Kanina ko pa napapansin ang manong na medyo hilo sa tabi ko. Pareho kaming nag hihintay ng susunod na tren ng LRT. Papasok ako ng University. At dahil college week namin may karapatan akong mag pa-late.
Nilingon ko ulit ang mamang nasa tabi ko.
Hindi ko alam kung bakit pero pamilyar ang hitsura niya sa akin.
Disente naman siya. Naka-coat and tie pa nga. Pero siguro ang age niya nasa Mid Fortys
Nilapitan ko siya. "Sir, ayos lang po ba kayo?"
Ngumiti siya.
I think I know this Smile. And Eyes. Familiar talaga.
"I'm okay, miss. I think I will be---" pero napapikit siya sabay hawak sa sentido.
Inalalayan ko siyang makaupo sa isang bench na nakalaan para sa mga pasaherong nag hihintay. "Sir, may malapit pong hospital dito. If you're really not feeling well..."
Nakapikit lang siya. "Yes, miss. Please do so. I'm really having a hard time."
"Okay po. Teka, hihingi tayo ng tulong. Kaya niyo pa ho bang tumayo?"
No response. Nakapikit lang siya.
"Sir?"
Still.
"Sir...?" Pero wala pa din. Magaan ang loob ko sa kanya. I need to help him.
"Manong guard! May nag collapse ho dito!"
HOSPITAL NEAR STATION*
Sheiska
"Miss are you related to him?"
Umiling ako sa tanong ng doctor. "Tinulungan ko lang po siya."
Inabutan niya ako ng mga cards. "We saw this on his wallet. Tawagan mo ang relatives niya. Sila ang dapat kong makausap."
"Is he okay?"
"We're still not sure that's why we need to see his family."
Kinakabahan ako. Sana naman okay lang ang mamang iyon. Kahit hindi ko siya kakilala, magaan naman ang loob ko sa kanya.
"Can I see him?" tanong ko na tinanguan ng doctor.
Pagpasok ko sa loob, tulog ang lalaki. Parang nakita ko na talaga siya sa kung saan.
Tiningnan ko ang passport niya na hawak ko. FELIX LETOREZ RIVERA ang buong pangalan niya.
Rivera?
Kunsabagay. Maraming Rivera sa mundo.
Tiningnan ko pa ang iba niyang cards at papers.
It stated there that he is married to BEATRIZ RIVERA.
Now this what shocked me.
BENEFICIARIES:
1. ALECZANDER RIVERA
2. PATRICIA RIVERA
3. RAMELLA ELEA RIVERA
He is Zander's dad. And from what I remembered, Zander described him as his good for nothing dad. That's why he looks familiar.
Zander got his eyes and his smile from his own dad.
"You're Zander's dad..." mahinang sabi ko na hindi ko inaasahang maririnig niya.
"You know Aleczander?" mahinang sagot niya.
I was startled at first but I answered. "Opo."
He smiled. "You're his girlfriend, perhaps?"
"Sana nga--ay hindi! Hindi po pala. Kamukha niyo po talaga si Zander. Pramis!"
Huminga siya ng malalim. "So sinabi niya na ba sa'yo na meron siyang walang kuwentang ama?"
I was hurt. Cause he looked hurt too.
"He did but... he did not really ellaborate the details."
Nag-isip siya ng malalim pagkatapos tumingin sa akin. "I was an idiot. And a coward, and a good for nothing husband and dad. Masaya kami ng mommy niya at nila noon. But then things changed. Noong naging busy na ako sa trabaho, nakalimutan ko na sila. Na-attract ako sa aking secretary kaya lalo akong nakalimot."
Nag-iinit ang sulok ng mata ko habang pinapanuod ang pagkukuwento ng dad ni Zander.
Kaya pala ganoon si Zander.
He refused to believe in love because of what his dad did.
"Pero nung iniwan ko sila, na-realize ko rin agad na hindi ko pala kaya. I tried watching them on distance. Nakikita kong palaging umiiyak ang mommy nila. Si Alec, dahil siya ang panganay, siya ang sumasalo sa lahat. Eventually na-develop ang galit ng mga anak ko sa akin. Lalo na ni Zander. Itinatak nila sa isip nila na hindi na ako babalik."
Humikbi ako. Saka nagpunas ng luhang bigla nalang bumagsak sa mata ko.
