May parte sa akin na nagsasabing sabihin ko kay Kean ang pagalis ni Chanel para mapigilan siya. At may parte din na nagsasabing huwag ko ng sabihin, para matuloy ang kasal at mapasakin si Courtney. But how will I enjoy being with Chanel if ever. Kng sobrang lungkot nea kay Kean diba? :(
Download 3,73 Mb.

Do'stlaringiz bilan baham:
1   ...   27   28   29   30   31   32   33   34   35




Ma'lumotlar bazasi mualliflik huquqi bilan himoyalangan ©hozir.org 2024
ma'muriyatiga murojaat qiling

kiriting | ro'yxatdan o'tish
    Bosh sahifa
юртда тантана
Боғда битган
Бугун юртда
Эшитганлар жилманглар
Эшитмадим деманглар
битган бодомлар
Yangiariq tumani
qitish marakazi
Raqamli texnologiyalar
ilishida muhokamadan
tasdiqqa tavsiya
tavsiya etilgan
iqtisodiyot kafedrasi
steiermarkischen landesregierung
asarlaringizni yuboring
o'zingizning asarlaringizni
Iltimos faqat
faqat o'zingizning
steierm rkischen
landesregierung fachabteilung
rkischen landesregierung
hamshira loyihasi
loyihasi mavsum
faolyatining oqibatlari
asosiy adabiyotlar
fakulteti ahborot
ahborot havfsizligi
havfsizligi kafedrasi
fanidan bo’yicha
fakulteti iqtisodiyot
boshqaruv fakulteti
chiqarishda boshqaruv
ishlab chiqarishda
iqtisodiyot fakultet
multiservis tarmoqlari
fanidan asosiy
Uzbek fanidan
mavzulari potok
asosidagi multiservis
'aliyyil a'ziym
billahil 'aliyyil
illaa billahil
quvvata illaa
falah' deganida
Kompyuter savodxonligi
bo’yicha mustaqil
'alal falah'
Hayya 'alal
'alas soloh
Hayya 'alas
mavsum boyicha


yuklab olish