"I tried talking to Zander. Kasi iniisip kong siya ang makakaintindi sa akin. Pero itinaboy niya ako at hindi man lang pinakiharapan ng maayos. But I do understand him."
Understand? Anong klaseng anak si Zander?! May karapatan man siyang magalit, anak lang siya. Kung wala ang tatay niya, wala siya.
"Hindi ko sila binalikan dahil ayokong masaktan ulit ang mommy nila. Ayokong masaktan ulit sila. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Oo, minsan akong nagkamali. Pero pinagsisihan ko iyon at lahat ng karma dinanas ko. Nakita ko naman silang masaya na. And I'm really proud of my son. Siya ang nag-dala ng lahat."
Nagtakip na ako ng bibig para mapigil ang hikbi ko. Bakit hindi kinukuwento sa akin ni Zander ang tungkol sa pamilya niya?
And he's dad. I understand him. Lahat ng tao nagkakamali.
If only Zander and his family would listen to him.
"Hindi ko naman sila iniwan eh. Nandito lang ak palagi. Hindi nga lang nagpapakita. Ayoko na kasing guluhin sila."
"Pero kung magpapaliwanag kayo sa kanila maiintindihan nila kayo!" sabi ko.
"Salamat nga pala, miss...?"
"Sheiska ho. Zander's friend."
"And look what my son found. He found you. I am really proud of him."
Sana nga ho ganoon na lang. Gusto kong sabihin. Pero kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Zander.
Sinagot niya naman. "Sheiska? Napatawag ka?"
God. I missed hearing his voice.
"Your dad. I'm with him in the hospital."
"My dad? Bakit? Paano mo siya nakilala?"
"He collapsed. Pumunta ka na dito."
Huminga si Zander ng malalim. "Sheiska imposibleng maging tatay ko 'yan dahil---"
"Felix Rivera. He's your dad."
Natahimik muna siya bago ako sagutin. "Umalis ka na diyan, Sheiska. Hayaan mo na siya---"
Asar na sinigawan ko siya. "Shut up, Aleczander! Wala akong paki maski galit ka pa sa kanya o kung nasusuklam ka pa! Pumunta ka dito! He's your dad for pete's sake! And you know what? You're the biggest jerk on planet earth and I hated you for that."
I turned off my phone.
"May problema ba kayo ng anak ko?" tanong ng dad niya.
"Wala ho. Ako ang may problema sa kanya. Pasensiya na kayo ha? Pero ang engot ng anak ninyo. Duwag pa. Nakakainis siya at ang sarap niyang itulak sa bangin."
"I agree. Cause he accepted the fact that you two are only friends. Bakit hindi ikaw ang piliin niya? Sayo ako boto. "
SABAY GANO'N?! taraaaaay!
Zander
I refused to tell mommy about dad being confined.
Baka mag-alala siya o kung ano pa ang mangyari.
Alam ko kasing kahit galit siya sa daddy ko, nandoon pa rin ang love niya.
And Sheiska... is she mad at me?
Pagdating ko sa hospital na itinuro ni Sheiska nagtanong ako sa nurse sa reception.
Dumiretso naman ako sa room na itinuro niya.
Nadatnan kong nakikipagkuwentuhan si Dad kay Sheiska.
Tuwing nakikita ko si Dad, hati ang nararamdaman ko.
Yes I do. I hate him. I hated him for leaving us alone, for making my mommy cry and miserable, for making my sisters suffer and for making me this.
And yet, I still love him. He's my dad, after all.
Kung wala siya, wala ako. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang tatay ko.
And I know that somehow, he loved us.
"So ikaw ba ang anak ni Felix Rivera?"
Napalingon ako sa nagtanong. It was a doctor.
"Yes."
"Then nasaan ang mommy mo? Siya ang dapat na makausap ko."
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang maaring sabihin niya.
At natatakot akong marinig na ang daddy ko....
"He has a brain tumor."
I went momentarily immobilized. Thinking. And worrying.
"Is my dad okay? Magagamot ho ba agad? Ano po bang kailangang gawin?" sunod-sunod na tanong ko.
The doctor sighed. "Okay. Your dad had this tumor on his brain. And we diagnosed na na-develop na siya sa cancer."
Cancer. May Cancer si dad.
Bigla akong nanghina. Nanglumo.
Whatever happens. We can't lose dad. Hindi siya puwedeng mawala nang hindi man lang sila nag kaka-ayos ni mommy.
"Magagamot pa naman if we try. That's a good news. But the bad thing is, he said he didn't want any therapy."
"Excuse me for a sec." paalam ko saka pumasok sa kwarto ni dad.
"Dad! What the heack are you thinking?" pambungad ko sa kanya.
Nagulat sila ni Sheiska.
My dad smiled, Sheiska stared at me.
Sus. Kung hindi ko lang sesrmunan ang tatay ko ngayon, kanina ko pa niyakap ang babaeng ito.
At bakit ang ganda niya ngayon lalo? Nakakaasar. Sana para sa akin ang kagandahan niya.
"Aleczander." sabi ni dad.
"Oo. Ngayon anong ayaw mong mag pagamot? Kami ang bahala sa gastos kung iyon ang---"
"Come on, Alec. I'm earning. Kaya ko ang sarili ko. I'm okay---"
"I hate you, dad."
Nakangiti pa rin si dad.
"I hate you beacuse you left us. At kung gusto mo ng mamatay bakit ipaaalam mo pa sa amin? Sa akin? Masasaktan na naman si mommy niyan. Masasaktan kami. Kung gusto mo na kaming iwan, wag ka ng magpaalam. Para hindi yung ganitong..." i broke. Bigla na lang akong naiyak.
And this was the second time I cried hard. First was because mom was miserable, and then this. Dad is almost dying.
Lumapit ako kay dad. Crying like a baby. "Dad, mag pagamot ka. Kaya pa naman di ba? Kayang-kaya mo, alam ko."
He laughed. "Ano ka ba naman, Aleczander? Okay na ako. Basta makita ko lang kayong lahat. Masaya na rin ako."
Eksaktong pagkasabi niya no'n, pumasok si mommy at ang mga kapatid ko.
Lahat sila naluha rin nang makita si dad. Four years na namin siyang hindi nakakasama.
At kung kelan naman okay na akong makasama ulit siya, saka...
Aish. Bahala na. Iiyak ako dahil ang tunay na lalaki, marunong magpakita ng kahinaan.
"Zander."
Nagpunas ako ng luha. "Sheiska."
Nginitian niya ako. "Forgiving someone who hurt you isn't so hard to do."
"Siguro dahil pinili ko nalang kalimutan ang mga ginawa niya---"
"There's no such thing as forgetting. Only acceptance."
I sighed. "Okay. Tanggap ko na na minsan siyang nagkamali."
Nakatingin lang kami sa isa't-isa. I want to hug her, to kiss her, to cuddle her in my arms forever.
"Can we talk outside?" yaya ko sa kanya.
She agreed.
Sheiska
Hindi talaga ako makahinga, deep inside. Parang nung nakaraan lang, mabaliw-baliw ako kakaisip sa unggoy na 'to, pagkatapos ngayon katabi ko na siya.
Lumambot naman ang puso ko nung makita ang mala-tele dramang scene niya at ng dad niya.
Grabe. Iba pa rin pala kapag live action.
"Masaya ako dahil kahit papaano, napatawad mo ang dad mo." sabi ko sa kanya.
"Umiyak ka ba, Sheiska?" medyo nakangiti niyang tanong.
Nye. May natira pa pala akong luha. Kasi naman. Ang hard ng drama kanina. Hindi ko keri!
"Mahina ang tolerance ko sa sakit eh. Nasaktan lang ako sa kwento ng buhay ninyo. Your dad hurted your mom, you hurted your dad. Hindi ko yata kaya ang ganoong sakit. Nakakatakot masaktan 'no?" I said.
Nawala yung ngiti niya. Siguro ini-internalize niyang mabuti ang sinabi ko.
Ayoko ng dead air. Sasabihin ko na.
Inhale, exhale.
"Zander!" napalakas ang sigaw ko kahit kaharap ko lang siya.
"Hmm?" mahinang sabi niya. Naiintindihan ko naman kung medyo nanlulumo siya. Pero wala na akong balak palipasin ang gusto kong sabihin.
Pagkatapos ng mahabang buntong-hininga.
Nagsalita na ako.
"Zander when you said na tatapusin na ang Operation London Bridge, nalungkot ako. Sobra. Yung mga sumunod na araw sobrang boring. Walang happiness. Sanay kasi ako na may gimmick tayo tuwing uwian. Na may gym, jogging at gala tayong dalawa. Akala ko nung una, nami-miss ko lang na kasama ka. Yun pala, ikaw na ang nami-miss ko. Tinanggap ko. Miss kita Zander. Miss na miss. Pero ang mas matinding na-realize ko,"
Pumikit ako at pilit na sinabi ang katagang tatlong salita lamang, walong letra pero ang lakas ng impact at napakahirap sabihin. "I love you. Mahal na pala kita. Ang galing no? Instant. Aba malay ko Zander. Wag mo akong taningin kung paano at bakit. Basta ang alam ko, i love you. Ayokong wala ka sa tabi ko. Period. No erase."
Pagdilat ko. Wala man lang variation ang malungkot niyang mukha.
Bakit ba?
Ayaw niya?
Pero matibay ako. Biniro ko pa siya. "Zander, walang hingahan ang pag-amin ko sa'yo tapos ang tagal ng response mo? Mabagal ba ang internet connection?"
"Sheiska I'm.."
"Sorry? SIge okay lang." nakangiti ako. Hindi ko alam kung paano kong kinakaya. Ah, oo nga pala. Theater actress ko noong high school.
Akalain mong magagamit ko pa pala 'yon hanggang ngayon.
"Pero hindi mo naiintindihan." sabi niya.
"Paano ko maiintindihan, Zander? Hindi ka naman nagsasalita diyan. Ano ba kasi? Kung ba-bastedin mo ako, sabihin mo na. Para hindi ako nagmumukhang ewan dito---"
"Sheiska I can't. I just can't." nakatingin siya ng diretso sa akin.
Ibig sabihin, seryoso. Totoo ang sinabi niya.
"You can't what? Adik ka ba Zander? Putol putol ang salita mo."
"Hindi ko kayang---"
"Tinagalog mo lang eh. Hindi mo kayang mahalin rin ako? Okay. Eh di tapos. Ikaw naman, yun lang ang sasabihin mo ang dami mo pang pa-suspense."
Hinawakan niya ang balikat ko. "Sheiska sorry."
"Sorry ka diyan. Bugbugin kita diyan eh. Pero okay lang ako 'no! At least nasabi ko na sa'yo. Ako kasi eh. Ang eng-eng ko. Sasabihin kong si Jiro ang gusto ko tapos sa'yo rin pala ako mahuhulog. Di mo nga lang ako sinalo."
"Sheiska..."
"Ngiti ka naman, Zander. Para kunwari, okay tayo. Kunwari masaya tayo. Dali na. Pabaon mo na sa akin bago ako umalis."
"Aalis ka?" gulat niyang tanong.
"Oo."
"Saan ka pupunta?"
"Kahit saan. Basta hindi kita makikita." nag walk out na ako.
Mission Accomplished.
"Sheiska---"
Nilingon ko siya. ''No more calling,Zander. Pahingahin mo muna ako mula sa pagkakabasted. ha? Puwede? Kung makikita mo ako, umiwas ka. Magpanggap kang hindi mo ako kilala."
"Hindi ko kaya." Narinig kong sabi niya.
Pinunasan ko ang luhang bigla nalang um-epal sa okay sanang drama ko. Buti na lang naka-talikod ako. "Kaya mo 'yan, Zander! Nabasted mo nga ako eh. Joke! Sige. Bye."
Nag peace sign ako habang nakatalikod.
So ayun. Mukhang eto na ang ending ng aming kuwento.
Ang saklap naman. Umamin ka na nga ng buong giting, pero isang sorry lang ang natanggap mo bilang sagot.
What's the matter with gravity? Why won't it make you fall for me?
----------------------------
Sheiska
"Fontalla, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka namin maasahan sa 1st half ah."
Tinungga ko muna ang tubig bago sumagot. "Sorry coach. Babawi ako dito sa second half. Promise yan coach."
"Distracted ka ba?"
"Medyo. Pero kaya ko coach. 1-1 pa naman tayo."
Friendly match ng Football sa university. Kalaban namin ang isa pang prestigous na school.
I'm the best striker.
Pero wala talaga akong swerte ngayon dahil lumipas ang first half nang hindi man lang ako nakaka-goal.
At sinong may kasalanan?
Nilingon ko ang pwesto ng apat na kolokoy.Tapos tinitigan ko ang nag-iisang lalaking dahilan ng kabadtripan ko sa mundo.
BODOFAIL BOYS
"Itaas niyo na kasi yang banner!" utos ni Jiro.
"Teka, lalagyan ko lang ng puso. Saglit!" sagot ni Klent.
"Okay na? Tara! Let's cheer our bebegerl!" sabi naman ni Marx.
Pinagkakaguluhan nila ang DIY banner nila para kay Sheiska.
It stated there: GO #13 SHEISKA FONTALLA! MARX, KLENT AND JIRO LOVES YOU ♥ xoxoxoxo
"Paano naman ako? Hindi niyo ba ako isasali diyan?" tanong ko.
"Wag ka na. Itinatakwil namin ang mga nagpapaiyak sa babae." sagot ni Marx.
Hindi tuloy ako nakabawi.
Nanahimik nalang ako at hinayaan sila sa munting kasiyahan nila.
I looked at Sheiska's way.
I effin miss her so bad.
Oo, kasalanan ko naman kung bakit siya lumayo. Pero kahit na.
I miss her still. And I love her still.
Pagkalipas ng 2nd half, nabigyan sila Sheiska ng penalty kick.
And I wasn't surprised na siya ang pinakuha.
I am such an idiot. Of the highest order. I hate this feeling!
Hanggang kailan niya ba ako iiwasan?
Tuwing nagkakasalubong kami, ni hindi niya nga ako pinapansin. And yes, it's killing me.
Especially now that I realized... I can't just let her go.
Nagulat ako noong sumigaw si Klent. "Sheiska, kapag nanalo kayo, tutulangan ka naming ipa-salvage si Zander!"
"Oo nga, Sheiska! Mayaman ako kung kailangan mo ng financer!" si Jiro.
"May kakilala kaming mangkukulam! Isusumpa natin siya forever!" Si Marx.
Tumingin sa akin si Sheiska bago sipain ang bola.
It's a Goal.
So, she really wanted to get rid of me?
Sheiska
"Congraaaaaaaaaats! I'm a proud fangirl." yakap ni Tin ang sumalubong sa akin. Katatapos ko lang pagkaguluhan ng team mates ko, tapos ngayon si Tin naman.
"Amoy pawis ako, bakla." biro ko.
"Who cares? I love you, friend!"
Sasagot sana ako. Kaya lang nakita ko sila Jiro na hatak si Zander. Papalapit sa akin.
"You okay?" napansin naman ni Tin ang pagbabago ko ng mood.
"Oo naman."
"Sinungaling. Si Zander ba?"
Umiling ako. "Hindi ah! Sino namang maysabi na si Zander ang ipinuputok ng buche ko?"
"Eh di ang boss kong dracula. At chismoso. Si Ken Laurence Young."
Hindi ako sumagot. Nagpagpag ako ng dumi sa braso at tuhod.
"Bakit ka ba umiiwas? Lalo kang mahihirapan niyan---"
"Hindi ko na nga siya mahal!"
"O, chillax, wala akong sinabing mahal mo siya---"
"Sinabi mo na."
Tin smiled. Then hugged me. Bigla tuloy akong naiyak. Nagsabay-sabay lang talaga siguro ang emosyon ko.
Bakit ba ganoon? Ang tao, walang kontrol sa emosyon niya? Yung kahit pigilan mo ng bongga, mangungulit pa rin.
Parang ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko kay Zander.
Nakakabwisit.
"Yan. Sa wakas, nakita na rin kitang ma-broken hearted, friend!" tumatawang sabi ni Tin.
Kinagat ko ang balikat niya. "I'm serious."
"Oo na, bruha---"
"Hi Sheiska!" sabay-sabay na bati ng tatlo.
"Hi rin." sabi ko. Poker face, emotionless.
"Manlibre ka naman! Naka-goal ka eh." si Jiro.
"Ikaw na, Sheiska! Pramis! Love na kita!" si Marx.
"Idol na kita, grabeeee!" si Charlene o Challie o Charles oCha iyon. Ewan ko sa babaeng 'to. Ang ganda-ganda, kung pumorma, panglalaki naman.
Paraan niya ba ito para makaiwas sa pagiging heartbroken?
Kung magpanggap na lang rin kaya akong tomboy?
"Congratulations, gusto mo ng kiss?" alok ni Klent.
"No thanks." sagot ko.
"Boom! Basag ka ro'n, Klent!" tumatawang kantiyaw ni Marx.
"Hindi mahilig sa Kpop si Sheiska." banat ni Jiro.
Natawa ako sa pag-uusap nilang tatlo.
Wala si Zander. Nagtatago siguro.
Siyempre, alam niyang hindi ko siya gustong makita.
Mas okay naman 'yon. Nasasaktan lang ako tuwing nakikita ko siya at maalala na hindi niya ako kayang mahalin.
Ano bang mas magaan sa loob?
Ang sabihin sa'yo ng mahal mo na hindi ka niya mahal, o hindi ka niya KAYANG mahalin?
Yung huli siguro.
"Sheiska."Speaking of the devil, si Zander iyon. Nasa likod ko.
Nawala tuloy ang ngiti ko. "Tin, let's go. Di ba, ililibre kita?"
"Talaga----"
"Alam kong galit ka. Pero makinig ka naman sa akin. Please, Sheiska?" he pleaded.
Hindi ko pa rin siya hinarap."O sige. Go. Magsalita ka. Ikaw ang bahala."
"Hindi mo ako haharapin?"
Hinarap ko siya. Medyo haggard ang hitsura niya. Parang kulang sa tulog, kulang sa kain, kulang sa lahat.
I wanted to scold him. Pabayaan niya ang sarili niya, sige. Pero huwag niya ng ipakita sa akin. Kasi iniisip ko na hindi niya rin kayang wala ako sa tabi niya. Iniisip kong nasasaktan din siya.
At ayoko ng mag assume ng isa pang beses.
Pagod na ako eh. Kayo ba hindi pa?
"Magsalita ka na, Zander. Kami naman, nandito lang kami para kay Sheiska."
Pinaypayan ako ni Marx gamit ang tracing paper niya.
Si Jiro humawak sa likod ko.
Si Klent, minasahe naman ang balikat ko.
I held my breath. My gulay. Gwapo rin ang rugged na Zander. Grrrr!
Pero kahit na. Sinaktan pa rin niya ako.
"Go ahead, Zander."
ZANDER
"The first time I saw you, I felt this alien feeling. Alien because it's different. It is foreign. At hindi ko gustong alamin kung ano iyon. Then I choose to ignore it. To forget about it. Pero pag kasama kita, wala rin. Talagang nangungulit ang alien na iyon eh----"
"BOOO!"
Hindi ko pinansin ang kantiyaw ni Marx.
"I kissed you right? Noong una palang. Tapos nasundan, nasundan.. at nasundan---"
"Legend ka pare!"
"Will you shut up, Klent? Nag co-confess ako!"
"Sowi naman po---"
"Sheiska! Sa tingin mo ba basta nalang ako magpapauto? Na papayag lang ako bilang isang coach ng babaeng love struck sa kaibigan ko? Hindi ako gano'n! Pero pumayag ako di ba? Bakit? Noong una ewan ko rin. Baka trip ko lang. Bored ako. Pero hindi pala. Kaya ako pumayag kasi alam kong yon lang ang paraan para makasama kita ng matagal. At para mapalapit ako sa'yo."
Medyo nagulat si Sheiska. But she remained silent.
"Naalala mo pa yung pick up ko sayo? Na hindi mo pa ako binabato, tinamaan na ako? Totoo 'yon. Ako si Zander, mahilig sa magandang babae? Hindi na. Mahilig sa seksi? Hindi na. Wala na kasing ibang babaeng seksi at maganda sa paningin ko kundi ikaw na lang. Kelan ko 'yon na-realize? Noong nakita kita. Patola ba? Maniwala ka nalang."
Nakita kong napapangisi sila Jiro. Pero nagpipigil.
"Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagka-ayos ni dad, ikaw ang dahilan kung bakit ngumingiti ako, tumatawa at alam mo ba, ikaw rin ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I pretended to make things work for you and Jiro. Pero Sheiska, wala akong ginawa. Sorry dahil doon. Gusto kitang makasama eh."
Ngumuso si Marx. "Aaaawww----"
"Oo, natakot ako. Natakot akong magmahal kasi takot akong masaktan. Ayoko ring makasakit. Sheiska, noong nakaraan lang nalaman ko na ang makulit na alien dito sa puso ko. It is love."
Bumanat pa ako ng pahabol. "I am inlove with you Sheiska. Nanginginig at kinikilig pa."
Patlang. Tapos biglang nag-react ang tatlo.
Do'stlaringiz bilan baham: |